logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 PICTURE

Pagpasok pa lang si Zachary sa komedor. Kita niyang abalang-abala ang kanilang kawaksi sa pag-aayos. Napakibit-balikat na lang siya habang patungo sa kusina. Malayo palang siya amoy na ang mabangong pagkain.
Napakunot ang kaniyang noo. Nang makita ang kanilang mayordoma na abala sa pagbibigay instruction sa iba pa nilang kawaksi sa kusina.
"Nana, anong okasyon?" takang tanong ni Zach sa kanilang mayordoma na si Nana Cora.
Hindi na nila ito pinapakilos sa kanilang tahanan magmula ng maospital ito noong nakaraang tatlong buwan. Bata pa lang ang ama niyang si Calvin, ito na ang nag-alaga at hanggang sa magka-asawa at magkapamilya. Kaya parang pangalawang ina na ito ng kaniyang ama.
"Nakoww!! Ikaw na bata ka, bakit ngayon ka lang dumating? Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo," sabi nito.
"Nana, sinamahan ko pa kasi si Claudel sa kaniyang photoshoot. Alam mo naman Nana, ‘pag ‘di ko sinamahan aawayin ako." Nakangiti sagot niya kay Nana Cora.
"Koww!!! Ikaw na bata ka!! Hala sige!! Magpunta ka na sa magulang mo, nasa study room sila, kanina ka pa nila hinihintay." Pagtataboy ni Nana Cora.
Naglakad na siya patungo sa study room kung saan naghihintay ang kaniyang magulang habang papalapit pa lang siya sa pintuan nakakaramdam na siya ng kakaibang kaba.
Napabuntong-hininga si Zachary bago kumatok sa pinto. Nang makarinig siya ng sagot mula sa loob, agad niyang binuksan ang pintuan. Pilit ang kaniyang ngiti ng makita ang kaniyang ama na si Calvin, salubong ang kilay at kunot ang noo na katingin ng matalim sa kaniya.
Napalunok siya ng sunod-sunod. Hindi niya alam kung tutuloy pa ba niya na i-hakbang ang kaniyang paa o tatayo lang muna sa may pinto.
Hindi niya namalayan na nakalapit na ang kaniyang ina na si mommy Lorraine sa kaniya, yumakap ito ng mahigpit. "Son, I miss you," ani nito.
Napangiti siya. "I miss you more, Mom." He kissed it on the forehead.
"Your Dad, just wants to talk to you, regarding your financial statement," bulong ng kaniyang Mommy Lorraine. Napalunok siya nang wala sa oras at bigla siyang pinagpawisan.
Ohh, man!! I’m dead!!
Tumayo ang kaniyang ama sa pagkakaupo nito.
"Sit down."
Sa edad na fifty-five ni Calvin Buenavista ay hindi maipagkakaila na taglay pa rin ang kagandahang lalake at matikas na pangangatawan.
"Do you see, those envelopes?? Open it." Galit na utos sa kaniya.
So, he opened it immediately, these were credit card billings and bank statements of his savings that no longer reached one hundred thousand.
"Dad," im-??"
"Damn it!! Zach. Are you wasting your money? Everything you spend, we struggle to earn that. Even a cent. I hope you think about it. Before you spend it.” Napahilot pa ito ng sintido.
Shoot, my father was angry very good Zach, good job katapusan mo na ngayon.
"From now on, ang bawat sentimo na gagastusin mo pagtrabahuhan mo, pumunta ka sa opisina at tumulong ka." Binigyan pa siya ng warning look.
"Son, we heard that Claudel is your girlfriend, is that true?" ani Mommy Lorraine.
"Yes, Mom."
Napabuntong-hininga si Mommy Lorraine. The disappointment was written all over her face.
"Is it also true? That you spend money on her travel and hotels?"
Napayuko siya sa tanong ng kaniyang ina. "Is it wrong, to spend money on the person you love??" mahinang tanong niya.
"Son, look. There is nothing wrong with spending money, on the person you love. Our only point is, what if you don't have money?? Will she still love you?? Think about it." mahinahon na paliwanag ni mom.
Bahagya siyang napaisip, paano nga 'pag wala na siyang pera o hindi siya isang Buenavista. Mananatili kaya si Claudel Margaret Reyes?
Claudel Margaret Reyes is one of the popular at our university, the woman he dreams of being married to and he wanted to be within life.
"Break up with her. Because you’re about to marry the daughter of your mother's best friend," sabat ni Daddy Calvin.
"What? Dad. Bakit pati ako sinasali niyo sa arranged marriage na ‘yan? Wala na ba akong karapatang mamili ng taong gusto kong makasama sa buhay?” apila niya.
"Yes, our decision is final. We have already talked to them. Aantayin lang makapag-debut si Samarra." Naglakad na ito palabas ng study room.
'Pag si Dad na nagsalita wala na, katapusan ko na hindi na magbabago ang isip nito.
Napasapo si Zachary ang kaniyang noo at napabuntong-hininga bago nagmamadaling umalis para magtungo sa kaniyang silid na nasa ikalawang palapag ng mansyon.
Nang madaanan niya ang kwarto ng kaniyang kuya Zeke na bahagyang nakabukas. Pumasok siya maganda at malawak ito kumpara sa kaniyang kwarto. Combination ito ng black and white. Magaling at matalino ang kaniyang kuya Zeke, sa edad na bente uno nakapundar na ito ng sariling Negosyo.
Naagaw ang pansin niya ng isang picture na nasa gilid ng kama ng kaniyang kuya Zeke. Kinuha niya ito at tiningnan ng mabuti. Kuha ito ng isang babae na nakatalikod, nakasuot ng bestida na kulay blue. Hapit sa katawan na hanggang tuhod ang haba. Ang buhok nito ay nililipad ng hangin. Nakaharap sa dagat na nakatalikod sa kamera. Kapansin-pansin ang mahaba at makinis nitong binti.
Napailing siya at ibinalik ang hawak na picture. Hindi man niya makita ang mukha ng babae, pero alam niya na maganda ito. Base sa kutis at tindig nito. knowing his Kuya Zeke. Hindi ito pumipili ng hindi maganda.
Kibit-balikat siyang lumabas at marahan na isinara ang pintuan. Bago siya tumuloy sa kaniyang silid.
Napakislot si Samarra nang makarinig ng mga yabag palapit sa kaniyang kinaroroonan. Kasalukuyan siyang nakatayong nakaharap sa kanilang swimming pool, madilim ang bahagi ng parte na ‘yon. Kahit hindi idilat ang kaniyang mata sa amoy pa lang nito, alam niya si Kiel ang taong nasa likuran niya.
“What are you doing here?” paninita ni Ezekiel sa kaniya kahit hindi niya imulat ang mata based sa boses nito halata ang pagkadisgusto.
“I can’t sleep.” Anya na nanatili nakapikit.
Naramdaman niyang lumapit ito sa kaniya, mabilis na dumilat ang mata niya ng maramdaman na may sumayad na labi sa kaniyang noo.
Tanging sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kanila ng sandaling ‘yon. Napalunok siya ng sunod-sunod ng mabungaran ang guwapong mukha ni Ezekiel na nakatunghay sa kaniya. Isang dangkal lang ang layo ng mukha nito. Kaya konting pagkakamali lang ng kilos niya magkakahalikan sila. Sa bawat hakbang niya ng paatras, humahakbang ito ng paabante sa kaniya. Hanggang maisandal niya ang kaniyang katawan sa glass wall ng kanilang balkonahe.

“Miel, Are you okay?" Ani ni Kiel na itinungkod ang isang kamay sa kaniyang gilid. Seryoso itong nakatingin sa kaniya.
Napigil ni Samarra ang paghinga at bahagyang napalunok. "Y-yeah," mahina niyang tugon na iniwas ang tingin.
Ngumisi ito at hinawakan ang kaniyang baba para magtama ang kanilang mata. "You're lying," ani ni Kiel.
"Aaaw!! Kiel!!" pag-angal niya ng pisilin ni Kiel ang kaniyang pisngi.
"Why do you have to lie? Admit it. That you gonna miss me," ani ni Kiel habang nakapamaywang sa kaniya.
Dapat kasabay ni Ezekiel ang magulang nito pabalik sa Pilipinas. Pero dahil aalis din ang kaniyang magulang patungo sa Spain. Pinakiusapan ito ng kaniyang ama na samahan muna siya hanggang sa makabalik ang mga ito.
sa kaniya. Naalarma ang buo niyang katawan, nang hawakan ni Kiel ang kaniyang baba at bumaba ang tingin sa kaniyang labi. Yumuko pa ito at unti-unting inilapit ang mukha.

Napapikit si Samarra nang mariin, pigil na pigil niya ang kaniyang hininga. Ang kaniyang puso ay parang tinambol nang malakas sa sobrang kaba.
“Miel, are you okay?” tanong ni Kiel na nagpadilat sa kaniya.
Napatingin siya kay Kiel na ngayon matamang nakatingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang pilyong ngiti na sumilay sa labi nito. Tila basang-basa nito ang kaniyang kilos.
OMG! Samarra, bakit may pagpikit ka pang nalalaman. Ano na lang ang iisipin ni Kiel sa’yo, umaasa kang mahalikan ka niya.
“Hmm.” She rolled her eyes. At mabilis na tumalikod kay Ezekiel. “Whew! That’s almost,” aniya sabay sapo sa kaniyang ulo at iiling-iling. Pinagpasyahan na niyang pumasok sa loob pero bago pa siya tuluyang makalayo. Hinigit na siya ni Ezekiel mula sa kaniyang likuran. Ganoon na lang ang paglakas ng tibok ng kaniyang puso. Nang ipinulupot ni Ezekiel ang mga braso sa kaniyang maliit na baywang. Ramdam niya ang hininga nito na tumatama sa kaniyang leeg.

“I will definitely miss you, Babaysot,” mahinang bulong nito sa kaniya.
Napakagat sa labi ni Samarra para pigilin ang nagbabantang luha sa kaniyang mata, napalunok siya ng sunod-sunod, alam niya na sa pagbabalik nito sa Pilipinas haharapin na nito ang buhay may asawa. Kahit bata pa siya alam niya kung ano ang kaniyang nararamdaman para kay Kiel kahit pa sandali lang niya ito nakilala.

Book Comment (69)

  • avatar
    Renalyn G. Gicale

    A beautiful story indeed! must read!❤️

    10/06/2022

      0
  • avatar
    BoyJhon

    good storytelling, great idea and good job author!

    05/06/2022

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    Nice story.

    08/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters