logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Curse of the Rain

Curse of the Rain

yourlin


Prologue

Ang lakas na naman ng ulan. Tag-ulan na naman kasi. Uso na naman ang mga bagyo. Uso na naman ang mga brown out. Iyon din ang pinakaayaw ko kasi ang boring. Walang gadgets or Wi-Fi. Unless may generator kayo o may pang-load ka. Ang tanong, may internet connection ba agad pagkatapos ng bagyo?
Bagsak lahat ng signal. Kahit sim card, walang silbi. Hindi tuloy macontact iyong mga kamag-anak mo roon sa lugar na binagyo.
Malakas akong napabuntong-hininga sabay dila sa ice cream na kinakain ko. Kanina pa ako nakatayo sa waiting shed kasama ang ibang taong walang payong tulad ko at naghihintay rin ng mga masasakyan. Mas marami ring tao rito dahil nasa gilid lang kami ng ospital.
Mula sa pagkakatulala ko sa lupa kung saan bumabagsak ang tulo ng ulan, umangat ang tingin ko sa taong tumayo sa harapan ko. Naka-tsinelas lang siya at maluwang na pantalon. Nakaputi siyang long sleeves na loose din. Nakapamulsa siya habang nakaharap sa akin.
Natulala ako nang makita ko ang kanyang mukha. Magulo ang buhok niyang basang-basa ng ulan at nakatingin siya sa kalsada so nakaside view siya sa akin. Parang may pinapanood? Kapansin-pansin tuloy ang tangos ng ilong niya at maganda ang side profile niya. Well-defined din ang panga niya.
"Kuya!" tawag ko sa kanya kasi basang-basa na siya.
"Ate!" tawag naman ng katabi kong bata kaya napayuko ako sa kanya. Hindi ko naman siya kapatid. Bakit niya ako ina-ate? Char! "'Yung ice cream mo," turo niya sa ice cream ko kaya doon ko lang napansin na tunaw na pala ang ice cream ko. Dali-dali ko itong dinilaan para hindi tumulo at nang tingnan ko ulit iyong nagpapabasa sa ulan, nakatingin na siya sa akin.
Hindi siya kumukurap. Nakatulala lang siya sa akin at medyo nanlalaki ang mga mata niya. Medyo nakaawang din ang bibig niya kaya kahit may kadiliman sa kinatatayuan namin, pansin kong maputi iyong mga ngipin niya. Namumutla nga lang siya.
"Bakit po kayo nagpapabasa diyan?" tanong ko sa kanya sabay atras para makasilong naman siya. "Kasya pa po rito. Huwag lang kayong didikit sa akin kasi mababasa rin ako. Bawal akong magkasakit." May trabaho pa kasi ako bukas at ayokong um-absent kasi bawas pa iyon sa sahod ko. Ang liit na nga lang, mababawasan pa.
Napalingon akong muli sa batang babae na nakakunot na ngayon ang noo habang nakatingin sa akin. Parang may ginagawa akong mali kung makatingin siya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya sabay dila sa ice cream ko. Ah baka naiinggit siya. E 'di bumili rin siya sa convenient store na nasa likuran ng waiting shed na 'to. Pero bawal siya nito kasi bata pa siya at malamig din dahil sa maulan na panahon. Ako kasi, matanda na. Nasa 20 na ako so p'wede na.
"Kayo po ang bakit? Bakit niyo po kinakausap ang ulan?" takang-takang tanong niya.
Napaawang ang bibig ko sa tono ng pananalita niya. Aba, maattitude. Muli kong tiningnan iyong lalaking nagpapabasa pero wala na siya sa harapan ko.
Saan na siya napunta?
•••
"Paphotocopy naman nito, Ulan," utos sa akin ng officemate ko sabay abot sa akin ng two inches na kapal ng bond paper. Ang dami naman nito.
"Sige," sagot ko sabay kuha nito at nagsimula na akong maglakad papunta sa Xerox machine. Tiningnan ko rin ang relo ko at quarter to twelve na. Malapit na mananghalian. Hindi ko 'to matatapos bago mag-lunch.
Ginawa ko na lang ang inuutos sa akin habang nakikinig ng music sa phone ko. Oo, naka-earphones ako. Ayokong marinig ang tsismisan ng mga tao rito sa section na 'to, e. Baka mamaya niyan, mahawaan pa nila ako.
Pero kahit naka-earphones ako, naririnig ko pa rin sila. Mahina nga lang. In-off ko ang music nang marinig ko ang pangalan ni Sir Alon. So siya ang topic ngayon.
"Totoo nga. Baka one of these days, makilala natin," mahinang wika ng babaeng hindi ko alam ang pangalan. Malayo siya sa cubicle ko, e. Hindi ko rin naman kilala lahat dito kasi bago pa lang ako.
"Seryoso? Baka tsismis lang," sagot ng kausap niya. Aba, oo. Kayo nga, nagtsitsismisan. "Kasi ang g'wapo naman ni Sir. Paanong boyfriend ang meron siya?"
"Aba, ewan. Baka girlfriend pala iyon," bulong ulit niya.
Napapailing na lang ako at muling in-on ang music. Hindi na ako muling nakinig kasi wala naman pala akong mapapala.
Totoong g'wapo ang boss namin dito. Pero hindi naman talaga siya ang boss namin. Inutusan lang siya ng tatay niya na mamahala muna rito saglit bilang training niya na rin. Fresh graduate kasi siya. Ginawa niya kaming training ground. Pero ayos lang kasi first job ko rin ito at ginawa ko rin naman itong training ground.
Nang interview nga, parang naglalaro lang siya sa mga tanong niya sa akin. Kakaloka! Ako pala kasi ang una niyang in-interview. Hindi ko rin alam kung bakit siya ang nag-interview sa akin. Encoder lang naman ako rito na ginawang all around ng ibang taga-opisina.
Hindi ko na natapos ang ginagawa ko. Iniwan ko ito sa table ko bago lumabas para maglunch. Sabi kasi ni Sir Alon, kapag oras ng kain, kumain na. Iwan na muna ang trabaho kung p'wede namang maiwan.
Naglakad na ako papunta sa elevator pero saktong pagbukas nito, bumungad sa akin si Sir Alon. "Good afternoon, Sir," bati ko sa kanya.
Nginitian niya rin ako. "Good afternoon, Ulan," bati niya. Sumara na ang pinto at sobrang tahimik namin dito sa loob kasi kaming dalawa lang dito. Nakakahiya. "Uulan kaya mamaya?"
Napatingin ako sa kanya. Magkatabi lang kami rito kaya pansin ko na ang tangkad niya. "Makulimlim po iyong langit nang tingnan ko sa bintana so baka po umulan." Hindi naman kami nakakapag-usap talaga nang ganito kasi bihira ko siyang makita. Madalas siyang wala.
Bahagya siyang tumango. "Mamaya, papalipat kita sa accounting department," wika niya kaya napaawang ang bibig ko. "Iti-train ka naman nila roon," dugtong niya kaya bahagya na lang akong tumango.
Ilang sandali lang din ay nagawa ko ng magsalita. "Tataas po ba roon ang sahod ko?"
Bahagya siyang natawa, "yeah. Then after your three months, tataas ulit. Hanggang sa maregular ka. Galingan mo lang," aniya kaya tumango na lang ako.
Mataas ang sahod dito sa mga regular kaya iyon ang goal ko. At gusto ko ring tumaas pa ang posisyon ko.
Nang lumabas kami sa elevator ay naghiwalay na kami. Dumiretso ako sa labas ng building dala ang dilaw kong payong. Kailangan kong maging ready kasi tag-ulan na. Ayoko na ulit ma-stranded sa waiting shed.
Pagkarating ko sa labas, unti-unti ng pumapatak ang ulan. Binuksan ko na ang payong ko sabay lakad pero agad din akong napahinto nang makita ko si Alab na lakad-takbong papalapit sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko habang pinapanood siya.
Ang tagal ko ng hindi siya nakita. High school pa yata? Ang tangkad niya na rin at medyo lumaki ang katawan. Nakahoodie siya para hindi maambunan ang ulo. Tumigil siya sa pagtakbo nang nasa harapan ko na siya. Nakatingala ako sa kanya habang nakatingin din siya sa akin.
"Ulan," sambit niya sabay ngiti kaya mabilis akong napakurap.
"A-alab," nauutal na sambit ko at saka pinilit kong ngumiti. Kinakabahan ako. Sinong hindi? Makita mo ba naman iyong crush mo matapos ang napakahabang panahon? At hanggang ngayon, crush ko pa rin siya kahit sinubukan kong kalimutan ito. Wala na akong balita sa kanya after high school graduation tapos biglang nandito na siya, kaharap ko.
Wow! Pinagtitripan ba ako ng tadhana?
"Dito ka nagtatrabaho?" nakangiti niya pa ring tanong kaya muli akong natauhan. Inangat ko ang dilaw kong payong para hindi siya maulanan. Unti-unti na kasing lumalakas ang ulan.
"Oo. S-sige, silong ka na dun. Baka mabasa ka pa. Kailangan ko na rin umalis," paalam ko kaya tumango lang siya at saka tumakbo papunta roon sa loob ng building namin. Kinausap niya pa iyong guard bago siya nakapasok.
Malakas akong bumuntong-hininga dahil sa encounter na iyon. Hindi naman kasi kami close so why ask him how he is? Right? Pero grabe, high school crush ko siya pero hanggang ngayon, may epekto pa rin siya sa akin. Hanggang kailan siya magkakaroon ng epekto sa akin? Ayoko na!
Tinapik ko ang dibdib ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil ako sa gilid ng kalsada dahil naka-red light pa ang traffic light. Ang lakas na ng ulan. Basa na ang paa at sapatos ko. Dapat pala, sinoot ko muna iyong tsinelas ko. Buti na lang at naka-skirt ako.
Tiningnan ko ang relo ko. 12:18PM na pala. Ang bilis ng oras.
Napansin kong may nakatayo sa harapan ko bigla kaya umangat ang tingin ko sa kanya. Siya na naman. Iyong lalaki kahapon na nagpapaulan. At hanggang ngayon, nagpapaulan pa rin siya. Dati pa rin ang soot niya. Nakatingin siya sa akin na may kaunting kunot sa noo.
"Huwag po kayo riyan," sabi ko sa kanya kasi nasa ibaba siya ng kalsada which is daanan ng mga sasakyan. Baka mahagip siya. Ayokong makakita ng nabundol na tao sa mismong harapan ko.
Hihilahin ko sana siya papunta sa tabi ko nang magulat ako dahil iyong kamay ko, tumagos lang sa palapulsuhan niya. Para bang humawak ako sa isang tubig.
Halos lumuwa ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Siya naman ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko mabasa ang mga mata niya. Unlike kahapon na gulat siya nang tingnan niya ako, ngayon, pokerface lang talaga siya. Ako naman ngayon ang gulat na gulat.
"A-anong..." hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Nababaliw na ba ako?
"May kakaiba kang katangian, Ulan," mahinang wika niya hanggang sa unti-unti na siyang naglalaho sa harapan ko mismo na parang tinatangay siya ng bawat pagbuhos ng ulan.
Sa sobrang panghihina, nabitawan ko ang dilaw kong payong at nalaglag ito sa gilid ng kalsada.
Itutuloy...

Book Comment (214)

  • avatar
    Salmah Bantuas Batara

    😆😆😆😆😆😆😆😆😆

    7d

      0
  • avatar
    Gladish Rabanillo

    Bahay

    14d

      0
  • avatar
    Sharlene Salvador

    hi po

    14d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters