logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Chosen Seven

The Chosen Seven

RainofFire


Chapter 1: The Mysterious Book

Kian's POV
Do i really look special? Para sa'kin isa lang akong normal na estudyante at bata na nabubuhay sa magulong mundong 'to. Pero, hindi ko alam kung bakit sila humahanga sa'kin.
"K-Kian, ang taas ng grade mo! Paano mo ba nagagawa 'to?" tanong ng kaibigan kong si Brian.
He's usually like that kaya pagbigyan niyo na.
"Ang oa mo naman, parang ngayon ka lang ng nakakita ng ganyang grades ah," saad ko, sumimangot naman ang tinigin niya.
"Oo, ngayon lang ako nakakita," medyo may pagkataray niyang sabi.
Seryoso?.
"Well, expected na 'yan kay Kian. May tutor siya at mahilig mag-review," nakangiting sabi ng kaibigan kong si Aidan.
"H-Hindi naman ako ganon kasipag," pagtanggi ko sa kanya, he smirks.
"Dalawang oras kang nagrereview sa isang araw, kaya't pano mo nasasabi 'yan?" natatawa niyang tanong sa'kin.
Ako, si Brian, at si Aidan. We are the trio na hindi mapaghihiwalay ng sinuman. Brian is considered as the Joker while Aidan is considered as an introvert since he got that kind, calm, and i would say cool personality.
So, how about me? They say i'm the brain of the trio because im smart, at hindi ko naman maipagkakaila 'yun.
"Sige na guys, uwi na ako," pagpapaalam ako sa kanila, ngumiti ako sa kanila bago tumakbo. Papunta na sana ako sa kotse ngunit bigla na lamang akong pinigilan ni Brian.
"Kian! Sandali!" he shouted, napatingin ako sa kanya at nakita ko siya kasama si Aidan na tumatakbo papalapit sa'kin, "puwedeng request?" tanong niya na itinaas naman ng kilay ko.
"Ano 'yon?" tanong ko, ngumiti ng malapad si Brian at bigla na lamang hinawakan ang kamay ko.
"Puwede bang ihatid mo kami sa Alzechga Bookstore? May kailangan lang kaming gawin 'don," request niya.
"Puwede naman, mauna na kayong pumasok sa kotse," utos ko sa kanila ng nakangiti, kita ko ang mga ngiti nilang abot-tenga na at tumakbo papunta sa loob ng kotse at umupo sa backseat.
 They really had some unique personality. I don't why, but their personality...they are making me comfortable.
But sometimes, nakakainis din.
"By the way, guys. Anong bibilhin niyong libro sa bookstore?" tanong ko, ngunit walang pumansin dahil ang nakatutok ang dalawa sa bintana, "Wow! Ang saya niyo ah, first time niyo bang makasakay sa kotse?" tanong ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin dahil nakatingin sila sa bintana at tinitignan nila kung gaano kabilis ang kotse ko.
Okay, natuwa talaga ako sa sagot nila. Pero, hindi ko naman sila masisisi, ngayon lang sila nakasakay dito.
"Kian, gusto mong sumama samin sa Alzechga Book Store?" nakangiting tanong sakin ni Brian.
"Sa tingin ko wala naman akong gagawin mamaya, magpapahinga muna ako sa pagrereview kaya sasama na lang ako sa inyo," sabi ko sa kanila habang nakakross ang mga kamay ko.
"Nandito na po tayo, Sir," sabi sa akin ng Driver, at biglang lumabas sina Aidan at Brian. Halata sa mga mukha nila ang pagka-excited.
Ewan ko ba sa kanila, parang wala naman akong nakikitang interesado doon sa Alzechga Book Store.
"Maraming Salamat po, Driver."
"Walang Anuman," nakangiting sabi sakin ng Driver na kumaway pa sakin nang umalis ako, pumasok kami nina Brian at Aidan sa Alzechga Book Store at naramdaman ko agad ang lamig ng aircon pagbukas ko pa lang ng pinto.
"Ang daming libro dito ah, ano kayang magandang basahin?" tanong ko sa sarili, naglibot-libot ako para makahanap ng libro na pasok sa interes ko.
Habang nagiikot ako, napahinto ako nang makita ko ang isang librong ninanais ko. Isang librong patungkol sa kalawakan.
"Wow! Mukhang maganda 'tong basahin ah," sabi ko sa sarili halos mahulog na ang panga ko dahil interesado ako tungkol sa mga solar system
"Solar system? Humph! Sabi na nga ba pupulutin mo 'yang libro na yan eh," nakangiting sabi sa'kin ni Brian.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Well, nakapunta na kami ni Aidan dito kahapon and nakita namin 'tan. Nang nakita ko ang libro na 'yan sigurado na agad ako na pag-iinteresan mo 'yan," sagot niya.
Good thing at hindi pa nabibili 'to.
"Pano mo naman nalaman na mahilig ako sa mga bagay about the universe?" tanong ko.
"Tinatanong pa ba 'yan?" tanong ni Brian, lumapit si Aidan at siya na ang sumagot.
"Kapag nagkekwentuhan kasi Tayo lagi mong binabanggit ang patungkol sa mga planeta, yung keychain mo rin is buwan."
Kaya naman pala.
I just smiled at them, kinuha ko na ang libro at dinala sa cashier. Bumili rin sina Brian at Aidan ng libro pero sa tingin ko comics iyon na bagong release pa lang.
As I expected.
After we bought the books, nagpaalam muna sa'kin so Brian.
"Kian, puwede bang dito ka muna? Magbabanyo lang kami," paalam sa'kin ni Brian sabay takbo, nakatayo lang ako at niyayakap ang libro na binili ko ngunit makalipas ang ilang minuto ay nakakaramdam ako ng init sa hinahawakan, napatingin na lang ako sa libro at mukhang wala namang nangyayari.
"Bakit parang ang init ng librong 'to?" tanong ko sa sarili, ngunit hindi nagtagal nanlaki ang mga mata ko nang unti-unting nagkakaroon ng liwanag.
Hindi mula sa paligid kundi mula sa…LIBRO!.
"A-Ano to?!" pasigaw kong tanong, sa sobrang liwanag ay wala na akong magawa kundi ang pumikit.
Anong nangyayari?.
At first, i though it's just a normal wind but i realize that it's a wind coming from the book, and…it's absorbing me?.
Sumigaw na lamang ako dahil hindi narin ako makapagsalita, piling ko parang hinihigop ako papasok ng Libro. Ngunit habang hinihigop ako papuntang libro ay parang nag-iiba rin ang boses ko, namalayan ko na lang na kusang bumukas ang libro at nakita ko ang larawan ng isang buwan na sadyang napakaganda.
"Ang mga batang ipinili ng buwan ay kailangang tumungo sa mundo ng Haesis sa ayaw man nila o sa hindi!" rinig kong boses ng isang lalaki na nagmula sa loob ng libro, hindi ko masyadong nakita ang kanyang mukha dahil sa liwanag, ngunit nakita ko ang korona mula sa kanyang ulo kaya't nakakasigurado ako…isa siyang hari.
Ilang minuto ang lumipas ay narinig ko ang sigaw ni Brian na sinasambit ang pangalan ko, dahil rito ay natigil ang paghigop sakin at nang natauhan ako ay bigla kong inihagis ang libro.
"Kian!" sigaw sakin ni Brian, napatingin ako sa kanya dahil sa lakas nang sigaw niya.
"Mabuti naman at bumalik na kayong dalawa," sabi ko sa kanila, agad akong lumapit sa kanila at walang kung ano-anu ay bigla na lamang silang niyakap.
"Kian?" tanong ni Brian na halatang naguguluhan.
"I'm sorry, I'm just scared," sagot ko, alam kong nagtaka si Brian sa sinabi ko.
"Wag kang mag-alala, nandito kami," nakangiting sabi sa'kin ni Aidan.
They're really are my true friends.
"Bakit mo hinagis ang libro? Hindi ba binili mo iyon?" tanong ni Brian.
"W-wala, may nakita kasi akong gagamba. May arachnophobia ako kaya tinapon ko," pagsisinungaling ko sa kanila, ayoko nang ipaliwanag sa kanila kasi sa tingin ko hindi naman sila maniniwala. Isa pa, isang hindi kapani-paniwala ang nangyari, nang tinignan ko ang lugar kung saan hinagis ko ang libro…it's gone.
Saan napunta ang libro?.
Ano ba kasi 'yun? Ano ang liwanag na 'yun? Isa pa, sino 'yung hari?.
Tsk! I think masyado na akong nasobrahan sa pag-aaral.
"Tara na Kian, uwi na tayo," nakangiting ani sakin ni Brian, pumunta na kami sa kotse at nakita ko ang Driver ko na kumakain na ng Lunch, mukhang pinagantay rin namin nang matagal si Kuya.
Sumakay na kaming tatlo sa backseat sabay suot nang seatbealt, itinigil muna ni Manong Driver ang pagkain niya at nagsuot na ng seatbelt at nagsimula nang mag drive si Kuyang Driver at umuwi na rin sina Brian at Aidan sa mga bahay nila. Umuwi na rin ako nang bahay at lumabas na nang kotse.
"Welcome back, Mr. Kian," bati sa'kin ng mga yaya.
"Uhm, ayos na po sa'kin kung Kian lang ang itawag niyo. Pakiramdam ko kasi para na akong matanda kapag tinatawag niyo akong mister," reklamo ko sa kanila.
I'm just a 12 years old boy, mayaman ang nanay at tatay ko but.. 
"Sorry po Mr. Kian, malalagot po kasi kami sa papa niyo kapag tinawag po namin kayo sa mismong pangalan niyo," pagpapasensya sakin ng mga yaya at talagang nakayuko pa sila.
"Tsk! Napaka-arte naman ni Papa. Ano ba naisip niya?" tanong ko sa mga yaya, kinuha nila ang bag ko at tumungo na sa kuwarto ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang libro kanina na muntik na akong higupin, piling ko na trauma ako.
"Mr. Kian, handa na po ang hapunan niyo!" sabi sa'kin ng Yaya, bumaba na ako pagkatapos kung magbihis, tumungo na ako sa dining table at talagang tinalian pa ako nang panyo sa leeg.
Napakaboring sa totoo lang, wala si papa at mama kasi nga nandun sila sa Amerika, kaya't mag-isa na lang akong kumakain at kasama ko ang mga maids at bodyguards dito, nang tapos na akong kumain ay bigla na lang tumunog ang doorbell.
"Ako na po ang pupunta ron, Mr. Kian," mungkahi ng yaya ko sakin, pangiti akong tumanggi sa kanya dahil baka nakakaabala ako.
"Ako na po, tapos na rin naman po akong kumain eh, ako na po ang pupunta ron," tanggi ko kay Yaya, uminom ako nang tubig sabay lakad papuntang gate at nakita ko si Aidan na naghihintay sa gate, "Aidan? Anong kailangan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ah Kian, puwede bang paki-check sa kotse mo kung nandun ang wallet ko, mukhang naiwan ko kasi eh," pakiusap ni Aidan.
"Sige, dito ka lang ah!" utos ko kay Aidan, pumunta ako sa kotse at chineck ko ang backseat kung nandun ba ang wallet na sinasabi niya, at nakita ko ang wallet niya na nakabukas.
Dahil nakabukas ang wallet ay aksidente kong nakita ang litrato sa pitaka niya.
"Teka, ito ba si Aidan nang bata pa? Mukhang pamilyar ang mukha niya," saad ko.
Hindi ako nagbibiro. Para talagang nakita ko na 'yung sanggol pero imposible naman kasi na magkakilala agad kami ni Aidan nung bata pa, kasi Grade 4 kami nagkakilala eh, napailing na lang ako at tiniklop ang wallet at agad na bumalik kay Aidan.
"Ah Aidan, Ikaw ba iyong sanggol na nasa litrato?." tanong ko
"Ah oo, Bakit mo naman na tanong?"
"Wala lang, nakita ko kasi na nakabukas iyong wallet mo kaya nakita ko iyong picture mo," pangiti kong tugon sa kanya, pero bakit parang pamilyar talaga ang hitsura niya nang bata siya?.
Di bale na nga, lahat naman ng sanggol magkakamukha eh.
"Ano ka ba? Wala namang problema na makita mo to," saad ni Aidan, natutuwa talaga ako sa ugali niya, sa tingin ko siya ang pinaka mabait saming tatlo. Ganyan talaga si Aidan. Magkabaliktad ang ugali nila ni Brian.
"Aidan, libre ka ba mamayang gabi?" tanong ko kay Aidan.
"Oo, Free ako 24 hours!"
"Kung ganun puwede bang pumunta kayo ni Brian dito mamayang gabi?"
"Huh? Mamayang Gabi? Bakit naman?" tanong niya sa'kin.
"I want to have a sleep-over party with you," tugon ko, napangiti naman si Aidan sa sagot ko.
"Sige ba! Mamayang 5:00pm nandito na kami," saad ni Aidan at pangiting tumakbo paalis para sabihan si Brian.
Habang hindi pa tumutungtung ang oras sa 5:00pm ay naghanda na ako nang game consoles, softdrinks na nilagay ko muna sa ref, snacks at desserts tulad nang cake, at mga tsitsirya at biscuits.
At bago pa mag 5pm ay may nag doorbell agad sa gate, lumabas ako para tignan kung sila Aidan ba at Brian ang nasa gate ngunit pagtingin ko sa gate ay wala namang tao.
"Bakit walang tao? Kanina lang parang may nag doorbell ah," naguguluhan kong sabi at tumalikod ako at nang papasok na ako sa loob ay bigla na namang tumunog ang doorbell ngunit nang tinignan ko ulit ay wala namang tao.
"H-Huh? Doorbell ba talaga sa gate namin iyong tumutunog?" tanong ko sa sarili ngunit nanlaki na ang mga mata ko nang tumalikod ako dahil sunod sunod na ingay nang doorbell ang narinig ko, dahan-dahan akong tumalikod para tignan ang gate ngunit wala paring tao ngunit nakaramdam ako ng pagkakilabot, nanlaki ang mga mata ko nang humarap dahil nasa harapan ko na ang librong nagliliwanag.
"AAAAAAAAAAAHHHH!!!," sigaw ko habang nanginginig, paatras-ng paatras ako nang makita ko ang libro, pero napatid ako sa isang bato kaya't patalikod akong nadapa, mabuti na lang ay nagsidatingan na ang mga bodyguards ko at pati na rin si Yaya.
"Mr. Kian!! Ano po ang nangyari?." tanong sa'kin ni Yaya, tinayo ako ni Yaya at nang mga bodyguards.
"Wala ba kayong nakitang librong lumulutang?" tanong ko sa kanila habang nanlalaki pa rin ang mata ko.
"Po? Wala naman po kaming nakitang libro rito, kanina pa po kayo diyan mag-isa, hindi po rin namin alam kung bakit po kayo tingin nang tingin sa gate eh hindi pa naman po tumutunog iyong doorbell."
"Huh? Hindi niyo narinig iyong tunog ng doorbell? Paulit-ulit siyang tumunog kanina," kuwento ko, pero mukhang wala talaga silang narinig.
"Pasensya na po pero wala po kaming narinig," mahinhing tugon sa akin ni Yaya at agad niya akong binalik sa silid.
"Mr. Kian, ang mas mabuti po ay magrelax muna kayo, siguro maya-maya darating na rin po ang mga kaibigan niyo," mungkahi sakin ni Yaya, niyakap ko siya nang mahigpit dahil takot na takot ako kanina, para akong aatikihin sa puso dahil sa nangyari.
"Ano po bang klaseng libro 'yung nakita niyo po kanina?" tanong sakin ni Yaya ngunit hindi ko na nasagot dahil may nag-doorbell na naman sa gate.
"Ayan na naman, may nag doorbell na naman."
"Opo narinig ko," saad ni Yaya, tumayo siya para tignan kung sino ang nasa gate at naghintay ako sa kuwarto, ilang minuto ang lumipas ay dumating si Yaya kasama sina Aidan at Brian.
"Kian, hindi ko alam na mas malawak pala ang loob ng bahay niyo," nakangiting ani ni Brian sakin, napabuntong hininga na lang ako dahil piling ko mas ligtas na ako dahil nandito na sila.
"By the way, Kian. Okay ka lang ba?" tanong ni Brian, nagtaka naman ako sa tinanong niya.
"I'm okay, bakit mo naman natanong?"
"Na-kwento ng yaya mo sa'min na iba 'yung mga kilos mo ngayon," sagot niya.
"Kasi..."
Wala akong masagot, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila.
"Dahil ba 'yun sa libro na lumiwanag at muntik ka ng higupin?" tanong ni Brian, nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya at napatingin sa kanya.
"S-Sandali, nakita mo rin 'yun?" tanong ko.
"Actually, parehas kami ni Aidan na nakita 'yun," sagot niya.
So it means, hindi talaga ako namamalik-mata.
"Huwag muna natin pag-usapan 'yan, mag-enjoy muna tayo," nakangiting sabi ni Aidan, i nodded.
I guess he's right, iwas stress muna ako ngayon.
Tulad nga nang sinabi namin ay nag-sleepover party kami at nag laro ng video game, kumain nang snacks at uminom nang softdrinks.
Nang sumapit ang 12:00AM ay don pa lang sila Brian at Aidan nakatulog. Maayos ang higa ni Aidan, hindi siya malikot matulog ngunit si Brian ay kung saan saan nakakabit ang paa niya, umaabot pa nga sa mukha ko eh pero ayos na 'to atleast napawi 'yung takot na naramdaman ko kanina. Still one of the best night of my life.

Book Comment (31)

  • avatar
    Samuel Mercado

    🤩love it

    10d

      0
  • avatar
    Jonel De Claro

    plss

    23d

      0
  • avatar
    Faith Arao Ayson

    naluluha

    27/06

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters