logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

NAGISING ako nang makaramdam na tila may malambot na telang dumidikit sa aking mukha. Mabagal akong nagdilat ng mga mata at bumungad sa akin si Alba na matamlay ang mukha.
"Buhay ka pa pala," usal ko habang siya ay huminto sa pagpunas ng aking mukha.
"Ganoon na nga po, Princess Emery," malumanay niyang saad at umalis sa aking kama. Tahimik niyang kinuha ang isang maliit na balde bago yumuko at naglakad palayo.
"Kung ako ay ikaw..." marahan kong saad habang nakatulala sa kisame. Pansin kong natigilan siya nang marinig ang sunod kong sinabi.
"Magdedesisyon na akong patayin ang marahas na prinsesa." Nahihirapan akong bumangon dahilan upang napaharap sa akin si Alba.
"Princess Emery, huwag niyo pong pupuwersahin ang iyong katawan." Bumalatay ang pag-aalala sa kan'yang mukha at akmang lalapitan ako nang binigyan ko siya ng nagbababalang tingin.
"Tell me your reasons, servant," nahihirapan kong saad. Paniguradong saglit lamang akong nakapahinga dahil labis pa rin akong nanghihina.
"Ano ang dahilan kung bakit mo pa rin ako pinagsisilbihan ngayon?"
"Mahal na Prinsesa..." Matamlay na ngumiti ang tagapagsilbi. "Kung mawawala ka-----magagapi tayo ng mga kalaban."
Natigilan ako sa sinabi niya. Inaasahan kong iyon ang kan'yang itutugon ngunit hindi ko pa rin maiwasang nabigla.
Dahil tunay ngang ang halaga ko ay para sa digmaan lamang.
"Kung gayon..." Nag-iwas ako ng tingin at muling humiga. "Kung wala na akong halaga sa labanang ito----pipiliin mo pa rin ba akong pagsilbihan?"
Walang sagot.
Ilang sandali ang lumipas ngunit nanatili pa ring tahimik ang babae. Napangiti ako nang mapait at pumikit.
"Naiintindihan ko, Alba. Maaari ka nang makaalis."
"P-Patawad, Mahal na Prinsesa." Narinig kong wika niya bago tuluyang lumabas ng aking kuwarto.
Bakit siya humihingi ng tawad? Dahil ba sa hindi niya nasagot ang tanong ko? O dahil sa parehas naming alam na handa siyang talikuran ako?
Alam kong kinamumuhian niya ako, kaya bakit pa siya humihingi ng tawad? Naaawa ba siya sa akin?
Bumuntong-hininga ako at nanatiling nakapikit. Ang panghapong sinag ng araw ay tumatama sa aking mukha dahilan upang muling mapadilat ako.
Tahimik kong tinanaw ang papalubog na araw...
Malapit na pala akong umalis.
Hindi ko batid kung mangungulila ako sa palasyo dahil wala naman akong magandang alaala rito. At wala rin naman akong matatawag na tahanan.
Kailangan kong puntahan si Illia.
Ngunit una sa lahat, kailangan kong bawiin ang aking lakas. Paniguradong sinadyang hindi ako ipagamot ni Ama dahil matigas pa rin ang ulo ko.
"Hmmm..." Naaaliw akong napangiti. "Should I be a good princess, then?"
"Anak." Napalingon ako sa pintuan nang may dumating. Bumungad sa akin si Ama na seryoso ang mukha. Nasa likod niya si Princess Glamour na seryoso ring nakatingin sa akin.
"Mahal na Hari." Mas napangiti ako at bumangon. Sinandal ko ang aking dalawang palad sa malambot na matres ng kama upang suportahan ang bigat ng katawan ko.
"Nag-aalala ba kayo sa akin?" marahan kong tanong. "Huwag po kayong mag-alala dahil maayos lamang ako----"
"Humingi ka na ba ng tawad sa ating Diyos?"
Unti-unting napawi ang aking ngiti habang nakatitig kay Ama. Palihim akong napatiim-bagang at kinuyom ko ang aking kamao upang kahit papaano ay napigilan ko ang sarili na sabihing...
Hindi ako humihingi ng tawad sa isang masamang diyos.
"Oo, Ama..." Madrama kong hinawakan ang aking dibdib at malungkot ang mukha na yumuko. "Ngayon ko lamang napagtanto na isa akong makasalanang nilalang. Hindi ako nararapat sa regalong ibinigay ng ating Diyos na si Zničení. Hindi ko pinag-isipan ang aking mga desisyon at masyadong naging padalos-dalos. Lubha kong..." Madilim akong napatitig sa kumot at saka maamong ngumiti. "Lubha kong pinagsisisihan ang aking nagawang kasalanan."
"Aking anak." Lumapit sa akin si Ama at naluluha akong niyakap. Niyakap ko siya pabalik at tiningnan si Princess Glamour na seryoso pa ring nakamasid. Binigyan ko siya ng nanunuyang ngiti dahilan upang umawang ang labi niya.
"Ama..." Lumawak ang aking ngiti at mas niyakap ang hari. "Simula ngayon ay magiging isa na akong mabuting anak. Hinding-hindi na ako magpapasaway."
"Nalulugod ako, Anak, na malinaw na ang iyong isipan. Alam mo namang hindi ko nais na ikaw ay nahihirapan." Lumayo si Ama at maingat akong hinawakan sa magkabilang braso. Nag-aalala niya akong sinipat sa buong katawan. "A-Ayos ka lamang ba? Huwag kang mag-alala at magpapadala ako ng doctor---"
"Ama," malungkot kong usal habang naluluha. Madrama kong pinunasan ang aking luha kahit wala pa namang tumutulo at malungkot na nagsalita, "Wala po akong karapatan na alisin ang paghihirap na ito. Dapat kong tiisin ang lahat ng ito dahil ako'y isang makasalanan."
"Anak..." Mabilis akong napangiti nang muli akong niyakap ni Ama. Napatingin ako kay Princess Glamour na halatang nagpipigil na guluhin ang kadramahang ginagawa ko.
Sino ang maniniwala sa'yo kung sasabihin mong nagdadrama lamang ako? Ako na isang kaawa-awang nilalang ay nararapat lamang na paniwalaan ni Ama.
"Sisiguruduhin kong maayos na ang iyong kalagayan bago ka magtungo kay Illia. Hintayin mo lamang ang doctor at ipapatawag ko siya." Lumayo si Ama at marahang hinaplos ang aking mukha. "Kailangan mong mas ingatan ang iyong sarili."
Tumayo siya at akmang maglalakad palayo nang hawakan ko ang kan'yang kamay.
"Kamahalan..." Lumamlam ang aking mga mata at tiningala siya. "Iiwanan mo ako agad?"
"Ikinalulungkot ko ngunit may pagpupulong na magaganap ngayon sa palasyo. Kailangan kong kausapin ang mga opisyal upang mas mapatatag ang ating depensa."
I see...
Dahan-dahan kong binitiwan ang kamay ni Ama at saka bumuntong-hininga. "Naiintindihan ko, Ama."
Hindi sumagot ang aking ama at lumabas na ng kwarto. Naiwan si Ate na nakatayo lamang sa pintuan at diretsong nakatitig sa akin.
"Kailan mo balak na sumali sa teatro, Princess Emery? Lubha mo akong napahanga sa iyong mga pag-akto."
"Talaga?" Mapang-uyam akong ngumiti at hinawi ang ilang hibla ng kulay lila kong buhok na tumabing sa aking mukha. "I'm honored to hear that."
"Hanggang ngayon pa rin ba ay nagrerebelde ka?"
"Matatawag ba na pagrerebelde ang ginagawa ko?" usal ko at humalukipkip. "Parehas nating alam na kung nagrerebelde ako, mas malala pa ang gagawin ko. At kapag nangyari iyon..." Inangat ko ang aking kamay at mabagal na itinuro siya. "Ituturing kitang kalaban."
"Feisty, aren't you?" Mahinang natawa si Ate at humalukipkip. "To be honest, napamangha mo ako na hanggang ngayon ay nakakaya mong hindi kumuha ng enerhiya ng tao. Noong bumalik ako sa iyong kulungan ay nakita kitang walay malay." Naglakad siya papalapit sa akin. "Alam nating anumang oras ay susuko na ang katawan mo sa temptasyon, kaya mas mainam kung bago ka umalis ay..." Inilapit niya ang kan'yang sarili sa akin upang bumulong sa aking tainga. Mariin akong napakuyom ng kamao. "Pumatay ka ng tao."
Lumayo si Ate at tumanaw sa labas ng bintana. "Anumang oras ay malapit nang maglaban ang ating kaharian at ang Leior. Kailangan namin ng lakas mo upang manalo."
"Kailangan ba talagang makipagyera sa ibang kaharian? Paniguradong may ibang paraan upang makamtan natin ang tagumpay nang mapayapa---"
"After you get that peace... Are you sure that you will live peacefully?" Malamig ang mga matang bumaling sa akin ang prinsesa. "It's pointless, Emery. 'Coz you will live your fate no matter what will happen. You know that it's better to be evil living your purpose, right? Than being evil just to stay alive."
"I know..." Mapakla akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. "Afterall, this is the life that Zničení gave me. I should cherish the gift of God, shouldn't I?"
"Just live your purpose, Emery." Naglakad palayo si Ate at hindi na ako muling nilingon.
"Live my purpose?" Natatawang sinapo ko ang aking mukha. "Then I guess I should live in hell because that's my purpose, right?" Napakagat-labi ako at mabilis na pinunasan ang luhang dumaloy sa aking mukha.
"What a life full of despair."
ILANG minuto ang lumipas bago dumating ang doktor ng palasyo. Mabilis niya akong ginamot nang walang anunang sinasabing salita. Samantala, nakamasid lamang ako sa kan'ya at wala ring balak na magsalita.
"Your Royal Highness." Pumasok si Alba nang saktong makalabas ang doktor.
"Prepare me a bath," wika ko habang pinagmamasdan ang aking mga braso. Napangiti ako at tumayo. Malakas na ako.
Sa wakas...
"How's the palace, Alba?" tanong ko habang nakasandal sa aking paliguan. Nakapikit ang aking mga mata habang kinakalma ang aking sarili sa mabangong samyo ng mga mamahaling langis.
"Mas humigpit po ang seguridad dito sa palasyo. Marami rin po ang nagnanais na patayin ka, Mahal na Prinsesa."
"Talaga?" Ngumisi ako at dumilat. "Hindi na ako magtataka kung dumami ang kalaban ng palasyo. Afterall, pinatay ko lang naman ang mga duke at ang mga taong may mataas na antas sa lipunan.
"Pero anong magagawa nila? My father is cruel. He would just replace them with new people."
"Ganoon po ang ginawa ng Kamahalan, Mahal na Prinsesa."
Napahawak ako sa aking baba at muling ngumisi. "Kung mas tatagal pa 'to, makikilala ang Azure Kingdom bilang isang impyerno sa lupa."
"Ngunit walang halaga ang pagkilala ng ibang kaharian sa atin kung matatalo natin sila."
Natapos akong mag-ayos ng sarili nang madilim na ang kalangitan. Lumubog na rin ang araw at ang mga bituin sa kalangitan ang tanging naghahari sa kaitaasan.
"Handa na po ang karwahe, Mahal na Prinsesa." Yumuko si Alba habang ako ay nakaharap sa malaking salamin. Tahimik kong pinagmamasdan ang aking mahabang kulay lilang buhok patungo sa pares ng kulay berde kong mga mata. Ang aking maamong mukha ang nagtatago sa kung anong klaseng tao ba talaga ako.
Inayos ko ang suot na cloak bago hinarap si Alba. Seryoso na ang mukha ko nang maglakad palabas ng kwarto.
"Ilang kawal ang kasama ko?" tanong ko habang naglalakad.
"Lima po, Mahal na Prinsesa."
Tumango lamang ako at dumiretso na kami sa likurang bahagi ng palasyo. At doon ay nag-aabang ang isang karwahe na napapaligiran ng limang mga kawal na nakasakay sa kan'ya-kanyang kabayo. Bukod pa rito ang dalawang lalaki na nakapuwesto sa labas ng aking karwahe.
Pinagbuksan ako ni Alba ng pinto at agad akong pumasok. Tumanaw ako sa labas ng bintana habang siya ay umupo sa aking harapan habang nakayuko.
"Raise your head, woman." Sumandal ako sa upuan at humalukipkip habang nakatanaw pa rin sa labas. "Mangangalay ka kung yuyuko ka lamang sa buong biyahe."
"Marami pong salamat sa iyong pag-aalala, Mahal na Prinsesa."
Tumakbo na ang karwahe matapos lamang ng ilang sandali. Isang madilim na ngiti ang nagtatago sa aking mga labi habang nakatanaw sa labas.
"Kung inaantok ka ay matulog ka, Alba." Nagsalubong ang kilay ko at binalingan siya. Mabilis siyang napatuwid ng upo nang marinig ang sinabi ko.
"H-Hindi po ako inaantok, Princess Emery."
"Sinasabi mo bang mali ang aking napansin?" Binigyan ko siya ng nakakatakot na tingin kaya mabilis siyang umiling.
"H-Hindi po kayo nagkakamali. I-Inaantok talaga ako---"
"Tumabi ka sa akin," saad ko at tinapik ang malaking espasyo sa aking tabi. Nanlaki ang kan'yang mga mata at mabilis na yumuko.
"W-Wala po akong karapatan na m-maupo sa i-iyong tabi---"
"At mukha ba akong nakikiusap? Isa itong utos, Alba."
Natigilan si Alba at maya-maya ay kinakabahang tumabi siya sa akin. Nakababa ang kan'yang ulo dahilan upang mas magsalubong ang kilay ko.
"Hindi ko alam na matigas pala ang ulo mo."
"P-Patawad..."
Bumuntong-hininga ako at marahan siyang hinawakan sa kan'yang pisngi upang maisandal ang kan'yang ulo sa aking balikat. Nanlaki ang kan'yang mga mata ngunit pinili niyang hindi magsalita.
"Magpahinga ka," utos ko at tumanaw sa labas ng bintana. "Mas pipiliin kong matulog ka sa aking balikat kaysa sa makita kang nahihirapan."
"Mahal na Prinsesa..."
"Gigisingin na lamang kita kapag makarating na tayo sa laot." Huminga ako nang malalim.
"Marami pong salamat..."
Madilim akong napangiti.
Ilang minuto ang lumipas bago tuluyang nakatulog si Alba. Nilingon ko siya at pinagmasdan ang pagod niyang mukha.
"Have I been so cruel?" Hinawi ko ang mga hibla ng buhok na tumabing sa kan'yang mukha. "I'm sorry..."

Book Comment (31)

  • avatar
    RecarroJonna Mae

    super beautiful a fiction story

    15/07

      0
  • avatar
    CelisJuliet

    i really love this book,💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖

    08/07

      0
  • avatar
    DhenJoe Nacita

    namangha ako ng sa mga sinasabi nila kasi parang totoo

    10/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters