Chapter 02 Believe Maraming tao ang sumuko dahil sa masakit na katotohanan.Ang iba ay tinatakasan ito sa paraan na nakita nila kung paano nila ito tatakasan.Ang iba naman ay patuloy pa rin lumalaban kahit mahirap.Ang paniniwala sa sarili at kakayahan mo ay binibigyan mo na ang sarili mo ng lakas ng loob.Minsan ang pag-iyak ay nakakatulong na mawala ang sakit pero nag-iiwan ng sugat na pwedeng maging bakas. Maraming tao na mas gusto ang kadiliman kaysa sa liwanag dahil mas gusto nilang itago ang lungkot at sakit na nararamdaman nila.Kasi para sa kanila ang kadiliman ang naging comfort nila sa mga panahon na walang taong nakakaalam sa nangyayari sa kanila.Ganoon rin ako dati,tanging kadiliman ang nakikita sa panahon na tinalikuran ako ng lahat. ["Nasaan ka na ba?"] "Bakit ka ba nagmamadali?May date ka ba?"reklamo ko sa kabilang telepono habang inaayos ang buhok ko. Ang call time ay 1:00 pm pero sinabi n'ya na naghihintay na s'ya kanina pang 12:00 pm.Napaka-ano talaga n'ya,sarap bugbugin eh. ["Kanina pa kaya ako naghihintay sa'yo."] "Kanina pa naghihintay kasi binago mo ang call time natin,Geoffrey.Bakit ba kasi ako ang kailangan mong isama?Eh bibili ka lang ng mga gamit mo para sa pagpipinta mo."reklamo ko sa kanya dahil may point naman ako at tama ang aking mga sinasabi. ["'Wag kang magreklamo dahil ililibre naman kita eh."] "Wow lakas mong makapag-black mail kaya hindi ka nagkakajowa." ["Hindi ka rin naman sure na walang akong jowa eh."] "Sira ulo na lang ang papatol sa tulad mo." ["Grabe ka naman,maka-sira ulo ka naman.Ang gwapo at maayos pa naman ang pag-iisip ng papatol sa akin."] "Hanggang sa cellphone ay ramdam ko ang kahanginan mong mokong ka." ["Baka naman ma-i-inlove ka na sa akin."] "Yuck...mandiri ka sa sinasabi ko.Incompatible tayong dalawa." Kaya kami napapagkamalan na mag-jowa dahil sa trato n'ya sa akin.Kapag talaga may makakakita sa amin sa mall at magkaroon na naman ako ng issue,bubugbugin ko s'ya. Kumaway s'ya noon makita n'ya ako at agad akong lumapit sa pwesto n'ya.Inis ko s'yang tiningnan at naka-turtle neck ang mokong na may match pang brown na coat akala mo naman ay nasa South Korea kami. "Ang init tapos gan'yan ang outfit mo.Baka magmukha ka lang tanga kapag pumasok tayo sa loob."bungad ko sa kanya habang pinagmamasdan ang itsura n'ya. Pogi naman si Geoffrey kaso saksakan lang ng hangin at pakiramdam ko ay kailangan kong magdala ng jacket baka kasi lamigin ako lalo na araw-araw ko na s'yang makakasama kapag may school days lang at kung aayayain n'ya ako na mamasyal. "Ako?Magmumukhang tanga?'Wag mo akong malaitin,Callie.Sa sobrang gwapo ko ay napaka-imposible no'n."mahangin na tugon n'ya at hinampas ko naman ang braso n'ya. "Ang sadista mo talaga kahit kailan.Totoo naman ang sinasabi ko,huh."reklamo n'ya na parang bata habang hinihimas ang braso n'ya at naunang naglakad papasok sa mall. Napailing-iling na lang ako dahil nasa moody mode na naman s'ya ngayon.Kaya bago ako umalis sa bahay ay nagbaon ako ng maraming...pagkain.Anong akala mo?Pasensya ang binaon ko?Bahala nga s'ya kung magwala s'ya dahil napaka-moody n'ya at baka mag-away lang kami. "Ano bang klaseng painting ang ipe-paint mo?"tanong ko sa kanya habang namimili ng mga kulay para sa kanyang painting. "Painting malamang."pilosopong sagot n'ya at inirapan ako. Aba napaka-attitude ng mokong na 'to kapag nasa moody mode s'ya.Hindi na ako aasa na magkakaroon s'ya ng girlfriend.Sa lagay n'ya n'yan,imposible na magkaroon o nagkaroon s'ya ng girlfriend.Sino ba naman ang babaeng magti-tiyaga sa katulad n'yang daig pa sa pagiging moody ang mga babaeng may regla o kaya buntis? "Iba't iba ba ang klase ng mga brush ang ginagamit n'yo para sa painting?"tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang mga brush. "'Di bale sa painting namin...ako kasi simple lang ang drawing at hindi masyado matingkad ang kulay.Ang sakit kaya sa mata ang sobrang tingkad."sagot n'ya habang namimili ng brush. "Anong masakit sa mata?Ang ganda nga eh,colorful.Ikaw kasi puro kadiliman ang nakikita mo kasi ang buong bahay na tinitirhan mo ay wala man lang kailaw-ilaw.Bampira ka ba sa previous life mo?"naging tugon ko sa kanya at natawa naman s'ya. "You know kasi...darkness gave me comfort when no one is there to comfort.'Wag kang magtampo...'yun ang mga panahon na hindi pa ako nakakabalik dito.Wala akong kaibigan noon sa ibang bansa dahil nga nalaman ko na hindi naman talaga kaibigan ang turing ng mga inaakala kong kaibigan.May masama silang balak sa akin at buti na lang ay nalaman ko agad dahil sa isang taong nagmagandang loob na sabihin sa akin.Kaya I prefer darkness than lightness.Ang kadiliman ang naging kakampi noon wala akong naging kakampi."paliwanag n'ya. "Geoffrey,iba pa rin kung liwanag ang pipiliin mo.Kahit pa sabihin mo na naging comfort mo ang kadiliman hindi naman habang buhay ay nasa kadiliman ka.Panigurado naman na may darating na tao na bibigyan ka ng liwanag sa buhay mo.Malay mo naman ay magkajowa ka na dahil sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo,lagi na lang tayong magkasama eh."tugon ko sa kanya. "Pinili ko ang kadiliman dahil matagal ko ng binigay ang liwanag na mayroon ako dati sa isang tao na gusto kong maging masaya ulit kahit wala ako sa tabi n'ya.Kahit na magalit pa s'ya sa akin kapag nakita n'ya ako ulit."aniya at agad naman kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Anong ibig n'yang sabihin?May naging girlfriend s'ya?Ang sarap tuloy malaman kung anong nangyari doon sa babae na sinabi n'ya.Kaano-ano n'ya kaya 'yon?Sana man lang ay dinagdagan n'ya kahit kaunting impormasyon lang. "Ang mahal naman ng ballpen na 'to.Ang ganda nga ng sulat ko kaso naman ay ang mahal.Magiging dukha ako dahil sa ballpen na 'to."reklamo ko noong sinubukan ko ang isang ballpen at ang mahal ng presyo. "Bibili ka n'yan?"tanobg ni Geoffrey noon makita n'ya na hawak ko 'yon ballpen na napakamahal. "Hindi...ang mahal kaya ng presyo.Kahit pa naging maganda ang sulat ko ay hindi ako bibili.Mamumulubi ako dahil sa ballpen na 'to."sagot ko sa kanya at natawa naman s'ya ng bahagya. "E'di ako na ang magbabayad tutal naman ay sinasamahan mo ako kapag kailangan ko ng tulong."sabi n'ya at kumuha ng dalawang box no'n ballpen at nilagay sa cart. "Hindi na,ayos lang.Sira ka talaga at hindi ko naman talaga kailangan ng gan'yan eh.Ang mahal kaya n'yan.Hindi mo ako kailangan ilibre."hindi ko pagsang-ayon at kukunin ko sana 'yon ballpen sa cart pero agad s'yang lumayo sa akin at pumunta sa counter. Napasimangot naman ako at bahagyang napangiti dahil pakiramdam ko ay kuya ko s'ya kapag gan'yan s'ya sa akin.Hindi naman ako malisyosa at alam ko na kapatid rin ang turing n'ya sa akin.Kumbaga,walang malice sa relasyon namin dalawa.Daig pa n'ya si Ate Carlie sa pagiging kapatid sa akin eh. Papunta na sana ako sa counter pero may nakabangga na naman ako.Ang sakit na naman ng noo ko dahil sa tigas ng dibdib ng nakabangga ko.Hindi pa nga natatanggal 'yung sakit ng noo ko,another pain na naman. "Sorry..." Tiningnan ko kung sino ang nakabangga ko at s'ya rin ang nabangga noon lunes.Pero,infairness ang gwapo at ang bango n'ya.Sinabi ko na gwapo at mabango s'ya dahil 'yun ang totoo at hindi ako lalandi. "Ayos lang...kasalanan ko naman eh."tugon ko sa kanya habang hawak ko ang noo ko para himasin. Ang sakit parang pader 'yon nabangga ko sa sobrang tigas ng dibdib n'ya.Pakiramdam ko ay mas may dibdib s'ya kaysa sa akin eh.Nakaka-offend naman eh. "Are you okay?"tanomg n'ya at tumango ako. "Ayos lang ako...wala 'to.Malayo ito sa bituka."sagot ko sa kanya habang nakangiti. Ang gwapo naman n'ya at paniguradong may girlfriend na 'to kahit mukhang masungit.Hindi naman ako judgemental na tao pero madalas na tama ang hinala gamit lang ang kanilang mga hitsura.Katulad na lang ng kay Geoffrey,naging tama ang hinala ko na mahangin s'ya dahil sa kanyang hitsura. "Ano nga palang pangalan mo?"tanong ko sa kanya since dalawang beses na kaming nagkabanggaan. Malay mo ay kilala ko s'ya o kilala s'ya sa school.Panigurado naman na makikita ko s'ya sa school pero gusto kong malaman kung ano ang pangalan n'ya.Malay mo ay maging matalik ko s'yang kaibigan. "Mandrake...Mandrake Bansil."sagot n'ya sabay ngiti at inabot ang kanyang kamay para makapag-shake hands. "Hello,nice to meet you.Ako nga pala si Callie De Dios."pagpapakilala ko at tinanggap ang kanyang kamay. Sobrang lambot ng kamay n'ya,sobrang nahiya ako dahil puro kalyo ang kamay ko.Huhuhu...ano kayang gamit n'yang handwash?Bumitaw naman ako agad sa shake hands namin. "OII,CALLIE!TARA NA,PUPUNTA PA TAYO SA ARCADE!"malakas na sigaw ni Geoffrey na hindi nahiya sa mga bumibili. "Oo na,susunod na po."tugon ko sa kanya habang sumesenyas. "Ahhmm...alis na ako,Mandrake.May gagawin pa kasi kami ng kasama ko."paalam ko sa kanya at kumaway habang nakangiti bago tumalikod sa kanya. "Sino 'yon?"tanong ni Geoffrey at sinisilip pa n'ya ang direksyon ni Mandrake. "School mate lang natin,nakabanggaan ko kasi."sagot ko sa kanya. I hope na makita ko si Mandrake sa school.Hindi man s'ya mukhang approachable,ako na ang mag-a-approach since friendly naman ako.Hindi lang halata. "Ang daya mo naman eh!Bakit ba ang talino mo?"inis na reklamo ko kay Geoffrey ng makita ko na isa lang ang mali n'ya sa Math suprise test namin. Oo,may suprise test at sa higit sa lahat 'yun ang pinakakainisan ko dahil hindi naman sa lahat ng oras ay handa ang utak ko lalo na sa Math na 'yan na napakarupok.Isipin mo lagi na lang n'yang hinahanap ang X n'ya.Hindi ba s'ya nahihiya na binibigyan n'ya kami ng problema dahil sa kanilang dalawa ng X n'ya. "Well...syempre.Ganoon naman talaga ang mga gwapo."mahangin na tugon n'ya at malakas kong tinapakan ang kanyang paa at napaaray naman s'ya dahil masakit 'yon,nandoon lahat ng inis at galit ko sa mokong na 'to. "Anyare sa'yo?Bakit gan'yan hitsura mo?"tanong ni Rizelle noon makasalubong n'ya kami ni Geoffrey na paika-ika na naglalakad ngayon. "Piso lang ang nakuha ko sa suprise test namin sa Math.As in talaga,nakakahiya dahil nag-iisa lang ako na naka-piso sa test.Hindi ko kinaya kaya sumabog ako at hindi rin naman nakatulong ang mokong na 'to kaya ayan tinapakan ko ang paa n'ya.Imbes na i-comfort ako,pinalabas na naman n'ya ang kahanginan n'ya."paliwanag ko sa kanya na halos sumabog na ako sa inis at hiya na nararamdaman ko noon maalala ko na pinahiya pa ako ng teacher ko na mala-pader ang mukha dahil sa sobrang kapal. Hindi man lang ako binigyan ng konsiderasyon at kung ano-ano ang pinagsasabi sa akin at pinahiya n'ya talaga ako sa harap ng klase.Hindi man lang n'ya isipin na hindi ko kasalanan na ganoon 'yung score ko.Nag-aral naman ako ng mabuti kagabi about sa Math pero hindi talaga kaya ng utak ko. "Geoffre---Huh?Nasaan s'ya?"takang tanong ko noon mapabaling ako ng tingin sa likuran ko at wala na ang mokong. "Nauna na sa'yo sa canteen,mukhang gutom na eh tapos tinapakan mo pa ang paa n'ya.Kawawa naman s'ya dahil ang sadista mo pa naman."sagot ni Rizelle habang kumakain ng popcorn. "May popcorn na sa canteen?"tanong ko sa kanya at tumango s'ya. Napansin ko talaga na bigla na lang nawawala si Geoffrey kapag nakakasalubong namin si Rizelle.Hindi naman sa chismosa ako pero gusto ko lang malaman kung ano bang meron sa kanila sa nakaraan.Ang sabi sa akin ni Gab Gab,na pinsan ko ay may nakaraan daw sila ni Rizelle.Ayaw naman sabihin sa akin ni Gab Gab 'yon kasi gusto n'ya na si Geoffrey na lang ang magkwento sa akin at naiintindihan ko s'ya sa point na 'yon dahil privacy ni Geoffrey 'yon. "Sige,mauna na ako,Callie.Kita kits na lang."paalam n'ya habang kumakaway. Kumaway naman ako pabalik at binaba ko naman agad ang kamay ko.Agad akong pumunta sa canteen at nakita ko si Geoffrey na nakaupo sa pwesto nila Ate Carlie.Naku!Hindi talaga tinatamaan ng hiya ang mokong na 'to. "Geoffrey,bakit ka nawala kanina,huh?"bungad na tanong ko sa kanya at dumukot ng popcorn. "Wala,gutom na ako.Makiki-chismis ka na naman kay Rizelle eh."sagot n'ya habang ngumunguya ng popcorn. "Oh,eto 'yon sa'yo."sabi n'ya sabay bigay sa akin ng popcorn na binawasan n'ya. "Ba't mo binawasan,huh?"reklamo ko agad sa kanya sabay sinamaan ko s'ya ng tingin. "Kumuha ka kaya ng popcorn,hindi ka naman inaalok."sabi n'ya habang nakangiti at tinapakan ko ulit ang paa n'ya kung saan ko s'ya tinapakan kanina. "Ano?Galit ka?Papalag ka?"tanong ko sa kanya habang pinanlalakihan ko s'ya ng mga mata at umiling naman s'ya. "Sorry,guys kung ngayon lang ako."sabi ng isang pamilyar na boses. "Mandrake?"patanong na tawag ko sa kanya at ngumiti naman s'ya noon napabaling s'ya ng tingin sa akin. "Oh,ikaw pala,Callie.Maayos na ba ang noo mo?"tanong n'ya sa akin. "Ayos na,sa susunod mag-iingat na ako.Ayaw ko ng matamaan sa isang pader."natatawang sagot ko sa kanya at napabaling naman ako ng tingin kay Geoffrey na nakangising aso ngayon. Tiningnan ko 'yung oras sa wrist watch ko at oras na pala.Kailangan ko pa palang pumunta sa photo journalism club para malaman kung nakapasa ba ako o hindi. "Tara na,Geoffrey.Kailangan pa natin pumunta sa photo journalism club."aya ko sa kanya at agad naman s'yang tumayo. Tumawa naman ako noon nakita kong paika-ika s'yang maglakad.Agad s'yang umakbay sa akin at tinulungan ko naman s'ya sa paglalakad.Kasalanan n'ya pa rin kung bakit gan'yan ang nangyari sa kanya.Alam n'yang wala ako sa mood para makipagbiruan pero inis pa rin n'ya ako at pinaandar na naman n'ya ang kahanginan na nasa loob n'ya. Malungkot akong lumabas sa photo journalism club dahil hindi ako natanggap.Hindi daw maganda ang mga kuha kong litrato.Marami daw akong mali at mababa ang puntos na nakuha ko.Noong makita ako ni Geoffrey ay agad n'ya akong niyakap ng mahigpit dahilan para maiyak ako sa kanyang dibdib. "Ang galing mo,Callie.Magaling ka sadyang hindi sila marunong mag-judge."pagpapalakas n'ya sa aking loob pero naiyak pa rin ako. Hindi ko naman itatanggi na hindi ako katulad ni Ate Carlie.Hindi ako katulad ni Ate Carlie na magaling sa photography.Hindi ako katulad ni Ate Carlie na sobrang proud sa kanya nila Mama.Hindi n'ya ako katulad kaya nagsisikap akong maging katulad n'ya para maging proud sina Mama sa akin pero wala pa rin eh.Ganito na lang lagi ang resulta ng mga ginagawa ko. "H-hindi ako n-natanggap d-dahil hindi ako magaling."nauutal na sabi ko sa kanya habang palakas ng palakas ang hagulgol ko. Niyakap n'ya ako ng mahigpit habang hinahalikan ang buhok ko.Napakasakit dahil hindi ko matanggap na ganito na lang lagi ang resulta ng mga ginawa ko para lang maging katulad ko si Ate Carlie. "'Wag mo nga kasing gayahin ang ate mo.Napaka-kulit mo talaga,iba s'ya sa'yo at iba ka sa kanya.Lahat ng tao ay may pagkakaiba dahil hindi naman lahat ng tao ay parehas ang ugali at kung paano sila mag-isip."sabi n'ya. "Kailangan ko lang talagang galingan at maniwala sa sarili ko kahit walang naniniwala sa akin.Kung walang maniniwala sa akin,e'di ang sarili ko na lang."tugon ko sa kanya bago uminom ng juice. "Anong walang naniniwala?Nandito kaya kami ni Rizelle na naniniwala sa'yo na kaya mo 'yan.At isa pa nand'yan si God para sa'yo.Hindi ka n'ya bibigyan ng pagsubok kung hindi mo kaya.Kaya maniwala ka sa kanya."tugon naman n'ya sabay gulo sa aking buhok. Katulad nga ng sinabi n'ya,mas naniniwala s'ya sa akin,sa mga sinasabi ko sa kanya.Mas naniwala s'ya na kaya kong maabot ang pangarap ko kahit gaano pa katagal 'yan.Naniwala rin ako kay God na may dahilan kung bakit binibigyan n'ya ako nh ganitong problema.Kumbaga,walang problema na walang solusyon at hindi ka bibigyan ni God ng problema kung hindi mo ito masosolusyunan. Maniwala lang sa sarili,kay God pati na rin sa mga taong buong nagtitiwala at naniniwala sa'yo.Iba ang pakiramdam kapag may naniniwala sa'yo dahil kahit hindi mo maabot ang expectation nila ay alam mo na kahit ilang beses kang madapa ay babangon ka ulit.Babangon ka ulit habang tumatakbo ka sa direksyon ng pangarap mo.
nice a story great a new story for new supporters
23/12/2024
0eh eh eh am DM DM seen
01/11/2024
0so unique
31/07/2024
0View All