logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

"Anong gusto mong kainin?"
Napalingon ako kay Lunamalthea ng itanong niya sa'kin 'yun. We have no class today because it's Saturday. Ngayon ko lang din nakita ang mga estudyanteng pagala gala sa Subdivision.
"Kung ano sa'yo, 'yun na rin akin." Sagot ko.
Nakakahiya naman kasi kung magrerequest pa 'ko ng makakakain e siya ang nagluluto. Grabe! Bilib na bilib ako sa sarili ko, kung dati ay ako ang nasusunod, ngayon nag iisip na 'ko. Can I call it improvement to my self? Yeah I should.
"What is your favorite food?" Tanong niya nanaman habang abala sa paghahanap ng maluluto.
"Anything spicy." Sagot ko na ikinalingon niya.
"Really? We're same." Parang tuwang tuwa na sabi niya.
Napatitig nanaman ako sa mukha niya. Bakit ganu'n? Ang layo ng ugali niya sa loob ng University at ugali niya sa loob ng apartment.
"Kailan ka pa dito?" Hindi ko alam kung saang lakas ng loob ako humugot para lang matanong siya ng personal.
Napalingon siya sa'kin at agad na umiwas ng tingin. "W-When I was 1st year high school."
"Anong year ka na ba ngayon?" Curious na curious na tanong ko na napalingon pa sa nilabas niyang noodles.
"4th. 4 years na 'ko dito."
Napatitig nanaman ako sa kaniya. "Paano mo nakayanang tumagal sa lugar na 'to?" Kunot noong tanong ko.
"No choice. Tulad mo, wala akong choice kundi ang manatili."
"Natatakot ka rin ba?" Natatawang tanong ko, hindi kasi halatang natatakot siya. Babae siya, lalaki ako pero para bang ako ang duwag sa'ming dalawa.
"Hindi." Lalong kumunot ang noo ko. "Hindi ako natatakot mamatay." Seryosong sabi niya.
Napaiwas ako ng tingin. Ganu'n ba 'ko kaduwag? 'Yun ang bagay na kinakatakutan ko sa lahat, kamatayan. Ayaw ko pang mamatay. Marami pa 'kong gustong gawin.
"Y-You're strong women Lunamalthea." It just a whisper but obviously, she heard it.
A smile formed into her face while preparing the ingredients. "You know what? You are the only here calling my first name."
Napangiti naman ako. Ngayon ko lang alam 'yun. Alam kong Proxima ang tawag sa kaniya dito pero hindi ko inaasahang ako lang pala talaga ang tumatawag 'nun sa kaniya.
"Do you want to know how to slice onion?" Tanong niya.
Napalingon muna ako sa ginagawa niya bago tumango at lumapit sa kaniya. She touch my hand to guide it. It something flowing to my arms when she touch me.
Napatitig ako sa kaniya habang ginagabayan ang kamay kong hiwain ang sibuyas. Ngayon ko lang din napansin na mas matangkad ako sa kaniya. Probably, she's tall but I'm taller than her. Hanggang leeg ko lang siya. Her soft touch make me comfortable, weird.
Nang hawakan niya ang kamay ko ay sinenyasan akong magpatuloy. Ginawa ko naman ang tinuro niya. Napangiti ako ng makuha ko 'yun. Hindi naman pala mahirap ang bagay na 'to.
"You need to know how to cook Khiant, you're to young."
Napatango na lang ako. Nang matapos ay humila ako ng upuan para sa tabi niya 'ko maupo. Lintik ang mata ko at tingin ng tingin sa mukha niya, hindi sa ginagawa niya. Nakapatong ang braso ko sa table habang nakapatong naman ang mukha ko sa braso habang pinapanood siya.
"Paano ka pala napunta rito?" Tanong niya na hindi ako nililingon.
"My stepfather enroll me here. I don't know kung sinasadya niya o hindi niya rin alam." Sagot ko.
Napatango naman siya, hindi na nagsalita. Nang matapos ay agad niya 'yung nilatag sa table at sabay kaming kumain.
Nang matapos ay ako na ang nagpresintang maghuhugas ng plato. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako maghuhugas ng plato. I know how to wash dishes because when I was a child, my mom teach me. Ako lang talaga 'tong tamad.
"You want to drink?" Tanong niya ng matapos akong maghugas.
"Drink what?" Tanong ko habang nagpupunas ng kamay.
"Alcohol."
Napatigil ako sa ginagawa at napatitig sa kaniya. Hindi siya mukhang nagbibiro sa sinabi niya. "P-Pwede ba 'yun dito?"
"Oo naman. Sabado at Linggo, free time para sa lahat ng estudyante. Lahat ng gusto mo, pwede mong gawin."
Agad lumaki ang tainga ko sa sinabi niya. Agad akong lumapit sa pwesto niya, nakita ko doon ang apat na bote ng soju.
"You know what? 'Nung wala pa 'ko dito, ito ang libangan ko." Napalingon naman siya sa'kin habang nagbubukas ng chips. "Ako 'yung tipo ng lalaking basagulero." Natatawang sabi ko, parang proud pa tss.
"Mukha nga." Sabi niya na nguwi pa.
Napasimangot naman ako. "Halata ba?" Kunot noong tanong ko.
Tumango naman siya habang natatawa. Napatitig nanaman tuloy ako. Kakaiba kasi ang itsura niya sa tuwing ngingiti at tatawa. Para bang once in a blue moon 'yun kaya kailangan mong titigan kapag nangyari.
"Lumapit ka nga sa'kin." Kunot noong sabi niya.
Napakunot naman ang noo ko. May dumi ba ang mukha ko? Lumapit naman ako sa kaniya. Halos mapalunok ako ng salubungin niya ang paglapit ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang naiilang sa lapit ng mukha namin, parang wala naman sa kaniya pero ikinahihina ko.
Napalunok ako ng bumaba ang titig niya sa labi ko at muling titingin sa mata ko. Halos dama ko na nga ang paghinga niya sa sobrang lapit.
"Gwapo ka pala."
Napaiwas ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun. I feel something heat in my chicks. What the hell!
Natawa nanaman siya kaya napalingon ako sa kaniya. Bakit ganiyan siya? Nagsimula na nga siyang mag inom kaya sumunod naman ako. First time kong uminom ng alak na iisang babae lang ang kasama.
Sa kalagitnaan ng pag iinom ay may pumasok sa isip ko. "Saan ang room mo?"
"Sa main room. Doon lahat ng high students."
"Ilan ba lahat ng high students?" Kunot noong tanong ko.
"20."
Napatango naman ako. Twenty smart students. Sa dami ng estudyante, sila ang nasa top. Paano 'yun? Ano bang klaseng talino ang mayroon sila?
"Do you have phone?" Tanong ko sa kaniya.
Lumingon naman siya sa'kin at tumango. "I have but its haven't signal."
Naisip niya agad ang naiisip ko. Sabagay, walang silbi ang phone kung walang signal. "Okay, 'wag na lang."
"Sorry for being selfish." Napalingon agad ako sa kaniya ng sabihin niya 'yun.
Hindi naman 'yu ang iniisip ko! "No, no. It's okay. I understand tsaka kung may signal ka, alam kong tatawag ka sa labas para makalabas ka."
Umiling siya na ikinakunot ng noo ko. "Kahit naman may signal ang phone ko, wala din naman akong kokontakin."
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. "W-What do you mean?"
"Wala naman na 'kong magulang."
I closed my mouth. I don't want to talk to her about her parents. Alam kong nasasaktan siya besides ganu'n din naman ako kapag pinag uusapan si Mom at Dad. Ang pinagkaiba lang namin, may stepfather akong tatakbuhan.
"I-I'm sorry for asking." Paumanhin ko.
She smiled at me and drink. "Ayos lang. Masaya nga ako dahil may kumakausap sa'kin."
Napatitig nanaman tuloy ako sa kaniya. "Wala bang nakikipag usap sa'yo?"
Umiling naman siya. "Natatakot silang lahat sa'kin." Natatawang sabi niya, but it was fake. She's in pain base on her eyes. "Mukha ba 'kong killer?"
Umiling agad ako. "I can't deny that first time I look at you, I'm scared." Pag amin ko. "Pero 'nung nakasama kita, alam kong ginagawa mo lang ang bagay na 'yun dahil sa posisyon mo pero mabait ka, ako ang testigo."
Napangiti naman siya. "Thank you." It was whisper but I still smile.
I don't know what I feel. I think I'm comfortable now. She's kind and soft women behind the University and I'm the one who can prove it. Atleast ngayon alam kong hindi dapat matakot sa kaniya. Siguro nga nasagot na ang noon kong katanungan. Dapat ba 'kong matuwa dahil nakita ko ang ngiti niya o dapat ba 'kong matakot pa lalo dahil sa ngiti niyang 'yun?
I'm comfortable with her smile. I know I'm safe now because of her but It doesn't mean na iaasa ko na ang buhay ko sa kaniya. Lalaki pa rin ako at babae siya.
"Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko kay Shantelle ng makapasok ako ng room.
Nagkakagulo kasi ang open field ng University. Hindi ko kayang makealam at lalong ayaw kong madamay.
"May isang estudyante ang nagtangkang patayin ang 7th high student." Bulong nito.
"S-Sino ang nagtangkang pumatay?" Bulong ko nanaman.
"Random student I guess. Halatang datihan. Palaging may nangyayaring patayan tuwing open ang 20th position for high student. Mga madaya kung maglaro." Bulong niya na napatingin din sa labas.
Nasa 4th floor kami at mula dito sa taas ay kitang kita ang gulo sa open field. Medyo nakaramdam ako ng takot para kay Proxima dahil sa sinabi ni Shantelle.
"Nanganganib si Lunamalthea." It was whisper but Shantelle look at me, obviously she hear what I said.
"Yes. She was the highest student at siya ang pinakapuntirya ng mga madadaya." Sabi niya na nakatingin sa open field tsaka lumingon sa'kin. "And now, you are concern to her huh." Parang nang aasar ang tono niya.
Napasinghal naman ako. Walang maisip na isasagot. Concern naman talaga 'ko.
Bumalik kami sa room at muling inabala ang sarili sa pagbabasa ng libro. Sinusubukan ko talagang kabisaduhin ang mga nababasa ko para makapasok sa 500. Hindi na ako nag eexpect na makapasok sa 20 dahil 500 pa nga lang, kinakabahan na 'ko. Matalino ang lahat ng estudyante dito, paano naman ako? Ayaw kong ilibing ng buhay!
"Masaya ka yata ngayon?" Rinig kong tanong ni Moonario kay Lunamalthea.
Nasa Cafeteria kasi kami ngayon at obviously kumakain para sa breaktime. Hindi ako lumingon para hindi mapansing chismoso ako.
"Do I look happy now?" Seryosong tanong ni Lunamalthea.
Suminghal naman si Moonario. "Maloloko mo ang lahat ng tao sa lugar na 'to, hindi ako Proxima."
"Just shut up your mouth."
Napangisi naman si Moonario na halatang inaasar si Lunamalthea. Malapit kasi ang table namin sa main table.
"Are you listening to me?"
Napaligon ako kay Shantelle ng medyo lumakas ang tono niya. Naguguluhan naman akong napatingin sa kaniya. Nagsasalita ba siya?
"H-Ha? I'm sorry. What is it?"
"Tsk you're not listening."
"I'm sorry." Sabi ko.
Nanlaki ang mata ko ng tumayo siya at naglakad palayo sa'kin. What happened to her?
Napalingon ako sa paligid ng gawin 'yun ni Shantelle at nakita kong sinundan siya ng tingin ni Lunamalthea at agad na lumingon sa akin, hindi nagbabago ang itsura niya at nanatiling seryoso ang mukha. Siya ang unang nag iwas ng tingin kaya tumayo na ako at sinundan si Shantelle.
Nakita ko siya sa room kaya umupo agad ako sa upuan ko, katabi ko naman kasi siya.
"I'm sorry." Agad na sabi ko. "M-May iniisip lang ako." Bulong na sabi ko.
"Si Proxima?" Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya. "Tss."
"Okay okay I'm sorry." Sabi ko na nagbuntong hininga pa.
Hindi ko nga alam kung bakit nanunuyo ako. Ang alam ko lang ay kailangan.
Hindi niya 'ko pinansin hanggang matapos ang klase. Nauna siyang lumabas at hindi ako pinansin. Sinundan ko naman siya at agad na hinila palapit sa'kin.
"Pansinin mo naman ako. Sorry na nga 'di ba?" Sabi ko pero inirapan niya lang ako. "Bakit ba naiinis ka sa'kin?"
Hindi niya 'ko pinansin hanggang sa tuloy tuloy siyang pumasok ng room niya. Napabuntong hininga na lang ako at napasapo sa noo. Ano bang nangyayari?
Pakiramdam ko tuloy ay importante ang sinasabi niya at ako naman 'tong hindi siya pinapansin. I'm guilty now!!!
Ilang minuto muna akong nakatayo sa harap ng pinto niya bago kinatok 'yun. Pinagbuksan niya naman ako at nagulat pa na ako ang nakita, halatang hindi inaasahan na ako ang makikita.
"I'm sorry." Paumanhin ko nanaman.
"Nakakainis ka kasi, kanina pa kita tinatawag." Umirap nanaman siya.
"Bakit ano bang sinasabi mo? Sorry na. Bakit ba naiinis ka kaagad e 'yun lang naman pala." Hindi ko maiwasang mainis ang tono, hindi ko hilig ang manuyo.
"I-I don't know. A-Ayaw ko lang talaga na natutuon ang atensyon mo sa iba... Kapag kausap kita. S-Sorry." Sabi niya at sinara ang pinto.
___________________________________________

Book Comment (68)

  • avatar
    YansonBernadette

    🥰🥰🥰

    02/03

      0
  • avatar
    Shantinni Yamut

    nice!

    17/08/2023

      0
  • avatar
    RegenioAshley

    goods

    04/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters