logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Anong sabi niya? Hindi pang-karaniwang tao? At ano pa raw iyon? Ako ang magdadala sa amin sa dahilan kung bakit umuulan habang umaaraw? E hindi ko nga alam kung saan kami pupunta.
Muntik na akong matawa kung hindi ko lang nakikita ang seryoso niyang mukha at ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nakalahad pa rin sa akin ang kamay niya, naghihintay ng aking pasya.
"Ulan," sambit niya nang hindi na ako kumikibo. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko kasi parang hindi naman siya nagbibiro. Wala sa hitsura niya ang nagbibiro. Bigla akong nagduda sa sarili ko. "May isang bagay na kailangan mong pagpasyahan ngayon."
Napalunok ako at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba.
"Nais mo bang makita ang dahilan ng ulang ito o hahayaan na muna kita sa iyong mga isinasaisip?"
Mabilis akong napakurap at napaawang ang bibig. gusto kong sumagot kaso anong isasagot ko? "Ah... ano... g-gusto ko munang makita ang dahilan ng ulang 'to," naisagot ko kaya bahagya siyang tumango tapos tiningnan ang palad niya, wari'y sinasabing hawakan ko na iyon kaya iyon ang ginawa ko.
Bahala na talaga.
Tulad nang dati, mukha na naman kaming tubig na nalusaw at biglang sumulpot sa gitna ng kakahuyan at ang tinatapakan namin ay puno ng pinaghalong tuyo at sariwang dahon. Hindi ko na nga makita ang lupa, e. Basa ang mga dahon sa paligid.
Tuloy pa rin ang pagbuhos ng mahinang ulan sa paligid namin kaya medyo nababasa na ako. Pati tubig na nanggagaling sa mga dahon ng puno ay sa amin din bumabagsak kaya nag-aalala akoβ€”baka mabasa ang suot kong damit.
"Hindi ako p'wedeng mabasa. May trabaho pa akong babalikan," sabi ko sa lalaking kasama ko kaya tumango lang siya tapos agad niyang iginala ang tingin niya sa paligid, parang may hinahanap.
"Sandali lamang," mahinang wika niya tapos nagsimula na siyang maglakad papalayo sa akin. Gusto ko sanang sumunod kasi natatakot akong mag-isa rito kaso ang bilis niyang maglakad. Ayoko ring isipin niyang takot ako.
Muli kong iginala ang tingin ko. Puro kakahuyan ang nakikita ko rito. Nangangamba ako na baka may ahas sa paligid. Kapansin-pansin din na kahit may araw pa ay may nakikita na akong mga alitaptap sa paligid. Napaawang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Ang ganda nila. Para silang nagpaparty at sumasayaw sa ere.
Natigil ang pagkamangha ko nang may humarang na malaking dahon sa paningin ko tapos nakita ko ang kakaibang nilalang na hawak ang tangkay ng malaking dahon na ito. "Magagamit mo ito upang masilungan," wika niya abay abot sa akin ng malaking tangkay ng dahon.
Hindi ako makapaniwala sa pinagagawa niya and at the same time, nakakaamaze kasi gagawin kong payong ang malaking dahon na ito. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Huwag kang maingay," mahinang wika niya kaya tumango lang ako at saka itinikom ang bibig. Sanay naman akong tumahimik. Sadyang marami lang akong gustong sabihin ngayon dahil sa mga nangyayari sa akin. "Sundan mo ako, Ulan," bulong niya pa sabay talikod tapos nagsimula na namang maglakad. Agad ko naman siyang sinundan pero mabilis din kaming tumigil at nagtago sa likuran ng katawan ng puno.
Napakapit ako sa damit niya nang muntik na akong matumba dahil napatapak ako sa malaking ugat ng punong pinagtataguan namin. Nanlaki ang mga mata ko kasi hindi na ako tumatagos sa kanya samantalang noong unang tangka kong paghawak sa kanya, naging tubig siya.
"Tingnan mo sila," mahinang wika niya nang hindi ako tinitingnan. Sinundan ko ang tinitingnan niya at halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang mga ito. Ang daming alitaptap sa paligid nila at ang tubig ulan na patuloy sa pagpatak ay parang kumikislap pa.
Wow! Napakamagical!
"Totoo ba 'to?" mahinang sambit ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. Ni hindi ko na nga maikurap ang mga mata ko.
"Oo, Ulan," mahinang sagot niya.
Nasasaksihan lang naman namin ang dalawang tikbalang na ikinakasal dito at nasa harapan sila ng napakalaking puno ng balete. Ang tangkad nila at ang laki ng ulo nila. Para silang kabayo sa pang-itaas na parte ng katawan at ang ibabang bahagi ng katawan nila ay katawang tao pero iyong sa mga kamay nila, mahahaba ang mga kuko nila. Mahahaba rin ang balahibo nila.
Nakakatakot...
Humigpit ang hawak ko sa damit ng kakaibang nilalang na ito. Gusto ko ng umalis kasi natatakot na talaga ako. Mas gusto ko pa naman ang mukha ng katabi ko kaysa sa dalawang iyon. Dati, naririnig ko lang sila sa mga kuwentong bayan tapos bigla ko silang makikita nang ganito kalapit?
Naaamoy ko rin sila. Hindi maganda ang amoy.
"Ulan," sambit ng kakaibang nilalang kaya napatingin ako sa kanya. "Namumutla ka. Ayos ka lamang ba?"
Napalunok ako. So kanina niya pa pala ako tinitingnan. "G-gusto ko ng umalis," sagot ko kaya tumango siya nang hindi inaalis sa akin ang mga nag-aalala niyang tingin. Mukhang mas kinakabahan siya para sa akin kumpara sa dalawang tikbalang sa harapan namin.
"Hawakan---" hindi niya na natapos pa ang sinasabi niya kasi biglang may tumalon sa harapan namin. Napasigaw ako nang malakas nang makita iyong mas malaking tikbalang sa harapan ko. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Basta ungol lang siya nang ungol na parang galit na kabayo tapos nakatingkayad pa siya. Nanlilisik ang mga mata niya.
Agad kong hinawakan ang kamay ng kakaibang lalaking kasama ko. "Please, umalis na tayo. Umalis na tayo," mabilis na wika ko habang pinipisil ang kamay niya pero hindi kami makaalis. Nasaan ba ang button paalis dito? Gusto ko nang umuwi!
Lalo akong napasigaw nang hawakan ako ng tikbalang tapos binuhat niya ako na parang isa akong sako ng bigas. Isinakbit niya ako sa mabalahibo niyang balikat habang patuloy pa rin ako sa pagsigaw at paghingi ng tulong.
"Hoy!" sigaw ko sa kakaibang lalaki na nakasunod lang sa amin at sa unahan niya ay ang babaeng tikbalang na parang galit na galit din sa akin. Siguro kasi naistorbo ko iyong kasal nila. "Tulungan mo ako!" utos ko sa kakaibang nilalang.
"Itatakas kita oras na bitawan ka niya," mahinahong wika niya. Parang hindi siya natatakot sa buhay ko, ah!
"Tulungan mo ak---" hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi bigla akong pinalo sa pwet ng tikbalang na ito tapos umungol na naman siya na hindi ko naman naiintindihan. Sinasaway niya ba ako?
"Tila ayaw niya sa maingay," walang emosyong wika ng kakaibang nilalang kaya napaawang ang bibig ko. "Magpakabait ka muna upang hindi ka niya saktan."
Sumimangot ako sa kanya dahilan para iwasan niya ako ng tingin. Kainis. Hindi na talaga ako sasama sa kanya.
Nagpatuloy sa paglalakad ang tikbalang hanggang sa bigla itong tumakbo nang mabilis. Nanlaki ang mga mata ko kasi naiwan iyong kakaibang nilalang. Ang bilis kasi ng pangyayari. Sa sobrang gulat ko, hindi ko namalayan na nakagapos na ako sa puno. Tumila na rin ang ulan.
"Hala," sambit ko.
Paano ako uuwi nito? May araw pa naman pero mukhang malapit nang magtakipsilim. Hindi ako p'wedeng abutin dito ng gabi. Baka kaya tumigil ang ulan dahil sa tumigil din ang kasal ng dalawang tikbalang. Pero nasaan na ba sila? Hindi ko na sila makita. Iginapos lang ako rito nung lalaking tikbalang tapos umalis na sila. Pero kakahuyan pa rin ang nasa paligid ko.
Pinilit kong makatakas pero sobrang higpit ng baging na nakatali sa akin. Siguradong magkakasugat ang braso at mga kamay ko nito. Pati na rin ang paanan ko.
Nagsimula na naman akong kabahan nang makita ko iyong dalawang tikbalang na naglalakad palapit sa akin. May isuusal na naman sila na hindi ko maintindihan. Malamang, hindi ako tikbalang, e.
"Hoy!" tawag ko sa kanila at patuloy pa rin sila sa paglalakad. "Pasenya na," mahinang wika ko sabay iwas ng tingin sa kanila. Sana naiintindihan nila ako. Baka p'wede ko naman silang mapakiusapan. "Hindi ko sinasadyang sumilip sa kasal ninyo. Hindi ko naman talaga kayo aawatin. Naligaw lang ako rito," dugtong ko sabay sulyap sa kanila pero mukhang hindi nila ako naiintindihan kasi busy na silang magsibak ng kahoy. Para saan iyon? Gagawa ba sila ng bonfire? "P-puwede niyo pa namang ipagpatuloy ang kasal niyo," kinakabahang wika ko dahilan para mapalingon sila sa akin.
Nanlaki na naman ang mata ko. So naiintindihan nila ako?
"K-kasi... wala dapat makapipigil sa pag-iisang dibdib ng bawat nilalang. Hindi naman ako hadlang," dugtong ko tapos may inungol iyong babaeng tikbalang pero hindi ko naman naintindihan. "Hindi naman ako aalis dito. Ang higpit ng pagkakatali niyo sa akin, e."
Bigla akong kinabahan nang magsimulang humakbang papalapit sa akin ang lalaking tikbalang. Paktay! Ang bilis niyang maglakad. Hindi pa dalawang segundo, nasa harapan ko na siya.
Tiningnan niya ako sa mga mata ko habang halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang takot. Hihimatayin yata ako. Pero hindi ako p'wedeng mawalan ng malay kasi baka mamaya niyan, katapusan ko na pala ito. Ano na ang mangyayari sa akin?
Ilang sandali pa ay tumalikod na sa akin ang tikbalang tapos umalis na siya kasama iyong babaeng tikbalang. Saka lang ako nakahinga nang maluwag pero ang sikip pa rin ng dibdib ko. Nasusuka ako sa kaba. Namamasa na rin ang mga mata ko kaya pumikit ako nang mariin.
Katapusan ko na ba ito?
Sana masamang bangungot lang ito. Sana, magising na ako.
"Ulan," rinig kong sambit ng boses lalaki kaya napadilat ako. Nakaramdam ako ng pag-asa nang makita ko siyang nakatayo sa harapan ko. Pansin ko rin ang muling pagbuhos ng ulan habang may sikat pa rin ang araw. "Pasenya na," alalang wika niya sabay hakbang palapit sa akin. Hindi ako nakakilos agad dahil sobrang lapit niya sa akin. Isang pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin. Akala ko, hahalikan niya ako pero naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay kong nasa bandang likuran ko at ilang sandali pa, nasa bodega na ulit ako ng kompanya namin.
Ganun pa rin ang posisyon namin... nasa likuran ang mga kamay ko na hawak niya at nasa harapan ko siya, medyo nakayuko sa akin kaya halos maduling na ako habang nakatingin sa kanya.
Isa lang ang kakaibang napansin ko sa kanyang mga mata ngayon.
Hindi ko makita ang reflection ko roon.
Itutuloy...

Book Comment (214)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†πŸ˜†

    6d

    Β Β 0
  • avatar
    Gladish Rabanillo

    Bahay

    13d

    Β Β 0
  • avatar
    Sharlene Salvador

    hi po

    13d

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters