logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

"Shhh... Hindi kita papabayaan, Mahal na Prinsesa." Marahang hinagod ng gjnang ang aking mahabang buhok habang ang niyebe ay tumatama sa aming katawan. Ang lamig ng hangin ay tumatagos sa aking kaibuturan dahilan upang mas lalo akong makinig.
"Kailangan na po nating pumasok sa loob." Sinubukan akong ilayo ni Alba mula sa kan'ya ngunit mas mahigpit ko siyang niyakap. Sunod-sunod akong umiling habang mariing nakapikit.
"A-Ayoko. B-Baka hindi kita muling makita."
"Ipikit mo lamang ang iyong mga mata at ako na ang bahala sa lahat..." Matagumpay akong nailayo ni Alba mula sa kan'ya at naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Nanatili pa rin akong nakapikit dahil sa takot na baka maranasan ko muli ang nangyari kanina.
"Huwag po kayong mag-alala, Mahal na Prinsesa."
Mariin kong hinawakan pabalik ang kamay ng tagapagsilbi at kahit lubhang natatakot ay pinili kong humakbang patungo sa direksyong itunuturo sa akin ng ginang.
Patuloy kaming humakbang hanggang sa marinig ko ang tunog ng pagbukas ng isang pinto. Humakbang ako papasok habang hatak pa rin ni Alba.
"Nandito na po tayo."
Dahan-dahan akong napadilat at sunod-sunod na napalunok. At nakahinga ako nang maluwag nang makitang nasa loob na ako ng aking kuwarto.
Huminga ako nang malalim at dumiretso sa aking kama. Pinikit ko ang aking mga mata at niyakap ang malambot kong unan.
"Kapag dumating na po tayo sa daungan ay didiretso tayo sa templo ni Zničení. Utos po ng Mahal na Hari na dalhin ka roon kapag may ginawa kang mali." Naglakad palabas si Alba at bago iyon ay nagsalita muli siya, "Hindi ka rin po maaaring lumabas sa cabin na ito hanggang sa dumating tayo sa ating destinasyon."
Mapait lamang akong ngumiti at hindi na tumugon sa sinabi ng tagapagsilbi. Narinig kong sumarado ang pinto dahilan upang mapabangon ako.
"Zničení..." Napatitig ako sa kawalan at maya-maya ay mapait na napangiti.
"You've caused me great despair, thy God." Tumayo ako at kinuha ang isang gitara na nakapatong sa tabi ng isang piano. Kinuha ko ito at nagpasyang umupo sa upuang kaharap ng bintana.
"I don't know what to sing..." Saglit akong napaisip at tumanaw sa madilim na labas. Ang apoy na mula sa fireplace at ang malamlam na ilaw sa tabi ng pinto ang tanging nagpapaliwanag sa aking kuwarto. Pinikit ko ang aking mga mata at unti-unti ay kumalma ang aking isipan.
Kinalabit ko ang kwerdas ng gitara at sa saliw ng musika ay sinabayan ko ito ng bahagyang pag-ugoy. Marahan akong napangiti at sa malamig na gabi ay muli akong umawit.
"It was cold that night,
But I didn't expect that you would come to see me cry,
Your blue eyes and white hair match the snow,
Oh, how I wish that I would see you again when the dusk comes to dawn
In this four sides room,
I'll sing this song for you,
A stranger caught my attention,
And it was you,
"La-la-lies, what some foolish words I heard from you that night,
It's cold tonight, and I wonder,
Do you feel fine?
'Cause I am not,
I feel so rotten inside,
Won't you mind if I ask thee to stay by my side?"
Mahina akong natawa at patuloy na kumanta.
"Just kidding, Knight,
I know that no one wants to stay with me,
So in this enclosed space,
I will push myself to endure this agony,
Oh, what's happening to myself?
You're a stranger to me,
So how come that I want to see thy face?
My enemies are frightening
If you're one of them,
Come and strangle me,
Watch me bleed for I will be happy,
That it was you that will kill me."
Bumuntong-hininga ako at malungkot ang mga matang napadilat. Tumigil ako sa pagkalabit ng mga kwerdas at tumanaw na lamang sa madilim na labas.
"But to be honest," usal ko. "There's a little part of me that wants to live. For I am curious, how do normal people live? Do they laugh sincerely? Are they free?"
'Cause I am not.
DUMATING ang kinabuksan at nagising ako nang maramdaman ang bahagyang pagtapik sa akin ng aking tagapagsilbi. Narinig ko ang boses ni Alba bago ako tuluyang dumilat.
"Mahal na Prinsesa, umaga na po. At nakarating na rin po tayo sa ating destinasyon."
"Ganoon ba?" Bumangon ako at ngumiti. Nakatulala lamang ako sa kawalan nang ilang sandali bago ako nagpasyang tumayo.
"Mahal na Prinsesa!" Napasinghap ako nang maramdaman kong natumba ako at marahas na bumagsak sa sahig. Napangiwi ako at pilit na bumangon.
"Kailangan mo pong mag-ingat lagi..." Tinulungan ako ni Alba na tumayo habang ako ay pilit lamang na ngumiti.
"Umaga na, 'di ba?" Akmang bibitiwan ako ni Alba nang agad ko siyang hinawakan sa kan'yang kamay. Batid ko ang kan'yang pagtataka nang tawagin niya ang aking pangalan.
"Mahal na Prinsesa? M-May problema po ba?"
"Wala..." Nakangiting umiling ako at mas hinawakan ang kan'yang kamay. "G-Gusto ko lamang makita ang araw."
"Mahal na Prinsesa." Unti-unti akong inatake ng takot nang mapansin ang kaba sa kan'yang boses. Napalunok ako at natatakot na hinatak papalapit sa akin si Alba.
"B-Bakit?" Huminga ako nang malalim.
Sana mali ang naiisip ko...
"Nakaharap po kayo sa araw, Mahal na Prinsesa."
H-Hindi...
"Talaga ba?" Pilit akong ngumiti at pilit na tinanaw ang araw.
"A-Alba..." Naiiyak na napalunok ako.
"G-Gusto ko lang naman makita ang araw... Pero bakit---" Napasinghap ako at tuluyang humikbi.
"Pero bakit wala akong makita?"

Book Comment (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

      0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

    08/07

      0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters