logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6 WELCOME HOME

Dagling napamulat si Samarra ng kaniyang mata. Napalunok siya ng makita niya na halos walang isang dangkal ang pagitan ng kanilang mukha. Napakunot-noo siya ng makita, ang mukha ni Ezekiel namumula at matalim ang pagkakatingin sa kaniya. Problema nito? Bakit masama ang tingin nito sa kaniya? Ano bang nangyari habang tulog siya? God! Bakit ba siya kinakabahan sa uri ng pagkakatingin ni Ezekiel sa kaniya.
“Kiel, are you okay?” aniya.
Nagulat siya ng pumiksi si Ezekiel sa pagkakahawak niya sa braso nito. Sumeryoso ang mukha at mabilis na iniwas ang tingin sa kaniya.
“Damn!”
Rinig niya ang mahihinang pagmumura ng Ezekiel habang nakatingin sa labas ng bintana. Ang kamay nito ay nakakuyom. Hindi niya maintindihan kung ano ang kinakagalit nito.
“Kiel, are you mad?”
Napapitlag siya ng hawakan nang mahigpit ni Ezekiel ang kaniyang kamay. “Don’t touch me.” Iritableng wika ni Ezekiel.
Maang siyang nakatingin kay Ezekiel. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nagagalit. Dahil maayos naman ang mood nito bago siya makatulog.
“Why?” hindi niya maiwasan itanong kay Ezekiel dahil naguguluhan na siya sa ikinikilos nito. At isa pa kinakabahan na rin siya ng mga oras na 'yon.
“Get out!”
Napapikit siya sa lakas ng pagsigaw ni Ezekiel. Napahawak siya ng kaniyang dibdib. Nang marinig niya ang walang mintis na pagmumura ni Ezekiel. Kita niya ang pagngangalit ng bagang nito habang nakatingin sa kaniya.
“Fix yourself. Mauna ka ng lumabas, may gagawin lang ako.”
Hindi ‘yon pakiusap. Pag-uutos ang sinabi ni Ezekiel sa kaniya. Bagama’t naguguluhan siya sa inaasta nito ay sinunod niya ito. Mabilis siyang tumalima at tumalilis pababa ng sasakyan.
Gosh! What’s going on? I can’t believe it. Na papalabasin niya ako. Damn! Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Okay naman siya kanina. Naiirita siyang bumaba ng sasakyan.
Frustration was written all over her face. Hindi pa siya nakakabawi sa nangyari sa loob ng sasakyan. Pagharap niya sa mismong bahay ganoon na lang ang kaniyang pagkabigla sa nakikita. Dahil ang mga kawaksi na naka-uniform at nakahilera ng maayos hindi lalampas sa bente ang bilang.
"Maganda araw po, Senyorita Samarra!!" sabay-sabay na bati sa kaniya.
"What are they doing?" wala sa loob niyang naibulaslas.
Naramdaman niyang may umakbay sa kaniya, hindi na niya inabala ang sarili na lingunin ito. Dahil amoy pa lang alam niyang si Ezekiel ‘yon.
"Welcome to our humble home, Babaysot," masuyong bulong ni Ezekiel.
Tingnan mo nga naman, kanina nagagalit sa kaniya. Ngayon, mukhang good mood na naman ito. Tsk, bipolar ang isang 'to.
"Hindi ba masyadong OA naman?"
Her family was wealthy, but they did not have many helpers. Her mother raised her to know how to do household chores and not rely on their helpers.
Hindi na niya narinig na sumagot si Ezekiel. Dahil nakita na rin niya, na naglalakad palapit sina Tito Calvin at Tita Lorraine sa kanila.
"Sam, lalo kang gumanda, pasensya ka na hindi kami nakasama ni Tito Calvin mo sa pagsundo sayo," paghingi ng paumanhin ni tita Lorraine sa kaniya.
"Ahmm... okay lang po Tita, alam ko naman po busy po kayo." Gumanti rin siya ng yakap.
Nang maghiwalay sila sa pagkakayakap. Si Tito Calvin naman ang lumapit sa kaniya. “Sam, mabuti at naisipan mong pumunta rito,” nakangiting wika ni Tito Calvin sa kaniya.
“Halika na, nang makakain na tayo at alam kong pagod ka sa mahabang biyahe,” pag-aaya ni Tito Calvin at nagpatiuna ng naglakad sa kanila.
Likas na mabait sina Tita Lorraine at Tito Calvin parang pangalawang magulang na niya ang mga ito. Hindi nga niya maintindihan kung saan namana ni Ezekiel ang pagiging presko at pagiging conceited nito. Dahil sa base na ugali ng magulang nito parang hindi naman ganoon ang mga ito.
Pagpasok pa lang ni Samarra sa loob ng mansyon. Napansin na niya agad na maganda ang pagkakagawa sa buong bahay. Magaling ang Engineering at Architect nito. Well, blended ang mga combination ng color pati ang pagkaka-interior ng bahay wala siyang masabi halatang gumastos ng malaki ang mga muebles at mga karpet halatang galing ibang bansa. Naglulumiko't ang kaniyang mata, nagbabakasali na makita niya ang kapatid ni Kiel, pero mukhang wala rin ito ngayon sa bahay o baka sinadya nito para hindi siya makita.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Irritation was written all over her innocent face.
"Relax, masyado ka naman pahalata." Tinapik ni Kiel ang kaniyang balikat.
Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay nang mapansin niya ang bahagyang pagngisi nito.
"Pardon?"
"Don't me, Babaysot." He smirked.
"I’m not-" Depensa niya agad rito kahit hindi naman niya ma-gets ang gustong sabihin ni Kiel sa kaniya.
"Yes, you are. Miel." Pagputol nito sa sasabihin niya at pinisil ang kaniyang ilong.
Mataman niya ito tiningnan. Bakit tila isa siyang bukas na libro na basang-basa ni Ezekiel? Simpleng kilos lang niya alam na alam nito.
"Zeke, sumunod na kayo ni Samarra para makakain na tayo," pagtawag ni Tita Lorraine sa kanila.
Nang mga sandaling iyon ay tahimik silang kumakain magkatabi sila ni kiel sa upuan sa tapat naman ay si Tita Lorraine at si Tito Calvin naman ay nasa panulukan, hanggang sa sandaling iyon wala pa rin ang kapatid ni Kiel.
Nakakaramdam ng pagkayamot si Samarra parang walang kabalak-balak magpakita ang kapatid ni Kiel sa kaniya. Feeling tuloy niya, siya lang ang may gustong ikasal sila. Sana hindi na lang siya nagpunta rito sa Pilipinas.
"Miel, baka maging giniling 'yang steak na kinakain mo?" sabi nito habang nakatingin sa steak na hiniwa-hiwa niya.
"Huh?" napatingin siya kay Ezekiel at umiling-iling na lang sa kaniya.
Lumapit ang ulo nito at bumulong. "Sabi ko, 'yang steak mo parang giniling na."
Napatingin siya sa steak na nasa plato niya, hindi niya namalayan na humigpit ang pagkakahawak niya sa steak knife at hiniwa-hiwa hanggang sa maliliit na portion ang karne.
"Ahhh!" Sabay pilit ngumiti at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Mom, si Zach pala nasaan?" tanong ni Ezekiel kay Tita Lorraine.
"May inaasikaso lang." Pilit na ngumiti si Tita Lorraine sa kaniya.
"Ahmm..., Samarra, pagpasensyahan mo na si Zach kung wala ngayon. May pinuntahan kasi ito kaya hindi ka nasundo. No worries, magkikita naman kayo mamaya," paghingi ng paumanhin ni Tita Lorraine sa kaniya.
"Samarra, may dinner kayong dalawa ni Zach. Sa roof deck ng hotel mga seven o'clock ng gabi." sabat naman ni Tito Calvin.
"Ahh, o-okay po Ti-"
"Dad, just call me Dad. Instead of tito. Ikakasal na kayo ni Zach, Kaya Mommy na rin itawag mo sa Tita Lorraine at Daddy naman sa akin," pagputol sa kaniyang sasabihin.
"Okay po, Daddy. Salamat po," halos pabulong na wika ni Samarra.
She felt a tinge of annoyance in those moments.

Book Comment (69)

  • avatar
    Renalyn G. Gicale

    A beautiful story indeed! must read!❤️

    10/06/2022

      0
  • avatar
    BoyJhon

    good storytelling, great idea and good job author!

    05/06/2022

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice story.

    08/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters