logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

"Hi Khiant!"
Napalingon agad ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Shantelle. Nginitian ko lang siya. Agad siyang tumabi sa'kin.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko dahil todo ang ngiti niya.
Lalo lang siyang ngumiti, napangiti na lang din ako. "Papunta ka na?" Tanong niya, tumango naman ako. "Sabay na tayo."
Sabay kaming naglakad papuntang University. Nang magising ako ay wala na si Lunamalthea, naguiguilty pa rin ako sa ginawa ko. I feel I'm stupid now. Hindi ko naman sinasadyang mainis sa kaniya. Kung bukas ang rules, paniguradong nasugatan na 'ko.
"Kamusta naman sa apartment mo?" Tanong ni Shantelle na ikinalingon ko.
"Ayos naman." Totoo namang ayos, hindi ko lang talaga inaayos sarili ko.
Sino ba naman kasing manhid ang magiging maayos sa lugar na 'to? Every step, every move make me feel scared.
"Nag uusap naman kayo ni Proxima?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya pero tumango naman ako. Siya naman ang hindi makapaniwala. "R-Really?"
"Not to much." Nag iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Teka uulitin ko 'yung tanong ko ha." Sabi niya na parang hindi mapakali. "Kinakausap ka ba ni Proxima?" Paglilinaw niya, medyo pabulong na.
I nodded and her lips was parted. Her eyes widened and obviously, hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Ano bang nakakapagtaka? Umiwas agad siya ng tingin at parang ang lalim ng iniisip.
"W-What's wrong with that?" Nagtatakang tanong ko.
"H-Hindi agad nakikipag usap si Proxima kahit kanino man."
Nahinto ako sa paglalakad at napatitig sa kaniya habang nakaawang ang labi. Did I heard it clearly? Hindi nakikipag usap si Lunamalthea kahit kanino? B-Bakit parang siya pa ang nangungulit? O baka nag aasume akong ganu'n na nga? I remember what she said, ginagawa niya lang 'yun dahil sa posisyon niya. I don't need to put some meaning of it.
Tahimik lang tuloy kaming pumasok ni Shantelle sa University. Tulad ng dati, wala ka masyadong makikitang palakad lakad na estudyante. Dumiretso agad kami sa room. Sa sobrang tahimik, kumuha na lang ako ng libro at nagbasa.
Ilang araw pa lang ako dito pero para bang nasasanay na 'ko na ganito dapat ang gawin, dapat tahimik, dapat 'wag malikot, dapat sumunod. I don't know if I become happy for myself. I think I need to be happy for me, natututo na 'kong makiisa. But... It doesn't mean that I never scared. I'm still scared. I'm still not comfortable with this University.
"Tara kain."
Napalingon ako kay Shantelle ng yayain niya 'kong kumain. Breaktime kasi at wala ako masyadong close dito.
Tumango na lang ako at sumunod sa kaniya. I don't know where are the way going to Cafeteria, one of the reason why I didn't eat to Cafeteria. I just follow her. Doon ko lang napansin na lahat ng estudyante dito ay kalmadong kalmado, halatang sanay na sa lugar na 'to.
Nang makapasok kami ni Shantelle ay agad siyang naupo sa vacant seat kaya naupo na rin ako sa tabi niya. May isang waiter ang lumapit sa'min at inabutan kami ng menu. I just choose fries and juice. I don't want to eat more.
While waiting our food, nilibot ko ang tingin sa Cafeteria. It just normal Cafeteria. Malawak ang pwesto, maraming tables at may dalawa, tatluhan, apatan, limahan na tables. Ang kakaiba lang, lahat ng estudyante tahimik. May nagkekwentuhan pero halos bulong lang 'yun. Hindi tulad sa University sa pinasukan ko noon, halos parang palengke ang itsura dito naman parang simbahan sa sobrang tahimik.
"Andiyan na ang high students." Napalingon ako kay Shantelle ng sabihin niya 'yun at agad nilingon kung saan siya nakatingin.
Nakita ko na nga ang sampong high students. Hindi ko alam kung ilan lahat ng high students. Kung hindi sinabi sa'kin ni Lunamalthea na may top 6 to 10, hindi ko malalaman. Para bang ang daming bagay sa University na 'to na hindi ko pa alam.
Napalingon ako kay Lunamalthea ng mapansing may sugat nanaman siya sa kanang braso. Nagtama ang tingin namin, nagulat pa siya ng makita ako pero agad ding nag iwas ng tingin. Sabay sabay silang naupo sa main chair at sila agad ang binigyan ng pagkain.
"Ganiyan kaunfair sa University na 'to." Bulong ni Shantelle na ikinalingon ko. "Para silang prinsipe't prinsesa." Bulong niya na ngumiwi pa. "Kaya maraming estudyante ang gustong makaapak sa posisyon nila. Actually lahat matalino ang narito, kaso hindi nila kayang pantayan ang high students."
Hindi na lang ako nagsalita. Alam kong hindi ako makakaapak sa posisyon nila dahil hindi naman ako matalino, nahiya tuloy ako bigla. Lahat matalino? So ano pang ginagawa ko dito?
Nang makarating ang pagkain ay agad din kaming kumain dahil baka malate kami sa klase. Nang maglakad ang high students sa mismong harap namin ay napalingon ako kay Lunamalthea. Paanong nagkaroon nanaman siya ng sugat?
"Napapadalas yata ang punishment kay Proxima ah." Napalingon ako kay Shantelle ng ibulong 'yun, parang hindi ko gusto ang ngiti niya.
Para bang tuwang tuwa pa siya na ganu'n ang nangyari sa highest student. "Ano ang nakakatuwa sa nakikita mo?" Medyo nainis ang tono ko.
Lalong lumapad ang ngiti niya. "Bakit parang naiinis ka? I'm just confused." Sabi niya na nagpatuloy sa pagkain. "Nakakapagtaka kasi ngayon lang na school year siya nagkaroon ng sunod sunod na punishment. Alam mo naman punishment ang sugat sa katawan 'di ba?" Sabi niya ka tinaasan pa ako ng kilay. Napaisip din tuloy ako sa sinabi niya. "Mukhang babagsak siya sa pwesto." Nakangising sabi ni Shantelle.
Hindi 'yun nawala sa isip ko. Babagsak? Dahil lang doon? Sabagay may hawak siyang posisyon, kailangan niyang maging magandang modelo sa lahat pero mangyayari 'yun kung nakakarami na siyang punishment? What happened? What happened to her? I'm new here but I know that Lunamalthea deserve that position.
"Buti at hindi ka ginabi." Nakangiting sabi ni Lunamalthea ng makauwi ako.
Lumapit ako sa kaniya at tinaas ang manggas ng suot niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano kalaki ang markang nakalagay roon.  Bakit ganu'n ang itsura 'nun? It's a 'X' sign. Kulay red and black 'yun na parang tinta, I don't if it's blood or what. Dalawa ang nakalagay na 'X' doon. May gasgas pa.
"W-What's that?" Naguguluhang tanong ko.
Agad siyang lumayo sa'kin at tinakpan 'yun. "D-Don't mind it. It's... It's a part of punishment for high students."
Tinitigan ko siya. Hindi niya alam kung saan titingin. We are not close but I know she's lying! She said a lie. Alam kong may tinatago siya. She looks away from me.
May kutob tuloy akong baka ako ang rason 'nun. Pero bakit ako? Imposible! Wala kaming ginagawang masama kapag nasa University, halos bihira nga lang kami magsalubong at imposibleng dahil magkasama kami sa apartment, the rule was closed.
"A-Are you okay?" Nag aalala ako, oo. Hindi biro ang markang 'yun. Parang sinunog ang balat niya sa braso.
She was nodded and smile, make me feel comfortable. "It was normal for high student, sanay na 'ko."
Alanganin naman akong tumango. Matapos 'yun ay hindi na 'ko muling nagsalita. Dumiretso na 'ko sa kwarto at naligo. Pagtapos ay gumawa ng assignment. Sa buong buhay ko, ngayong school year lang ako gumawa ng assignment.
Naiinip din naman ako dito kaya wala akong ibang mahawa kundi ito. It was boring. Kahit nga Television wala dito. Libro lang ang mayroon dito, 'yun lang mapagkakaabalahan ko.
When I was answering my assignment, I feel hungry now. I look at the wall clock, it's already 9:30PM. Paniguradong tulog na si Lunamalthea. Lumabas ako ng kwarto pero nanlaki ang mata ko ng makita siyang nakaupo sa harap ng table, may libro, notebook at ballpen sa harap. She look at me and smile.
"You want to eat? Tara." Yaya niya.
Hindi ko alam kung bakit ang layo ng ugali niya sa nakilala ko sa University. Hindi na ako tumanggi at agad naupo sa kaharap niya. Tinulungan ko din siyang maggilid ng gamit niya para mailatag ng maayos ang pagkain.
"Ikaw ang nagluto?" Tanong ko, she nodded.
I'm just staring at her while she was busy puting utensils in the table. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, matakot ba o maging kampante dahil siya ang kasama ko. I know it have a part of me that trust of what she said. She said that she was not like what I think. Bakit ba 'ko natatakot sa kaniya? Babae lang siya.
"Eat." Pagyayaya niya, I just nodded and start eating.
The place is still in silent. No one make a noise. She was obviously thinking something like me. I don't want to ask her. Sino ba 'ko para makealam sa kaniya?
"I-I just want to ask you if..." Napalingon ako kay Lunamalthea nang magsalita siya. "I-If... N-Natatakot ka ba sa'kin?"
Agad akong napaiwas ng tingin. Sa tono niya, malayong malayo sa nakilala ko. Umiling lang ako. Alam kong natakot ako 'nung una pero habang tumatagal, naisip ko na ginagawa niya lang 'yun dahil sa posisyon na pinaghahawakan niya.
She smile at me. Dahil tuloy sa ngiting 'yun ay hindi ako makatulog. Kakaiba ang ngiti niyang 'yun! Kung sino man ang makakaharap niya at gagawin ang ngiting 'yun, hindi rin makakatulog.
"All students, procede to the meeting room." Anunsyo ng speaker sa room, it was connected on main office.
I don't know where is the way going to the meeting room so I just follow my classmates when suddenly Shantelle appear in my side, smiling.
"Hi." Bulong niya pa.
I just wave my hand and follow our classmates. Halos mapanganga ako ng makita ang laki ng sinasabi nilang meeting room. Parang sinehan na ang itsura nito.
"Take a sit in my side." Sabi ni Shantelle na agad hinila ang kamay ko para maupo sa tabi niya.
Doon ko nakita kung gaano karaming estudyante ang narito. Lahat ay seryoso ang mukha at sobrang tahimik. Halata na matalino nga ang lahat, para akong nahihiya sa sariling isip. I feel I'm not belong here.
Napalingon ako sa harap ng makita ang pagpasok ng high students. Napakaseryoso din ng mukha nila lalo na ni Lunamalthea na malayo sa nakikita ko tuwing nasa apartment kami.
"Everyone." Pagkuha ng atensyon ni Lunamalthea sa lahat. "Out of 1 ,500 students, may nanatili pa ring 1, 000. 500 was failed."
Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Napakatahimik ng lahat kaya ang hirap alamin kung anong ibig niyang sabihin. Ang naiintindihan ko lang, 1, 000 ang estudyante dito? Gago? Paanong ganu'n karami 'yun?
"The game was already started." Sabi niya na ikinakunot ng noo ko. "The top 20 high students position is open now." Sabi ni Lunamalthea na lalong ikinakunot ng noo ko. "If you want to be part of us, be pair in a game."
"Anong ibig niyang sabihin?" Bulong ko kay Shantelle.
"Game of study is already started. The average of all students was recorded and the top 20 will be the high students."
"Mananatili kami sa pwesto hanggang walang nakakatalo." Sabi ni Lunamalthea sa harap. "All you need to do is study well and the main points will be following the rules." Sabi niya ulit at nilibot ang tingin, masyadong makapangyarihan ang titig niya. "1, 000 students. Kailangan mong makapasok sa top 500 para manatili ka dito."
Hindi ko maintindihan! Wala akong maintindihan. Ano bang pinagsasasabi nilang game? Maglalaro habang nag aaral? Top 20? May top 500 pa?
"Except from top 20 high students position, it will also have top 500 students, you need to be the one of top 20 or either to top 500 at kapag hindi ka nakapasok sa 20 or 500, alam mo ang punishment?" Napalingon ako sa bulong na 'yun na Shantelle, umiling agad ako ng may pagtataka. "Ibabaon ka ng buhay sa sementeryo ng GOS University at ilalagay ang pangalan mo sa lapida."
____________________________________________

Book Comment (68)

  • avatar
    YansonBernadette

    🥰🥰🥰

    02/03

      0
  • avatar
    Shantinni Yamut

    nice!

    17/08/2023

      0
  • avatar
    RegenioAshley

    goods

    04/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters