logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 7

CHLOE'S POV
Kinabukasan. Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa aking mukha. Nagising ang aking diwa kaya naman dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Napansin kong wala na si Red sa tabi ko. Kinabahan ako bigla. Iginala ko ang aking tingin sa paligid pero ni anino nya ay 'diko makita.
"Red?!" Pagtawag ko sa kanya. Nagbabakasakali akong may sumagot pero nabigo ako. Doon na may nabuong emosyon sa loob ko. Hindi ko yata kakayaning mag-isa sa isla na ito.
Red, where the hell are you?
Naglakad-lakad ako sa dalampasigan. Bumibilis na ang tibok na aking puso. Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko. Ang dami na ring tanong na gumugulo sa utak ko. Lahat 'yon ay negatibo kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Paano pagmay kumuha sa kanyang maligno? O baka naman kinain na siya ng pating habang naliligo siya sa dagat? Paano pagkinuha din siya ng sirena? Paano na ako? Sino na ang kasama ko dito? Hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Red, nasan ka? Magpakita ka naman, natatakot na ako dito.." konti nalang ay maiiyak na ako sa kaba. Pinipigilan ko lang na bumagsak ang mga luha ko.
Hindi pa man ganoon kadesidido ang utak ko para sa pagpapatawad ko sa kanya, mukhang hindi ako komportable kapag wala siya sa tabi ko. Siya nalang ang nakikita kong pag-asa para makasurvive ako dito sa islang 'to. Gusto kong makauwing ligtas kasama siya. Pero, bakit ganito ang nangyayari? Nakakatakot.
"Nawala lang ako saglit, miss mo na kaagad ako?" May tinig sa aking likuran at nabobosesan ko kung sino iyon. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa.
Humarap ako sa kanya't bumungad ang bulto ng lalaki na may karga-kargang mga kahoy. Nakangiti siya sa sa akin. Pinigilan kong maging emosyonal sa tuwa dahil alam kong pagtatawanan nya ako.
"Tsk! Saan ka ba nagpunta? Akala ko iniwan mo na ako e.." Nakanguso kong usal.
"Hahaha! Nangahoy lamang ako para may magamit tayo mamayang gabi. Saka gagawa din ako ng silong para 'di ka mainitan..." wika nya. Lumapit sya sa pwesto namin kagabi at doon binaba ang mga kargang kahoy. Tinulungan ko naman siya.
Hindi ko alam pero napangiti ako sa sinabi nya. Gagawa siya ng silong para sa akin? Bakit naman nya gagawin 'yon gayung galit parin ako sa kanya? Hindi ko na maintindihan ang mga kinikilos nya. Konting concern pa nya sa akin, mahuhulog na ulit ako.
"Red.." Tawag ko sa kanya.
"Oh?"
"Thank you.." then i smiled to him.
Nakita kong unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ko. Sus! Kinilig siya panigurado."Wala 'yon maliit na bagay. Nga pala sasamahan mo ba akong makuha ng prutas? Kung ayaw mo ayos lang naman.."
"Hindi, sasama nalang ako sa'yo.." sagot ko ng mabilis.
"Sigurado ka?" Tumaas pa bahagya ang kanyang kilay.
Tumango ako."Oo naman, kesa maupo ako dito, tutulungan nalang kita. Nakakahiya naman kasi kung magiging donya pa ako't nastock na nga tayo dito.." Sagot ko.
Ngumiti sya. Kita ko sa mukha nyang masaya siya sa naging desisyon ko. Natitiyak ko 'yon dahil sa mukha nya palang, kabisado ko na.
"Sige, ikaw bahala."ani Red.
Tinulungan ko muna siyang iayos ang mga kahoy na kanyang kinuha. Pinipigilan pa nya ako kaso hindi ako nagpasuway. Dahil wala na siyang magawa, hinayaan na nya ako. Gusto ko lang naman tulungan siya. Alam ko kasing napapagod din siya para lang makakain kami't mabuhay sa isla na ito. Nakita ko kung paano siya maging matapang. Alam kong lumaki siyang sagana sa lahat. Hindi siya lumaki sa mahirap na buhay. Pero ganoon ang pagtataka ko dahil sanay na sanay siya sa mga gawaing bahay. Sabihin na nating mas sanay pa siya kesa sa akin.
Nang matapos kaming mag-ayos ay pumaroon na kami sa gubat upang manguha ng kakainin namin. Nagpauna siya samantalang ako ay nakasunod lamang sa kanya. Sinusuri ko ang kabuuan nya. Talagang may nagbago sa pisikal nyang anyo. Lumapad ang kanyang likod saka naging malusog ang kanyang mga braso. Dati nga mas payat siya kumpara ngayon. Naging seryoso din ang mukha nya 'di tulad ng dati. Nakikita kong malaki ang pinagbago nya pwera sa kanyang ugali na minahal ko noon.
May nakita akong puno ng saging na may bunga. Tinuro ko ito kay Red kaya pumaroon siya't sumunod naman ako. Kinuha nya ito. Medyo mataas ito kaya pahirapan siyang kunin. Hanggang sa nakuha na nya ito. Tuwang- tuwa naman kami parehas dahil may kakainin na din kami sa wakas. Sumunod ay may nakita siyang mangga na hinog ang bunga.
"Red, ingat ka sa pag akyat." utos ko sa kanya. Umakyat kasi siya sa may kataasang puno ng mangga. Ayaw ko man sana siyang paakyatin kaso nagmatigas siya. Wala na akong nagawa pa kundi hayaan nalang.
Kumuha siya ng ilang piraso bago siya tuluyang bumaba. Masayang-masaya kaming dalawa dahil marami-rami na ring kaming nakukuha na pwede naming kainin. Dapat sapat na prutas ang kinuha namin ay naisipan na naming bumalik sa pwesto. Karga ko ang saging saka mangga habang siya naman ay 'yong iba pa. Mas mabigat 'yong sa kanya. Sabihin ko man na tuluyan siya ay hindi nya ako pinayagan.
"Aray!" hindi ko inaasahan na matatapilok ako. Napaupo ako sa lupa at siya naman ay kaagad na lumapit sa akin.
"Chloe, okay ka lang ba?" kinakabahang tanong nya sa akin. Bahagya pa nyang ibinaba ang kanyang mga karga upang lapitan ako.
Ramdam ko ang kirot sa aking paa. Wala man akong sapin sa paa pero natapilok parin ako. Sobrang sakit noon. Kahit yata igalaw ko ay ramdam ko ang kirot.
"Aray! Ang sakit ng paa ko..." wika ko't hinihimas ito. Aligaga naman si Red na nasa aking harapan. Hindi nya alam ang gagawin. Nagdadalawang-isip siyang hawakan ang paa ko. Iniisip nya siguro na baka bulyawan ko siya.
"Kaya mo bang maglakad? Malapit na tayo eh.." Sambit niya na hindi na mapakali.
Umiling ako."I can't."
Hindi ko na talaga kayang maglakad pa kahit sinabi nyang malapit na kami. Sadyang ang sakit talaga ng paa ko. Konti nalang ay iiyak na ako sa kirot non.
"Sige, ganito nalang, sumakay ka sa likod ko't bubuhatin nalang kita.." ani nya at tumalikod na sa akin. Iginaya nya ang kanyang katawan. Sinenyasan nya akong sumakay sa kanya kaso hindi ko agad siya sinunod.
Ang dami na nga naming dala, bubuhatin pa niya ako? Jusko! Nakakaguilty naman masyado."Sigurado kang bubuhatin mo 'ko? Baka mabigatan ka sa akin.." kunot-noo kong tanong.
"Okay lang, kaya ko naman e. Hindi ka makalakad kaya bubuhatin na kita.." sagot niya at sumenyas ulit na sumakay ako sa kanyang likod.
Umiling ako dahil nakakaramdam ako ng hiya. Kahit pa man payat ako ay may kabigatan pa rin itong katawan ko."Mabigat ako.." tugon ko sa kanya.
"Sige na, Chloe, ayos lang.." usal nito. Tinapik niya ang kanyang balikat upang sabihin sa akin na sumakay ako sa kanyang likod.
Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang. Inalalayan nya akong makasakay sa kanyang likod. Nang makasakay na ako ay kinuha naman nya isa-isa ang mga nakuha naming prutas. Nahihiya man ako dahil alam kong nabibigatan siya. Isama mo na rin 'yong bigat ng mga prutas. Pwede namang alalayan nya ako, bakit kailangan pang buhatin?
Nang makarating kami sa pwesto namin ay dahan-dahan nya akong ibinaba. Nilagay nya rin sa gilid ang mga prutas. Linapitan nya ako't hinilot ang aking paa. Tiisin ko ang bawat kirot sa paghalos nya. Alam kong gagawin nya 'yon para mawala ang sakit. Bumagsak pa ang aking luha dahil sa sakit na nararamdaman. Ilang minuto ang ginugol nya sa paghilot sa akin bago tuluyang natapos. Naramdaman kong gumaan ang paa ko. Ang dating kirot ay unti- unti ng nawala.
"Masakit pa ba?" tanong niya at pansin ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
"Hindi na..Salamat.." sagot ko at umiling pa.
"Hmm. Sige, dito ka muna.Kukuha lang ako ng isda para may makain ka naman bukod sa prutas.." ani nya't iniayos nya muna ang mga prutas sa gilid ko.
Tanging ngiti nalang ang aking naisagot. Pinanood ko siyang pumaroon sa dalampasigan. Inalis nya ang suot na jacket at tinapon kung saan. Bigla akong nailang sa ginawa nyang iyon. Kahit pa man nakatalikod siya, nailang talaga ako. Binalik ko ulit ang tingin sa kanya. May hawak na siyang sibat na hindi ko alam kung saan nya kinuha.
Pinanood ko siyang manguha ng isda. Hindi ko akalain na marami siyang isasakripisyo ng dahil lang sa akin. Kung tutuusin, pwede naman nya akong pabayaan edahil sa maling trato ko sa kanya, pero hindi nya ginawa. Talagang pinabibilib nya ako. Pinakisamahan nya ako sa kabila ng pagmamalupit ko sa kanya. Ito na yata ang namimiss ko sa isang Jared, ang pagiging madiskarte't maeffort niya. Ngayon palang ramdam ko ng hindi nya ako kayang pabayaan. Na kahit anong masakit na salita ang ibato ko sa kanya hindi 'yon magiging rason para iwan nya ako dito.
Red, why are you doing this to me?
Nabalik lang ako sa reyalidad ng bumalik siya sa gawi ko. Ilang minuto na pala ang nakalipas matapos nya akong iwan. Ngayon ay may dala na siyang dalawang isda. Nailang pa ako ng hubo't hubad ang kanyang katawan. Kunwaring hinihilot ko ang aking paa. Nakikita ko kasi ang ganda ng kanyang katawan. Pakiramdam ko pinagpawisan ako bigla sa presensya nya.
Inihaw nya ang nakuhang isda. Itinapat nya ito sa nagbabagang kahoy na nasa aming harapan. Ngayon ay nasa tabi ko na siya, 'yong sakto lang na pwesto para hindi madikit ang basa nyang katawan sa akin.
"Okay ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Yeah, I need to take some rest lang..." ani ko. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil ramdam kong nakatingin siya sa akin. Tumingin naman ako sa malayo. Kunwari ay hindi ko pansin ang pagtingin nya sa akin.
"Kamusta ka na pala, Chloe?"seryosong tanong nya sa akin kaya natigilan ako.
"Okay lang naman.." mahinahon kong sagot. Wala namang dahilan para hindi ako maging okay bukod sa stress sa trabaho. Nakakaya ko namang pasayahin ang sarili ko kahit papaano.
"Ahhh...eh sina Tito kamusta pala sila?" tinutukoy nya ang mga magulang ko. Hindi ko inaasahan na kakamustahin nya ang magulang ko. Naaalala ko pa noon, kahit ayaw sa kanya ni Papa pinaglaban pa rin nya ako. Iba ang gusto ng papa ko sa akin at 'yon ay ang kaibigan nyang si Arvie.
"Sina Papa ayos lang naman sila, tulad parin sila ng dati ni Mama kung maglambingan." Wika ko't tumawa pa.
Kung maglambingan kasi sina Mama noon, tinalo pa nila kaming dalawa. Kaya natutuwa si Red kay Mama dahil sumasabay daw sya sa uso which is totoo naman. Imbes na tumanda ang isip ni Mama ay hindi. Nagiging millenial na sya at mahilig magpost sa social media.
"Mabuti naman kung ganon.." Aniya.
"E, mga magulang mo, kamusta rin sila?" pagbabalik ko sa kanya ng tanong. Aaminin kong malapit ako sa mga magulang nya noon. Minamadali pa nga nila kaming magpakasal e. Kumbaga, botong-boto ang buong angkan nya sa akin.
"Hahaha! Ayon, gusto ng magkaroon ng apo sa'kin.." kahit biro 'yon ay natamaan ako. Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi. Nakita ko siyang tumawa pero natigilan ng makita ang itsura ko." Hindi ko ba dapat sinabi 'yon?" Napapahiya nyang tanong.
Ngumiti nalang ako. Hindi ko alam ang isasagot. Napunta sa dagat ang tingin naming parehas. Nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Pinakiramdam ko siya. Hindi naman nya kailangan idadaan sa biro 'yon e. Ewan ko ba kung bakit natamaan ako bigla. Ang gulo.
"Grabe no, isang taon na pala ng huli tayong magkasamang tumingin sa lawak ng karagatan.." Sambit niya.
Napatingin ako sa kanya. Diretso na ang kanyang tingin sa dagat. I don't know what I'm going to react. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiinis, o magagalit. Naging tahimik ako't hinintay ang susunod nyang sasabihin.
"Alam mo, Chloe, mula ng maghiwalay tayo, halos hindi na ako iniimik ni Ate Jen ko. Pumupunta nga siya sa bahay para ipakita 'yong mga anak nya kaso sapilitan pa yata kung pansinin ako. Lahat sila nabigo ko hindi lang ikaw.." malungkot na usal niya.
Natigilan ako sa sinabi nya. Si Ate Jen na tuwang tuwa kung nakikita nya kaming magkasama ni Red. Si Ate Jen na mas excited pa sa akin sa kasal sana namin. 'Yong kapatid nyang walang ginawa kundi suportahan kaming dalawa. Gaya ko, binigo din 'yon ni Red. Sinaktan nya rin ang ate nya sa panahon hindi nya rin nito inaasahan.
"Kasalanan ko naman kung bakit lahat kayo nagalit sa'kin. Mahihirapan na yata akong makuha ulit mga tiwala nyo. Kahit hindi sabihin nina Mama, alam kong nadissappoint ko rin sila. Kahit pinapakita nilang okay na, na tapos na, mayroon sa akin na h'wag silang paniwalaan. Kasi, lalaki ako,natutukso rin.." Paliwanag niya.
"Pero nagloko ka.." Hindi ko inaasahan na masasabi ko 'yon sa kanya.
"Alam ko. Desidido naman ako don e, 'di naman ako nagmamalinis, Chloe. Kaya ko nga inaayos lahat para mapanatag na tayong lahat lalo ka na. Pero, sa pagtrato mo sa'kin, mukhang mahihirapan ako.." Mungkahi niya.
"Hurting me can make my attitude change, Red.." halos kapusan pa ako ng hininga habang binabato sa kanya ang katagang iyon. Gusto kong ipamukha sa kanyang sobra akong nasaktan sa ginawa nyang panloloko sa'kin. Na hindi basta-basta ako makakarecover sa pangyayaring 'yon ng buhay ko.
"Pero, mapapatawad mo rin ako 'diba, kasi may pagmamahal ka pa sa'kin.."
Halos isampal nya ang mga iyon sa'kin. Nakikita ko ang sinsero sa kanyang mukha. Diretso ang pagkakatitig namin sa isa't isa. This time, wala akong ilang na naramdaman. Nangungusap ang kanyang mga mata. Kung gaano kabilis ang mga pangyayari, ganoon din kabilis ang kabog ng aking puso.
Siya na ang unang umiwas ng tingin. Hindi ko siya nagawang sagutin. Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas. Para bang hinigop lahat ng hangin 'yong lakas ng loob ko. Hindi ko magawang ibuka ang bunganga ko. Masyadong malaki ang naging epekto ng sinabi ni Red sa buong sistema ko.
Paano nya nasisigurong mapapatawad ko siya? Paano nya nasisigurong may nararamdaman pa ako sa kanya? Binase nya ba sa mga kinikilos ko ngayon lang? O baka naman alam nyang ganon ako karupok sa kanya? Naguguluhan ako.
"Ahhh.... sorry sa sinabi ko..Uhmm sige, dito ka muna, bantayan mo 'tong iniihaw ko. Balik lang ako sa dagat para manguha ng isda.." paalam nya sa'kin at kaagad na siyang tumayo. Pumaroon ulit siya sa dagat upang mangisda.
Naiwan akong gulong-gulo pa rin. Alinman sa mga sinabi ni Red ay talagang tumatak sa isip ko. Gusto ko man siyang tanungin kung bakit nasabi nya ang mga 'yon pero hindi ko magawa. Nagtataka ako kung bakit mas apektado siya sa mga nangyari gayung siya naman itong gumawa ng kalokohan. Talagang nakapagtataka.
Ano ba talaga ang totoo, Red? May tinatago ka ba sa'kin na dapat kong malaman upang lubos kitang maintindihan?

Book Comment (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters