logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Accidentally In Love

Accidentally In Love

Xam Altarejos


Chapter 1 - Gulo

Xam's POV
"Two minutes left," Bulong ko habang buryong na buryong nakikinig sa professor namin.
Gusto ko ng matapos itong klaseng ito dahil gutom na talaga ako. Hindi ko tuloy maiwasang pagkunutan ng noo. Kahit naman sino hindi matutuwa kapag gutom.
"Hoy, Xam, ayos ka lang?" Pabulong na tanong sa akin ni Jade habang kinokopya ang assignment na nakasulat sa board. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Oh ba't ang sama mo maningin diyan?" Takang tanong niya pa. Tanging pagsinghal lamang ang sinagot ko sa kaniya. Hindi nalang pagsusulat ang atupagin.
Kapag ganitong nagugutom ako hindi ko habit na magsalita pa. Naiirita lang ako lalo na para bang nakakaubos ng enerhiya ang pagkuda. Kaya hindi ko nalang siya pinansin.
"Na pu-pu poo ka, 'no?" Nakangising tanong niya na talaga namang may nang-aasar na itsura.
Pinakasama ko ang tingin sa kaniya. Iyong tingin na may pagbabantang tumahimik na siya.
"Nagugutom na nga tapos ma pu-pu poo pa? Ano pa kayang mailalabas ko?" Nakangiwing umiling-iling nalang ako kasabay nang pagpapakawala ng malalim na hininga.
"Okay class, DISMISSED!" Ang pinaka inaabangan kong sasabihin ng aming professor. Matunog muna akong humikab at bahagyang nag-inat.
Matapos ay dali-dali ko nang inayos ang mga gamit ko.
"Tara kain tayo." Aya ko kay Jade nang tuluyan na kaming makalabas ng classroom.
Kaileigh Jade Allen is a closest friend of mine. Well, hindi ko masabing bestfriend. Ang mahalaga ay magkaibigan kami.
"Himala ah, ano't naisipan mong kumain?" Nagtatakang tanong niya.
Ito ang unang pagkakataong kakain ako sa school canteen. Napabuntong hininga ako nang sumagi sa isipan kong hindi ako nakakain kagabi. Napairap nalang ako sa dahilan niyon.
"Malamang nagugutom na ako." Asik ko.
Pinagkunutan niya lang ako ng noo. "I mean bakit biglaan yata? Hindi mo naman kasi gawi na kumain sa Canteen." Paliwanag niya.
Kahit na may point naman si Jade. Tumigil pa rin ako para lingunin siya.
"Ang dami mong tanong e 'no? Kung ayaw mo akong samahan, ayos lang!" Seryosong ani ko bago siya tuluyang tinalikuran. Hindi rin kasi niya hilig kumain though minsan bumibili rin siya doon.
Hindi ako galit. Sadyang ganito lang talaga ang ugali ko. Aaminin kong maiksi lamang ang pasensiyang mayroon ako. Si Jade lang ang nakakaintindi niyon. Siya lamang ang nakakasabay sa pabago-bago kong mood. Siguro ay dahil na rin sa matagal na kaming magkaibigan.
"Ang sungit naman nito, parang nagtatanong lang e," Habol niya sakin.
Sininghal lang ang sinagot ko sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay natatawa ako. Ang dami pa kasing sinasabi. Magkasabay na nagpatuloy lang kami sa paglalakad papuntang Canteen.
"Doon tayo," Turo ko kay Jade sa isang bakanteng puwesto nang makarating kami sa canteen. Gusto ko roon sa gawing iyon dahil para sa akin ay perfect spot ito. Ang komportableng kumain. Mas ayos kapag doon nalang kami pupuwesto.
"Look girl bakit sila do'n umupo?"
"Kaya nga!"
"Baka friends sila ni Jeydee"
"Pero di'ba kanila Jeydee lang na place iyon?"
"I don't know!"
Bulungan ng ibang mga studyante sa loob ng canteen. I just shrugged and took a deep sigh. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang tinutukoy nila. Wala naman sa dugo ko ang pagiging tsismosa.
"Ano ang gusto mong kainin, Xam?" Tanong ni Jade pagkadaka.
"Kung ano ang magustuhan ko," Sagot ko. "E, ikaw?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"Ikaw na rin ang bahala, kung ano ang sa iyo ganoon nalang din ang sa akin, para sweet!" Sa halip na sagutin. Nakangiwing tinalikuran ko nalang siya at tuluyan nang um-order.
"Ang dami naman niyan, Xam!" Ani Jade habang isa isang tinitignan ang pagkain na in-order ko, sa akin at sa kanya.
"Oh, e, ano naman?" Kunot noo kong saad at syempre masama ang tingin. Kakain nalang dami pang sinasabi. "Kung aya--"
"Wala naman, nakaka-panibago lang kasi," Natatawang usal niya. Hindi pinatapos ang sasabihin ko. "Kain na," Masaya niyang anyaya . Bale-wala ang kunot-noong itsura ko.
Sa huli ay napailing nalang ako saka tuluyan nang kumain. "Pa'no iyan Xam, two hours pa ang vacant natin, saan mo gustong tumambay?" Pagbabasag niya ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Marahil ay parehas kaming abala sa ginagawa.
"Siguro matutulog nalang ako," Tinatamad kong sagot
"Okay, samahan kita ah," kibit balikat niya. Tumango lang ako. Hindi ko man aminin pero mahal ko talaga iyang si Jade. Para ko na rin siyang kapatid.
"Nandiyan na sila!"
"Ang Gwapo ni Jeydee!"
"Hi Kaizer!"
"Ang pogi ni Shawn!"
"Mas pogi kaya si Axel!"
Nakuha ang atensyon ko ng nakakabinging sigawan ng mga babae. Ang iingay nila na para bang mga ignoranteng ngayon lamang nakakita ng lalaki. Iritable kong pinanood ang pagpasok ng grupo ng mga kalalakihan sa loob ng canteen. Hindi ako pamilyar sa kanila dahil ito palang ang unang beses na makita ko sila.
I am not interested, though.
Pagkuwa'y dumapo ang paningin ko sa lalaking nauunang maglakad sa kanilang apat. Hindi ko maiwasang hindi siya tingnan. Siguro ay dahil siya ang nauuna. Maging ang tindig niya ay kakaiba. Iyong tindig na may sinasabi at pinagmamalaki.
Walang emosyon ko siyang tinapunan ng tingin. Napangiwi agad ako nang sandaling titigan ko ang mukha niya. Hindi naman siya gwapo gaya ng nakikita ng mga fans nila. Ganoon din ang mga kasama niya.
Tuloy ay mas minabuti kong ipagpatuloy nalang ang pagkain at hindi na muli sila binigyan ng pansin.
"Xam, tingnan mo oh, ang gu-guwapo nila 'di ba?" Tila kinikilig na bulong sa akin ng katabi kong si Jade habang ngumunguya pa.
"Hindi kaya," Hindi ko pagsang-ayon sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Pati, iba-iba tayo ng sense of sight.
"Guwapo kaya," Pagpipilit niya pa.
"Jade, sana hindi mo nalang ako tinanong," may pagka-sarkastiko sa tinig ko.
Hindi niya ako pinansin. Abala pa rin siya sa pagtingin sa mga pinagtitiliang mga lalaki. "Meron pa palang gwapong gaya nila 'no?" Dagdag niya pa habang nakatingin sa apat.
"Shut your mouth Jade, you look stupid!" Iiling-iling kong sabi habang bahagyang naka
"Grabe ka naman diyan! Stupid agad? E, salagay ang gu-gwapo nila e!" Pabulong niyang usal habang iniikot-ikot ang spaghetti sa tinidor niya.
"Bahala ka, kung iyon ang tingin mo," Nanglulumo kong sagot. Iba-iba naman kasi talaga tayo ng paningin, basta para sa akin, hindi sila guwapo.
Nakarinig ako ng mga yabag palapit sa may gawi namin. Sa tingin ko ay galing iyon sa apat na lalaking guwapo raw kuno. Hindi nga ako nagkamali dahil nakikita ko sila sa peripheral vision sa gawing kanan ng mata ko. Dahil nga ako si Xam, wala pa rin akong pakialam. Nagpatuloy ako sa pagsubo saka uminom ng juice.
Patuloy ako sa pagkain nang parang may kakaiba akong naramdaman. Ramdam ko iyong mga matang sa amin nakatingin.
Umangat ang aking tingin nang may tumikhim na lalaki. Nasa harapan namin siya. Nilibot ko ng tingin ang kapaligiran. Tama nga ako, lahat ng mga estudyante rito sa loob ng canteen ay sa amin lahat nakatingin.
Matunog ang naging pagkunot ng noo ko. Bakit ganiyan ang inaasal nila gayong kumakain lang naman kami.
Sandali ko pang nilingon si Jade. Nakatingin din siya sa mga lalaking ngayon ay nasa harapan namin. Walang emosyong binaling ko ang sarili sa apat saka isa-isa tinapunan ng tingin.
Nakapoker face lamang iyong tatlo, samantalang iyong nasa gitna nila ay may nanunguwestyong tingin. Saglit akong nakipaglaban sa kaniya ng tingin bago muling binalik ang paningin sa pagkain.
"Table namin iyan." Wika ng nasa gitna habang tila nakikipag paligsahan sa akin ng pagiging seryoso. Kumunot saglit ang noo ko. Sa huli ay hindi ko siya pinansin. Pinakita ko ang kawalan ko ng interes na makipag usap sa kaniya. Kaya naman mabilis na umugong ang bulungan ng mga estudyanteng nasa amin ang mga mata.
"Hindi lang naman ito ang table." Tipid kong sagot bago sinulyapan ang ilang bakanteng upuan.
"Pero miss hindi mo ba kami kilala? P'westo namin iyan. So, could you please find for another seat." Singit pa ng isa sa kanila habang nakangisi ng nakakaloko.
"Ganon ba? Patapu-" Hindi na nagawang tapusin ni Jade ang sasabihin sa gulat nang may kamay na humampas sa table namin. Sa lakas niyon ay nag-echo pa ang tunog nito sa apat na sulok ng canteen. Sinamaan ko nang tingin ang lalaki sa gitna. Siya ang gumawa niyon.
"Look girls galit na si Jeydee!"
"Yeah, pansin ko nga, kanina pa mainit ang ulo nya!"
"Psh! dumagdag pa sila!"
"Shh, girl panoorin nalang natin!"
Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya. Jeydee pala ang pangalan niya.
"Alis." Utos ni Jeydee.
For the last time tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Isang matalim na tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ko ay double dead na ito ngayon.
Sino siya para mag-utos? Alam naman niyang may kumakain pa, bakit paaalisin niya? Kaniya ba itong canteen para magpaalis siya basta-basta?
Tinaasan ko nalang siya ng kilay. Dahilan upang makita ko sa mukha niya ang pagkapikon. Nasisiguro kong tulad ko, maiksi rin ang pasensya niya.
"Oh my gosh!" Napatili si Jade nang biglang tumapon sa amin ang mga pagkain. Nagugulat kong nasaksihan ang kamay ni Jeydee na mabilis humawi dito. Hindi ko iyon inaasahan.
Hindi rin nakaligtas sa paningin at pandinig ko ang mga estudyanteng nagbubulungan. Parang mga tsismosang bubuyog.
"Iyan ang napapala ng mga taong hindi iniintindi ang sinabi ko." Sa tono palang ng boses ni Jeydee halatang galit siya. Huminga ako ng malalim kasunod ng pagtiim ng mga bagang.
Nilingon ko pa muna si Jade na pinupunasan ang damit niya na panay mantsa ng mga pagkain. Kinuyom ko ang dalawa kong kamay nang makitang natapunan din ako at puro mantsa rin ang damit ko. Pesteng bastos.
"Inintindi ko ang sinabi mo, hindi ko lang ginawa." Seryoso kong bulyaw sa kaniya. Pilit pinakakalma ang sarili.
"For the last time, I'm warning you. Umalis na kayo sa harapan ko!" Inis na sambit ni Jeydee habang salit-salitan ang masamang tingin sa amin ni Jade. Lalo na sa akin.
"Jeydee was right, miss, umalis nalang kayo." Dagdag pa ng isa nilang kasama.
Nginiwian ko sila saka nakakaloko ring ngumisi. "At sino naman kayo para sundin-"
Napangiwi ako sa sakit nang tadyakan ni Jeydee ng malakas ang lamesa dahilan para sa amin ito tumama. Dinig ko pa ang ingit ni Jade na halatang nasaktan din.
Hindi agad ako nakakilos. Pigil din ang hininga kong hinawakan ang aking sikmura. Ang sakit niyon. Nag-init ang mukha ko sa galit. Para na akong sasagot. Ubos na ubos na ang pasensya ko.
"Sasagot kapa ah? Hindi lang iyan ang aabuti—"
Hindi ko na pinatapos pa si Jeydee. Buong lakas kong sinipa ang table na ngayon ay nakadagan sa amin. Mabilis akong tumayo. Nanggigigil kong sinalubong ng isang malakas na suntok ang walang kwenta niyang mukha.
"Patay 'tol ang gwapo mong mukha!" Hindi makapaniwalang usal ng isa niyang kasama.
"Look what she've done girl"
"Yeah, ang tapang niya para sapakin si Jeydee!"
"Warfreak siya girl!"
"Shut the hell up your mouth!" Nanggagalaiting sigaw ni Jeydiel sa mga babae.
Tumingin siya sa akin ng may nakakatakot na tingin. Subalit nagkakamali siya sa pag-aakalang masisindak ako sa kaniya.
"Sino ka para sapakin ako?" Tiim bagang niyang tanong habang pinupunasan ang dugo sa labi.
"We are even now," I arced my right eyebrow. "Dahil sino ka rin para sikmuraan ako?" Sarkastikong aniko bago siya tinalikuran.
"Tara na!" Anyaya ko kay Jade.
Ngunit hindi ko pa man nagagawang makahakbang ay buong pwersa niyang hinablot ang braso ko saka sapilitang iniharap sa kaniya. Hindi ko itatanggi ang katotohanang malakas siya.
"Hindi pa ako tapos sa 'yo!" Nanggigigil niyang bulyaw sakin. Sinalubong ko ang masama niyang tingin.
"Like, duh! Pinapaalis mo kami tapos ngayong aalis na kami pipigilan mo? Sasabihing hindi pa ako tapos sa iyo? Ano ito lokohan? " Sigaw ni Jade dahilan para mapalingon sa kaniya si Jeydee.
"Tumahimik ka!" Banta nito kay Jade. "Baka hindi mo.." Putol niya sa sinasabi, sabay lingon sa akin.
"Ninyo, magustuhan kapag ako ang tuluyang mapuno sa inyong dalawa." Talaga namang may pagbabanta sa tinig niya. Pinaparating na dapat kaming matakot sa anomang kaya niyang gawin. Hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa bisig ko.
Iyon din ang dahilan para ang pagtitimpi ko sa kaniya ay tuluyan ng naupos.
Malakas ang naging kalabog niya sa sahig nang hilain ko ang braso ng kamay niyang nakahawak sa akin.
Ang ayaw ko sa lahat ay ang pinagbabantaan ako dahil handa akong makipagbuno kahit ang kahahantugan pa ay gulo.

Book Comment (117)

  • avatar
    SantosJen

    this story is a Master piece!! owemjii pinaiyak ako neto ng sobra🤧

    02/03/2022

      8
  • avatar
    RemeticadoRhea

    very nice story.

    2d

      0
  • avatar
    Karylle Kaye Baya Alfar

    nice

    5d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters