Chapter 03 His Kindness Ang kabaitan ng isang tao ay tanging ang mga bulag ang nakakita at naririnig ng bingi.Hindi sa lahat ng oras ay kailangan maging mabait ka dahil hindi naman sa lahat ng oras ay mabuting magbigay ng kabaitan sa isang tao.May mga taong pwedeng umabuso sa kabaitan mo dahil nga wala kang alam na naabuso ka na pala. Pero...s'ya.S'ya na nagbigay ng kabaitan sa akin kahit na walang hinihinging kapalit.Maliit man ito o malaki ang ginawa n'yang kabaitan para sa akin ay dapat itong ibalik.Hindi s'ya nagdalawang isip na maging mabait sa akin despite na hindi pa naman talaga n'ya ako kilala ng buo. "Callie,ano na?Anong say mo sa ginawa kong tula?"tanong sa akin ni Geoffrey pero hindi ko ito pinansin at binasa ulit ang ginawa n'yang tula. Para nga isa s'yang makata dahil sa tulang ginawa n'ya.Infairness,marunong pa lang gumawa ng tagalog na tula 'to.Englishero s'ya kasi mula noong bata s'ya kaya gulat na gulat ako at the same time ay napangiwi ako dahil puro aking irog ang nakita ko sa tulang ginawa n'ya. "Ang ganda sana kasi...ba't puro aking irog?"matapat na sabi ko sa kanya at kinuha n'ya ang papel na hawak ko at tiningnan ang ginawa n'yang tula. "Maganda naman,huh.Para maramdaman n'ya na mahal na mahal ko s'ya,Oh,aking irog."tugon naman n'ya at nagpose pa ang mokong na para ba s'yang isang makata. "Wala naman po akong sinabing pangit ang gawa mo,ang sa akin lang eh puro aking irog.Masyadong sobra ang pagmamahal mo sa pagbibigyan mo n'yan."depensa ko naman at inirapan n'ya ako. "Tinanong mo pa ako kung anong say ko sa ginawa mo tapos iirapan mo lang ako d'yan.Kung tapakan ko kaya ulit ang paa mo,tingnan natin kung makakalakad ka pang bagyo ka." Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may itinatago ang mokong na 'to,ayaw n'yang sabihin sa akin kahit ilang beses kong subukan.Para s'yang nagdra-drive sa isang kalsada tapos bigla na lang liliko para matakasan n'ya ang tanong ko sa kanya.Hindi ko naman s'ya masisi dahil alam kong may problema rin ang mokong na 'to. Ang nakakatampo lang ay parang ayaw n'ya talagang sabihin sa akin at gusto kong sabihin sa kanya na nagtatampo kaso baka kung anong isipin n'ya.Ayaw ko naman masira ang pagkakaibigan namin dahil gusto ko lang malaman kung may problema ba s'ya. "Kanino mo ba ibibigay 'yan?May nililigawan ka na ba?"tanong ko sa kanya habang kunwaring inaaral ang mga bagong formula sa bagong Math lesson namin. "Nililigawan?It can be...pero ang totoo ay nakukulitan s'ya sa akin dahil sobrang kulit ko at ayaw n'ya akong makita pero dahil nasa lahi namin ang makulit kaya lagi akong nagpapakita sa kanya para magbigay ng mga tula.Pangarap n'ya kasing maging writer at naisipan ko na gusto n'ya ng mga tula mula sa manliligaw n'ya."sagot n'ya habang nakangiting nilagay sa isang puting sobre ang tulang ginawa n'ya. Nakikita ko sa kanyang mga mata ang kaligayahan na nararamdaman n'ya.Napangiti ako habang pinagmamasdan s'ya pero pakiramdam ko ay parang kilala ko ang tinutukoy n'ya.After all,ang alam ko ay maging naging ex girlfriend s'ya pero ang malas ko dahil hindi ko alam kung sino o ano ang pangalan.Nakiki-chismis na rin ako pero wala talaga akong nakuhang impormasyon. "Geoffrey,bakit parang walang nakakaalam tungkol sa pangalan ng dati mong kasintahan?"tanong ko sa kanya dahil lagi talagang bumabagabag sa isipan ko kung sino nga ba talaga ang dati n'yang kasintahan. Napatigil s'ya sa ginagawa n'ya at saglit na napatingin sa akin.Napagbuntong-hininga s'ya at mukhang hirap na hirap s'yang sabihin sa akin ang totoong dahilan tungkol sa balita na 'yon. "Tago lang ang relasyon ng ex girlfriend ko at tanging ang dati kong kaibigan ang nakakaalam nito.Itinago rin n'ya ang pagkakakilanlan ng dati kong kasintahan dahil sa sobrang bait ng kasintahan ko sa kanya.Pakiramdam n'ya ay hindi n'ya deserve ang ganoon na kabaitan kaya ipinangako n'ya sa amin na hindi n'ya sasabihin kahit kanino ang relasyon namin."paliwanag na sagot n'ya. "Paano naman kayo naghiwalay?Atsaka...bakit dating kaibigan?May nangyari ba sa nakaraan n'yo?"tanong ko sa kanya at hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko na ilabas ang mga tanong na nakakakulong na sa utak ko. Nakita ko na ikinuyom n'ya ang kanyang palad,mukhang mali ako sa pagtatanong at hindi ko talaga napigilan ang sarili ko dahil sobrang sasabog na ang utak ko sa daming tanong na gusto ko agad masagot. "Ayos lang kung hindi mo masagot ang tanong ko pero...gusto ko lang ipaalala na nandito ako para sa'yo,Geoffrey.Kaibigan mo ako at parang kapatid na ang turing ko sa'yo."nakangiting sabi ko sa kanya at ngumiti naman s'ya. Hindi ko pinipilit ang isang tao na sagutin ang mga tanong na ibinato ko sa kanya dahil hindi ako ganoon klaseng tao na pipilitin ang isang tao dahil lang sa kuryosidad na mayroon ako.Hindi ako katulad ng mga taong mahilig mag-usyoso pero nagiging chismis na walang katotohanan dahil nagiging iba ang kwento kaysa sa original. "Ang kaibigan ko ay tanging kaibigan lang ang turing sa akin pero dahil nga may girlfriend ako ay hindi namin maiwasan na mag-away.Kumbaga,parang naipit ako sa pagitan nilang dalawa.Gusto ko silang parehas na piliin pero hindi na talaga maibabalik ang maayos nilang pagsasama.Nilagyan ng malisya ng girlfriend ko ang pagtrato ko sa kaibigan ko para magkaroon kami ng away na hindi naman dapat pag-awayan eh.Pinaliwanag ko sa kanya na wala naman talagang malisya sa amin ng kaibigan ko.But,she still insist."pagk-kwento n'ya at naintindihan ko naman ang mindset ng girlfriend n'ya. Kahit pa sabihin ni Geoffrey na kaibigan n'ya lang ito,hindi mo pa rin maaalis na pwede itong makasira sa isang relasyon.Syempre nauna mong nakilala ang kaibigan mo kaya mas uunahin mo s'ya kaysa sa girlfriend mo. "Nag-away kami noon at hindi nagtagal ay parang nawalan ako ng gana sa kanya.'Yung kaibigan ko lang lagi ang nand'yan para sa akin at pakiramdam ko ay mas dapat ko s'yang piliin kaysa sa girlfriend ko.Kaya mas pinili ko ang kaibigan ko dahil mas nauna ko s'yang nakilala,mas naiintindihan n'ya ako." "Utak mo may ubo,Geoffrey.Nauna mo ngang nakilala ang kaibigan pero...paano naman ang girlfriend mo na mahal na mahal ka?Paano naman ang girlfriend mo na pinipilit kang intindihin kasi ayaw ka n'yang mawala?Sige nga,isipin mo kung anong naramdaman ng girlfriend mo noon ginawa mo 'yon sa kanya."hindi ko pagsang-ayon sa kanya dahil maling-mali talaga ang mindset n'ya. Hindi naman s'ya umimik at napagbuntong-hininga naman ako.Hindi na ako magtataka kung 'yung nililigawan n'ya ay ang ex n'ya at ayaw na ayaw na sa kanya dahil sa ginawa n'ya sa nakaraan nila.Sino ba naman gugustuhin na bigyan ng isang pang pagkakataon ang isang tao na deserve naman pero sadyang nakakatakot ng mangyari?Deserve na deserve ni Geoffrey ang second chance pero sa pinakita n'ya sa kanyang dating girlfriend ay baka wala na s'yang pag-asa.Umayaw na sa kanya ang girlfriend n'ya at ayaw na n'yang sumugal dahil natatakot s'yang mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan nila. "Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ayaw na sa'yo ng girlfriend mo ngayon kahit ano gawin mo ay baka ayawan ka na.Kahit naman ako ay aayawan kita dahil sa gan'yan mong mindset,mostly na hate ko na mindset."sabi ko sa kanya at napayuko naman s'ya. Tiningnan ko ang mga libro na buhat ko na inutos sa akin ni Mister Vergara,ang Math teacher na nagpahiya sa akin.At ang lakas ng loob n'ya na utusan n'ya ako at para s'yang tutang maamong nakiusap sa akin kung pwede ko ba daw dalhin sa library ang walong libro na makapal pero mas makapal pa rin ang mukha ni Geoffrey at masasabi kong sobrang bigat.Baka wala pa ako sa kalahati papunta sa library ay sumuko ako. Hindi ako makapaniwala na kayang basahin ng pamangkin ni Mister Vergara ang mga libro ito dahil sa sobrang kapal.Anim na taong gulang pa lang kaya 'yon,ayon sa kanya na ang discussion n'ya ay napupunta sa story telling about sa buhay n'ya.Tapos ipapahiya ako na piso lang ang nakuha ko sa suprise test n'ya,e hindi naman natutuloy ang mga discussion n'ya sa lesson.Kapag talaga ako nainis ay isusumbong ko talaga s'ya sa principal namin kaso wala pa akong ebidensya. Nabigla na lang ako noon nadapa ako at nahulog ang mga librong dala ko.Wala naman bato sa lugar na 'to,pero bakit nadapa ako?Nakarinig ako ng tawanan at paniguradong isa sa kanila ang pumatid sa akin.Hindi ko naman sila papatulan dahil kaya ko naman tumayo at pulutin at buhatin ang mga libro na nahulog.Kahit na ganoon ang ugali ni Mister Vergara ay nirerespeto ko s'ya kahit papaano. Nabigla ako noon 'yung isa sa mga tumatawa ay bigla na lang pinulot ang mga librong nahulog.Siguro s'ya ang pumatid sa akin at bakas ang kaba sa kanyang mukha.Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Mandrake na seryosong nakatingin sa lalaking nagpupulot ng mga libro. "Anong sasabihin mo sa kanya?"seryosong tanong ni Mandrake sa lalaking nagpulot ng mga libro at ibinalik ito sa akin. "I-i'm sorry,Callie.H-hindi ko na uulitin."nauutal na sabi n'ya at mukhang napipilitan lang s'ya dahil kay Mandrake. "Ayos lang,hindi naman ako nasaktan.Kahit na magkaroon pa ako ng sugat,malayo naman sa bituka."nakangiting tugon ko sa kanya. "Pwede ka ng umalis at sa susunod na gawin mo ulit ang ginawa mo kahit kanino lalo na kay Callie ay hindi ako magdadalawang-isip na ipa-guidance office ka."sabi ni Mandrake at agad naman tumango ang lalaki at nagmamadaling umalis. Itinagilid ko ang aking ulo habang iniisip kung may kapangyarihan ba si Mandrake na pasunurin ang mga estudyante.Nabigla na lang ako noong nasa harapan ko na s'ya.Grabe para s'yang ninja at hindi ko man lang napansin na nasa harapan ko na s'ya.Kanina ay nasa likuran ko pa lang s'ya.Nabigla ako noon kinuha n'ya ang mga librong hawak ko. "Mandrake,ayos lang.Kaya ko naman eh."sabi ko sa kanya habang pinipilit na kuhanin ang mga libro na buhat na n'ya ngayon pero tinalikuran ako at naunang maglakad sa akin. "Akin na kasi 'yan,Mandrake.Malaki na ang naitulong mo sa ginawa mo doon sa lalaki kanina.Kaya ko naman buhatin 'yan eh,hindi ako lumpo."giit ko sa kanya habang sinusundan ko s'ya pero dahil matangkad s'ya ay malalaki ang paglalakad n'ya.Kaya para akong batang maliit na humahabol sa kanya.Bakit ba ang bilis at ang tangkad n'ya? Pinagtitingnan kami ng mga tao at bumubulong sila habang nakatingin sa aming dalawa ni Mandrake.Hindi ko naman masisisi ang mga reaksyon nila dahil para akong tangang nakikipag-away kay Mandrake na ayaw talagang ibalik ang mga libro na dapat ako ang magbubuhat.Baka malaman pa ni Mister Vergara ang tungkol dito baka mapagalitan na naman ako noon. Binaba n'ya agad sa harapan ng librarian ang mga libro at hindi man lang pinagpawisan ang mokong dahil sa ginawa n'ya.Agad naman akong napagbuntong-hininga at agad akong pumunta sa librarian. "Kay Mister Vergara po 'yan mga libro na 'yan.Hiniram n'ya daw po 'yan noong isang linggo."sabi ko sa librarian at hinanap naman n'ya ang borrower's slip ni Mister Vergara. Napatingin naman ako kay Mandrake na nakatingin rin pala sa akin ngayon.Bigla s'yang ngumiti at chinito ang mokong dahil hindi mo kita ang mga mata n'ya.Binalik ko ang tingin ko sa librarian at palihim na ngumiti dahil nagpapasalamat talaga ako sa ginawa n'ya. "Oii,ikaw,huh.Hindi mo man lang sinabi na may relasyon kayo ni Mandrake."sabi ni Geoffrey at binato ko naman s'ya ng bote ng yakult. "Anong pinagsasabi mo d'yan?Tinutulungan n'ya lang po ako.'Wag kang malisyoso d'yan,nagagaya ka tuloy sa iba."naging tugon ko sa kanya. Paano ba naman kasi lagi na lang ako tinutulungan ni Mandrake kahit hindi naman ako humihingi ng tulong.Hindi ko naman nilalagyan ng malisya ang mga ginagawa n'ya pero ang mga taong nakakasaksi ay binigyan nila ng malisya ang pagtulong sa akin ni Mandrake.Pero,sa totoo lang parang nasosobrahan na ang pagtulong sa akin ni Mandrake.Ultimong pagma-mop ng sahig ng classroom kapag kasama ako sa mga cleaners ay s'ya ang gumagawa at halos awayin ko na s'ya dahil baka kung anong isipin ng ibang tao,na baka ginagamit ko ang kabutihan ni Mandrake. "May balita pa naman na may gusto sa kanya si Hanna."sabi ni Geoffrey. "Si Ate Hanna?"tanong ko sa kanya at tumango naman s'ya. Si Ate Hanna ay isa sa mga kaibigan ni Ate Carlie at close rin naman kami kahit papaano.Kapag pumupunta s'ya sa bahay namin ay nakikipag-kwentuhan ako sa kanya dahil approachable naman s'ya kahit wala sa kanyang hitsura. "Grade 12 na kaya si Mandrake at magkaklase sila ni Hanna."aniya habang umiinom ng yakult. "Eh?Totoo nga?Bakit mukhang junior high pa lang si Mandrake?"gulat na tanong ko sa kanya. "Sadyang wala sa hitsura n'ya ang kanyang edad pero mabait na tao 'yon sadyang tahimik lang minsan.Pinipili lang kung sino 'yung kakausapin n'ya."sagot n'ya at binato naman n'ya sa akin 'yung bote ng yakult na walang laman. "Teka,paano mo nakilala si Mandrake?Kaibigan mo ba s'ya?"tanong ko sa kanya at tumango s'ya. "He's my childhood friend...sa totoo lang ay hindi naman s'ya dapat gan'yan eh.Noong kasing 7 years old pa lang s'ya ay may nangyari sa pamilya n'ya dahilan para maging gan'yan s'ya.Takot na takot s'yang magtiwala dahil madami ng nangyari sa buhay n'ya.Maswerte ka na kung pinagkakatiwalaan ka n'ya dahil inuulan s'ya ng trust issues at naiintindihan ko s'ya sa part na 'yon."paliwanag n'ya. Medyo nalungkot ako dahil hindi ko pa alam na may nangyari sa buhay n'ya.Pero at the same time ay natutuwa ako kasi parang pinagtitiwalaan na n'ya ako kahit hindi pa naman n'ya ako gaano kakilala. "May nararamdaman si Mandrake para sa'yo,Callie.Ayaw kong manggaling sa akin ang katotohanan pero ayaw kitang masaktan.Marami ka pang hindi alam tungkol kay Mandrake at baka sa huli ay masaktan ka lamang n'ya.Para na rin kitang kapatid at ayaw na ayaw kitang makita ulit na umiiyak dahil nasaktan ka naman dahil sa pag-ibig.Kahit gaano kabait ang ipakita ni Mandrake sa iyong mga mata,'wag kang masyadong maniniwala at magtitiwala.Pero alam ko rin naman na maganda ang kanyang intensyon pero hindi pa rin n'ya maaalis ang nakaraan na mayroon s'ya.Kahit pa anong pangako ang sabihin n'ya sa'yo ay hindi pa rin kita papayagan.Pero tandaan mo,Callie...minsan ay may halong kasinungalingan ang mga sinasabi ko. "aniya habang malungkot na nakatingin sa akin. Nabigla naman ako sa kanyang sinabi.Hindi ko naman inaasahan na sasabihin sa akin ni Geoffrey na may feelings sa akin si Mandrake.Hindi ko naman binigyan ng malisya ang mga bagay na ginagawa n'ya para sa akin dahil ayaw kong umasa sa bagay na pwedeng manakit sa akin katulad na lang ng nangyari...ang pangyayari na ayaw ko ng maalala. Akala ko noon una ay nagsisinungaling lamang sa akin si Geoffrey pero sa huli...sa huli ay tama s'ya.Kahit gaano pa kabait ang ipinapakita sa'yo ng isang tao,minsan sa huli ay isang pakitang tao lamang ito. Ang kabaitan n'ya ay walang halong kasinungalingan pero ang kanyang mga salita mayroon.Ang kabaitan n'ya ang naging dahilan kung bakit nakaramdam ulit ako ng pagmamahal na dapat hindi ko na muling naramdaman.
nice a story great a new story for new supporters
23/12/2024
0eh eh eh am DM DM seen
01/11/2024
0so unique
31/07/2024
0View All