logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2

JARED'S POV
Tambak ang gawain ko kaya hindi ko na nabibigyan ng oras ang sarili ko. Dahil sa pagpapatakbo ko ng sarili kong restaurant, doon ko nalilibang ang sarili ko sa pagkawala ni Chloe sa akin. Sising-sisi ako sa ginawa ko at hanggang ngayon mahal ko pa rin siya.
'Yun lang hindi ko alam kung ano ang gagawin upang mapabalik siya sa akin. Hindi nya sinasagot ang mga message ko sa kanya at pakiramdam ko nagpalit siya ng number. Talagang iniiwasan nya ako. Nagdaan ang isang taon pero siya pa rin ang laman ng puso ko.
Hindi siya mawala sa sistema ko. Gusto ko siyang yakapin at halikan sa kanyang mga labi. Namimiss ko ang mga paglalambing at pangungulit nya sa akin. Kaya ko lang ipinatayo ang restaurant na ito ay dahil iyon ang pangarap naming dalawa noon.
Hanggang tingin ako sa mga litrato nyang nasa selpon ko. Kamusta kaya sya? Mahal pa nya kaya ako?
Hindi ko maiwasan mag isip ng ganoong bagay. Paano kung 'yong taong gusto kong balikan ay pagmamay-ari na ng iba? Hindi ko 'ata kakayanin kapag napunta siya sa iba. Sana hindi nalang ako naging gago kay Chloe noon.
Kaya ko lang naman nagawa iyon sa kanya dahil nawawalan siya ng oras sa akin. Gusto ko ang atensyon nya mismo kaso 'di nya nabigay. Kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na maghanap ng iba. Naiintindihan ko naman na busy siya pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lalaki ako at kailanman may pangangailangan din ako.
"Sir, may naghahanap po sa inyo sa labas." wika ng isang waitress na pumasok sa opisina ko.
Tumango lang ako bilang sagot kaya umalis na siya sa paningin ko. Inayos ko ang sarili ko bago tuluyang lumabas. Masasabi kong successful ang kainan na pinatayo ko. Sayang hindi manlang naabutan ni Chloe ito. Ang pangarap naming restaurant noon.
"Hello there, Hon.." malanding wika ni Kylah paglabas ko sa pintuan ng opisina ko. Heto na naman ang babaeng 'to. Kailan ba ako titigilan nito?
"Kylah, stay away from me, nakakahiya, ang daming tao oh.." suway ko sa kanya dahil nakapulupot na ang kamay nya sa braso ko at inalis ko naman iyon dahil nakakahiya.
Sinamaan nya ako ng tingin at ako naman ay inayos ang damit kong bandang nagusot sa pagkakapulupot nya sakin.
"You're so killjoy, Red, what's wrong with you!" Singhal nya sa akin. She cross her arms and give me a tension sight. Para bang magagalit na naman siya sa inaasta ko ngayon. Anyway, bakit kailangan nyang manibago araw-araw ko naman iyon na ginagawa.Tsk!
"Pwede ba, umayos ayos ka kapag alam mong madaming tao ang makakakita sa atin." Singhal ko.
"Whatever." She rolled her eyes. Lagi nalang ganito ang ganapan naming dalawa. And, sanay na ako, sino ang hindi masasanay sa ugali nyang pinakaayaw ko sa lahat.
"Before I forgot, Hon, bakit kaya hindi nalang tayo magdate, what do you think? Para naman mawala ang stress mo sa work. Look at you, you look so pale na..." Wika nya at hinawakan ang panga ko at iniiwas ko naman iyon. Ayoko pa naman na hinawakan nya ang mukha ko. Hindi naman sa maarte ako pero si Chloe lang ang gusto kong gumawa nun sa akin.
"I don't have time for that..." Malamig na tugon ko.
"Why? Are you not happy to be with me, hon?" Maarteng wika nya at lumapit na naman sa akin. Tss. Kailan ba siya titigil sa ganitong gawain nya. Ako na mismo ang nagsasawa e.
"Ano ba sa tingin mo?" Prangka ko. I don't know kung paano nya natitiis na pakisamahan ako sa kabila ng mga inaasta ko sa kanya. To be honest, pinagtatabuyan ko siya but still ayaw nyang paawat. I talk to her na many times pero hindi pa rin siya nadadala. Ganoon na ba siya kadesperada para habulin ako?
"Bakit ka ba ganyan, Red? You 're so sarcastic everytime you talk to me, is there any problem, huh?" Pagsusungit na naman nya kaya ako na mismo ang lumayo. Heto na naman siya, aawayin na naman nya ako sa walang kwentang bagay.
"Kylah, dont make a scene here, please, I'm begging you.." Sita ko sa kanya lalo na medyo madami ang kostumer namin ngayon. Nakakahiya lalo na kilala ang kainan ko sa buong syudad. Ayokong makagawa ng ikasisira ng negosyo ko dahil lang dito sa maarteng babae na 'to.
"And so? None of their business. At saka bakit ka ba ganyan? Naiinis na ako sayo alam mo ba 'yon ha? Don't tell me iniisip mo parin ang pokpok mong ex..."
"Don't you dare call her like that, hindi siya ganoong klase ng babae. Baka nakakalimutan mong dahil sa'yo iniwan nya ako. And please Kylah, leave me alone, kahit kailan wala kang mapapala sa akin..." Deretsong tugon ko. Lagi nyang sinasabihan ng ganoon si Chloe na ikinasasama ng loob ko. Mas kilala ko si Chloe kesa sa kanya kaya wala siyang karapatan na tawagin nya ito ng ganoon.
"Ha!" Mapaklang tawa nya sa harap ko."Sa tingin mo susuko ako ngayong alam kong wala na kayo? Hell no! Kahit lumuhod ka sa harapan ko, Red, never ako titigil..."
"Ang desperada mo.."
"Yeah, I know, Hon. Ganito lang naman ang mga taong uhaw sa pagmamahal e," duro pa niya sa aking sarili.
"Tss.."
Kahit pa man masama na ang tingin ko sa kanya ay hindi parin siya madadala. Malamang makapal ang mukha nya kaya tanging ngisi nalang ang naibigay nya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ko pinatulan babaeng 'to. Masasabi kong malayo siya sa tipo ko sa babae lalo na kay Chloe. Never nya mapapantayan si Chloe sa puso ko.
"Uhm..Sir, excuse po, nakahanda na po ang service nyo sa labas..." Singit ng driver ko na nakaagaw agad ng atensyon naming dalawa. Taka naman siyang tumingin sa akin.
"Sige po Manong, pakihintay nalang ako doon..." Wika ko at tumango naman siya bago tuluyang mawala siya sa paningin ko. Bumalik ako sa opisina ko upang kunin ang mga mahahalagang bagay na kailangan kong dalhin sa byahe. Yap, I'm going somewhere na hindi alam ni Kylah. Wala talaga akong balak sabihin dahil alam kong hindi maganda ang maidudulot noon sa akin.
"Where are you going?" Takang tanong nya ng ikinakandato ko ang opisina ko. No one can allowed to enter my office without my permission. Ganoon ako kahigpit at naiintindihan naman ako ng mga trabahador ko.
"I have a business meeting with a friend of mine.." Pagsisinungaling ko kahit ang totoo pupunta ako ng Palawan. Ayokong sirain nya ang bakasyon ko. Gusto ko magpalamig ng ulo ng sa ganoon may lakas ako ng loob upang kausapin si Chloe. Oo, 'yun ang plano ko, gusto kong maayos ang sa amin. Hindi ako papayag na aabot pa ito ng dalawang taon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ganoon.
"Can I come, hon?" Para siyang tuta na nagpapacute sa'kin.
"No, hindi ka kailangan doon..." Wika ko at ibinulsa ang susi. Naghabilin na muna ako sa mga trabahador ko at ni isa sa kanila ay walang nakakaalam kung saan talaga ang punta ko. Tanging si Kyron lang na bestfriend ko ang nakakaalam kasi siya ang kumuha ng ticket ko. Naglakad ako papalabas ng restaurant pero nararamdaman kong nakabuntot pa rin si Kylah sa akin.
"What do you think you're doing?" Naiinis na sambit ko. Hindi ko gusto ang mga inaasta nya ngayon at halos buong presensya nya ay nasira na nito ang araw ko.
"Sasama ako sa'yo..."
"Hindi pwede, dito ka na lang."
"But, I want to come with you Hon.." Pagpupumilit niya.
"Kylah, ano ba! Sabi ng hindi pwede e, ba't ba ang tigas ng ulo mo?!" Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses. 'Buti na lamang at naroon kami sa tapat ng restaurant. Mapapahiya talaga ako kapag nasa loob kami habang pinagtataasan ko siya ng boses.
"Okay, fine!" Madiin nyang tugon na ikinapatag ng damdamin ko. Marunong din palang umunawa ang taong 'to binadtrip pa ako.
Hindi ko na siya sinagot at dumiretsong pumasok sa service car na dala ni Mang Kanor. Tinext ko siya kanina na siya ang maghahatid sa akin sa daungan. Umupo ako sa back seat at isinandal ang ulo ko. Habang nasa byahe ay unti unti nawala ang inis ko kay Kylah at naalala si Chloe.
I missed everything about her. Masasabi kong naging tanga ako dahil sinaktan ko siya a year ago. Pinagsisisihan ko naman iyon eh, nadala lang ako sa alak at hindi napigilan ang sarili ko. Pero, may malalim akong dahilan kung bakit ko iyon nagawa sa kanya. Hindi ako gumagawa ng desisyon kung wala iyon dahilan, alam kong alam nya iyon. Kapag handa na akong sabihin sa kanya ang totoo, sana maintindihan nya ako.
"Mukhang ayaw kayong tantanan ng Kylah na 'yon ,sir, " basag ni Mang Kanor sa katahimikan na nagbalik din sa akin sa reyalidad.
"Sinabi mo pa, halos araw araw nakabuntot po 'yon sa'kin eh." Sagot ko.
"Naku Sir, buti nalang hindi ganoon si Maam Chloe noon. Malayong-malayo po siya doon sa maarteng babaeng 'yon..."
Natahimik naman ako. Oo, tama siya malayong-malayo talaga si Chloe kay Kylah. Kung gaano kahinhin si Chloe kabaliktaran naman ni Kylah iyon. Kilala siya ni Mang kanor kasi everytime na busy ako, siya ang naghahatid kay Chloe. Malapit ang loob nya dito at ganoon nalang ang paghihinayang nya ng malaman na naghiwalay kami.
"Ahhhh.... hindi ko po ba dapat sinabi 'yon, Sir?" Mukhang nagsisisi ito na sabihin ang tungkol kay Chloe.
"No, it's okay Manong, tama naman kayo eh.."
"So ano Sir, nakapag-isip na ba kayo ng mabuti kung paano nyo kakausapin si Maam Chloe?" Tanong niya habang nakatingin sa rear mirror.
"Not yet pa po, kaya siguro tama ang suggest ni Kyron na magbakasyon muna ako upang makapag-isip ng maayos. Para na din po makarelax ako lalo na stress ako sa negosyo ko lagi..."
"Oo nga naman, Sir. Nga po pala kamusta na po kaya si Maam Chloe?"
"I hope she's fine....alam mo manong namimiss ko siya..." wika ko habang nakasandal sa bintana ang siko ko, pinaglalaruan ko pa ang aking labi.
"Sus! Halata naman po sa inyo Sir. Mula ng mawala siya sa inyo halos nakalimutan nyo na maging masaya. Nagpapaalipin na kayo sa trabaho at pati po sa alak eh.."
Natawa ako saglit dahil guilty ako sa mga sinabi niya."Sana hindi pa huli ang lahat para maayos namin ang gulo sa pagitan namin. Mapatawad nya lang ako okay na ako doon. Ayoko na may galit sya sa'kin kaya sisikapin kong makaisip ng paraan para magkaayos kami."
"Tiwala lang Sir, malalagpasan mo din 'yan may awa ang Diyos. Saka, si Maam Chloe 'yon, mabait na tao 'yon kaya sigurado akong mapapatawad ka nya kasi halatang nagsisisi ka naman eh.."
"Nagbabago kasi ang tao kapag nasasaktan Manong. Lalo na kapag 'yong sakit na 'yon ang hirap gamutin at hanapan ng lunas..." Seryosong wika ko habang hinihimas ang mga palad ko.
"Lahat naman ng nagkakasala, Sir, dapat patawarin lalo na kapag alam mong nagsisisi ito. Kilala kita, Sir, hindi ka masamang tao sadyang nadala ka lang sa sitwasyon noon..."
Napangiti ako sa sinabi niya."Buti pa kayo naiintindihan nyo ako, si Chloe ganoon din kaya?"
"'Wag mo isipin 'yan, Sir, lalo mo lang binababa ang sarili mo eh. Magtiwala ka lang. Lahat nagagawan ng paraan at nahahanapan ng lunas. 'Wag kang nega dapat positibo lang Sir....."
"Salamat po..." sambit ko at nginitian nya ako pabalik. Nabalot ulit ng katahimikan ang loob ng sasakyan. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa mga narinig ko kay Mang Kanor. Bihira kasi ang taong kayang icheerup ako eh, kaya pasalamat nalang at nandyan siya.
Dumaan muna kami sa bilihan ng cake dahil pasalubong ko iyon kay Mama. Mahilig si Mama sa cake kaya nakasanayan ko na din na bigyan siya ng pasalubong. Pagkabigay ng order ko ay binayaran ko na ito saka sumakay. Kalahating oras ng makarating kami sa bahay. As usual, tahimik sa buong kabahayan, saka lang maingay kapag nandito ang mga anak ni Ate Jen ko. Dumadalaw din kasi sila minsan dito kaya kahit papaano may maingay.
Pagkababa sa sasakyan ay pumaroon na ako sa loob ng bahay. Ilan sa mga kasambahay ay binati ako at ngiti lang ang naisagot ko. Dumiretso ako sa kusina dahil rinig ko doon ang boses ni Mama. At hindi nga ako nagkakamali, nandon siya kasama si Papa. Hobby din ng Mama ang magluto kaya siguro sa kanya ako nagmana. Sweet sila ni Papa kaya hindi 'yon awkward sa amin. Nasanay naman na kami.
"Goodmorning Ma, Pa.." Bati ko kaya naagaw ko ang kanilang atensyon. Inabot ko naman kay Manang Rowena ang dala kong cake upang maihain iyon sa lamesa.
"Oh son, you're here..." Masayang banggit ni Mama kaya linapitan ako at bineso ko siya pabalik.
"Mukhang busy kayo maglambingan ni Papa, Ma."Asar ko at umupo sa harapan nilang dalawa. Kumuha naman ako ng saging at binalatan iyon bago kinain.
"Ano ka ba, Red, hindi ka pa nasanay sa amin ng Mama mo. Halos lagi mo kaming naaabutan na ganito eh..." Natatawang sagot ni Papa. Madalas silang maglambingan kapag walang pasok si Papa sa trabaho. Isa kasi siyang Supervisor sa isang kumpanya at si Mama naman ay Online seller lang dahil hindi ko na siya pinayagan magtrabaho simula mapatayo ang negosyo ko.
"Mama, ha, baka malanggam 'tong lamesa natin hinay hinay lang," biro ko kaya natawa ito.
"Naku anak, hayaan mo na kami ng Papa mo, e, sa wala kaming magawa eh. Lalo na umuwi na ang ate mo sa bahay nila kaya wala mga pamangkin mo dito." Malungkot na wika ni Mama. Tuwang-tuwa kasi siya everytime na dumadalaw sina ate Jen dito kasama ang mga anak nya. May nakapag-aabalahan naman siya kahit papaano.
"Eh, kung bigyan mo nalang kaya kami ng apo anak." Biro ni Papa sa akin at nagkatinginan kami ni Mang Kanor na sumunod sa akin kanina kasi niyaya ko siyang magmeryenda.
Natawa nalang ako sa birong iyon ni Papa. Para bang alam ko na kung saan mapupunta ang usapan. Alam naman nila ang nangyari at nagalit sila noong una sa akin pero sa huli napatawad din. Hindi kasi nila ako matiis at tao din daw ako na nagkakamali. Sinisita ko pa minsan si Mama nahuhuli ko siyang kinukulit si Chloe sa tawag. Ayoko lang isipin nya na nagpapatulong ako kay mama para maayos kami.
Ganoon ako kadesidido na magkaayos kami ni Chloe. Masasabi kong kahit papaano ay makabawi ako sa pagkakamaling nagawa ko sa kanya. Alam kong hindi madali 'yon sa kanya eh, nasaktan ko siya ng sobra at natitiyak ko 'yon. Siya 'yong tipo ng babae na hindi nya deserve masaktan pero binigo ko siya. Kasalanan ko naman, ang ganda na ng takbo ng relasyon namin noon sinira ko pa.
"Oh, bakit natawa ka lang, Red? Hindi pa ba kayo okay ni Chloe?" Tanong ni Papa sa akin kaya napahinto ako sa ginagawa kong pagbalat sa ikalawang saging na kinuha ko.
"Hindi pa nga Papa, e, pero gagawa po ako ng paraan.." mahinahon kong sagot.
"Naku anak, dapat kumilos ka na agad baka maunahan ka pa ng iba. Sa ganda pa naman ni Chloe, hindi nakakapagtakang madami ang mag- aakyat ng ligaw do'n."
"Labs naman, 'wag mo naman ipressure ng ganyan ang anak natin alam mo na ngang ganoon ang nangyari e..." Sita ni Papa kay Mama.
"Aba! Totoo naman e, ang ganda ng batang iyon. Kaya sana anak, magkaayos na kayo nagkakaedad ka na baka hindi mo ako mabigyan ng apo nyan..."
"Si Mama talaga ih..."napakamot pa ako ng ulo.
" Halos isang taon na ang nakararaan, Red, 'wag mo sana iabot pa ng dalawa bago ka tuluyang magsisi..."usal ni Papa.
"Oo nga naman anak, tama ang Papa mo..."
"'Wag po kayong mag alala Ma, Pa, ako na po ang bahala sa bagay na 'yon. Pero, ngayon kain na muna tayo kasi lumalamig na ang meryenda na niluto nyo..." Humalukipkip pa ako at dinuro ang mga pagkain na nakalapag sa mesa.
"Oh sya, sigee, Manang Rowena, tawagin mo na ang iba para sabay-sabay na tayong magmeryenda..." Utos ni mama sa kasambahay namin.
Ganito kami sa bahay ayaw namin na hindi kasabay ang mga yaya. Hindi naman kami 'yong tipo ng amo na pinandidirian ang mga yaya namin. Tuwang-tuwa pa nga sina Mama kapag sabay-sabay kaming kumain.
Naging mabilisan ang paglamon ko kasi tumatakbo ang oras. Baka mahuli ako sa byahe ko kapag nagpakabagal bagal pa ako dito.
"Oh Red, anak, hinay hinay naman sa pagsubo mukha yatang nagmamadali ka?" Sita ni mama sakin na mapansin ang inaasta ko.
"Ay oo nga po pala, may pupuntahan po ako." Pagpapaalam ko sa kanila at pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang table tissue."Pasensya na ngayon ko lang nasabi sa inyo.'Wag kayo mag alala, Ma, Pa, kaya ko ang sarili ko.."
"Sige anak, basta mag iingat ka doon ha? 'Yung pasalubong ko wag mo kakalimutan.." Habilin ni mama pero natawa kami parehas sa huling sinabi nya.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako at nagbihis. Inihanda ko na din lahat ng gagamitin ko at tinawagan ko si Manong Kanor upang ibaba ang bagahe na dadalhin ko. Naging mabilis ang pagkilos ko sapagkat tinawagan ako ni Kyron na bilisan ko dahil baka maiwan ako ng barko. Oo, barko ang naisipan kong sakyan papuntang Palawan dahil gusto kong marelax. Kahit pa man kinukulit ako ng kaibigan ko na bakit hindi nalang airplane para mabilis ako makarating kaso inayawan ko. Gusto ko makalanghap ng fresh air kaya wala na siyang nagawa pa.
Nagpaalam ulit ako kina Mama bago tuluyang umalis ng bahay. Salamat nalang at hindi traffic kaya nakarating agad kami sa daungan. Nagpaalam din na ako kay Manong Kanor bago tuluyang sumakay ng barko. Sana talaga makapagrelax ako ng sa ganoon makapag-isip ako ng paraan para makausap si Chloe.

Book Comment (3)

  • avatar
    Ciera Maraguinot

    mahal

    18/05

      0
  • avatar
    LJ Villaceran Pasaylo

    good author

    27/03/2022

      0
  • avatar
    Harren Jay

    nu gvbb

    19/02/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters