logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

"Imposible," rinig kong sabi ni Mommy.
Kinuha ni Daddy ang remote sa akin at siya na ang pumatay sa TV. Napatingin ako kay Mommy.
"Bakit naman po? Ni hindi pa po natin alam kung nahanap na yung bangkay ni Mama kung sakaling namatay na po siya. Walang sinabi hindi po ba? Baka siya po—" natigil ako sa sinasabi ko nang lumapit sa akin si Mama at hinawakan ang dalawa kong kamay.
Tiningnan niya ako sa mata at nakita ko ang malambot niyang tingin sa akin. "Anak, Mel, hindi ako tumutol sa kung ano man ang pinaplano mo pagdating sa totoong pamilya mo. Suportado ka namin ng daddy mo pero paano kung hindi siya 'yon? Paano kung kamukha lang talaga niya ang Mama mo? Artista 'yon, Mel," sabi sa akin ni Mama.
Napayuko ako sa sinabi ni mommy.  May punto siya pero hindi ko maiwasang umasa na sana siya nga 'yon. Si Mama. Kung sakaling siya 'yon ay baka kasama rin niya sa Teedy. How I wish na sana makita ko na talaga sila.
"Naiintindihan ko po, mommy," sabi ko at tiningnan siya.
"Anak, kapag maayos na ang lagay ko at may free time ako tanungin natin siya. Ayos ba?" Napatingin ako kay Daddy nang sabihin niya 'yon. Ngumiti ako sa kan'ya at tumango.
"Mel, puwede makisuyo? Nakalimutan ko kasing bumili ng water," sabi sa akin ni Mama at kinuha ang wallet niya.
Tumayo ako at kinuha ang ibinigay na pera ni Mommy. Kinuha ko ulit ang payong at lumabas na ng room. Habang naglalakad ako sa pasilyo nitong hospital ay hindi mawala-wala ang imahe nung artista na kamukha ni Mama sa isipan ko.
Sumasaya ang puso ko kapag naiisip kong siya nga 'yon. After so many years ay hindi ko aakalain na makikita ko siya ulit. Miss na miss ko na talaga sila. Hindi na nga ako mapakali na makitang muli si Mama. I'm just excited na kahit walang kasiguraduhan.
Napadaing ako nang may bumunggo sa akin. Nahulog ko rin ang hawak kong pera at yung payong. Lumilipad kasi ang utak ko sa kung ano-ano ang iniisip.
"I'm sorry, pasensya na po. I'm sorry po," nakayukong sabi ko. Mabuti na lang at wala siyang dala dahil kung hindi ay baka magbabayad pa ako.
"It's you again." Itinaas ko ang tingin ko nang marinig ko ang malamig na boses na 'yon medyo paos ito ngayon.
Okay pa siya kanina, ha. Bakit namaos yata siya?
"I'm so sorry again," sabi ko ulit at kinuha ang pera pati na ang payong na nabitiwan ko.
Nakayuko ako sa kan'ya at handa na sanang umalis sa harapan niya nang hinawakan niya ang braso ko. Ang init ng kamay niya at kakaiba rin ang hatid nitong pagkakahawak niya. May kakaiba. Nang tiningnan ko siya ay parang tumigil ang mundo at bahagyang gumalaw ang mga mapupungay niyang mata. Bakit ko 'to nararamdaman?
"A-Ang init mo," sabi ko sa kan'ya at itinaggal na niya ang pagkakahawak sa braso ko.
Hindi niya ako sinagot at bigla na lamang siyang napa-ubo. Kinabahan ako kaya agad kong hinawakan ang noo niya gamit ang palad ko. Agad ko rin itong tinaggal dahil sa sobrang init nito.
Nanlaki ang mga mata ko nang bumagsak siya sa akin mabuti na lang at may lakas pa ako at napayakap ako sa kan'ya. Tumawag ako ng nurse at mabilis nila akong tinulungan. Nang maidala siya sa isang room ay nagmadali akong lumabas at bumili ng bottled water.
Hinihingal ako nang pumasok ako sa room ni daddy. Ibinigay ko kay mommy ang dala kong plastic bag na may laman na bottled water.
"'My, 'Dy, may pupuntahan lang po ako saglit, balik po ako later," hindi sila agad nakasagot kaya umalis na ako at hindi na hinintay ang sagot nila.
Dito lang naman din ako sa hospital e. Dahan dahan na akong naglalakad ngayon at hinahanap kung saan siya dinala. May nakita akong isang nurse na naglalakad. Lumapit ako sa kan'ya at nagtanong.
"Excuse me po, saan po dinala si..." hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko nang mapagtanto kong nakalimutan ko ang pangalan niya.
"Ah, ma'am, yung kasama niyo po ba kanina? yung lalaki po?" tumango ako sa tanong niya, mabuti na lang at nakita niya kami kanina. "Nasa emergency room siya, number five in bed," sabi niya sa akin.
"Salamat po," sabi ko at nginitian lang niya ako.
Tumungo ako sa emergency room at pinuntahan ang ikalimang higaan. Hinawi ko ang kurtinang nakaharang at nakita ko ang maamo niyang mukha. Mahimbing itong natutulog.
Niyakap ko ang sarili ko nang nilamig ako, mabuti na lang talaga at pinahiram niya sa akin ang jacket niya. Hindi kaya nang dahil sa akin ay nagkasakit siya? Naisip ko kasi na yung mga kailangan niya ay ipinahiram niya sa akin. Payong at ang jacket niya. Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang boses niya. Mahina lang 'to at parang nahihirapan pa sa pagsasalita.
"Stay," aniya.
Lumapit ako sa kan'ya at nakita kong bahagyang nakabukas ang mga mata niya. Ang taas ng lagnat niya kanina. Itatapat ko ulit sana ang likod ng palad ko nang may dumating na nurse. May dala itong isang palanggana at towel. Kinuha ko ito at nagpresinta na ako na lang ang gagawa.
"Babalik po ako, ma'am para ibigay ang gamot niya," sabi nung nurse sa akin. Tinanguan ko lang siya.
Inilagay ko ang palangganang may kaunting laman ng tubig na maligamgam sa side table ng higaan niya. Ibinabad ko roon ang towel pagkatapos ay ipiniga ito. Pagkatapos ay itinupi ko ito para magkasya sa noo niya. Nakapikit na ulit ang mga mata niya.
Hindi ko tuloy maiwasan na napatingin sa kan'yang maamong mukha. Maaliwalas ang mukha niya pero ang kan'yang pananalita ay laging may halong lamig. I don't know what is behind of those cold of his, also his eyes, he doesn't give any emotions. Sobrang nakakatakot minsan na makasama siya. Hindi mo kasi alam kung ano ang nasa isip niya o kung ano ang emosyon niya. Napakahirap niyang hulaan.
Itinanggal ko na ang towel na nakalagay sa noo niya. Ibinabad ko ulit ito sa palanggana at ipinilipit para mapiga ang tubig. Hahawakan ko na sana ang braso niya nang pumasok ulit ang nurse.
"Ma'am, heto na po 'yung gamot niya. Pakainin niyo po siya bago niyo painomin," sabi nito sa akin at inalagay ang gamot sa katabi ng palanggana.
"Okay, salamat po," sabi ko at napatingin ako sa kan'ya nang maramdaman kong hindi pa umaalis ang nurse. "Huh, bakit po?" tanong ko dahil ngingiti-ngiti ito.
"Wala, ang sweet mo naman sa boyfriend mo. Maalagain at maasikaso kaya siguro minahal ka ni Sir. Bagay naman kayo e, maganda—" naputol ang sasabihin niya nang tinawag siya.
"Pasensya na ang daldal ko dapat yata hawaan kita e. Ang tahimik mo," muli siyang tinawag kaya umalis na siya at hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makasagot sa mga sinasabi niya.
Sinimulan ko ng punasan ang braso niya habang ginagawa ko 'yon ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Ano ako? Sweet? Napakagat ako sa labi ko dahil parang natatawa ako sa sinabi niya. I really don't know that I am a sweet person. Maybe, sometimes.
"W-Why are you s-smiling?" Napatingin ako sa kan'ya nang sabihin niya 'yon. Medyo nahihirapan siya pero may pagbabago. Hindi na malamig ang boses niya pero baka dahil may sakit lang siya.
"Nothing. What are you feeling?" tanong ko sa kan'ya at pumunta sa kabilang side niya para punasan ang kabilang braso niya.
"I admire your smile right now," sabi niya at napakunot ang noo ko nang tingnan ko siya.
"I mean, yung pakiramdam mo? Maayos ka na ba? Gusto mo bang kumain? Kailangan mo kasing inumin ang gamot mo," sabi ko sa kan'ya at bigla akong nahiya dahil ang dami ng tanong ko sa kan'ya.
Bahagya siyang natawa at bahagya akong nagulat. This is the first. He laugh! Naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan lang ako 'di ba?
"What?" tanong ko sa kan'ya dahil hindi niya sinagot ang mga tanong ko.
Ibinalik ko ang towel sa palanggana at nakita kong pinagmamasdan niya ang ginagawa ko. Nakakailang.
"Sana totoo na lang yung sinabi nung nurse," sabi niya at iniwas ang tingin sa akin. Alin doon sa sinabi niya?
"Aalis lang ako saglit, babalik ako," sabi ko sa kan'ya at hindi ko na hinintay pang sumagot siya.
Nang makalabas ako ay napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko ay hindi ako humihinga sa loob.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay naisip kong wala nga pala akong dalang pera. Ibibili ko sana siya ng pagkain kaso wala nga pala akong pera nung dunating ako rito. Kay Mama ang pera na ginamit ko kanina.
Binalikan ko siya sa ER. Hihingi na lang ako sa kan'ya tutal ay para naman 'yon sa kan'ya. Wala pa man ako sa ikalimang higaan kung nasa siya nang mapahinto ako sa paglalakad ko.
Nakita ko si Mama ay este yung artista! She's wearing a mask with her sunglasses. Pero hindi hadlang 'yon para hindi ko siya makilala. Mas lalong ikinagulat ko nang hawiin nito ang kurtina na nagsisibling parang pintuan sa ikalimang higaan kung nasaan siya.
Lunapit ako rito at bahagyang sumilip doon. Tinggal niya ang shades niya at ang mask. Tama ako! Siya nga 'yon.
Kaano-ano niya yung lalaking sinamahan ko kanina? Biglang napatingin sa direksyon ko yung lalaki kaya agad akong lumayo roon habang ang puso ko ay sobra sobra sa pagkabog. Hindi ko alam kung ano ang iisipin at gagawin ko.

Book Comment (220)

  • avatar
    AndilongJehil

    think you sumuch

    25/10

      0
  • avatar
    JavierJameicka

    people are going to be friends with me and I don't want to say that I don't have a lot of Fan's you have a great day going to be a long day today to get out of the town and country and she said that she was so excited for you guys to come over and i am going to be late to work on the couch watching TV and she said that she was so happy to see you later love you too I don't know what to say that again to my house and he didn't catch me up and i am going to have to go back to work tomorrow we have

    13/06/2025

      0
  • avatar
    Janjan Torres

    Thanks sa apps

    07/06/2025

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters