logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

CHLOE'S POV
Nagising akong nakapa ko na basa ang aking buong katawan. Pakiramdam ko ay bumagsak ako sa tubig. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.nMuli kong inalala ang mga nangyari kagabi. Ganoon nalang ang aking gulat ng maalala na sumabog ang barkong sinakyan namin. Hindi ko manlang nagawang iligtas ang kaibigan ko na himbing na himbing ang tulog. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga. Napansin ko nasa dalampasigan ako. Tahimik at tanging mga bagsik ng alon lang ang aking maririnig. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kung hindi ako nagkakamali, nasa isang isla ako.
Jared. Pumasok siya sa aking isipan. Isa sya sa mga taong nagligtas sa akin kagabi para lang wag mabagsakan ng kisame. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ko nailigtas si Mikay. Naiyak nalang ako bigla ng maalala siya. Pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan. Hindi manlang ako gumawa ng paraan para mailigtas siya. Hinayaan kong tangayin ako ni Red kagabi na hindi manlang siya kasama.
Naupo ako sa may buhangin saka sumandal ang ulo sa aking mga tuhod. Hindi ko kayang pigilan 'tong inis na nararamdaman ko. Naaalala ko lang si Mikay ay naiiyak na ako. Sumabog nalang 'yong barko na hindi manlang nya namamalayan. Nawalan na ako ng kaibigan sa panahong hindi ako handa. Nakakainis.
"Gising ka na pala, kanina pa kita hinihintay na magising.." usal ng isang tinig sa aking likuran kaya naman napahinto ako sa paghikbi. Hinarap ko siya't ganoon nalang ang aking gulat nang makita ko kung sino iyon.
"Red? Anong ginagawa mo dito?" singhal ko at napatayo na rin sa gulat. Naiinis ako sa kanya. Siya ang dapat sisihin sa pagkawala ni Mikay. Nagpumilit siyang umalis kagabi nang hindi manlang nailigtas ang kaibigan ko.
Matalim ang tingin na tinapon ko sa kanya nang harapin ko siya. Naiinis ako sa mukha niya kaya naman gustong-gusto ko siyang sampalin ulit gaya ng ginawa ko sa kanya kagabi.
"Gaya mo napunta rin dito pagkatapos sumabog no'ng barko.." Sagot nya.
"Layuan mo ako! Ayokong kasama ka. Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi ko nailigtas si Mikay. Masyado ka kasing pakialamero!" Asik ko sa kanya.
Hindi manlang nya inisip na magiging kawawa si Mikay pag 'di siya niligtas. Pinakialaman nya ako kaya hindi ko napuntahan ang kaibigan ko. Parang gusto ko siyang suntukin para maiganti ko si Mikay.
"Chloe, let me explain, okay?"usal nya. Linapitan pa nya ako kaso humakbang ako paatras. Ayokong lumapit siya sa akin. Kumukulo ang dugo ko sa kanya dahil sa ginawa nyang pag-iwan kay Mikay.Wala siyang puso!
"Ano pang ipapaliwanag mo? Tama 'yong ginawa mo ganoon ba, Red? Ha! Naiwan si Mikay doon dahil sayo!" Dinuro ko pa siya. Pilit kong pinipigilan na huwag maging emosyonal sa harapan nya. Kahit ang totoo ay lubos akong nasaktan sa pagkawala ng matalik kong kaibigan.
"Hindi ko naman ginustong iwan sya, Chloe, maniwala ka sa'kin." usal niya at bahagya akong mapaatras ng akma niya akong hahawakan sa braso.
"I didn't believe in you eversince!" Pagdidiin ko sa aking mga salita. I really want to punch his face right now just to lessen my anger.
"Tsk! Gusto ko syang iligtas noon kaso sasabog na ang barko. Hindi kita hahayaan na pumaroon para lang sa kanya. Alam kong magagalit ka pero ginawa ko lang 'yon para iligtas ka.." Paliwanag nya sa'kin.
"Ang sabihin mo naduwag ka! Anong klaseng kaibigan ka kung hindi mo manlang sya niligtas?" Prangka ko. Naningkit pa ang mga mata ko na tumingin sa kanya.
"You don't understand, Chloe." Nawawalan na ito ng pasensya upang kausapin ako. May gusto siyang ipunto ngunit ayokong dinggin.
"Talagang hindi! Wala man isa sa mga ginawa mo sa barko ang naintindihan ko. Pakiramdam ko pa nga nagmamagaling ka, e. Para ano? Para mauto mo na naman ako? Tsk! Get lost, Red!" prangka ko sa kanya. Gusto kong ipamukha sa kanyang wala ng epekto lahat ng kilos nya sa akin. Na hindi na ako tulad ng dati na natutuwa kapag niyayaya nya akong lumabas.
"Sige, kung 'yon ang pinaniniwalaan mo, hindi kita pipilitin. But, I know to myself I did what's right. Magalit man si Mikay sa'kin, ginawa ko naman 'yong bagay na alam kong ikakasaya nya't iyon ay ang iligtas ka.." usal nya. Tinalikuran na nya ako. Hindi na ako nag-abala pang magsalita ulit.
Padabog na akong naupo sa buhanginan. Mabuti nalang may short akong panloob na suot kahit nakadress ako. Nahirapan akong gumalaw dahil hapit na hapit 'yon sa akin. Tumingin ako sa lawak ng dagat at doon pinaglayag ang aking naguguluhang isip.
I don't know kung matutuwa ba ako dahil niligtas ako ni Red. Honestly, hindi ko maramdaman na nagsisisi siya. Aaminin kong masyado akong manhid. I know naman na pinapakita nya sa aking nagbago na siya, na nagsisisi na siya sa ginawa nya sa akin a years ako. But, like what I'ved said, hindi na ako apekto sa lahat ng kinikilos nya.
Bakit sa lahat ng pwede kong makasamang mastock sa isla na to ay ang isang Jared pa? Kumuha ako ng bato malapit sa gawi ko't binato iyon sa dagat. Naiinis ako. Pwede namang ibang tao nalang ang makasama ko dito h'wag lang siya. Pakiramdam ko hindi ako makakampante dahil siya ang makakasama ko.
Iniisip ko palang na what if makuha nya ulit ang tiwala ko tapos sirain nya ulit, edi ako na naman 'tong si Kawawa? Tsk! I don't let him to hurt me again. I swear!
Kumagat ang dilim pero nakaupo pa rin ako. Napansin kong nagsiga si Red sa 'di kalayuan upang magkaroon naman ng liwanag sa gawi naming dalawa. Kaya siguro siya nawala kanina dahil nanguha siya ng kahoy. Pero, wala na akong pakialam sa kanya. Gusto ko ay malayo sa kanya. Ayoko syang kasama dito.
Tumayo ako't balak ng umalis pero napansin nya ako. Nilapitan naman nya ako kaagad kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Sa'n ka pupunta?" tanong nya sa akin.
"Saan pa ba? Edi sa lugar na wala ka. Sa lugar na malayo sa'yo. Tsk!" singhal ko sa kanya. I cross my arms and rolled my eyes. I really hate him, all about him. Basta lalapit siya ng ganito sa akin, kumukulo nalang bigla ang dugo ko. Psh!
"Hindi na kailangan, ikaw na dito para may ilaw ka. Ako nalang ang lalayo.." mungkahi nya't dinuro pa ang mga kahoy na siniga nya.
Hindi na ako sumagot kaya tumango na siya sa akin. Pinanood ko nalang siya na iwan ako. Napabuntong-hininga ako. Salamat naman at hindi na siya nagpumilit pa. Naupo ako malapit sa apoy dahil nakakaramdam din ako ng lamig. Malamig kasi ang simoy ng hangin na mula sa dagat. Doon ko rin napansin ang mga prutas na naroon sa 'di kalayuan. Iba't iba iyon kaya sa gutom ay kumuha ako ng saging.
Nang nasa kalagitnaan ako ng paglamon ay may nakakatakot na tinig ang aking narinig. Para iyong huni ng lobong aso. Kinabahan ako bigla. Tumaas ang aking balahibo sa takot. Tumayo ako't hinanap si Red. Dahil sa huni na 'yon ay nawala lahat ng tapang ko. Nakakatakot pa lang mag-isa.
"Red! Nasa'n ka? Red, sumagot ka naman!" sigaw ko sa paligid. Ang bilis naman nyang nawala. Kanina lang pinagtabuyan ko siya, ngayon wala na. Natakot pa ako ng sobra. Hindi ko yata kaya na mag-isa.
Ilang sigaw pa ang aking ginawa. Mabuti na lamang bilog ang buwan kaya may kaunting liwanag sa paligid. Napunta na ako sa kakahuyan. Kailangan ko siyang mahanap. Pakikisamahan ko nalang siya kesa naman mag-isa ako. Baka kainin pa ako ng aswang dito o kaya naman ay kunin ako ng sirena.
"Red! Nasa'n ka na ba!" muntik pa akong maiyak dahil hindi ko talaga siya mahanap. Hindi pwedeng malayo sya sa akin. Natatakot ako dito lalo na parang liblib na lugar 'to. Baka mamaya may lumabas na multo sa kung saan-saan.
"Ano ba't nagsisisigaw ka dyan?" tanong nya ng tuluyan ko na siyang mahanap. Tumalon ang puso ko dahil nakita ko na siya. Napansin kong nangunguha sya ng kahoy. Siguro magsisiga siya ng panibago kaya nangunguha siya.
"E, natatakot ako e, pwedeng sumama nalang ako sa'yo?" tugon ko. Kahit medyo madilim ay alam kong nagulat siya. Kinabahan naman ako dahil baka hindi sya pumayag. Sa tabas ba naman ng dila ko kanina, alam kong nasaktan ko siya.
"Akala ko ba ayaw mo 'kong kasama? Akala ko ba gusto mo sa lugar na wala ako't malayo sayo.." Mungkahi niya ngunit wala sa akin ang tingin kundi naroon sa mga kahoy na kanyang kinuha.
"E, natatakot nga kasi ako. What if kunin ako ng mga engkanto o sirena dyan. Sige na, sasama nalang ako sa'yo.." pagpupumilit ko sa kanya. Hindi ko kakayaning manatili sa lugar na ito ng mag-isa. At oo, ayoko talaga siyang kasama pero natatakot na ako.
"Pa'no pag-ayaw ko?" Taas-kilay nitong tanong sa akin. Nakita ko rin kung paano siya ngumisi na para bang nang-aasar siya.
"Red, naman e, sige na.." Pagpupumilit ko.
" Ayaw ko talaga e, masyadong matabas 'yang dila mo. Nakakasakit kaya mga salitang lumalabas dyan sa bunganga mo. Kaya mo nang mag-isa. Malaki ka na e.." Usal nito at magsisimula na sana syang maglakad ngunit pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa braso niya at parehas kaming napatingin doon kaya naman binawi ko ang aking kamay na nakahawak sa kanya. This is awkward. Gosh.
Sa inis ay hinampas ko siya sa braso kaya napaaray siya. Kung kailan seryoso ako doon naman siya nagbibiro ng ganito. Hindi ko naman siya gustong kasama pero kinakailangan ko ng gawin ito. Nakakatakot pa naman sa lugar na 'to.
"Aray ko naman!" Reklamo niya.
"Seryoso na kasi, h'wag ka nga magbibiro ng ganyan pagganitong sitwasyon. Pasalamat ka gusto na kitang kasama e..." Ani ko.
"Totoo? Gusto mo na ako?" Walang kwenta niyang wika.
"Tsk!" Inirapan ko siya.
"Hahaha, biro lang. Tara na nilalamig na ako't inaantok na e.." wika nya kaya nagpauna na siyang naglakad. Kaso hinabol ko siya at niyakap sa kaliwa nyang braso. Natawa naman siya sa ginawa ko. Alam kong nakakatawa ako pero natatakot talaga ako e.
Bumalik kami kung saan siya nagsiga kanina. Pinaupo nya ako sa tabi nya dahil ramdam nyang natatakot ako. Hindi naman na ako tumutol pa. Tinuloy ko ang paglamon sa saging dahil nagugutom na ako. Sinamahan na rin nya akong kumain dahil sigurado akong nagugutom na rin siya. Alam kong nagnanakaw siya ng tingin sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin at kunwaring hindi ko siya nahalata.
"Nilalamig ka ba?" tanong nya sa akin na ikinagulat ko. Napansin nya sigurong niyayakap ko ang aking sarili. Hindi ko naman maipagkakailang nilalamig talaga ako. Ang lakas kasi ng hangin na nagmumula sa dagat.
"Yeah." tipid na sagot ko.
"Basa pa yata 'yang suot mo. Hubarin mo na 'yan at patuyuin natin baka magkasakit ka pa e.." mayroon sa kanya ang pag aalala.
Ganoon na lamang ang aking gulat nang hubarin nya ang kanyang suot na tshirt. Wala na siyang suot dahil inalok niya ang damit niya sa akin. Nakaramdam ako bigla ng guilt. Nailang rin ako nang bumungad sa akin ang maganda nyang katawan. Aaminin kong natuwa ako dahil nakita ko na naman ang katawan nya.
"Here, wear this one.." Utos nya nang iabot nya sa akin ang tshirt nyang tuyo. Natuyo siguro dahil nilapag nya kanina sa may batuhan.
Hindi ko naman alam kung tatanggapin ko ba 'yon o hindi. Tatanggapin ko sana kaso hindi ko alam kung paano ako magpapalit. Wala pa namang comfort room dito na pwede kong gamitin upang magpalit ng damit. Nakasuot pa naman ako ng manipis na dress. Para syang spaghetti tshirt sa nipis kaya siguro nagawa akong busohan ng gago kagabi.
"Saan ako magpapalit?" tanong ko. Tinignan naman nya ako. Nailang siya sa tanong ko kaya naman napakamot ako sa aking ulo.
"Dito ka nalang magpalit, h'wag ka mag-alala, tatalikod naman ako e.." ani nya na ikinagulat ko. Sinenyasan na nya ako na gawin iyon saka na siya tumalikod.
"E, paano ka, baka nilalamig ka.." Nag-aalalang sabi ko.
"Hindi, may kaharap naman akong apoy e. Mas mabuting ikaw ang magpalit baka mapano ka.." Saka siya ngumiti sa akin.
Natuwa ang puso ko dahil sa magandang loob na pinapakita nya sa akin. Hanggang sa maisuot ko ang tshirt nya ay hindi siya humarap sa akin. Nakasuot na ako ng shirt saka yung short na panloob. Pinanindigan nya talagang hindi nya ako bobosohan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ito na yata ang namimiss ko sa kanya e. Nilagay ko sa gilid ang manipis na dress ko na suot kanina. Napansin kong malapit na din pala iyon na masira.
"Okay na.." Sambit ko.
Hinarap na nya ako't sinuri ang aking kabuuan. Nginitian nalang nya ako. Nabalot ulit ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Pinapakiramdam ko siya at sigurado akong ganoon din siya. Walang may lakas ng loob magsalita sa amin. Hinayaan ko nalang siya't tinuon sa apoy ang aking tingin.
Galaw ako ng galaw dahil naiirita ang legs ko sa buhangin. Napansin naman iyon ni Red kaya gulat ako ng tumayo sya't kinuha sa gilid niya ang jacket na nakalapag roon.
"Stand up, Chloe.." Utos nya sa akin kaya wala na akong nagawa pa kundi sumunod nalang. Pinalupot nya ang kanyang jacket sa beywang ko. Nailang naman ako nang ilang dipa lang ang layo ng katawan namin sa isa't isa, ganoon din lalo ang mukha namin. Ako na itong umiwas baka mag-isip kasi siya ng kung ano-ano.
"Thank you" ani ko.
Hindi ko talaga inaakala na ganito parin siya kagentleman. Yeah, ganito na siya dati kaya nga madaming naiinggit sa akin dahil boyfriend ko siya noon. Hindi ko naman maikakala na may itsura siya. Kaya madaming nagsasabi sa akin noon na huwag na siyang pakawalan pa. Kaso nga lang, gumawa siya ng kalokohang hindi ko inaasahan.
Kinuha nya mula sa akin ang suot ko kanina na dress. Ipapatuyo nya daw ito para may magamit ako kinabukasan. Hindi na pa ako nagreklamo. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya.
Nahiga na ulit ako. But this time, komportable na ako. Sinulyapan ko siya at nakapikit na ang kanyang mga mata. Nakapatong ang isa nyang braso sa kanyang noo samantalang 'yong isa ay nasa dibdib nya. Siguro pagod siya sa pangunguha ng kahoy at pagkuha ng makakain.
Napapikit na rin ako. Pakiramdam ko panatag na ang loob ko dahil kasama ko na siya. Alam ko naman na hindi nya ako hahayaan na mapahamak. Kilala ko si Red, mula noon hindi nya ako hinahayaan na mapahamak. Kung tutuusin pwede naman nya akong hindian kanina e kaso hindi nya ginawa. Nahiya tuloy ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Pinamukha ko sa kanyang duwag siya kahit ang totoo hindi. Kung susuriin nga, matapang siyang harapin ulit ako pagkatapos ng ilang buwan na nagloko siya.
Gusto nya sigurong iparamdam sa akin na nagsisisi na siya. Masyado nga talagang mapaglaro ang tadhana dahil hinayaan nyang magkita kami sa isang barko't makasama ko siya dito. Sabihin ko mang galit ako sa kanya pero mayroon sa akin na gustong malaman ang totoo. Ang dahilan nya kung bakit nya ako nagawang lokohin. Baka pagnalaman ko ay maintindihan ko siya. Hindi ko naman kasi inisip na magagawa nya iyon sa akin noon dahil kilala ko siya. Hindi siya magdedesisyon ng wala siyang sapat na dahilan. Pero, ayoko siyang pilitin na magpaliwanag. Gusto ko kusa nya itong sabihin sa panahong handa na siya't kaya ko ng umintindi.

Book Comment (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters