logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5: Scene

Hindi ko alam kung saan ako kakabahan.
Dahil ba sa nangyari kahapon na alam kong laman parin ng usapan ngayon o dahil sa ngayon ko malalaman kung totoo ba talaga na kaya kong gawing totoo ang creation ko.
I know what I wrote was too much for me to take. And it doesn't seem appropriate. But I want to prove it! Totoo bang lahat ng isusulat ko ay nagiging totoo?
Ngayong araw ay hindi na pumunta si Reinier sa bahay para sunduin ko pero hindi ko rin alam kung totohanin niya bang sasamahan niya ako tuwing break time.
Kinakabahan akong humakbang at pumasok sa gate ng aming paaralan, ngayon ko mismo malalaman kung magkakatotoo ba ang sinulat ko.
Paglapit ko sa kung saan maraming estudyante ay tutok ang lahat sa kanilang mga cellphone. Hindi man lang nila ako pinansin. Parang hindi ako naging laman ng usapan kahapon.
"Aeliana!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng pamilyar na sigaw at doon ko nakitang tumatakbo papalapit saakin si Jeline at Yumi.
Hingal na hingal na inabot sa'ki ni Yumi ang phone niya at nagtataka ko namang tinignan ang screen. Binasa ko ang nilalaman ng article na galing sa school page namin.

HISTORIA ARDEN WAS CAUGHT BY THE POLICE USING ILLICIT DRUGS WITH HER BOYFRIEND.
I can't process things.
I mean, I know Historia Arden is using illicit drugs but I never thought she will be caught because her family was so powerful and can do anything to cover up Historia.
But what shocks me more is that,
What I wrote in my novel really came true.
Isinulat ko na hindi na magiging center of attention si Cheska dahil may bagong issue na pag-uusapan ng lahat.
I don't know what to feel. Should I be happy?
But can I really write my fate?
"Paano nangyaring nahuli si Historia?"
"Hindi ko rin alam ang sabi ng interview sa mga pulis ay mas mabuting 'wag nalang alamin pero ang mas nakakagulat ay walang ginawa ang pamilya ni Historia."
That really makes sense. Siguro ay hindi narin nila kayang kunsitihin pa ang anak nilang gumagamit ng droga.
The following hour was fun. People doesn't give me those intrigued look. Parang nakalimutan na nila completely kung ano ang nangyari kahapon.
"Tara na gutom na 'ko. I can eat a horse." Reklamo ni Jeline.
Hindi ako tumayo. Inaalala ko kasi 'yong sinabi ni Reinier. Kakatapos ko lang iclear ang eksena kahapon kaya naman ayaw kong magkaroon ulit ng panibago.
"I'll take a nap."
Bumakas sa parehong mukha nila ang pagkalito.
"Medyo kulang ako sa tulog eh. Susunod ako kung magigising ako."
I hate lying but I don't have a choice.
My two pretty best friends didn't know that I have feelings for Reinier.
"Okay but do you want something? We can get it for you."
I would love to pero nagbaon na 'ko ng pagkain dahil alam kong wala nang atrasan 'to."
"No, I'm fine. I'm actually on a diet right now."
I lied again.
Diet my ass. I can't even live without eating three times a day.
"Okay then if you say so, we'll take our leave. See you later."
Tumango nalang ako.
Pagkatapos ay dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang account kung saan ako nagsusulat. Tinignan ko ang lokasyon kung saan ako pupunta dahil ayaw kong magkamali ng lokasyon.
(Without knowing they are actually going to the same place. Cheska and Kirun met accidentally. The awkwardness was spreading all over the place. They don't know what to say to each other.
They're just standing there. Looking into each other's eyes.)
Tulad ng inaasahan, tahimik ang buong lugar. Ito ang paborito kong puntahan sa school namin. Tahimik, mahangin, walang taong pumupunta.
Umupo ako sa tabi ng malaking bato na mas malaki pa saakin. Kahit puro dahon ang inuupuan ko ay wala namang problema. Mahangin rin ang lugar dahil sa mga puno. At sa harap ko naman ay kitang-kita sa itaas ang kalangitan.
Peaceful.
Ngunit ilang sandali pa ay biglang tumunog ang mga dahon na para bang inaapakan ito. Hudyat na may paparating sa kung nasaan man ako.
Nagtago ako sa malaking bato at hinanap kung sino ang papunta sa kinaroroonan ko.
Siya na kaya?
Ingat na ingat akong huwag maiangat ang ulo para hindi makita. Patuloy parin ako sa pagsilip at nang narinig ko na na malapit na malapit na ang yabag ng mga paa ay nagtago pa ako ng kaunti.
Meow
Meow?
Napabuntong hininga ako nang lumabas ang pusa.
"Akala ko naman siya na." bulong ko na animo'y may kinakausap.
"Sino?" tanong ng nasa likod ko.
Teka tanong ng nasa likuran ko?
Napalunok ako. Halos maubusan na ako ng laway dahil sa sunod-sunod na paglunok.
Pamilyar ang boses na 'yon at kahit lokohin ko man ang sarili ko ng mga salitang "baka kaboses niya lang" o kaya naman "Nagiimagine ka lang ng mga boses dahil gutom ka na" alam ko ang totoo.
Dahil nakasulat na ito.
Dahan-dahan akong tumayo. Pinipigilan ko ang paghinga ko na para bang maglalaho ang lahat ng ito kapag ginawa ko 'yon.
Humarap ako ng mabilis sakanya para walang dahilan para makipagtitigan ako sakan-
Bakit?
Bakit parang hinihigop ang mga mata ko ng kung ano mang enerhiya para tignan siya sa mga mata? Tila ba may sariling isip ang mga mata ko.
His eyes were beauteous and magnetic. He's not even trying but he looks gorgeous.
I created him. It feels like I'm an artist looking at her own masterpiece. I cannot put what I feel into words.
(They're just standing there. Looking into each other's eyes.)
I don't know what to say. I can't move my own eyes. Mine were glued on his pair of dazzling eyes.
But just like what I wrote in the story, he started to avoid my eyes and so I did.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
"'Di ba dapat ako ang magtanong niyan?"
"You're not allowed to ask me questions."
Now I'm having regrets kung bakit ginaya ko ang ugali niya sa ugali ni Reinier.
"This is my spot. Nauna ako dito." Paglalaban ko.
"I'm always here, and this is the first time na nakita kita dito."
No Kirun this is your first time here. I made your character someone who likes to visit this place but you and Cheska didn't get the chance to meet each other.
"Baka nagkasalisi lang tayo." Depensa ko.
"You're waiting for me, right?"
I gasped.
"Napasukan yata ng hangin 'yang utak mo, patingin ka na kaya sa Doctor?"
He doesn't seem to be joking. But I'm not joking either!
He's not following the script! Why is he saying things that are not in the story?
"Akala ko naman siya na." He imitated what I said earlier.
I didn't get to answer immediately.
"Silence, I'll take that as a yes."
"No!" singhal ko.
God, he's really annoying like Reinier.
"I'm waiting for a friend." Pagsisinungaling ko.
"When did we became friends?"
Hindi niya talaga titigilang ipilit ang katotohanan ha?
"I said I'm not waiting for you."
Hindi niya ako pinansin at umupo nalang sa lapag kung saan ako nakaupo kanina.
"Wala akong panahon makipagtalo sa'yo ngayon."
As if naman mayro'n ako ano?
Umupo nalang rin ako sa lapag na medyo malayo sakanya.
"Bakit ka pumupunta sa ganitong klase ng lugar?" I started asking out of nowhere.
"Sasabihin ko kapag sinabi mo kung bakit ka pumupunta dito."
Inirapan ko siya at nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin.
Sa totoo lang, marami akong dahilan kung bakit gusto kong pumunta dito pero no'ng tinanong niya 'ko parang nakalimutan ko ang iilan sa mga dahilan kung bakit.
"Kasi tahimik." Naisagot ko nalang.
"Inspiring." Sarkastikong sabi niya.
"Sometimes all you need is a peaceful place to go."
Ewan ko kung bakit ko sinasabi sakanya 'to pero mukhang wala naman siyang paki alam.
"Hindi ko alam kung bakit ako pumupunta dito."
Nagulat ako noong bigla siyang magsalita. Ang akala ko ay wala na siyang balak na sabihin.
"Hindi ko nga matandaan kung paano ko nalaman ang lugar na 'to at kung kailan ako unang pumunta dito."
Nakaramdam tuloy ako ng awa sakanya. Dahil kagagawan ko lahat ng ito.
I created him. Hindi ko naman kinuwento ang buhay niya mula sa umpisa. Nagising nalang siyang buhay dito sa mundo. Nabuhay siya para umibig kay Cheska.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko siya.
Hindi naman niya ako nilingon at hinayaan niya lang ako sa ginawa ko.
Totoo siya. Nahahawakan at nakakaramdam ng lungkot.
Para akong nagimbento ng robot. Wala akong ideya kung ano ang dapat kong maramdaman. Nakakatuwang isipin na may kakayahan kang gawing totoo ang hindi. Pero hanggang saan? At paano kung may mga problemang dumating? Paano ko haharapin 'yon?
Without further notice, I felt his lips touching mine.
Kung paano at bakit ay hindi ko alam.
Malakas ang tibok ng puso ko at gusto ko siyang itulak.
Pero bakit?
Bakit hindi ako makagalaw?
At isa pa, hindi pa ito ang oras para sa scene na 'to.

Book Comment (89)

  • avatar
    shikori

    Not gonna lie this is one of the best and we'll written story I've seen so far. Looking forward to your upcoming works ^^

    20/07/2022

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wonder full story

    17h

      0
  • avatar
    AnghoyEmanjun

    it's good

    6d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters