logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

"CHEERS!" Kanina pa ako naiilang dahil 'di ko sila maintindihan at hindi lang 'yon! Kanina pa nakatingin sa akin si Hezekiah kaya bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Hey, brother, baka matunaw si Sia n'yan." Nanlaki ang mga mata ko nang magsalita ng tagalog ang isa sa mga kapatid ni Hezekiah. They are five, 3 boys and 2 girls. Isang lalaki, at siya ang panganay sa kanila ang nagsalita.
"What?" Takang tanong ni Hezekiah. Hindi niya naintindihan ang sinabi n'yon. Anong ba'ng pangalan nila? Nilang magkakapatid.
"Nothing hahahaha!" Sabi niya sabay tawa. Ang ganda niyang tumawa~ kaya naman napatulala ako sa kaniya. Yung singkit niyang mga mata. Yung himig ng tawa niya. Yung—
"Stop laughing!" Sita ni Hezekiah sa kuya nito. Napairap uli ako dahil panira na naman siya ng moment! Epal! Hmp! Sumbong ko siya kay maddy, eh!
"Hahaha," bumaling siya sa akin dahilan para magulat ako. "My name is Hades, half Filipino." Nakangiting pakilala niya at inabot pa ang kamay.
Inabot ko rin ang kamay ko at nagpakilala. Kung pwede lang na siya yung pakasalan ko! Hays! Pwede naman sigurong siya? Kaso—hays.
"Hey! Stop!" Hindi ko namalayan na kanina pa pala kami nagsh-shakehands, sinita lang kami ni Hezekiah na sinamaan ko ng tingin.
"Tsh." Napalingon ako sa babaeng matalim na nakatingin sa akin, sa tingin ko mas bata siya sa akin pero ang taray niya. Kapatid siya nila Hezekiah.
NAPAG-USAPAN ng lahat na sa april 20 ang kasal namin ni Hezekiah, muntik pa nga ako masuka sa sinabi nilang kasal. Kadiri.
April 17 na ngayon at meron'g tatlong araw para paghandaan ito kaya naman sabi nila na stay at home raw muna ako. Tss. Susukatan lang daw ako at manatili na sa bahay.
This time raw, gagawin nilang filipino culture ang wedding since half Filipino silang lahat.
Habang nagsusukat bigla akong napatingin kay Hezekiah na nakatitig pala sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko at samaan siya ng tingin na nginisian niya lang. Yuck.
Inangat ko ang kamay ko at pinakyuhan siya. Tangina niya, nakakairita yan. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya nanlalaki na ngayon ang mga mata niya.
"Hahaha!" narinig ko ang mga tawa galing sa mga sumusukat sa akin dahilan para samaan ko sila ng tingin.
Ang sungit ko ngayon ah? Well, dahil lang naman kay Hezekiah 'yon. Aish.
Bakit ba kasi siya pa ang papakasalan ko?! Pero hindi naman ako maarte ha? Sadyang ayoko lang siya, oo! May hitsura siya! At oo! Mayaman siya. Pero wala akong pake roon.
Aish. Paano ba 'to?!
Tsaka SABI NILA RITO KAMI SA PILIPINAS MAGPAPAKASAL! Ay Hindi pala sila! Si Hezekiah nagsabi niyon! At hindi ko alam kung bakit.
Bahala sila sa buhay nila basta magdi-divorce naman kami ni Hezekiah kaya so what?
Pagkatapos ako sukatan ay pinasakay na agad ako sa loob ng kotse, hindi raw dapat kami makita. Ang tatanga lang, bakit hindi pa sa bahay nagpasukat? May pera naman yang MAPAPANGASAWA ko.
At gaya ng inaasahan ko, magkasunod lang kami natapos kaya naman natatanaw ko na siya rito sa bintana na masama ang tingin.
Hanggang sa makapasok siya ng kotse, nakatingin pa rin ako ng masama na tinawanan niya lang.
May driver kami na binata, oo. Binata. May hitsura ito katulad nila Hezekiah pero nagtatrabaho siya dahil sa pamilya niya.
Magkatabi kami ngayon ni Hezekiah dito sa back seat, masama pa rin ang tingin ko sa kaniya. Siya naman ay tawa nang tawa, hmp! Bahala na nga siya!
Kinuha ko ang selpon ko sa bag kong weekender.
Pumunta ako sa facebook at naghanap ng mapapanood at masha-shared post para hindi ko maramdaman ang presensiya ni Hezekiah.
Habang nags-scroll ako sa facebook, lagi kong nakikita ang video na nabato ko kay Hezekiah ang selpon ko. Nakakahiya! Viral tuloy! Huhuhu.
Makikita rin ang ilan sa mga pictures ang engagement party namin ni Hezekiah, kalat na kalat sa buong mundo!
Bwisit. Hays! Huhu.
Kaya pinatay ko na lang ang selpon ko at naghanap ng magandang music. Kung ano-ano na lang ang pinindot ko dahil lahat ng nasa selpon ko ay puro paborito ko.
Kaya pinindot ko ang nangunguna sa mga favorites at pinatugtog iyon. Sinabayan ko pa sa kanta ang musika, wala akong pake kung marinig nila Hezekiah ang pinapatugtog ko.
"So, you're listening to my music?" Napatingin ako kay Hezekiah.
"Huh?"
"You're listening to my music." Napatingin naman ako sa selpon ko.
"Sayo 'to? Yung Gravity?" Takang tanong ko, duh? Iniinis niya na naman ako! Feelingero, eh hindi naman 'to sa kaniya.
"Huh? I cannot understand you. Lorton, what did she say?" Takang tanong ni Hezekiah sa driver.
Akala siguro kapag nag-ingles ako magsisinungaling ako, luh? Hindi kaya!
"She said, it's yours?! The song Gravity?" Hindi ko alam kung ako lang ba yon? Feeling ko mali si Kuya Lorton sa pag-iingles. Hmp! Bahala sila! Tsaka, muntik pa akong matawa kay kuya Lorton kasi tinulad niya ang tono ng pananalita ko.
"Oh, yes. It's really mine, the Rare love, Feeling your kisses and the Moon Gun is also my songs." Na-amaze ako pero hindi ko pinahalata, Joke lang, hindi ko lang naintindihan.
"Ano raw Kuya Lorton?" Tanong ko kay Kuya.
"Hahaha, sabi niya oo raw, totoong sa kaniya yon. Pati raw ang rare love, feeling your kisses at yung moon gun." Ah, yon pala yon! Napatango-tango na lang ako pero hindi ko maiwasang mamangha.
Ang galing! Mga pinapatugtog ko kasi yan lagi, pero hindi ko naman nahalata sa boses.
Hmp! Anong pake ko? Tss, kahit na hindi ko maintindihan ang sinasabi sa kanta, kinakanta ko pa rin. Ang ganda kasi ng tono. Basta! Wala akong alam sa mga kanta pero kapag napakinggan ko nang maganda, e'di maganda na sa pandinig ko.
Tinigil ko ang music at dinelete ito kahit na labag sa loob ko. I-download ko na lang uli mamaya kapag wala na si Hezekiah sa harap ko. Huhu.
"WHY DID YOU—" nagulat ako nang saktong pagka-delete ko ay sumigaw si Hezekiah sa gilid.
Dapat pala inexpect ko na 'to. "Hahahahahahahahahaha!" Tumawa lang ako ng malakas dahil sa sigaw at hitsura niya.
Pulang-pula kasi ang mukha niya tila ba nabatuhan ng maraming kamatis. HAHAHAHA at saka yung hitsura niya noong sumigaw siya!
Grabe! Epic! Amp. HAHAHAHAHAHA!
"Why the hell are you laughing?!" Sigaw niya pero dahil hindi ko naintindihan, tumawa ako nang tumawa.
Napansin kong tumigil na si Hezekiah sa kakasigaw dahil nakatulala na siya sa akin.
Joke lang.
Yuck! Nakatingin lang siya sa akin! Hindi nakatulala.
Nakatingin siya ng seryoso, "uh. eh. s-sorry?" Sorry ba or thank you? Tsh! HAYS! bahala siya sa buhay niya!
"You're stupid." Nagtataka kong tinignan si Hezekiah na kanina pa nakatingin sa akin nang sinabi ko ang sorry.
"Kuya," sinensyasan ko si Kuya na itagalog niya.
"Tanga ka raw." Natapatingin ako kay Hezekiah nang sabihin iyon ni Kuya Lorton.
"You are the one who's stupid!" Napatingin sa akin si Kuya Lorton. Gulat ang mukha niya, habang si Hezekiah naman ay nakangisi.
Pinupuno ako ng lalaking 'to, nakakabwisit. Ngayon lang ako nagalit ng ganito. Sinabihan ba naman akong stupid?! Uhm, oo! Lahat sinasabi yon! Pero iba pakiramdam ko sa kaniya kapag sasabihin niya yon. Parang sinaksak ako ng milyong karayom.
"Hmm, I see." Pigil na tawang aniya. Hindi ko alam pero bigla akong napaluha sa ginawa niyang aksyon.
Mukhang nagulat siya dahil bigla akong lumuha, bigla kasing naging maamo ang mukha niya.
"So-sorry." Paghihingi niya ng tawad na parang unang beses niya pa lang manghingi ng paumanhin sa isang tao.
Lumapit siya sa akin, pinunasan niya ang mga luha ko na nagsisitulo.
"Ba-bakit mo kasi ako sinabihan ng tanga?! Tangina mo." Sabi ko sa kaniya kahit na alam kong hindi niya maiintindihan. Sinadya ko iyon. "Kuya, wag mong iingles." Sabi ko dahilan para tumango siya.
Nang-iinis siya eh, hindi ako tanga. Huhuhu. Kung tanga 'man ako, bakit?! HUHUHU.
Bahala sila r'yan basta wala na akong pake sa kanila, tumalikod ako kay Hezekiah at humarap sa bintana.
"Lorton, pakibilisan. Salamat." Walang emosyon na sabi ko kahit sa loob ko ay masakit. Bakit kasi?! Huhuhu.
"Sige, miss." Alam kong nakakunot ang noo ni Hezekiah dahil hindi niya kami maintindihan.
"Hey! What did she said?!" Tsaka lang siya nagtanong nang matapos na namin ni Lorton na mag-usap.
"She said, Please hurry up." Bahala silang dalawang mag-usap diyan. Anong pake ko sa kanila.
Ma-nosebleed pa ko! Tss!
Nakarating kami sa bahay KO, kaya dali-dali akong bumaba at pumasok sa loob. Hindi ko alintana ang mga kapitbahay namin'g epal na mga tsismosa.
Nandito ba naman sa tapat ng gate nag-uusap, tss! Mga tsismosa!
"Hey, wait!" sigaw ni Hezekiah sa likod. Hindi ko na siya tinignan dahil ayoko. Bakit ba? Trip ko lang. Duh.
"I SAID WAIT." Naririnig kong tumitili ang mga nasa paligid ko dahilan para tignan ko sila ng masasama na sinuklian din nila ng masasamang tingin.
"Feeling, tsh," sekreto akong napamura.
Huminto ako sa paglalakad at napabuntong-hininga, tsaka siya hinarap.
"What do you want?" Mabibigat ang mga hininga ang binuga ko.
"We'll be sleeping together, that was my father said." Napasinghap ako ganoon din ang mga tsismosa na nakapaligid.
"WHAT?!" Napakagat labi na lang ako at pinatuloy siya sa bahay. Wala akong pakelan kung makalat ang bahay namin.
"Where are we going to sleep?" I asked him.
"At my condo," Inirapan ko na lang siya at umupo muna saglit sa sofa at nagpahinga.
"Hey, start packing your things." Kita niyo naaaaa!
Sekreto ko siya minura at inirapan. Pasalamat siya, pasalamat talaga siya! HAYS.
"SO this is your condo?" Kanina pa ako hinihikab dahil ang layo ng byahe namin.
"Yeah, come in." Pinaiwan niya ang body guard niya sa labas at pinapasok ako. Ang laki naman? Eh, 'di ba iisa niya rito?
"Woah," Nasabi ko ba lang habang ginagala ang tingin ko.
"By the way, have you eaten?" Napataas ako ng gilid ng labi bang sabihin niya iyon.
"Tsh! Are you thinking?" Masama ko siyang tinignan.
Ngumisi lang siya at umupo sa sofa, "then cook for us," nanggigigil akong tumingin sa kaniya.
"I DON'T KNOW HOW TO COOK." sabi ko kahit nakakahiyang sabihin.
"So you're a spoiled brat?" Napakunot ang noo ko at napakuyom ang kamao.
"My dad is always cooking for me," Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit na sumosobra na siya.
"Oh? Really?" Feeling ko sarkastiko ang sinabi niyang salita.
"Yeah! That's why cook for us!" Napuno na ako kaya it's time to end this war.
Humiga ako sa sofa niya at ipinatong ang paa sa kaniya since nakaupo naman siya sa sofa.
"He-hey!" Ngumisi na lang ako at pinikit ang mga mata ko.
"Wake me up when you're done cooking!" Masama ang tingin niya bago ko ipikit ang mga mata ko para matulog dahil pagod ako sa byahe.
"WAKE up, the food is here." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha niya.
"Pota—" agad kong inayos ang sarili ko at inirapan siya. "Where?" Seryosong tanong ko.
"There." Akala ko iniluto niya pero galing sa restaurant dahil sa supot nito.
"You don't know how to cook too?" Nakangising tanong ko habang inaayos ang mga pagkain namin.
"Tss," Inirapan niya rin ako pero mas inirapan ko siya.
"We have a concert in London next month." Share niya lang. Just kidding.
"Ah? And so?" Kunwaring hindi interesadong sabi ko.
"You need to come with your friends." Tumango na lang ako dahil gusto ko rin. London na iyon eh. Pero syempre, kailangan kong humindi para hindi ako pupunta. Nakakatamad kaya.
"I'm a student." Sagot ko naman sa kaniya na ikinataas ng isa niyang kilay.
"So? I already said to your professor to excuse you for a while." Napalingon agad ako sa sinabi niya. Ako naman ang nakataas ang isang kilay ngayon.
"Alright." Kunwaring napipilitan na sabi ko nalang habang nagsisimula nang kumain ng inorder niya.
Ikakasal na kami, kaya kailangan ko nang maging komportable sa kaniya at matutong magsalita ng ingles kahit na hindi ako galit. Ang hirap kayaaa! WAAAA.

Book Comment (19)

  • avatar
    Nishita Koriomite

    🙏🏼🙏🏼

    30/06

      0
  • avatar
    DaenAntonio

    nice story

    18/06

      0
  • avatar
    Adamian Adamian

    hi njs

    29/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters