Chapter 04 She's A Pianist May nakilala akong isang tao na hindi ko akalain na magiging kaibigan ko s'ya.S'ya 'yung taong nagbigay ng ritmo sa pagkakaibigan namin.Ang babaeng natatakot na harapan ang nakaraan at kasalukuyan n'ya. I believe na ang keys ng piano ay nagrerepresenta sa buhay ng isang tao.Ang white keys ay panahon ng buhay ng isang tao na puro saya ang nararamdaman at nararanasan n'ya.Ang black keys naman ay nagrerepresenta bilang bahagi ng kadiliman ng isang tao.Kaya sa buhay ng isang tao may liwanag at kadiliman silang nararanasan. "Kasalanan mo 'to eh."paninisi ko kay Geoffrey. Paano ba naman kasi ay muntik na kaming habulin ng mga aso sa paglalakad namin.Nakikiuso kasi sa akin kaya nakisabay na rin sa akin na maglakad.Hindi na lang dinala ang kotse n'ya.Ang arte-arte ng mokong at ayaw ba naman ako pasakayin sa kotse n'ya. "Luh?Bakit naman ako?Baka napapangitan sa'yo ang mga aso kaya hinabol nila tayo."paninisi naman n'ya sa akin. "Sa tingin mo ba ay namimili ng bibiktimahin ang mga aso?Utak mo talaga may ubo,kaya hindi ka binalikan ng ex mo eh."tugon ko sa kanya at sinamaan naman n'ya ako ng tingin. "Bakit?Papalag ka?Totoo naman ang sinasabi ko eh.Makilala ko lang talaga 'yan ex mo,talagang kukumbinsihin ko talaga sa kanya na 'wag ka ng balikan." "Alam mo sana hindi ka na magkaroon ng jowa.Tumanda ka sanang dalaga."ganti naman n'ya sa akin. "Tatanda ka rin ng binata dahil sabi mo ang tanging gusto mong pakasalan ay ang ex mo na ayaw nang makipagbalikan sa'yo."ganti ko naman sa kanya. "Isinusumpa ko na hindi ka talaga magkaka-jowa." "Ako rin...sinusumpa ko rin na hindi ka na talaga magkakajowa dahil sa mindset mo,ang utak mo ay may ubo imbes ang lalamunan mo." "Sana hindi ka jowain ni Mandrake."ganti naman n'ya. "At bakit naman naisama si Mandrake sa usapan?"takang tanong ko sa kanya at tinaasan naman n'ya ako ng kilay "Anong akala mo sa akin?Manhid?"tanong naman n'ya. "Anong bang pinagsasabi mo?Binibigyan mo ng isyu 'yun tao kahit wala naman talagang isyu."reklamo ko sa kanya. "Eh...totoo naman na may gusto sa'yo si Mandrake." "Eh...'yan utak mo puro isyu kaya hindi ka pinipiili ng ex mo." "Napakamanhid mo kasi hindi mo nakikita na may gusto sa'yo si Mandrake. Pinagtitingnan kami ng mga tao at nagbubulungan na naman sila.Wala talaga kaming hiya ni Geoffrey at kahit saan ay mag-aaway kami sa mga bagay na walang kwenta.Hindi ko rin naman kasalanan kung bakit inaaway ko s'ya dahil s'ya talaga 'yung tipong na ang sarap suntukin. "Ang gwapo ko talaga."mahangin na sabi n'ya habang mala-manyak na ngumiti at kumindat sa isang babae. Natawa naman ako noon inirapan s'ya ng babae at umarte na nasusuka.Medyo napahiya s'ya doon kasi ang hangin talaga ng mokong na 'to.Akala n'ya siguro ay sobrang gwapo n'ya kaya nagbubulungan ang mga taong nasa paligid namin ngayon. "Pahiya ka doon,boy.Ang epic pa naman ng reaksyon mo."sabi ko sa kanya at sumimangot naman s'ya at inirapan n'ya ako. Napailing-iling na lang ako habang nagkibit-balikat.Hinayaan ko na s'yang mauna na pumunta sa classroom dahil paniguradong hindi naman sa classroom 'yung pupunta eh.Doon sa ex n'ya at nag-a-attempt talaga ako na sundan s'ya para malaman kung sino ang ex n'ya pero baka mahalata ako kaya 'wag na lang muna siguro ngayon,sa susunod nalang kapag may maganda akong tiyempo.Madali lang naman kasing gawan ng paraan ang gan'yan na klase ng problema. Napatigil ako sa paglalakad noon may narinig akong tunog mula sa music hall.Napalinga-linga muna ako sa paligid at dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng music hall para hindi ako mahalata ng kung sino man ang nasa loob at tumutugtog ng piano. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at dumapa ako ng bahagya para hindi ako makita.Gusto kong malaman kung sino ang tumutugtog ng piano ng ganitong oras at araw dahil hindi naman oras ng music class. Nagtago ako sa likod ng mga upuan na kulay pula at dahan-dahan na lumapit para makita ko kahit papaano kung sino ang tumutugtog.Sumilip ako ng bahagya at kinuha ko ang DLSR camera na nakasabit sa leeg ko.Tinanggal ko ang flash at pinicturan ko s'ya pero nabigla ako kasi tumunog ito na ang ibig sabihin ay nakuhanan ko na s'ya ng litrato.Agad akong nagtago sa mga upuan at dahan-dahan umalis sa pwesto ko kanina dahil mukhang napansin n'ya na may tao dito at hindi s'ya nag-iisa. Isang babaeng may buhok na hanggang balikat.Straight na straight ang buhok nito at may mala-anghel na mukha.Ang mga pilik-mata n'ya nakaarko paitaas at ang mga labi n'ya ay sobrang pula.May cheekbone rin s'ya at lalo mo itong mahahalata kapag tatawa s'ya.Pero napansin ko ang lungkot sa kanyang mukha.Ang lungkot ng tunog na tinutugtog n'ya gamit ang branded na piano. "May tao ba rito?"tanong n'ya at agad naman akong gumalaw ng dahan-dahan at lumipat na naman sa ibang pwesto. Nakita ko ang banyo na medyo malapit sa pwesto ko at sinilip ko s'ya ng bahagya at medyo malayo na s'ya sa akin.Para akong ninja na mabilis na kumilos papunta sa banyo at doon ako nagtago.Hinahabol ko ang hininga ko dahil hindi talaga ako mahilig sa mga ganitong sitwasyon.Pakiramdam ko ay nasa isang action movie ako na paborito kong panoorin pero hindi ko hilig gawin. Tumunog ang bell at buti na lang ay agad umalis ang babae.Dali-dali akong lumabas ng music hall at tumakbo papunta sa classroom.Buti na lang ay late si Ma'am. "Saan ka galing?Bakit ka pawisan?"takang tanong ni Geoffrey noon mapansin n'ya ang pagmumuo ng pawis sa noo ko. "May pinuntahan lang ako."dahilan ko sa kanya at agad akong umupo sa upuan ko. Binuksan ko ang DLSR camera at tiningnan ko ang kinuha kong litrato ng babae na tumutugtog kanina sa music hall.Tumutugtog s'ya ng piano at naghahalo ang emosyon na nararamdaman n'ya na hindi n'ya kayang sabihin o ipakita sa mga tao.Gamit ang piano ay sinasabi n'ya ang mga bagay na gusto n'yang sabihin sa isang tao...sa isang tao na nagmula sa kanyang nakaraan. Tatlong araw na simula noon makita ko ang babae.Tatlong araw ko na s'yang hinihintay na tumutugtog sa music hall pero kahit anino n'ya ay hindi nagpakita sa akin.Sa loob ng tatlong araw ay matiyaga akong naghintay at isinama ko na rin si Geoffrey dahil lagi naman libre at walang ginagawang importante ang mokong.Tanging s'ya lang ang nakatira sa apartment na tinitirhan n'ya dahil nasa ibang bansa ang mga magulang n'ya kasi may malaki silang business sa ibang bansa kaya nagpa-iwan s'ya dito. "Alam mo pang-apat na araw na natin ginagawa ito pero wala pa rin ang sinasabi mong babae na nakita mong tumutugtog ng piano.Baka naman ay niloloko mo ako."reklamo agad ni Geoffrey at wala pa man five minutes simula noon dumating kami pero reklamo agad ang narinig ko mula sa kanya. "Pinakita ko na 'yung picture n'ya tapos hindi ka pa maniniwala sa akin.E'di 'wag kang maniwala at pwede ka ng mauna sa akin at iwanan mo na ako dito."naging tugon ko sa kanya. Panira talaga lagi ang mokong na 'to.Kapag naman s'ya ay sinasamahan ko tapos kapag ako puro reklamo ang naririnig ko.Ang unfair n'ya sa lagay na 'yon dahil lagi ko s'yang tinutulungan.Tinutulungan ko rin s'yang gumawa ng isang makabuluhan at magandang tula para sa dating girlfriend n'ya para man lang ay magkatuluyan silang dalawa kahit na hindi ko nagustuhan ang ginawa ni Geoffrey dati sa nakaraan nilang dalawa. Nakikita ko kasi na masaya s'ya kahit na ayaw sa kanya ng dating girlfriend n'ya dahil sa pagkakamali n'ya na hindi naman ganoon kalaki pero panigurado ako na may hindi pa s'ya sinasabi sa akin.Kulang na kulang ang mga detalyezbakit naman sila maghihiwalay dahil lang sa pinili ni Geoffrey ang dati n'yang kaibigan?May hindi pa talaga sinasabi sa akin si Geoffrey. Agad naman akong napaupo at yumuko ng bahagya.Kinailangan ko pang hilain si Geoffrey at magrereklamo na sana s'ya pero sinenyasan ko s'ya na 'wag maingay.Nandito na 'yung babae pagkatapos ng tatlong araw na lumipas. "Ang ganda pala n'ya."manghang sabi ni Geoffrey at medyo binaba ko ang ulo n'ya dahil baka makita kami. "Oo nga para s'yang anghel.Sa tingin mo sinong mas maganda.Dati mong girlfriend o s'ya?"tanong ko sa kanya dahil gusto kong malaman ang sagot n'ya. "Luh?Mas maganda pa d'yan ang ex girlfriend ko.Hindi ko ipagpapalit 'yung kahit na ayaw sa akin.Kahit na sumuko na s'ya sa aming dalawa at ayaw na n'ya sa akin dahil sa ginawa ko dati sa relasyon naming dalawa.I still love her no matter what."sagot n'ya naman at napansin ko naman ang mapait na ngiti na ipinakita n'ya sa kanyang mga labi. "Mamahalin mo pa rin s'ya kahit na may mahal na s'yang iba?"tanong ko sa kanya at ang kalungkutan na nakapinta sa kanyang mukha ay nakita ko na rin 'yon sa mukha ni Ate Carlie. "Oo naman kahit magmukha akong tanga na minamahal s'ya kahit na hindi n'ya ako mahal.Hihintayin ko pa rin s'ya kasi naniniwala ako na kung para talaga sa'yo ang isang taokahit gaano pa katagal ang tamang panahon,hihintayin mo pa rin s'ya kahit anong mangyari."tugon n'ya habang may pilit na ngiti sa kanyang labi. Napasilip naman kami noon narinig namin ang pagtunog ng piano.Mukhang tutugtog na s'ya at gusto ko ulit marinig ang pagtugtog n'ya.Nanlaki ang mga mata ko noon marealize ko na Walking In The Rain by A1 ang tinutugtog n'ya.Paborito ko ito lalo na kapag malungkot ako dahil kinukumpara ako ng mga magulang ko kay Ate Carlie.Bumabalik na naman ang mga alaala na naging dahilan kung bakit ako ganito. "Hindi ka magiging tulad ng Ate Carlie mo dahil kailanma'y hindi ka magiging magaling kahit anong gawin mo." "Sana man lang ay galingan mo naman kahit papaano,Callie.Nauubos na ang pera namin dahil d'yan sa lintik na pag-aaral mo.Dapat yata hindi ka tumuloy sa pag-aaral." "Napaka-bobo mo talagang bata ka.Simpleng math formula lang ay hindi mo magawa.Bakit ba hindi mo gayahin ang Ate Carlie mo?" "Sana ay hindi na lang kita iniluwal dahil wala kang silbi.Napakahina ng kokote mo." Mapait akong ngumiti habang hinahayaan na umagos ang mga luha ko dahil lahat ng mga masasakit na salita ni Mama ay naalala ko na naman. "Ayos ka lang?"alalang tanong ni Geoffrey noon mapansin n'ya na umiiyak ako. Tumango ako at pinunasan ko ang mga luha na kumakawala sa aking mga mata.Masakit lang maalala kung ano-ano ang mga masasakit na pinagsasabi ni Mama.Hindi ako nagsalita,hindi ako umimik,hindi ako nagreklamo,hindi ako umiyak sa harapan nila,hindi ko sinabi ang mga bagay na gusto kong malanan nila.Dahil susumbatan lang nila ako na wala akong galang at sasabihin na sumasagot ka pa.Sasabihin na walang kang utang na loob sa sarili mong mga magulang at hindi ka pa magpasalamat dahil binuhay kita sa mundong ito. Maganda na sana ang tinutugtog ng babae kaso biglang tumunog ang cellphone ni Geoffrey at sobrang lakas pa naman.Paniguradong nahuli na kami dahil narinig ko ang pagtigil ng babae sa pagtugtog ng piano.Pinanlakihan ko ng mga mata si Geoffrey at kumamot naman s'ya sa kanyang batok. "Mukhang nag-e-enjoy yata ako sa panonood at pakikinig sa performance.Ayos lang ba ang naging performance?"seryosong tanong ng babae sa aming dalawa ni Geoffrey. Tinungga ko ang braso ni Geoffrey dahil kasalanan n'ya kung bakit kami nahuli.Kung sana sinilent n'ya ang cellphone e'di hindi kami nahuli at mukhang nagalit pa ang babae sa amin. "Huh?Hindi ka galit?"sabay na tanong namin ni Geoffrey habang kumakain ng noodles. "Oo naman...bakit naman ako magagalit?Hindi naman masamang makinig sa tinutugtog ko at isa pa alam kong nandoon na kayo,masyado kayong halata eh."sagot ni Hershey habang natatawa. Hershey ang pangalan n'ya at kapatid n'ya si Ate Hanna sa father side n'ya.Kumbaga,half sister n'ya at hindi rin daw ganoon kaayos ang pamilya dahil nasira ito bigla noong dumating daw ang nanay ni Ate Hanna. "Kasi nga patago kami pumasok at pinakinggan ang tinutugtog mo.Naiyak pa nga ako eh."naging tugon ko sa kanya bago kumuha ng tissue para tanggalin ang sipon na dahilan para bumara ang ilong ko. "Halata nga ehh...sa sipon mo palang hahaha."natatawang sabi n'ya. Ang akala ko noong nahuli n'ya kami ay magagalit s'ya sa amin pero hindi pala.Buti na lang daw ay patago kaming nakinig at nanood sa pagtugtog n'ya dahil daw hindi n'ya kayang tumugtog sa harapan ng isang tao. "Teka nga...naalala ko na sinabi mo na hindi mo kayang tumugtog sa harapan ng isang tao.Bakit naman?"takang tanong ni Geoffrey noon maalala n'ya ang sinabi sa amin ni Hershey. Napagbuntong-hininga s'ya at hinahalo-halo pa n'ya ang noodles na nakalagay sa cup.Nilibre n'ya kami kahit hindi pa naman n'ya kami kakilala.Ang sabi n'ya ay thankful s'ya na hindi kami judgemental sa pagtugtog n'ya which I found weird.Kasi hindi naman pangit ang pagtugtog n'ya ng piano sa katunayan n'yan ay punong-puno ito ng emosyon at kahit sino man makarinig sa tugtog n'ya ay paniguradong maluluha,matutuwa o kahit anong emosyon na naghahalo sa tunog ng piano. "May dahilan kasi na hindi ko pwedeng sabihin sa inyo.Hindi pa ako ganoon kahanda para alahanin ang lahat mula sa nakaraan ko.Ang nakaraan ko na kung saan ay sobrang nasaktan ako.Ang nakaraan na lagi na lang ako binabagabag lalo na kapag mag-isa ako.Pero sasabihin ko ang clue ng dahilan ko...may isang tao ang naging dahilan kung bakit takot na takot akong magperform sa harapan ng madaming tao."sagot n'ya at napatango-tango naman kami ni Geoffrey. Naiintindihan namin na hindi n'ya kayang sabihin sa amin ang katotohanan hindi dahil natatakot s'ya na ipagsabi namin sa iba at hindi nagtitiwala sa aming dalawa ni Geoffrey.Natatakot s'yang maalala na naman ang masakit n'yang nakaraan.Ang nakaraan ay nakaraan lamang pero may bahagi nito na laging nasa utak natin.Hindi mo pwede ito pwedeng tanggalin ng basta-basta dahil laging nand'yan ang mga memories. "Ex boyfriend mo?"tanong ni Geoffrey at agad ko naman s'yang kinurot sa tagiliran n'ya. Napa-aray naman s'ya at masamang tumingin sa akin pero nawala iyon noong pinanlakihan ko s'ya ng mga mata.Hindi man lang irespeto kahit kaunti ang privacy ni Hershey.Alam ko naman na masasabi rin sa amin ni Hershey ang totoo kapag handa na s'ya. "Ayy...'wag mo na lang pansinin ang tanong ng mokong na 'to.Minsan talaga ay hindi n'ya maintindihan ang salitang 'hindi pa handa'."sabi ko kay Hershey at sinamaan ko ng tingin si Geoffrey na napapakamot na lang sa batok n'ya. "Ano ka ba?Ayos lang pero alam ko naman na nagbibiro lang s'ya.Totoo pala ang naririnig ko na maganda ang chemistry n'yong dalawa."naging tugon n'ya at umarte kaming sabay ni Geoffrey na para bang nasusuka kami. "Anong chemistry ka d'yan?Hindi kami magjowa,sa sobrang gwapo ko na 'to...papatol lang ako sa isang babaeng sadista?Ay 'wag kang gan'yan mag-isip.Kung ikaw ang magiging girlfriend ko papayag na ako kaysa sa kanya."mahangin na tugon ni Geoffrey at sinamaan ko naman s'ya ng tingin. "Mas gusto ko ng ma-in love kay Mandrake kaysa naman maging jowa ko ang isang mahangin at makapal pa sa pader ang mukha.At mas malakas pa sa super typhoon."ganti ko naman sa kanya at narinig ko naman ang tawa nilang dalawa. Hala?Ano nga ulit ang sina...eh?Sinabi ko ba na mas gusto ko ng ma-in love kay Mandrake?Totoo nga?!Teka lang...AISHH...ANO BANG SINABI MO,CALLIE? Napanguso ako habang kinakain ang tira nilang noodles.Hindi ko naman inexpect na sasabihin ko talaga 'yung sa harapan nila.As in hindi talaga at dapat nasa isip ko lang 'yung pero nadulas ako.Gaano ba ako talaga katanga,huh? S'ya ay isang pianist na laging na lang hinahabol ng nakaraan n'ya na ayaw na n'yang maalala.S'ya ay isang pianist na maraming kinakatakutan sa buhay pero sa huli ay nagawa n'yang labanan ito.S'ya ang pianist na naging kaibigan na kahit ilang beses pa n'ya akong tinalikuran bilang kaibigan ay tinanggap ko pa rin s'ya.Kahit gaano pa kasakit ang nakaraan na mayroon ako,mas masakit pa rin makita na nagdurusa ang kaibigan mo dahil sa nakaraan na mayroon s'ya.
nice a story great a new story for new supporters
23/12/2024
0eh eh eh am DM DM seen
01/11/2024
0so unique
31/07/2024
0View All