logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

My Ex-boyfriend Is Back

My Ex-boyfriend Is Back

Itsme_kwenny


Prologue

"Jake, may sasabihin sana ako sayo." Ngiti kong sabi sa boyfriend ko, I'm sure matutuwa siya sa balita ko. Matagal na rin niya itong pinapangarap na magkaroon kami ng anak.
"Ako din, may sasabihin din ako." Sabi niya na halos walang emotion. Bigla akong kinabahan ng kunti, pero think positive lang, Charm.
"Uhm... ano 'yun?" Tanong ko.
"Let's end up our relationship, ayuko na!" Nagulat naman ako sa sinabi niya pero pilit kung ngumiti dahil baka biro lang. Nasanay ako na palagi niya akong binibiro, eh. Kaya siguro biro lang 'yan.
"Haha, Jake, seryuso itong sasabihin ko, later na lang tayo magbiro-an, please?" Sabi ko sa kanya. Tumingin naman siya sa mata ko.
"Seryuso ako, Charm, hindi ako nag-bibiro!" Sabi nito at mukang seryuso nga 'yung sinabi niya, basa ko sa mata niya, eh.
"Jake, bakit? Ayaw mo bang mag----" Hindi na tuloy ang sasabihin ko sakanya nang pinutol niya kagad.
"Buntis si Nafia, at kailangan kong panindigan 'yun! Ilang beses ko rin hiniling sayo na gusto ko nang magkaroon ng anak mula sayo, pero hindi mo maibigay!" sabi nito sakin. Hindi ko namalayan na tumulo na pala 'yung luha ko.
Napansin kong aalis sana siya, kaya naman agad ko siyang pinigilan. Nandito kami sa condo ko, nakatayo kami pareho dito sa sala. Pero sobra akong nasaktan sa sinabi niya.
Si Nafia ang best friend ko since elementary pa kami. Tiwalang-tiwala ako sa kanya 'yun pala trinaydor niya 'ko.
"Jake, please, 'wag mo kong iwan, please. Handa kong Ibigay lahat-lahat sayo, 'wag mo lang akong iwan, please." Pagmamakaawa ko sakanya halos mayakap ko na ang tuhod niya sa kakapigil ko sakanya.
"Charm, ano ba!"  sigaw niya nang sipa-in niya tyan ko napahawak naman ako do'n.
'Yung baby kooo.
"Tigilan mo na 'ko, Charm! Aalis kami ni Nafia papuntang U.S para makasiguro na hindi mo kami gugulohin! Dahil baka sasaktan mo ang mag-ina ko kapag mananatili kami dito sa pilipinas!" sigaw nito sakin tsaka siya umalis sa harapan ko at lumabas ng condo.
Walang akong ginawa kundi umiyak nalang nang tudo habang nakahawak sa tyan.
'Sorry baby, pati ikaw nasaktan sa let's mong daddy, pero 'wag kang mag-alala. bubuhayin kita nang wala siya.. sapat kana para sakin.'
Sisiguraduhin ko sayo Jake na kapag bumalik ka na, hinding-indi ko ibibigay ang anak ko sayo.. pangako 'yan!
Parang zombie akong naglalakad patungo sa bahay ni Darlene. Wala akong paki kung anong etsura ko ngayon. Pagbukas ko ng pintoan, narinig ko na agad ang tawa ng tatlo, mukhang may masayang nagaganap.
"Oh, Cha, nandito ka na." Unang lumapit sakin Main, sumunod naman ang dalawa.
"Ano? Anong sinabi ni Jake?" tanong ni Chichi.
Walang kaso sakin ang desisyon nila dahil suportado naman sila sakin, kahit alam na nilang buntis ako. Sobra nilang saya nang malaman 'yun. Mukhang successful yata ang plano nilang may mangyari samin ni Jake. Hindi naman ibig sabihin no'n, binigay ko na rin ang sarili ko sa lalaki por que mahal ko. Ginusto ko rin naman 'yun. Besides, tapos na ako sa pag-aaral.
Umiyak na lang ako sa sakit at halos wala akong maibubuga sa kanila nang tinanggihan ako ni Jake. Kung sinabi ko kay Jake na buntis ako, paninindigan niya kaya ang baby namin? Mukhang hindi, kasi alam kong may gusto siya kay Nafia.
"Hindi, eh."
"Oh, god!" Gulat na sabi ni Main sabay takip ng bibig. "Seryuso?" tumango ako.
"Bakit daw?"
"Nabuntis niya si Nafia," kahit nahihirapan ay nagawa kong bigkasin 'yun.
Sandaling natigilan ang tatlo. "Teka, nga! Nabuntis niya si Nafia? P-Paano nangyari 'yun?!"
"Hindi ko alam." Sabi ko at humagulgul na lang dahil sa sakit.
Gusto ko pa sanang magpaliwanag, ngunit hindi ko na nagawa. Tinulak na niya ako palayo. Sinaktan na niya baby ko. Halos iisang dekada na ang relasyon namin, hindi ko akalaing magawa niyang panindigan ang babaeng ni minsan ay hindi niya naging girlfriend. Naniniwala talaga siya doon?
Hindi ko din akalaing magagawa sakin ni Nafia 'to. Kung magkita kami, talagang hindi ko siya mapapatawad. Sana tama 'yang disesyon mo Jake, sana totoo talagang anak mo ang dinadala ng impaktang 'yan. Dahil kung hindi, hinding-hindi kita tatanggapin sa buhay ko!
Lumapit sakin si Darlene at niyakap ako ng mahigpit. "It's okay, nandito naman kami. Makakaya nating alagaan ang baby mo. Ayaw mo no'n, apat ang magiging nanay niya? Kahit walang tunay na Daddy, kaya naman nating magpaka-daddy, 'di ba?"
"Kapag nakita ko ang Jake na 'yan, humanda siya sakin." Bulalas ni Chichi. "Ang kapal ng mukha niya. Susugurin natin siya bukas
"Hindi na." Sambit ko. "Aalis na silang states, doon na daw sila titira."
"Ano?!" Sigaw nilang lahat.
"Gago pala siya, eh! Alam naman niyang may anak kayo, tapos aalis pa siya!" Singhal ni Main.
"Hindi ko na sabi sa kanya ang tungkol sa baby namin." Nanlumong sabi ko. Ayukong pati sakin ay maiinis din sila.
"Eh, bakit hindi mo sinabi?" Darlene.
"Hindi niya ako pinakinggan. Tinulak niya agad ako paalis. Sinipa niya pa baby ko." para akong isang batang nagsumbong sa nanay.
Humagulgul ako. Tinakip ko sa mukha ang mga kamay ko at doon umiyak. Ang tanga ko. Hindi ako nagsisising may bata sa tiyan ko, nagsisi ako kung bakit si Jake pa. Bakit kailangan pang magagawa ni Jake sakin 'to?
Akala ko ba, mahal niya ako? Nasaan na 'yung pangarap namin? Tinapon niya na ba? Por que nabutis niya si Nafia, ganun-ganun na lang niya ako tatalikuran?
"Tama na 'yan, makakasama sa baby mo 'yan." Niyakap ulit ako ni Darlene. Sumunod naman si Main at si Chichi.
"Nandito lang kami, hindi ka namin iiwan."
©Itsme_kwenny

Book Comment (176)

  • avatar
    Jay Ann Dagdag

    This is so great

    25d

      0
  • avatar
    Weverton Eduardo

    kkkkkkkkkkkk

    26d

      0
  • avatar
    Roma Balmores

    The story is good

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters