logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Napakislot si Magnolia nang mahagip ng mesa ang kanyang braso na may pasa pa rin. Napangiwi siya nang makita niya kung gaano kakalat ang bahay. May mga nabasag na plato't vase dahil sa outburst ng kanyang lasing na ama kagabi. Nagkapasa siya sa braso dahil nabugbog siya nito sa kadahilanang wala siyang kuwentang anak kagaya ng nanay niya. Nangilid ang mga luha ni Magnolia nang maalala kung gaano nito binaba ang sarili niya. Napakurap-kurap siya't pinulot ang mga kalat doon.
Maagang lumabas ang kanyang ama at ewan niya kung nasaan. Baka kasama na naman nito ang mga barkada nito. Mas naging malala ang pagiging bayolente nito nang matanggal sa trabaho. Ang kanyang ina naman ay panay ang iyak at protekta sa kanya kagabi at mukhang nagkasagupa na naman ito habang nasa klase pa siya. Natutulog ang nanay niya sa itaas, mugto ang mga mata at parang nagdedeliryo na naman. Ang totoo'y gulong-gulo si Magnolia kung ano ang gagawin. Kung paano nila lulusutan ang kalupitan ng kanyang ama.
Habang naglilinis siya ng bahay ay naalala niya ang gulat na nukha ni Calvin nang makita nito ang pasa niya sa braso. Ingat na ingat siyang di iyon mapansin pero sino ba ang di magtataka e nagsuot lang naman siya ng sweater kahit maaraw naman. Napabuntong-hininga na lang siya at tinapos na ang paghuhugas.
Nang makita niyang wala ng kanin ay nagsaing na siya. Mabuti na lamang may laman ba ang imbakan ng bigas nila.
"Ma, kain na tayo." tawag niya sa nanay niya sa itaas habang naghahanda ng mga kubyertos.
Nagpatuloy na lang siya sa pagkain, napapabuntong-hininga. Nahagip ng mga mata niya ang bibilog na numero sa calendar.
Kailangan pa niyang samahan ang kanyang ina sa follow-up check up nito. Nagha-hallucinate kasi ito at kailangan ng agarang gamot para hindi lumala ang lagay nito. Nagsimula iyon nang maging problemado na ito sa kilos ng kanyang mga ama hanggang sa lagi na lang itong nabububog. Kahit nga walang bumubugbog dito ay takot na takot ang kanyang nanay.
Ito ang buhay niya sa bahay. Ito ang sanhi kung bakit hindi na niya nagagawang maging masaya. Malaking bagay sa iba ang kanyang katalinuhan, ang pagiging responsable niya at ang maturity sa kabila nang kanyang murang edad. Ngunit kaakibat niyon ang kalungkutan at takot na nananahan sa kanyang puso.
Hangga't maaari, ayaw niyang malaman ng iba ang sitwasyon niya sa bahay. Lalo na si Calvin.
"May problema ba, Lia? Parang umabot na sa Mars ang utak mo ah. Gusto mong ibahagi?" Napalingon si Magnolia kay Calvin nakalaylay lang ang kamay sa sandalan ng armchair nito. Kinunutan niya ito ng noo.
Simula nang makita nito ang pasa niya ay lagi na lang niyang nakikitang nakatingin ito sa kanya.
Hindi niya ito pinansin bagkus binuksan lang niya ang libro sa Trigo nila. "Uy. Di na namamansin." Sinundot lang nito ang pisngi niya. Sinamaan niya ito ng tingin samantalang ito'y di naman naapektuhan at nakangisi pa.
"Tigilan mo 'yan, Generoso. Nag-aaral ako." irap niya.
"Naman. Lagi ka na lang nag-aaral. Hindi ka ba magsasawa?"
Napairap na naman siya. Palibhasa, hilig nitong magbulakbol at maglaro kung saan-saan. "Hindi dahil nakasalalay kinabukasan natin."
Kapag subsob siya sa pag-aaral ay hindi niya maalala ang kamiserablehan ng buhay niya. Nawawaglit niya ang mga problema.
"Pero minsan lang tayo maging bata." angal nito. "Gusto mong sumama sa amin? Sa perya lang. Malapit na pista sa kalapit barangay. Maraming puwedeng pagkaabalahan doon."
"Ayoko." mariin niyang tanggi. "Uuwi ako ng bahay nang maaga."
Isa pang quality na napansin niya rito ay marami itong sinasabi. Kalalaking tao, daming napapansin. Hihirit pa sana ito ngunit dumating na ang guro nila sa Trigo at siningil na ang kanilang assignment.
Hindi gumawa si Calvin kaya nagmamadali itong mangopya, hindi alintana na nasa harap lang ang guro nila. Saka lang ito gagawa kapag oras na ng klase. Pasaway talaga.
"Generoso, ikaw na ang sumagot sa number five." Kakamot-kamot lang sa ulo si Calvin nang tanggapin ang chalk mula sa Trigo teacher nila.
Madalas ang panglimang problem ang pinakamahirap i-solve. Nasorpresa lang ang iba dahil madali itong natapos at nagtaka pa siya dahil hindi naman nito ginamit ang formula na itinuro nila.
"Di ko akalaing magaling kang mag-imbento ng formula, Calvin. Ulitin mo." istriktong pahayag ng guro nila kaya napilitan itong bumalik sa pisara at pulutin ang chalk doon.
"Tama naman po ang sagot ko." katwiran ni Calvin at dinugtungan lang ang solution nito. Nagpagpag lang ito ng pantalon na nabahiran ng chalk. Sinuri ng guro nila ang mga sagot ng mga ito saka nila chi-neck ang assignment nila.
"Explain why you made the formula yourself." Saglit lang na natigilan si Calvin sa hirit ng guro nila. Ang iba ay nagtawanan lang sa hitsura nito na parang natatae. May pagka-komikero talaga 'tong si Calvin.
Aangal na sana ito pero pinandilatan ito ng guro nila. Di ba ayaw nito sa Math? Pero kaya nitong gumawa ng sarili nitong formula. He explained how he solve the problem using his own formula.
Marami ang nakapagsabing mas madaling gamitin ang formula nito kaysa sa formula na itinuro ng guro nila sa kanila.
Sinauli na ang assignment nila at dalawa lamang ang mali niya out of ten. Ipinasa na nila iyon sa harap.
"Galing ko 'no?" pagmamayabang nito sa kanya. Pinaningkitan lang niya ito ng mga mata.
"Tamad ka lang naman at sinasadya mo iyon. In short, nagpakabobo ka lang." walang gatol niyang basag rito. Naglaho tuloy ang ngisi nito at tinawanan lang ito ng mga kaklase nila na nakarinig sa kanilang dalawa.
"Naman! Masakit 'yon ah!" hirit nito na may pa hawak-hawak pa sa dibdib animo'y nasaktan pero nagdadrama lang talaga. Inirapan lang niya ito na ikinatawa nito. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ng walanghiya. "Ang boring kayang maging studious palagi. Madali ko namang natutunan ang lessons. Sadyang ayoko lang na bumabad lagi sa pag-aaral. Isang beses lang tayo maging teenager kaya sulitin na lang." dagdag katwiran pa nito.
"Di ka naman mamamatay. Wala namang taning ang buhay mo." basag niya rito kaya mas lalong nagtawanan ang mga kaklase nila. Nag-twitch lang ang gilid ng mga mata nito.
"Bah! Mamamatay ako kapag di ko nagagawa ang mga bagay na di ko gustong gawin. Ikaw ba? Ano bang gusto mo? Wag mong hihintayin na dumating ang araw na pagsisisihan mong hindi mo nasulit ang kabataan mo." makahulugang sambit pa nito.
Bago pa man siya makahirit ulit ay nag-ring na ang bell hudyat na lunch time na. Tila mga gutom na lubo ang mga kaklase niya na dali-daling lumabas sa classroom nila.
Mali. May mga sitwasyon rin na pumipigil sa taong sulitin ang kabataan at iyon ang responsibilidad na hindi mo naman dapat gampanin sa ganitong edad.
Si Magnolia ang leader ng grupo nila sa Filipino. Sila ang nakatoka sa tatlong kabanata ng El Fili na siyang itatanghal nila sa klase. Iyon ang major project nila.
"Nasaan na ba iyong iba? Magsisimula na tayo." himutok ni Magnolia. Hindi naman bago sa kanya na matagal talaga magsimula ang praktis pag ganitong group activity.
"Chill lang, Lia. Heto." Lumapit si Calvin sa kanya na may bitbit na orange juice na malamig pa.
Atubili niyang tinanggap iyon. Naupo ito sa plant circle na inupuan niya.
"Na-memorize mo na ba iyang nasa script mo?" halos pataray niyang tanong rito.
Nagkamot tuloy ito sa ulo nito.
"Naman, Lia. Puwedeng awat muna ngayon? Kanina pa sumasakit ulo ko sa Trigo at Physics."
"Araw-araw naman sumasakit ang ulo mo sa klase." pambabara pa niya.
Napangiwi na lang ito.
Nakonsiyensiya tuloy siya.
"Salamat rito." tukoy niya sa orange juice na binigay nito sa kanya.
Biglang nag-ingay ang pager ni Magnolia.
Hindi na sana niya iyon papansinin kung hindi lang sunod-sunod ang pagpasok ng mga mensahe roon.
Binasa niya ang nakapaloob na mensahe roon. Kulang na lang malaglag ang puso niya.
[Magnolia. Ang mama mo. Nagwawala. Umuwi ka na rito. - Aling Neda]
Nagkukumahog na niligpit ni Magnolia ang kanyang mga gamit. Sakto namang kadarating lang ng mga ka-grupo niya.
"Magnolia? Kala ko magsisimula na tayo?" takang tanong ni Bettany.
Nangilid ang mga luha ni Magnolia. Kinakabahan siya pag lalo pa siyang nagtagal roon. Baka kung ano na ang mangyari sa kanyang ina.
Nanginginig ang mga kamay na sinukbit niya ang bag niya't ipasa sa gulat na gulat na si Cali. Di niya namalayang may pumatak na luha sa mga mata niya nang balingan niya si Cali.
"Please, Cali. Ikaw na muna bahala sa kanila."
At hindi na niya pinagbigyan itong magsalita at kumaripas ng takbo papalabas ng eskuwelahan.
(End of Chapter 4)

Book Comment (28)

  • avatar
    Mary Grace Ponce

    plss diamond ml

    6d

      0
  • avatar
    Deleon Ykni

    ganda ng kwento

    06/08

      0
  • avatar
    armecinreid

    ojgcvnnfcg

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters