logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Rain Drops

The Rain Drops

Ziah


CHAPTER 1: RAIN and BUS

"Zi? Anak, bumaba kana at kumain. Ma la-late ka sa trabaho mo!"
"Saglit lang po,'Ma!"
Inayos ko na ang mga papers na nakalatag sa mesa. Napasilip din ako sa gilid ng orasan at pasado alas otso na.
Nataranta na ako sa isiping baka mahuli ako sa meeting!
Dali dali ko namang hinablot ang papers, na kagabi ay pinag puyatan ko pa. Patakbo akong bumaba, naabutan ko pa si Mama sa kusina na agad din napatingin sakin.
"Anak? Hali kana at kumain!"
Napakagat ako sa labi at umiling. Ni hindi ko nga alam kung ano ng itsyura ko, nakalimutan ko pang lagyan ng papula ang mga labi ko.
"Hindi na 'Ma! Pasado alas otso na, doon nalang ako kakain!" Pagmamadali kong sabi.
Lumabas agad ako mula sa bahay at pumara ng tricycle. Kahit nasa loob ako ay di ako mapakali. Papagalitan na naman ako ng boss ko kapag nahuli uli sa trabaho.
Ayoko pang masesanti! Diyos ko, gabayan niyo sana ako.
Impit pa akong nanalangin sa isipan ko. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Sana naman ay hindi pa sila nagsimula doon sa opisina.
Mabilis naman akong bumaba ng makarating sa bus station. Gustuhin ko mang umupo sa bench, kaso mas gusto ko nalang ang tumayo. Kung uupo pa ako ay masasayang lang ang oras ko. Lalo na at mabilis ang takbo ng bus.
Kung walang taong pumara, didiretso nalang sila. Na parang walang sasakay. Ganyan ngayon ang nangyari sa lugar namin.
Tumingala ako sa kalangitan. At napansin ang dilim ng ulap, yung kanina na kulay asul na nakapalibot sa taas ngayon ay napalitan na ng madilim.
"Uulan na naman.." Napailing nalang ako.
Lumingon ako sa unahan at ng mamataan ang papalapit na bus, binuka ko ang kamay para pumara rito. Nagmamadali pa naman ako.
Ilang panalangin ang pumasok sa isipan ko. Na sana ay makasakay ako sa unang bus na nakita ko, na sana ay hindi ako ma-late sa meeting. Na sana ay hindi rin ako batuhin ng mala trifle ng boss namin.
Mabuti nalang at tinupad ng nasa itaas ang lahat ng iyon. Mabuti nalang talaga at ako ay nakasakay sa unang bus.
Nakahinga rin ako ng maluwag ng makaupo ako sa dulo. Saglit ko pang binigyan pansin ang mga papel na hawak, para nadin sa pag presenta. Nakahanda na.
Nakasiksik ako mula sa gilid.  Mula sa labas ng bintana ay napatingin ako doon.
Tulad nang ayos sa mga bulaklak ay ganon din ang nakikita ko sa labas. Hindi man gaano kaganda ngunit maayos naman ang pustura.
"Kuya! Sa unahan lang ako bababa!"
Agad akong napalingon sa gitna. Huminto ang sinasakyan kong bus. Napansin ko ang lalaki na naka hood, kausap ang conductor ng bus.
Muli nalang akong lumingon sa labas ng bintana. Ilang minuto lang naman ay makarating na ako sa kompanya. Bumuntong hininga ako at naramdaman ko ang pagtabi nong lalaki sakin.
Kanina ay nakatuon lang ako sa labas, pero..napakagat labi ako. Ang amoy ng perfume nito ay tumutusok mula sa ilong ko. Di ko alam kung ano bang brand ang perfume na ito, at kung bakit ako nadadala sa amoy.
Para hindi mahalata ang kilos. Isiniksik ko nalang ang sarili sa dulo. Napapailing at pinag sabihan ang sarili.
Naiangat ko pa ang kamay para hinimas ang ilongan ko. Grabe, ano bang pabago ang ginamit niya? Halatang expensive.
Nakakailang kusot nako sa ilong. Pinipigilan ang sariling lingunin ang katabi, nakakahiya naman kung kakausapin ko at sabihan na lumipat ng pwesto.
Hinalungkat ko ang bagpak na dala at nilabas ang face mask at isinuot. Saglit ko pang inayos ang basa ko pang buhok at inilagay sa likod.
Isinandal ko ang ulo sa bintana. Ipinikit ko nadin ang mga mata, hinayaan na ang sariling hindi madala sa perfume ng lalaking nasa tabi.
"Cute kitten,"
Nanatili padin akong nakapikit sa gilid. Kahit may binubulong na mag-isa ang nasa itabi ko.
Araw araw naman akong sumasakay sa bus, ngunit sa araw na ito ay hindi ako komportable sa katabi. Kahit nakapikit ang mga mata ko ay pakiramdam ko nakatingin siya sakin.
Hindi naman sa assuming ako, pakiramdam ko lang talaga na lagpas na sakin ang paningin nito. Ni hindi ko man nakita ang kanyang istyura ay wala na akong alam.
Napansin ko din na bakit ang bagal ng oras. Mabilis naman ang takbo ng sinasakyang bus. Ngunit sa ngayon, mukhang mabagal. Nababagalan ako sa takbo. Ito ba ay dahil sa nakatabi ko o sadyang sa kulang lang ako sa tulog?
Huminto ang bus at alam kong may bagong pasaherong sumakay.
Iminulat ko ang mga mata, hinalungkat ko nalang muli ang bag at inilabas ang cellphone. Napatingin ako sa message box at limang missed calls saka tambak na mensahe ang nakuha ko.
Agad ko namang binabasa ang mensahe sakin ni Donalyn.
:Dona's Message
Nasaan kana?
:Dona's Message
Papunta pa lang kami sa meeting room. Mahuhuli daw ng dating si Sir Lino. Nakasakay ka naman ng bus, diba? bilisan mo nalang at para di ka mapagalitan.
*****
Napangiti ako. Mukhang mas pinala ako sa araw na ito. Ayos lang na mahuli ako ng limang minuto, mahuhuli din pala ng dating si Sir Lino sa meeting.
Ibinalik ko na ang cellphone sa bag ko.
Napreno bigla ang bus. "Oh my gosh!"
Napasigaw ako ng malaglag lahat ng hawak kong papers para sa meeting!
"Holy cow.." Mabilis kong itinabi ang bag.
Maraming nagreklamo kung bakit bigla nalang itong prumeno. Napaluhod ako. Ngayon ay nakakalat na ang mga papel sa ibaba! Paano ko ito aayos gayong nalaglag ito.
Napakagat ako sa labi at panay pulot ng mga papel. Iniisa-isa ko pa ang ginagawa.
"Diyos ko naman, oh!"
Nalaglag din pati ang mahaba kog buhok na nasa pa. Iniangat ko ito at itinabi ang ilang hibla sa buhok ko, sagabal sa ginagawa ko.
May namuo ng pawis sa noo ko.
Muli ay nasa saktong takbo na ang bus. Naiinis ako sa nabgyari. Nakalukot na tuloy ang ibang papel, anong paliwanag ang gagawin ko dito?
Nagulat ako ng may mga kamay na tumulong asking magpulot. At mas lalo akong nagulat ng dumampi ang balat nito sa braso ko. Ang dahilan din kung bakit ako kinilabutan bigla.
Wala namang mali sa pagtulung pero mukhang may mali sa katawan ko.
Hindi ako makatingin sa mukha ng tumulong sakin.
For pete's sake! I felt that his perfume trying to seduced me. Alam kong baliw lang ang magsabi ng ganito, pero totoo naman talaga. Nang-aakit ang perfume na meron ito.
Inabot nito sakin ang ibang nakuha. "T-thank you."
Gusto ko pagalitan ang sarili sa utal na nangyari. Nakakahiya.
"You're Welcome, Miss."
Bumalik ako sa pagkaka-upo. Nahihiya parin sa nangyari. Di ko man napansin ang kanyang itsyura ay mabuti nalang iyon. May kakaiba sakin dahil sa kanya, pati ako di maintindihan ang sarili.
Bakit ako nahihiya? This is not me. Katabi ko lang naman, walang kakaiba. It's just that..Why would I feel nervous to this person?
Nevermind. Lumingon ako sa gitna at ng mamataan ang kompanyang pinag ta-trabahuan ay kumatok ako sa bintana ng malakas.
"Kuya! Bababa na po ako!"
Huminto na ang bus at ako naman ay tumayo na para lumabas.
Binilisan ko talaga ang lakad ko. Paano ba naman kasi, ayon na naman ang pakiramdam ko na lagpas sa kaluluwa ang paningin nong lalaki. Ang awkward lang ng nararamdam ko.
Nagbayad ako sa conductor ng bus bago bumaba. Tinago ko ang ticket.
Bumili muna ako ng kape sa malapit dito. Binitbit ko na hanggang papasok sa loob ng opisina namin.
"Good morning, Maning." Nakangiting bati ko kay Manong Biboy.
Si Manong Biboy ang guard sa kompanya namin. Nakangiti namang sinalubong ako ni Manong.
Kumaway siya. "Ma'am Zi, good morning din po sa inyo!"
Lumapit ako at inabot kay Manong ang isa ko pang binili na kape.
"Sa inyo na po ito, Manong. Binili ko pa talaga iyan para sa'yo." Nakangiti kong sabi.
"Nakakahiya na sa inyo, Ma'am Zi, hihi. Araw-araw mo nalang ako binibigyan ng kape." Napakamot pa si Manong sa kanyang ulo.
Natawa ako dito. "Parte yan ng trabaho Manong Biboy, Para naman maligsa always in the morning diba?"
Pagbibiro ko.
"Tanggapin niyo na po Manong, may meeting pa naman ako."
"O siya, sige na nga, Ma'am. Kukulitin niyo na naman po ako."
Natawa kami pareho ni Manong Biboy. Saka nagpaalam nadin akong umalis at umakyat na sa floor kung saan kami may pag-uusapan.
"Good morning!"
"Good morning, Miss Zi!"
Binati ko ang bawat makitang empleyado. Maging sa elevator ay binati ko din ang sumasakay.
Bumukas na ang pintuan ng elevator at nagpahuli akong lumabas. Dumiretso ako sa loob ng meeting room.
Nabawasan nadin ang kaninang mga pumasok sa isipan ko.
Wala pa si Sir Lino kaya tumabi nalang ako kay Donalyn.
"Bakit natagalan ka?" Bungad agad nito.
Inilapag ko ang isang kape na para sa kanya. "Feeling ko kanina..sinadya talagang bagalan ang takbo ng bus."
Inabot naman ni Donalyn ang binili kong kape sa kanya. Sinipsip ko ang kapeng akin. Napalingon ako sa kanya ng siniko ako nito.
"Bakit?" Tanong ko.
Tumaas ang kilay niya. "Kakaiba mood mo, eh, alam kong may nangyari. Nakikita ko sa kilos mo!"
Inikot ko nalang ang mga mata. Itong babaeng ito mabilis lang makaramdam sa paligid.
Siniko niya ulit ako. "Anong nangyari, ha? Nako, Ziah ha. Sabihin mo na sakin hanggat wala pa si Sir Lino."
Inubos ko na ang kape at hinarap si Donalyn.
"Long story, nakakatamad mag kwento. Mabuti pa ay tulungan mo ako sa papers, nakusot sa bus kanina." Tinuro ko pa ang nakalatag na papel. "Ayusin mo na natin ito. Kung nakakalat, aba, paano ko sasabihin ito kay Sir Lino?"
"Tse! Sabihin mo lang na ayaw mo talagang sabihin sakin." Kinuha ni Donalyn ang mga papel. "Akina, tutulongan na kita."
Napangiti ako doon. Kahit ganito ang kinikilos ni Donalyn, mabait padin siya. Ilang years kaming nagkakilala at dito pa sa opisina nagsimula ang lahat.
Naging matalik ko siyang kaibigan simula noon. Siya na ang nakakausap ko. Nakakasama ko sa tuwing may lakad at natripan siya o ako.
Sa wakas, natapos nadin naming dalawa. Sakto din naman at kararating lang ni Sir Lino. Bumati kaming lahat sa kanya.
Umupo nadin at nag umpisa na kaming lahat sa meeting. It's all about having a new project. We are assigned as a designer in any hotels, beach or more than else. Madaming klase sa design.
Halimbawa ay iyong pag may event, kung may client ay kami ang magbibigay ng design sa paligid. Arrangements in different areas.
Maliit lang ang kompanyang pinag ta-trabahuan ko at sulit naman.
"Okay, guys. All of us should be ready in our new project. I just received a message from our VIP Guest. The venue will be held in the beach, we need all of your cooperation in this one." Ani Sir Lino. "I guess one week from now, we will go there. The location is already been sent to me. I will just email this to all of you."
Lahat kami ay tumango.
Pagkatapos ay nag silabas nadin kaming lahat. Ilang hours kaming nasa loob, may pinakita pang pictures and videos sa laptop. Naka connect naman ang laptop sa projector kaya nakikita namin ang imahe sa board.
"Bigatin siguro ang client." Bigkas ni Donalyn ng makaupo kami sa sarili naming table.
Inilapag ko ang bag at sumandal sa swivel chair ko. Tapos tinignan si Donalyn na ngayo'y nakasandal nadin sa swivel chair niya.
"Halos naman may kaya o VIP mga kliyenti natin." Sabat ko rito.
"Mapupuyat na naman ako! Pero kung sabagay, pwedi din naman tayong magpahinga sa beach." Tinitigan ako nito. "Aba te? may sasabihin ka pa sakin. Akala mo makakalimutan ko?"
Bumuntong hininga ako. Napahimas nadin sa noo. Wala akong takas sa daldal ba naman ng kaibigan ko.
Kweninto ko sa kanya simula una. Maging sa dulo ay sinabi ko na din. Hanggang sa matapos ay nakita ko nalang siyang tulala.
I waved my hand. "Donalyn?"
Pinitik ko ang kamay at doon siya biglang bumalik ang sigla.
"Aba, teh, Teka!" Pinausad niya papunta sakin ang kanyang swivel chair. "Seryoso?! Hindi mo man lang ba nakita ang mukha ni boy?"
Tumango ako. "Hindi, e,"
"Br*ha ka talaga! Sana sinilip mo nalang, minsan lang `yan sa buhay natin!"
I stepped back my swivel chair.
"Bumalik kana sa table mo, total, nasabi ko naman lahat sa'yo." Tinulak ko pabalik ang upuan ni Donalyn.
"Silipin mo kasi. Silipin mo sa susunod kapag may nakatabi ka uli." Sagot ni Donalyn.
"Tapusin mo na ang pag desenyo d'yan. Matatapos na ako at uuwi na sa bahay!"
"Whatever, kinikilabutan pa naman ako."
Napailing nalang ako sa ugali ni Donalyn. Nakatuon na ang atensyon ko sa computer at inumpisahan in-review ang mga plans para sa events. Ise-send ko pa sa client ko ang design para sa bahay nila. Kung nagustohan ay iyon na ang gagawin.
Napatingin din ako sa orasan at alas sinko na. Binalingan ko si Donalyn na may kausap pa sa cellphone. Ibinalik ko ang atensyon sa computer at in-saved ang draft arts ko.
Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.
"Donalyn?" Kumatok ako sa table nito.
"Okay, Madam, excuse me—" Binalingan ako nito. "Bakit Zi?"
"Oo na ako, maiiwan mo na kita. Tapos na akong i-save ang arts." Paalam ko.
"Okay! Matatagalan pa ako. Hindi ko pa natapos ang ibang design, hys."
Tinapik ko ang balikat niya. "Mag-iingat ka nalang, Donalyn."
Naglakad na ako palabas. Sempre, nagpaalam pa ako sa ibang kasamahan namin.
Hanggang sa nakababa na ako at dumaan muna kay Manong Biboy. Huminto ako at hinarap si Manong.
"Ma'am Ziah?" Bungad niya sakin.
"Bakit po Manong?" Takang tanong ko.
"Kunin niyo na po itong payong, para sigurado, Ma'am,"
Ngumiti ako at tinanggap ito. "Salamt po Manong Biboy. Aalis na po ako."
"Mag-iingat po kayo!"
Kumaway ako habang papalayo na. Naglalakad na ako papunta sa waiting area ng bus.
Ilang minuto lang din naman ay nakarating na ako sa waiting area. Naghihintay na ako sa gitna.
Habang naghihintay ako, ang kanina na maayos ang liwanag sa paligid na ngayo'y dumilim na. Napaangat ang tingin ko sa kalangitan, senyalis na uulan at mababasa uli ako.
Unti-unting pumatak ang maliliit na tubig mula sa kalangitan. Napabuntong hininga nalang ako dito. Ang tanging gagawin ko nalang ay maghintay.
Mabuti nalang talaga at binigyan ako ni Manong Biboy ng payong. Okay nadin, dahil hindi ako mababasa pag uwi samin.
Naghihintay padin ako sa bus. Hanggang sa mabilis na pangyayari, nagulat na lamang ako.
An unknown man pulls me closer to him. Naramdaman ko nalang na nabitawan ko ang hawak na payong. To my shocked, I got stuck in my position. Bumuhos din ang malakas na ulan sa paligid.
The unknown man hugged me, while the rain drops is really timing in this moment.

Book Comment (59)

  • avatar
    ప్రిన్సెస్ జామ్

    😘😘

    2d

      0
  • avatar
    RemolanoCyril john

    this story is about rain and bus

    8d

      0
  • avatar
    Layma PJinky

    jgekhrnvbenwnfgrnhevehsjdydjjdjdydjdhejeuej do ejejeujeheuejejdjeuddjejhejevejekekeieusuhehgrhejdjdjsjsyeheheuszuzudjejehejsududjdhdhdydhdhfvdjdjdjjdhdjdjdhdhehdhdydhdjdhbejwjeejje in the speaker 🔇🔇 at the speaker and clearskin to the speaker napaka clean and skin community for po ako hehe I love the spirit 😁 at the speaker and how po Sana Khan and skin ni bnso bkas PG pasok po ba ang pasok po ba ang pasok po ba ang pasok ko na po ang yellow and skin care products are sold as pair of teng SAN

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters