logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 - Don't disappoint

Xam's POV
"Ano dalian mo naman diyan!" Sigaw ko kay Jade sa sobrang kakupadan. Mag-aayos pa ako. Maliligo at s'yempre magbibihis.
"Oo ito na nga eh!" Hinihimas niya pa ang kaniyang tiyan habang palabas ng Restaurant na pinagkainan namin.
Nagpatiuna na akong maglakad para naman makahalata na siyang nagmamadali ako. Hindi nga ako nagkamali.
"Ano ba? Bakit madaling madali ka?"
"Dahil mag-gagabi na!" Paasik kong sagot sa kaniya.
"We? Talaga? Mukhang hindi naman eh."
"Bahala ka d'yan! Edi 'wag kang maniwala!"
Ang dami pang tanong! Isang oras nalang at mag-aalasyete na tapos ang bagal pa nitong kasama ko. Walang ibang ginawa kundi magtanong. Idagdag mo pa iyong katotohanang lowbatt na ang aking cellphone.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang sa di kalayuan ay natanaw ko ang dalawang kahina-hinalang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, sila 'yong mga lalaking kanina pa kami sinusundan.
Noong una, akala ko nagkataon lang ngunit iba na ngayon. Kahina-hinala sila. Kakatwa lang na hindi pa nila ginalingan ang pag-acting, masyado nilang pinaka-obvious.
Bakit ba ang dikit ko masyado sa gulo? Tila tanong ng isang parte ng utak ko.
Hinintay ko pa munang makapasok si Jade sa loob ng kotse bago ako tuluyang pumasok. Sa halip na magmaneho agad ay naghintay pa muna ako ng ilang minuto upang masiguro kung kami ba talaga ang kanilang sinusundan.
"Ano bakit hindi ka pa nag da-drive? Psh! Kanina lang madaling madali ka!" Atungal ni Jade.
Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi ko na rin siya sinagot pa. Sa halip ay tiningnan ko nalang ang mga lalaki na ngayon ay bigla nalang nawala.
Dahil dito ay nakahinga ako ng maluwag. Nang suriin ko pa muli ang kinaroroonan nila ay wala na sila doon. Agad naman nakuha ng kalapit ko ang aking atensyon.
"Ano na? Na ha-haggard na 'ko, ah!" Angal pa niya.
"Kanina ka pa haggard, ngayon mo lang napansin?" Pang-aasar ko kay Jade. Sinimulan ko na ring paandarin ang kotse.
"What?" Hindi makapaniwala niyang asik. "For your information fresh na fresh ako kanina!" Katwiran niya.
"Talaga lang, ah? Paano mo nasabi? E, ako ang kanina mo pa kaharap kaya alam ko ang itsura mo kanina pa!"
Suminghal siya. "Okay." Pinakaikli niya ang sagot.
"Problema mo?" Taka kong tanong dahil nahihimigan ko ang kasungitan sa kaniyang tono.
Ako pa talaga sinusungitan niya.
"Sa akin nalang 'yon!" Seryoso aniya.
Gusto kong matawa sa paraan niya ng pagsagot sa akin. "Wow! line ko 'yan, ah!"
"Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magsabi noon? Ikaw ba ang may-ari ng words na 'yon ha? Ikaw ba? Ha? Ha?" Awtomatikong napataas ang kilay ko sa mahabang aniya.
"My goodness! Ano ba'ng problema mo? Ako nga dapat ang mainis sa 'yo dahil sa kabagalan mo! Tapos ikaw pa ang naninigaw diyan!" Pasigaw ko ring katwiran. Ang paraan namin ng pag-uusap ay normal na sa aming dalawa.
"Kasi ang manhid mo!" Napakunot ang noo ko sa kaniya. "Sobrang manhid mo! Kaya lang naman ako nagmamabagal para mainip ka lalo, madaliin ako at sabihin mo ang purpose ng pagbili mo ng damit! Na kahit hindi talaga ako nagugutom, kumain ako para lang makahita ng sagot sayo! At kahit na bagot na bagot na ako sa pamimili ng damit na alam ko namang hindi mo gusto, ginawa ko pa rin para lang sabihin mo sa akin kung para saan ba 'yon o kung saan mo gagamitin! Pero wala eh wala kang sinabi! Kapag naman tinatanong kita hindi mo sinasagot! Hindi naman sa tsismosa ako, gusto ko lang malaman ang mga bagay na ginagawa o gagawin mo kase kaibigan kita! Alam ko rin na hindi magpapabili si tita Xara basta basta ng damit mo kung hindi importante ang paggagamitan mo! Implicit way of asking 'yon Xam! At dahil manhid ka hindi mo gets!" Nahinto ko ang kotse sa mga sinabi niya.
Iyan si Jade, hindi nagpapaligoy-ligoy sabihin ang mga hinaing sa buhay. Iyong kahit uutot nalang ay magsasabi pa.
Mabilis akong napalingon sa kaniya. "Ganon ka ba talaga ka interesado sa paggagamitan ko ng damit na 'yon?"
"Oo at bakit ba? Masama?" Mataray ding aniya.
Awtomatikong nagtaray ang aking mga mata bago binalik ang tingin sa kaniya. "Kung alam mo lang kung saan ko gagamitin 'yon," putol ko bago tuluyang nagbuntong hininga. "Hindi nakakatuwa! Sobrang nakakainit ng ulo!" Asik ko pa saka muling pinaandar ang kotse.
"Kung sinasabi mo na kasi sa 'kin edi sana nakaka-relate ako sa mga pinagsasasabi mo!"
"Hindi ko agad mas-"
Hindi ko na nagawang tapusin ang aking sasabihin nang aksidente kong masulyapan sa side mirror ang kotseng ngayon ay nasa likuran at nakasunod sa amim ni Jade. Tumigil sila sa pagsunod sa amin dahil tinigil ko ang kotse.
Gosh bakit ngayon ko lang sila napansin!
Tuloy ay binilisan ko bigla ang pagpapatakbo sa kotseng sinasakyan namin para masiguro kung kami nga ba talaga ang sinusundan ng mga ito. Mabuti na ang sigurado.
"Hoy tinatanong kita!" Hindi ko na rin inintindi ang mga pinagsasasabi ni Jade.
Salitan ang paningin ko sa daan at sa side mirror ng kotse dahil hindi pa rin sila tumigil. Nang makahanap ako ng tiyempo ay niliko ko bigla ang kotse pakaliwa.
"Saan naman tayo pupunta? Bakit kumaliwa ka? Sa kanan tayo banda ah?"
Sa halip na sagutin ko si Jade ay tinignan kong muli sa side mirror ang kotseng sumusunod sa amin. Napahigpit ang hawak ko sa manubela nang makitang kami pa rin ang kanilang puntirya.
Shocks! Ano ba'ng problema nila!
"Ano Xam? Wala ka talagang balak sumag-"
"Shut up Jade! May sumusunod sa 'tin." Pigil ko sa kaniya saka mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng kotse dahil hindi pa rin humihinto ang sasakyan na nasa likuran namin.
"Ah!" Gulat na sigaw ni Jade nang biglang may nagpaputok ng baril kasabay nang pagtigil ng aming sasakyan.
"Omg! A-Ano 'yon? M-May bumaril sa gulong ng kotse!" Kinakabahang giit ni Jade.
Sabay kaming napatingin sa gawing likuran nang mabilisang lumiko paalis ang kotse na sumusunod samin. Humarurot ito palayo. Talagang pinaputukan lang nila ang gulong ng kotse? Pero bakit? Anong klaseng dahilan ang meron sila?
"Screwy people! Anong trip nila para barilin ang gulong ng kotse ko!"
"What? Buti nga't hindi ang katawan natin ang b-binaril! Gosh! S-sino ba ang mga 'yon!" Puno ng kaba si Jade na hindi mapirmi ang tingin.
Napasandal ako sa kotse nang tuluyan na silang nawala. "Hindi ko rin alam. Pinapasakit nila ang ulo ko!"
"Nakakatanggal puso naman! Kailangan nating mag-ingat! Bakit ba kasi nila tayo sinusundan?"
"Sila dapat ang mag-ingat!"
"Nahiya talaga ako sa kayabangan mo, e, 'no? Nakakamatay 'yang kayabangan mo!"
Natawa ako bago ngumisi. "Kaya dapat lang silang matakot, dahil sa yabang ko pa lang patay na sila!" Asik ko. Hindi pinahahalatang maging ako ay nababahala kung sino ang mga iyon.
"Oo nalang!" Sarkastikang aniya. Tuloy ay matunog ko siyang sininghalan.
Matapos ay bigla nalang akong napairap sa kaloob-looban ko dahil parang sasabog na ang aking ulo. Ang dami ko na ngang iniisip tapos dumagdag pa ang bagay na ito.
"Paano na 'yan? Paano tayo uuwi ngayon? Butas ang gulong ng kotse!" Napapitlag ako sa sinabi ni Jade.
"Oh, shocks!" Nasapo ko ang ulo gamit ang dalawang palad.
"B-Bakit? Anong nangyayari sa 'yo?" Puno ng pagtatakang ani Jade.
Dali-dali kong kinuha ang naghihingalo sa battery kong cellphone. "Gosh 6:23pm na!" Wala sa sarili kong usal bago binuksan ang message ni daddy. Sabi rito na nauna na sila ni mommy.
Sino na ang kasabay ko? Address lang ng restaurant ang ibinigay nila. "Jade pasundo tayo! Baka available si kuya Robert." Patungkol ko sa personal driver nila. Kapag kasi driver namin ang susundo sa amin ni Jade ay siguradong mahabang diskusyunan ang mangyayari.
"Aba malay ko!" Walang interest niyang sagot.
"Look Jade," Panimula ko. Mukhang wala na akong choice kung hindi sabihin sa kaniya ang totoo. "Late na kasi ako sa dinner. At exactly 7:00pm kailangan naroon na ako. Kaya naman pasundo na tayo sa driver niyo!"
Pabuntong hininga siyang lumingon sa akin. "Para saan naman 'yong dinner na 'yon?" Pagtatanong niya. Hindi ako hinahayaang makalusot.
Pairap akong bumuntong hininga. "Para sa arranged marriage namin ng anak ng business partner ni daddy." Napapapikit kong paliwanag.
Bigla naman ay lumingon siya sa akin. Iyong hindi makapaniwalang tingin. "Seriously?"
"Yes."
"Are you sure?"
"Yes and do I look like I'm kidding? Magtatanong tapos hindi maniniwala gan'on?" Paasik kong tanong.
"I just can't believe na pumayag ka. Sa pagkakakilala ko sa 'yo hindi ka basta basta napapapayag sa mga ganiyang bagay."
"But dad pleased me! Kaya wala akong nagawa-"
"Seriously?" Umarte siya na para bang maiiyak. "Ang daya mo naman, e!" Parang sirang aniya. "Ako nalang tuloy ang single sa ating dalawa!"
"P'wede ba bukas nalang natin pag-usapan 'yan? Tawagan mo na si kuya Robert para naman makapagbihis na 'ko!" Aniko bago siya binigyan ng nasusuyang tingin. "Can't you please stop staring as If I'm in favor with their arrangements!"
Nginisihan niya lang ako bago binaba ang hawak na cellphone. "Okay na. On the way na sila!" Puno ng panunuksong aniya. "Pati sa amin ka na dumeretso. Ako ang mag-aayos sa 'yo." He gave me her winked.
"What?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Sige na!" Pamimilit pa ni Jade.
"Fine." Pagbuntong hininga ko dahil hindi naman ako mananalo sa pagpipilit niya.
Gaya ng inaasahan ay ganoon nga ang nangyari. Pagkadating ng driver nila Jade ay dumeresto kami sa bahay nila. Doon na ako naligo at nag-ayos. Hindi ko na pinroblema ang heels na gagamitin dahil nakahilera ang mga ito sa kwarto niya. Maging ang iba't ibang accessories ay makikita rito.
Ang dami pang kung ano-anong ginawa sa mukha ko ni Jade bago kami tuluyang natapos. Siyempre hindi nawala ang sigawan namin. Dahil ang dami niya pang kaartehang nalalaman.
"'Yan! Xam, You are stunning!" Papuri niya sa akin nang matapos siya sa ginagawa.
Hindi nakaligtas sa kaniya ang mahaba at mamula-mula kong buhok. Bahagya niyang ginawang wavy ang dulo nito.
"Sige na sige na! Kailangan ko ng umalis!" Pagmamadali ko. Ayaw kong mainis sa akin si Daddy. I promised him to obey his words. Even just for now.
"Bawal ba talaga akong sumama?" Tanong ni Jade habang naglalalad kami palabas ng bahay nila. "Para naman makilala ko ang lucky guy na 'yon."
"Bawal nga. Si kuya nga hindi pinasama. Ikaw pa?" Katwiran ko. Batid ko rin na kung naroon man siya ay walang ibang gagawin si kuya kundi ang asarin ako.
"Sige balitaan mo nalang ako, okay?" Habol niya pa. Tango lamang ang sinagot ko kay Jade. "Take care and goodluck!"
"Oo na." Asik ko sa pang-aasar niya.
Mabilis akong sumakay sa kotse at nagpahatid sa binigay na address ni daddy. Talaga namang late na ako sa usapan naming oras. Awtomatiko akong sumandal sa kotse dahil sa pagmamadaliang ginawa ko kanina.
Pasalamat nalang ako at hindi masyadong traffic. "Salamat po!" Paalam ko sa sriver nang tuluyan na naming narating ang restaurant.
Nakangiting tumango si kuya Robert. "Una na ako hija!" Paalam niya rin.
"Sige po, ingat!" Nakangiti akong tumango. Matapos niyon ay tuluyan na niyang pinaandar paalis ang kotse.
Bago ako tuluyang pumasok ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga. Lagot na naman ako kay daddy dahil sigurado akong naiinip na siya.
Nang makapasok ay sila agad ang bumungad sa akin. Private itong restaurant na ito kaya naman hindi na nakapagtatakang kami-kami lang ang laman nito. Nakatalikod sila daddy sa gawi ko. Natanaw ko ang isang pamilyar na bulto ng lalaking nakaupo sa harapan nila. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang laging kasama ni daddy noong bata pa ako. Pero nakalimutan ko na ang kaniyang pangalan sa tagal na niyon.
Dumapo ang tingin ko sa bababeng kalapit niya. Hindi ako pamilyar sa itsura nito. Siguro dahil sa dati ko pa sila nakita kaya halos hindi ko na siya mamukhaan pa.
Sunod na kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang kasama nila. I can't be wrong. I knew who Am I exactly seeing. I won't forget that guy in canteen. Ang lalaking walang modong nanakit sa amin ni Jade.
Pilit kong pinanatiling kalmado ang aking sistema kahit pa kinukuwestiyon ko ang sarili kung bakit siya narito. Don't tell me! Gusto kong umirap saka padabog na umuwi.
Sa huli ay nagbuntong hininga na lamang ako. I consider this day as the most ill-fated day in my life.
"Sorry I'm late." Pagputol ko sa sinasabi ng aking ama.
Sinabi ko iyon ng nakatingin sa lalaki ng diretso. Dahan-dahan niya akong sinulyapan mula paa hanggang ulo. Nang magtama ang paningin namin ay ganoon nalang ang mababasang gulat sa kaniyang mukha. Hindi makapaniwala.
"You're here, sweetie!" Salubong sa akin ni mommy bago inalalayan akong makaupo.
"Xamira Khaleesi Hurst. What a beautiful lady," Hindi ko inaasahang bati sa akin ng lalaking kasama nila dad. Nababatid kong tatay iyon ng lalaking masama ang ugali.
Nginitian ko lang siya. Iyong sinsenrong ngiti. Walang halong kaplastikan.
"Still remember me hija? I'm your tito Zander!" Dagdag niya nang makaupo ako. Pinaggigitnaan ako nila mom and dad.
"A-Ah yes po!" Nakangiting sagot ko.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang takang pagsulyap sa akin ng lalaking nasa aking harapan. Wala siguro siyang ideyang magkaibigan ang mga magulang namin.
Tuloy ay parang gusto kong sumuka. We will never be friends or any well-relation related like our parents does.
Napaisip din ako bigla sa kung anong magiging reaksyon ni Dad kapag nalaman niya ang disgusto namin sa isa't isa.
"Have you ever met my son, Khaleesi?" Pagbabasag ni tito Zander sa katahimikan sa kalagitnaan ng aming pagkain.
"Are you familiar with him?" Dagdag niya pa na nagpaangat ng tingin ko.
"Yes po." Tipid kong sagot habang na kay Jeydiel ang tingin. Bahagyang nanlaki ang mata niya sa narinig. Are he expected me to deny? No way! Siguro sinabi niya na hindi pa kami nagkita, dahil sa reaksyon ng mga magulang namin marahil ay pare-pareho silang nagkatinginan
"Really? Bakit sabi ni Jeydiel sweetie hindi pa raw kayo nagkakilala?" Tanong ni mommy kaya naman napunta kay Jeydiel ang paningin ng lahat.
Nakaramdam ako ng panunuya bigla. Jeydiel sweetie? Anong kakornihan iyan?
Pinanood ko kung paano kagatin ni Jeydiel ang pang-ibabang labi dahil sa presyon. "H-Hindi ko po alam na siya iyon.." Katwiran niya habang pinapasadahan ng tingin ang aking mukha. Nakangiting tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Ang sweet naman! Saan kayo nagkita huh, sweetie?" Napalunok siya sa tanong ni Mommy.
"S-Sa university din po!" Sinabi niya iyon saka mabilis na iniwas ang tingin sa 'kin. Gusto kong matawa dahil alam kong gaya ko, hindi maganda ang kalooban niya.
"I see." Dinig kong ani ng kaniyang ina.
"I want to introduce to you, Khaleesi, my son Jeydiel Zaux Cruise." Baling sa akin ni tito.
Nakangiti ko siyang nilingon bago pinagtama ang mga mata namin ni Jeydiel. "Nice meeting you again." Usal ko na may bahid ng kasarkastikohan at kaplastikan. Siniguro kong hindi iyon mapapansin ng aming mga magulang.
"I'm Xamira Khaleesi Hurst. How was my name?" Dagdag ko pa iyong nang-aasar.
Kita kong nakangiting ngumisi si Jeydiel. "Pretty good." Aniya bago nilabanan ang aking tingin.
Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkadaka lamang ay tumikhim si daddy. "Hindi na ako magpapaligoy-igoy pa," putol ni dad.
"The purpose of this dinner is to announce that you Jeydiel," Sandali niyang sinulyapan si Jeydiel. "Will gonna marry my daughter. I knew that your father already talked to you about this matter. But still, I want personally talk to you."
Bumagsak ang mga balikat ko nang mapagtantong wala na akong magagawa tungkol sa sinasabing kasal. Isa itong masakit sa ulong bangungot.
"Your wedding will be next month," Mabilis akong napalingon kay dad.
Parang gusto kong mabulunan sa narinig. Bakit naman sila nagmamadali?
"It will be better if you two will start to acquaint each other," ani dad na kinangiwi ko bago nilapag ang hawak kong tinidor at kutsara.
Napairap ako isip. For pete's sake, dad. There's no need to aquiant dahil kilala ko na ang lalaking iyan. Capital M A S A M A ang ugali.
"Alam ko namang matured na kayong dalawa. Kaya ayaw kong makakarinig ng hindi magandang bagay patungkol sa inyo. Kailangan ding magkasundo kayo. Be responsible enough to handle this kind of things." Paliwanag pa nito. Iyong lahat ng lumalabas sa bibig ni dad ay mga imposibleng mangyari.
Pakiwari ko palang ay hindi kami magkakasundo ng lalaking iyan at wala ring dahilan para magkasundo kami. Sa huli ay napabuntong hininga nalang ako.
"Are you listening Khaleesi?" Sita sa akin ni daddy. Nginitian ko siya bilang sagot.
"Understood Son?" Pagtatanong ni tito sa kaniyang anak.
"Yeah." Tipid nitong sagot bago nababagot na nag-iwas ng tingin sa akin.
"I really hope that you two will get along well." Nakangiting anunsyo ni mommy bago kami salitang tiningnan. Gaya ko ay ngumiti si Jeydiel. Ito ang unang beses kong makita ang ngiti niyang para sa akin ay walang dating.
"By the way, hija anong gusto mo sa isang guy?" Tanong sa 'kin ng mommy ni Jeydiel.
Ngumisi ako bago tinapunan ng tingin si Jeydiel. "Iyong hindi po nananakit," Nakangising ani ko. Mabilis naman itong nag-angat ng tingin sa akin.
"Bakit naman hija? But don't worry, hindi naman nananakit o nagpapaiyak ng babae iyang si Jeydee. In fact, he is an ideal guy." Giit ni tita Janice.
"Ah, ganon po ba?" Patanong at tatango-tangong aniko. "Gusto ko po 'yong lalaking hindi nananakit physically." Binigkas ko talaga ang salitang physically nang may diin. Nang sarkastiko ko kong sinulyapan si Jeydiel ay talaga namang hindi maipinta ang kaniyang mukha.
Sasagot pa sana si tita subalit hindi na natuloy dahil nagsalita ang kaniyang asawa. "Inaasahan kong magiging maayos kayong dalawa, saka pakiuasap lang na wala ng iba pang dapat makaalam na naka-arranged marriage kayong dalawa."
Napakunot ang noo ko. "And please act like you do really love each other. Dahil sa nakikita ko sa inyong dalawa, parang ayaw niyo sa isa't-isa." Napaiwas nalang ako ng tingin sa pagiging prangka niya.
Masyado ba talaga kaming halatado?
"Don't disappoint us. It's for the sake of our business." Dagdag pa ni tito.
"But-" Sambit ni Jeydiel.
"No buts!" Saway sa kaniya ng ama. Tumingin pa muna si Tito sa cellphone niya. "We have to go," Pagpapaalam niya bago tumayo. "Key, mauna na kami," Paalam niya kay daddy.
Napakunot ang noo ko. Key? Is it a kind of their endearment? Ngayon ko lang narinig na may tumawag kay dad sa ganoong paraan
Nakangiti siyang tinanguan ni daddy.
"Sweetie, kailangan na rin naming umalis ng daddy mo. May meeting pa kami." Paalam sa akin ni mommy. Humalik pa muna siya sa pisngi ko bago tuluyang tumayo.
"Son, Ikaw na ang maghatid kay Khaleesi," Ma-awtoridad na utos ni tito Zander.
"No need na po!"
"Dad may sasakyan siya!"
Sabay at nagkatinginan naming pagkontra ni Jeydiel sa suhestiyon ng kaniyang ama.
"Just do what I've said." Malaking tinig na sabi ni tito habang may nagbabantang tingin sa tangkang pag-suway sa kaniya ng anak.
"Sige na hijo ikaw na ang maghatid kay Khaleesi ng makapag-usap din kayo." Dagdag pa ni daddy kaya naman napayuko ako at doon patagong sumimangot.
This is totally unbelievable!

Book Comment (117)

  • avatar
    SantosJen

    this story is a Master piece!! owemjii pinaiyak ako neto ng sobra🤧

    02/03/2022

      8
  • avatar
    RemeticadoRhea

    very nice story.

    2d

      0
  • avatar
    Karylle Kaye Baya Alfar

    nice

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters