logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

Matapos niya maghapunan ay ang paghula sa password ng cellphone nito ang inatupag ni Felecity. May calling card kasi itong si Xyril, calling card ng isang car wash center, may numero niya naman at pangalan so sa kaniya ang numero na nasa card kaya ito na lang ang ibinigay niya kay Nana Belen. Siguro ay isang family business ito, nakita niya lang ang card nang halungkatin niya ang wallet nito. Sino nga ba naman ang mag-aakalang makakalimutan niyang may cellphone pala ito na malamang ay nasa bag lang ni Xyril Higashino. Natuliro kasi siya noong umiyak sa harap niya si Nana Belen kaya nakalimutan ito ni Felecity. Pero ngayon ay ito na ang dilemma niya, paano siya makokontak ni Nana Belen kung hindi niya masasagot ang tawag nito? Pattern ang password. Ayaw naman niyang permanenteng ma-lock ito kaya napagdesisyunan niyang sumangguni na sa mga umaayos ng mga phone tutal maraming ganito sa downtown ng syudad.
"Magkano manong?" tanong niya nang matapos na ang pagkumpuni sa phone.
Wala na itong password.
"Three hundred," sagot nito.
Three hundred? Malalagasan ng three hundred ang perang pangkonsumo ko? Eight hundred na lamang ito tapos mababawasan pa. Bahala na nga!
Mabilis siyang umuwi sa apartment. Sa halip na bumili ng take out ay mag-pa-pancit canton na lamang siya. Mabilis niyang kinutingting ang phone ni Xyril Higashino upang masigurong masasagot niya ang tawag ni Nana Belen.
Sabi nila sa gallery ng cellphone ng isang tao makikita kung ano ang hilig nito. Kaso ang tanging larawan na nasa gallery ni Xyril Higashino ay ang larawan ng pamilya nito.
Isang album na may isang larawan lamang, this man!
Parang nahihinuha na niya na wala itong social media account. Pero may app naman ito ng facebook, instagram, at twitter. Pinalitan niya ang wallpaper ng larawan na dinownload niya pati theme ng cellphone. Tiningnan din niya ang mga contacts nito at messages. Hindi tataas sa dalawangpu ang nasa contacts, nakita rin niya ang Xander Higashino na pangalan. Sa messages naman ay may limang threads ito, hindi na niya ito binuksan. Feel niya ay invasion of privacy na kapag binuksan niya pa ang mga threads nito. Ang tanging magagawa niya ay maghintay sa tawag ni Nana Belen.
Bandang alas otso na ng gabi nang biglang tumunog ang cellphone. Dali-dali niya itong sinagot nang makumpirma niyang si Nana Belen ang tumatawag.
Mabilis na bumangon siya mula sa pagkakahiga at puno ng antisipasyon na sinagot niya ang tawag. "Hello?"
"Good evening, si Xyril Higashino ba ito?" Tanong ni Nana Belen sa kabilang linya. Rinig niya mula sa boses nito ang pagod kaya hindi niya maiwasang maawa rito.
Kung buhay lang sana ako, hindi ka na sana maghihirap ng ganito Nana.
"Opo ako nga po, Nana Belen."
"Hijo nakausap ko na si ma'am. Pumunta ka sa libing ng alaga ko dahil kakausapin ka nila pagkatapos."
Namanhid siya sa pagkabanggit nito ng libing niya. Bakit napakasama nang takbo ng kaniyang tadhana? Magiging saksi pala siya sa pagbaba ng kabaong kung saan nakalagay ang kaniyang katawan. Pinilit niyang sumagot kahit tila may kung anong bumara sa kaniyang lalamunan.
"Sige po, kailan po ba?"
"Dalawang araw mula ngayon. Alas tres ng hapon ang libing sa St. Mary Cemetery. Lapitan mo lang ako pagkatapos ng libing."
"S-sige po," atubiling sagot niya bago nagpaalam na rito. Nanghihinang napaupo na lamang siya sa sofa. Nanginginig ang kaniyang tuhod at nagbabadyang tumulo ang luha na kanina pa gustong mahulog mula sa kaniyang mga mata. At sa ganoong posisyon siya tahimik na umiyak.
"Xyril, sasabay ka ba sa amin mamaya? Sabay na kami nina Mila at Ed sa pagpunta," saad ni Lyndrian na katabi na niya pala sa paglalakad papuntang canteen.
Ang tinutukoy nito ay ang libing niya este ng katawan niya. Tuluyan na nga siyang magpapaalam sa mundong ito at kapag natapos na ang kaniyang misyon ay hindi na niya masisilayan pa ang kaniyang mga mahal sa buhay. Sa isipang 'yon ay hindi niya napansin na napahinto na siya sa paglalakad.
Mayroon na lamang akong forty-two days dito sa mundong ibabaw.
"Xyril?" pukaw sa kaniya ni Lyndrian nang mapansin nitong tuliro siya.
Ngumiti siya nang peke bago sumagot rito. "Hindi na. May dadaanan pa ako." Humabol na siya sa paglalakad dito.
Sa loob ng dalawang araw ay sina Lyndrian, Mila, at Ed ang kaniyang nakakasabay sa pagkain. Na-mi-miss na niya sina Simmone pero parating nagmamadaling umalis ang mga ito at hindi sa canteen kumakain. Hindi niya naman matanong ito dahil hindi sila 'close'. Simula naman nang magparamdam siya sa silid-aralan nila ay hindi na niya narinig mula sa mga ito ang kaniyang pangalan. Parang nagkaroon ng batas sa kanilang silid-aralan na bawal banggitin ang pangalan niya. Nagalit kasi siya noong huli dahil nag-aaway ang mga ito at ayaw niya 'yon. Idagdag pang medyo hindi pa masyado nag-si-sink in sa kaniya ang kaniyang sitwasyon noong panahong iyon.
Malapit na sila sa canteen nang tapikin niya si Lyndrian. "Punta muna ako sa library. May nakalimutan akong gawin." Paalam niya rito sabay turo sa direksyon papunta library.
"Paano ang tanghalian?"
"Una na kayo. Huwag niyo na akong hintayin," saad niya sabay talikod dito.
Wala siyang ganang kumain. Sino nga ba naman ang gaganahan sa pagkain kung mayamaya lang ay nasa ilalim na ng lupa ang kaniyang totoong katawan? Unti-unting natitibag ang pagkukunwari at kasinungalingan na kaniyang pinaniwalaan – na ayos lamang siya.
I am not okay. I feel so alone.
Hindi na niya kayang maniwala na okay lang sa kaniya na makita ang sarili na inililibing.
Naglalakad siya papunta sa library nang may narinig siyang pag-uusap ng mga lalaking naglalakad sa kaniyang harap. Ang kaniyang mga kaklaseng sina Sabien at Tom?
Ah, oo nga pala.
Isang araw bago nangyari ang krimen ay nakita niya ang mga ito na naghahalikan. Kilala na niya ang mga ito na talagang malapit sa isa’t-isa pero hindi niya akalaing ‘napakalapit’ pala talaga ng mga ito. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa mga ito na hindi niya ipagsasabi ang kaniyang nakita. Ang dami niyang hindi nagawa – tutok siya masyado sa pag-aaral.
"Buti na lang at wala na siya ano," pabulong na saad ni Sabien pero dahil may supernatural ability siya dahil isa siyang multong sumanib kay Xyril ay narinig niya pa rin ito.
"Oo nga. Nakahinga na tayo ng maluwag,” sagot naman ni Tom sa mahinang boses.
Sino kaya ang pinag-uusap ng mga ito?
"Pupunta ba tayo sa libing niya?" tanong ni Tom sa nobyo.
"Oo noh, mapag-usapan pa tayo nang hindi maganda. May pagkapraning pa naman si Mila."
Doon niya napagtanto ni Felecity na siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Binalikan niya ang pinag-usapan ng mga ito.
Teka, nagpapasalamat ba ang mga ito na wala na ako? Pero bakit? Nanlamig si Felecity sa kaniyang napagtanto.
Napahinto ulit siya sa paglalakad at nakatangang pinagmasdan ang papalayong imahe ng mga ito. Alam niya dati pa man ay may pagkahambog talaga si Tom at may pagka-perfectionist naman si Sabien pero hindi niya naisip na darating ang panahon na maririnig niya na ikinatuwa ng mga ito ang kamatayan ng kapwa, ang kamatayan niya. Wala naman siyang ginawang masama rito.
Teka, isang tinik ba sa lalamunan ang tingin ng mga ito sa akin simula nang makita ko ang mga ito na naghahalikan? Akala ba ng mga ito ay ipagkakalat ko ang mga sekreto nila? How could they? Just because of their secret – they are happy that someone is dead?
Umiiling na nag-iba siya ng daraanan kahit pakiramdam ni Felecity ay kay bigat ng kaniyang mga paa. Lumiko siya na hallway papuntang school garden pero bago niya marating ang school garden ay napadaan siya sa opisina ng school publication.
A kind of epiphany went through her so she stopped walking – for reason beyond her logic. Akmang lalapit siya sa medyo bukas ang pinto nang mapagtanto niyang hindi tama ang kaniyang gingawa.
What am I doing?
Napailing siya sa kaniyang sarili at akmang tatalikod na nang mapahinto siya dahil sa narinig niya ang pangalan niya.
Talagang talk of the school ako ngayon dahil libing ko na mamaya.
Huminto si Felecity at nagkubli sa dingding at dahan-dahang sinilip ang siwang ng pinto upang tingnan kung sino ang nasa loob.
Si Tara na nakatalikod sa mesa ng publication adviser ng mga ito na si Miss Vergara ang kaniyang nakita. Natatabunan naman ni Tara si Miss Vergara kaya walang nakapansin sa kaniya lalo na at tila tumataas na ang boses ni Tara.
"Bakit hindi, Miss Vergara?" May bahid na iritasyon ang boses ni Tara. May ibinagsak ito sa mesa na kumpol ng mga papel yata base sa nalikhang tunog nito.
"Naman Tara, nakakainsulto sa pamilya ni Felecity kung 'yan ang magiging pangalan ng article. Please understand this is not a laughing matter," mahinahon na sagot ni Miss Vergara.
Na-curious siya sa titulo ng iminumungkahe ni Tara kahit alam niyang hindi niya magugustuhan ang maririnig niya.
Ilang pang-ba-bad vibes ba ang matatanggap ko ngayong araw?
"Bakit? Dahil share holder sila ng school? Takot ba kayo, Miss Vergara? At saka totoo naman ah, 'Fallen Princess' kasi patay na siya. Hindi nga lang siya si sleeping beauty na mabubuhay dahil sa halik." Puno ng sarkasmo na katwiran ni Tara na ikinabilog ng kaniyang mga mata.
No, don't tell me pati si Tara?
Nanghihinang napadausdos siya sa pader. Nawalan ng lakas ang kaniyang mga binti – buti na lamang at hindi nila narinig ang mahinang pagbagsak niya sa sahig.
Ngayon ay hindi na niya mapigilan ang kaniyang mga luha kaya mabilis siyang tumayo at tumakbo papuntang school garden. Inalala niya ang mga panahon na nag-uusap sila ni Tara pati mga tawanan nila.
Lahat ba ng iyon ay puro mga kasinungalingan lamang?
Kahit tirik na tirik ang araw ay doon siya namalagi sa school garden kasama ang mga bulaklak na matiyaga niyang pinalaki noong nabubuhay pa lamang siya.
"Mabuti pa kayo masaya dahil ang gagandang bulaklak niyo na ngayon," kausap niya sa mga ito nang mahimasmasan siya sa pag-iyak.
Una sina Tom at Sabien tapos si Tara naman idagdag pang ililibing na ang katawan niya mamaya at masasaksihan niya 'yon. Ibayong pait ang nararamdaman ni Felecity.
Tumayo na siya mula sa pagkakasalampak nang may marinig siyang mga kaluskos sa kaniyang likuran kaya nilingon niya ito. Tumambad sa kaniya ang mukha ni Mila na nakatingin din sa kaniya.
Mila?
"Nandito ka lang pala Xy," saad nito sabay hawak sa dibdib nito. Tila nagulat din ito sa presensiya niya.
Mabining ngumiti siya kay Mila. "Bakit? May kailangan ka ba, Mila?"
"Sumabay ka na sa amin sa pagpunta," alok ni Mila.
"Hindi ba sinabi sa iyo ni Lyndrian?"
"Sinabi niyang may dadaanan ka pa raw kaya hindi ka makakasabay pero hindi ako naniniwala. Palusot mo lang 'yan para hindi makapunta ro'n, 'di ba?"
Kung alam mo lang Mila.
Nais niyang sabihin ito sa kaibigan kaso baka magtaka ito kaya tumahimik na lamang siya. "Bakit ikaw ba, hindi mo ba naisip na hindi pumunta?"
Nanlalaki ang mga matang tiningnan siya nito na para bang sinabi niya na nagkaroon ng alien invasion. "Que horor! Maghunusdili ka Xyril Higashino, hindi 'yan ni minsan na sumagi sa aking isipan!"
Tinaasan niya ito ng kilay. "At bakit? Pansin ko noong unang araw ko rito, hindi naman kayo masyadong malapit."
Sagad na sagad na si Felecity sa mga rebelasyong natuklasan niya kaya si Mila ang kaniyang napagbuntunan ng emosyon. Alam niyang walang kasalanan si Mila pero awtomatikong lumalabas lamang sa kaniyang mga bibig ang mga salitang ito.
Lumapit ito sa kaniya at hinila siya pasalampak kaya napaupo sila sa bermuda grass na kaharap ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak.
"Ano ang tingin mo sa akin? Hindi ako ma-o-offend promise." Mata sa matang tiningnan siya nito.
Bilang Felecity, isa kang masipag na tao Mila at proud na proud ako sa'yo. Sayang nga lang at hindi ko ito nasabi sa'yo noong ako ay nabubuhay pa. Masyado kasi akong gugol sa oras sa pag-aaral, sa aking pamilya, at kay Rex. Bulong niya sa kaniyang isip habang nakatingin nang diritso rito.
"Isa kang mabait at pasensyosong tao," sa halip na saad na lamang niya.
Siya si Xyril Higashino sa harap nito na kakalipat lang sa paaralan nila. Ngumiti ito nang nakakaloko sa kaniya na siyang inaasahan na niya.
Should I prepare myself for this day’s third heartbreak? Malungkot na tanong ni Felecity sa kaniyang isipan.
"Kabaliktaran ako niyan noong bago ko pa nakilala si Felecity. Grade six pa lamang ako ay nagbebenta na ako ng puri dahil na rin sa hirap ng buhay idagdag pang wala akong pasensya sa mga trabaho na pawis at determinasyon ang puhunan. Pleasure with money ang habol ko hanggang sa sinundan ako ni Felecity sa isang bar noong first year pa kami. Hindi ko na sasabihin sa'yo ang nangyari pero dahil sa konting oras na iginiit niya sa akin na pakinggan ko siya. Nairita ako hindi dahil pakialamera siya kun'di dahil totoo ang sinabi niya. Tinulungan niya ako, sinagip niya ako sa putik na aking kinalulubluban." Nakatingin sa mga bulaklak na pagbabaliktanaw ni Mila. Mamasa-masa rin ang mga mata nito at sa pagkakataong 'yon ay gusto niya itong yakapin at sabihing proud siya rito kung ano ito ngayon.
Hindi niya alam na ang pag-uusap nila ay naging daan ni Mila upang magbago. Napagtanto niyang naging makabuluhan pala ang buhay niya noong nabubuhay pa siya. Mabilis na pinahid ni Mila ang luha nito na parang wala lang at tumayo.
"Tumayo ka na diyan at hinihintay na tayo nina Ed at Lyndrian. Alam kong hindi mo masyadong kilala si Felecity pero naghihintay na siya sa amin. As our friend, can you come with us?" Nakalahad ang kamay na saad ni Mila sa kaniya. At sa unang pagkakataon ngayong araw na ito ay nakangiting tinanggap niya ang kamay nito.
Sayang talaga, Mila. Kung alam ko lang, sana ay inilapit ko pa nang husto ang aking sarili sa iyo noong nabubuhay pa ako. You are such a good friend.
Makulimlim ang langit pero hindi naman umuulan. Malamig ang simoy ng hangin at mabigat ang awra sa paligid. Isang tamang setting para sa isang libing. Kakarating lang ng labi niya sa sementeryo at nakasunod naman ang kaniyang pamilya. Nakasuot ng itim ang mga tao. Kahit natatabunan ng malaking sombrero ang mukha ng kaniyang ina ay alam niyang umiiyak ito sa bisig ng kaniyang ama. Nakayuko naman sa isang tabi si Bluebeard. Nasa tabi ng mga ito si Nana Belen na hindi tinatagao ang paghihinagpis na inaalo nina Rex at Simmone. Napatitig siya nang matagal sa kaniyang nobyo, na-miss niya ito. Nasa likod ng kaniyang pamilya ang mga kapatid ng kaniyang mga magulang kasama ang kaniyang mga pinsan. Ang iba ay nakayuko at ang iba naman ay umiiyak. Nasa likuran ng mga ito ang mga taong naging bahagi ng kaniyang buhay. Narito rin ang kaniyang mga kaklase, mga guro niya simula noong siya ay nasa grade one pa pati ang mga naging principal niya. Pati yata mga kapitbahay niya ay naroon. Lahat ay kumpleto at lahat ay may bitbit na puting rosas.
May bikig sa kaniyang lalamunan habang saksi siya sa nangyayari sa kaniyang libing. Nakasuot siya ng itim na polo at itim na pantalon na tinernuhan niya ng itim na converse, daig niya pa ang gothic kung manamit. Nag-iisa siyang nakatayo sa malayo kung saan kita ang lahat. Humiwalay siya kina Mila dahil umuwi pa siya sa apartment upang magbihis. Sinadya niya 'yon dahil talagang ayaw niyang makihatid sa labi niya mismo. Mula sa burol niya ay ihahatid ang labi niya papunta sa sementeryo at ayaw niyang sumama ro'n. Sapat na ang hirap na masaksihan niyang ibaba sa ilalim ng lupa ang kaniyang kabaong.
Binasbasan na ng pari ang kabaong. Pinalapit nito ang kaniyang magulang upang manguna sa paglagay ng bulaklak sa ibabaw ng kaniyang kabaong. Pumailanlang ang tunog ng isang kantang pangpaalam at dahan-dahan na nga bumaba ang kabaong.
Isa-isang lumapit ang mga tao sa kabaong na pababa na sa ilalim ng lupa. Inihulog nila ang kanilang mga bitbit na bulaklak. Nakita niya ang pag-iyak nina Simmone at Tanya na pinapatahan ni Rex. Si Mila na pinapatahan ni Ed at si Rene na tahimik na yumuyugyog lang ang balikat. Napakabigat ng kaniyang nasaksihan. Mas lumakas ang iyak ng kaniyang ina at umaalulong na rin si Bluebeard.
Sa eksena na nasa kaniyang harapan ay hindi na niya napigil ang pagpatak ng mga luha mula sa kaniyang mga mata. Napakapinal na ng lahat. At sa pagkakataong ito ay tuluyan nang nagpaalam si 'Felecity' sa mundo ng mga buhay.

Book Comment (31)

  • avatar
    Chris Tian

    roblox

    11/07

      0
  • avatar
    MontibonJieza mae

    nice game

    29/04

      0
  • avatar
    NaragJeffrey

    My hobby is reading so I love it

    11/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters