logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 01

Chapter 01
The Difference
Mahirap mabuhay sa mundong puno ng paghuhusga.Mahirap mabuhay sa mundong ito kung wala kang lakas ng loob.Mahirap mabuhay kung puro iyak na lang ang ginagawa mo dahil gusto mong tanggalin ang sakit na nararamdaman mo.
Lahat ng tao ay may pinagkaiba-iba,hindi lahat ng tao ay pareho ang ugali,pananamit,paniniwala at katauhan.Kaya madalas kapag iba ka ay madali kang mahusgahan ng mga taong hindi naman kilala ang buong pagkatao mo.Can you imagine it?Hinuhusgahan ka nila batay sa naririnig nila at hindi sa nakikita nila.
Malaki ang impact ng pagkakaiba-iba ng mga tao dahil puro paghuhusga na lang ang naririnig mo sa mga taong nasa paligid mo at dahil gusto mong patunayan na kaya mo rin ay hindi mo nahahalata na nasasaktan mo na ang sarili mo.Hindi mo nahahalata na wala na ang dating ikaw.
Inunat ko ang dalawang braso ko habang humihikab.Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang tumatayo.Binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at liwanag mula sa araw ang sumalubong sa akin.
"It's a happy morning dahil hindi ako napuyat kaka-aral.Yehey!"masiglang sabi ko habang nagsusuntok pa sa hangin.
Kinuha ko ang towel at pumasok sa banyo upang maligo.Unang araw ng pasukan at ako ay isang grade 10 student na.Sa loob ng sampung buwan ay matatapos ko na ang Junior High at mag-aaral na ako ng Senior High.
Isinuot ko na ang uniporme at tiningnan ang aking sarili sa salamin.Pinusod ko ang aking buhok na hanggang beywang ko.Dati rati ay madungis ang itsura ko pero ngayon ayos na ayos na.Kaya ko ng ayusin ang sarili ko.Kung dati rati ay nakikipaglaro ako kay Jojo ngayon ay may posibilidad na maraming projects.
Kinuha ko ang DLSR camera ko.Ito 'yung pinaglumaan ni Ate Carlie at binigay n'ya ito sa akin para may magamit daw ako kahit papaano.Nilagay ko ito sa bag ko at masiglang lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan.
"Happy Morning,everyone."masiglang bati ko kina Mama,Papa at kay Ate Carlie na ngumiti sa akin.
"Ang saya mo,huh?Anong mayroon?Back to school lang ang mayroon,huh.Baka naman..."malisyosang sabi ni Ate Carlie at pabiro ko s'yang inirapan.
"Syempre sampung buwan na lang at magiging Senior High na ako.Achievement kaya 'yun sa akin."naging tugon ko sa kanya at as usual sumabat si Mama na nagluluto ng almusal.
"Anong achievement?Halos hindi ka na makapasa last school year tapos sasabihin mong achievement na agad?Ni hindi mo nga alam kung gra-graduate ka ba."sabat ni Mama at napailing-iling na lang ako.
"Mama,wala ka bang tiwala sa maganda mong anak?Kayang-kaya ko na at isa pa nadala na ako.Kaya pektis na lang sa akin ang mga subjects lalo na sa Math.Nag-aral kaya ako ng mabuti noong bakasyon about sa grade 10 Math."depensa ko naman kay Mama.
"Mahirap magtiwala sa'yo dahil puro ka salita.'Di ba sinabi mo na sasali ka sa photo journalism?!Oh,anong nangyari?Ni hindi ka pumasa dahil hindi ka magaling katulad ng Ate Carlie mo.Bakit ba kasi hindi mo gayahin ang Ate mo?"
Napakatahimik na lang ako dahil sa sinabi ni Mama dahil totoo naman 'yon eh.Hindi ako kasing-galing ni Ate Carlie kasi kahit kailan ay hindi ako natuto.Akala ko ay kaya ko na pero ang totoo ay nahihirapan pa rin dahil hindi ako kasing-talino ni Ate Carlie.Hindi ako kasing-talino ni Ate Carlie at slow learner rin ako.Hindi rin ako ganoon kabilis na makagets sa mga lesson kailangan ko pang ulitin.Hindi rin ako katulad n'ya na sobrang friendly.
"Mama,hindi naman ako kailangan gayahin ni Callie para magkaroon s'ya ng magandang future.Kailangan n'yang maging s'ya bilang s'ya.Hindi n'ya kailangan pilitin na maging ako dahil ako ay ako,s'ya ay s'ya.Sana maintindihan n'yo 'yon.Hindi n'yo kailangan ibaba ang confidence ni Callie dahil lang mas magaling ako.Sadyang hindi pa panahon ni Callie para maabot n'ya ang pangarap n'ya."sabat naman ni Ate Carlie na seryosong nakatingin kay Mama.
"Ate Carlie...ayos lang.Totoo naman ang sinabi ni Mama na hindi ako kasing-galing mo kaya pagbubutihan ko na lang para maging katulad kita.Idolo kaya kita,ang galing mo."tugon ko kay Ate Carlie dahil ayaw kong magalit si Mama kay Ate Carlie.
"Hayaan n'yo na lang ang Mama n'yo.Gan'yan na talaga 'yan.Iniisip lamang n'ya ang kapakanan n'yo lalo ka na Callie.Mabagal kang matuto tungkol sa mga bagay-bagay pero paniguradong matututo ka as long as may lakas ka ng loob.'Wag mong hilain pababa ang sarili mo."sabat ni Papa bago humigop ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.
"Ayos ka lang ba,Callie?"tanong ni Ate Carlie sa akin.
"Ayos lang ako,Ate Carlie.Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi ni Mama eh.Sanay na ako sa ganoon."sagot ko sa kanya habang kumukuha ng litrato.
"Ang hilig mong kumuha ng litrato baka mapuno na 'yan."sabi n'ya noon mapansin n'ya na kuha ako ng kuha ng litrato habang naglalakad kami.
"E'di buburahin ko.I'm a alpha kid."birong tugon ko at inambaan naman n'ya ako ng hampas kaya natawa ako.
Naglalakad lang ako papunta sa school dahil kalahating oras lang naman ang papunta sa school.Si Ate Carlie naman ay sumasabay sa mga kaibigan n'yang mayaman.Sa isang school kami na pwede ang mahihirap at mayayaman.Hindi ko nga alam kung public ba 'yon school na pinapasukan namin o private.
"Bakit ka pala hindi sumabay sa mga kaibigan mo?"takang tanong ko sa kanya dahil lagi s'yang sumasabay sa mga kaibigan n'ya at ngayon lang ito nangyari.
"Mas gusto kong maglakad ngayon dahil pakiramdam ko ay tumaba ako.Alam mo naman na nagbakasyon at napaparami ang kain ko kapag nasa bahay ako lalo na kapag bakasyon."sagot n'ya habang hinahampas ng mahina ang kaniyang tiyan.
"Ako rin pakiramdam ko ay tumaba ako."tugon ko sa kanya dahil medyo masikip na sa akin ang uniporme ko.
"Anong pakiramdam?Talaga naman tumaba ka,wala ka kayang tigil sa pagkain noong bakasyon.Si Mama na stress sa'yo dahil inubos mo 'yon stock ng pagkain natin sa bahay.Nasermunan ka pa ni Mama at tuwang-tuwa naman sa'yo si Papa dahil ang cute mo daw kapag chubby ka."naging tugon ni Ate Carlie sa akin habang natatawa ng bahagya noon maalala n'ya ang nangyari noon nasa bakasyon kami.
"Grabe ka naman sa akin,Ate Carlie.Syempre food is life ako.At isa pa nasa bahay tayo at hindi naman ako lumalabas sa bahay hindi mo katulad na pinapayagan ni Mama na lumabas noong bakasyon.Syempre,nakaka-inip kaya sa bahay kaya mas naisip ko na kumain na lang ako ng kumain para man lang may magawa ako at hindi ako mainip."depensa ko naman sa kanya at natawa naman s'ya.
"Ate,mauna na ako."paalam ko sa kanya noon makarating kami sa school.
"Sige mag-iingat ka."sabi n'ya sabay kaway.
Kumaway muna ako bago tumalikod at umalis.Kailangan ko pang pumunta sa bulletin board para mahanap kung saan ang classroom ko.Buti na lang at maaga kaya wala pang nagkukumpulan na mga estudyante.Hinanap ko ang pangalan ko at 'yung class adviser ko ay 'yun teacher ko sa English.Mabuti na lang at mabait ang class adviser namin ngayon school year.
Agad akong umakyat sa second floor dahil nandoon ang classroom namin.Sumalubong sa akin ang masasamang tingin ng mga kaklase ko na nasa loob na ng classroom namin.May sumipol na mga mokong noon makita nila ako
Sana man lang ay may kakilala ako para hindi ako maka-out of place.Mostly pa naman ng mga naging kaklase ay ayaw sa akin at 'yung iba ay plastic,ang hilig mag-back stab.Kinuha ko ang DLSR camera na nasa bag ko.Siguro itra-try ko ulit na mag-apply sa photo journalism.Hindi rin naman masamang i-try kaso baka kapag hindi ako makapasa ay kung ano-ano na naman ang sabihin sa akin ni Mama.
Hindi naman sa sinasabi ko na hindi dapat ako sinasabihan ni Mama ng ganoon pero minsan nasasaktan rin ako.Hindi ako robot,tao ako may feelings rin ako at masasaktan ako kahit isang masakit na salita lang.I'm a fragile person who may look tough.
"Awit!Ang swerte mo naman may kaklase kang pogi."sabi ng isang pamilyar na boses.
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Geoffrey na mayabang na nag-pogi sign sa harapan ko sabay kindat.Naku!Magiging mahangin ang araw ko sa bawat araw dahil kaklase ko pala ang mokong na 'to.
"Hindi pala sinabi ni PAGASA na may darating na bagyo ngayon araw na 'to."biro sa kanya at natawa naman s'ya.
Nilagay naman n'ya ang kanyang bag at umupo sa tabi ko.Last year ay nagtransfer s'ya dito at kaklase ko rin s'ya.Mahangin ang isang ito at hindi ko alam kung saan pinaglihi ng kanyang Mama dahil moody pa 'to kaysa sa mga babaeng nireregla o buntis.
"Mamaya n'yan moody ka naman at aawayin mo na naman ako.Dinaig mo pa ang babae kapag may regla eh."reklamo ko s'ya dahil kabisadong-kabisado ko na ang ugali ng mokong na 'to.
He's funny person and he can make you happy in a whole day.Gwapo,mayaman,basketball player,matalino,mabait at marespeto sa mga babaeng karapat-dapat na respetuhin.Ang kaso nga lang ay wala s'yang jowa at baka ayaw talagang pumatol sa kanya.Ikaw ba naman magkaroon ng jowa na dinaig ka pa kapag may regla ka.
"I'm just a moody person because I still cannot find the person who will remove my moody attitude.You cannot understand that because you're obob."
Agad ko naman s'yang hinampas sa kanyang braso dahil sa huling sinabi n'ya.Napaka-ano talaga nito at ang sarap hampasin ng paulit-ulit 'yung tipong hindi na s'ya makakatayo at makakalakad.
"Alam kong obob ako.Atleast hindi mahangin katulad mo na dinaig mo pa ang super typhoon sa sobrang hangin mo."tugon ko naman sa kanya.
Magsasalita na sana s'ya pero dumating na si Ma'am Macaspac.Hindi ko napansin na tumunog na pala ang bell.Binelatan ko s'ya para inisin at ginaya naman n'ya ang ginawa ko.Kung isip bata ako,mas isip bata pa s'ya sa akin.
"Good morning everyone.My name is Irene Macaspac and I will be your class adviser for the whole school year."pagpapakilala ni Ma'am Macaspac sa aming lahat.
As usual kapag first day ay wala munang lesson at puro rules and regulations ang mga binanggit sa amin ni Ma'am Macaspac.Dahil halos kilala na namin ang isa't isa at kilala na kami ni Ma'am Macaspac hindi na s'ya nagpa-introduce yourself.Kung meron,paniguradong may malakas na hangin na ang dumating dito sa classroom namin dahil sa hangin na dala ni Super Duper Typhoon Geoffrey.
"Hindi muna papasok ngayon ang mga subject teachers n'yo.Pwede kayong maglibot sa school o kung anong gusto n'yong gawin."huling sinabi ni Ma'am Macaspac bago s'ya umalis.
"Oii,Geoffrey!Hindi ka lalabas?"tanong ko sa kanya dahil ang sarap ng upo ng mokong,akala mo ay nasa bahay s'ya.
"Baka kapag lumabas ako ay pagkaguluhan ako ng mga babae sa labas."mahangin na tugon n'ya habang winiwiggle n'ya ang kanyang kilay.
"Ang kapal ng mukha mo,mas makapal pa sa pader ng classroom namin."naging tugon ko sa kanya bago ako umirap.
"Atleast matalino ako."tugon naman n'ya at sinamaan ko s'ya ng tingin.
Hobby talaga n'ya ang pagtripan ako.Minsan nga ay napra-prank n'ya ako at ako naman si tanga ay laging nagpapakatanga kaya ang ending laging napapagtripan ng mahangin na mokong na 'to.
"Alam mo tatawag ako sa PAGASA mamaya at sasabihin ko na may bagyo akong laging kasama."
Natawa naman s'ya noon sumimangot ako.Inakbayan n'ya ako sabay gulo sa buhok,gagi talaga.Kailangan talagang guluhin pa ang buhok.
"Ang hirap ayusin ng buhok ko tapos guguluhin mo lang.Napaka-ano mo talaga kaya ka walang girlfriend eh."
Agad naman akong tumakbo palabas sa classroom at hinabol naman n'ya ako.Pinagtitingnan ako...kami ng mga tao kasi mukha kaming baboy na nakawala sa kulungan.Tawa ako ng tawa dahil kapag sinabi ko na wala s'yang girlfriend ay nagagalit s'ya.Hindi naman n'ya ako mainis na wala akong boyfriend dahil wala akong balak na mag-boyfriend.Mas gusto ko munang magtapos ng pag-aaral bago mag-boyfriend.
Nabigla ako noon may nakabangga ako at napahawak ako sa noo ko dahil ang lakas ng impact.Ang tigas ng dibdib ng lalaking nakabangga ko.
"Sorry..."paghingi ko ng patawad at pinulot ko isa-isa ang mga gamit n'ya na nahulog dahil sa pagkabangga ko sa kanya.
Noon inangat ko ang ulo ko ay isang pares ng kulay tsokolateng mga mata ang sumalubong sa akin.Isang lalaki na maputi at mukhang isnabero dahil ang seryoso ng reaksyon n'ya sa kanyang mukha.Makapal ang kanyang kilay,matangos ang kanyang ilong.Manipis ang kanyang labi na kulay pula.
"Eto na pala ang mga gamit mo.Pasensya na kung nabangga kita."sabi ko sa kanya sabay bigay sa kanyang gamit
Kinuha naman n'ya ang mga gamit n'ya at nabigla ako noon hinaplos n'ya ang noo ko.Medyo masakit dahil ang tigas ng dibdib n'ya.Nag-g-gym siguro s'ya at maganda siguro ang kanyang katawan.
"Mag-iingat ka."huling sinabi n'ya sa akin bago ako iwan habang pinapanood ko s'yang lumayo mula sa akin.
Ang bait naman kahit mukhang isnabero.Sino kaya 'yon?Sayang hindi ko man lang kinuha ang pangalan para maging kaibigan ko kahit papaano.
"Hindi mo pupuntahan ang Ate mo?"tanong ni Geoffrey na kumakain ng salad.
Ang arte ng mokong dahil ayaw kumain ng kanin kapag tanghali.Gusto n'ya daw kasi panatilihin na maganda ang katawan n'ya eh ang payat lang naman n'ya.Dahil sa kahanginan n'ya ay walang kalaman-laman ang kanyang katawan.
"Hindi na lang.Famous na tao si Ate Carlie at ayaw ko naman na kung ano-ano ang sabihin sa kanya kapag nilapitan ko s'ya.Masaya ako na makita ko s'yang masaya.Ngayon lang s'ya naging masaya ulit at unti-unti na n'yang natutupad ang pangarap n'ya."paliwanag ko habang nakatingin sa pwesto nila Ate Carlie.
Kasama n'ya ang mga kaibigan n'ya at masaya silang kumakain habang may kaunting kwentuhan.Maraming nagkakagusto at gustong maging kaibigan si Ate Carlie dahil mabait ito at friendly.Hindi ka n'ya hihilain pababa kapag mababa ang confidence mo.Bibigyan ka pa n'ya ng confidence katulad ng ginawa n'ya sa akin kapag bumababa ang confidence ko dahil sa mga naririnig kong hindi magagandang opinyon.
"'Wag kang mag-alala,mahihigitan mo ang Ate Carlie mo.'Wag ka lang mawalan ng pag-asa dahil alam ko na matutupad mo 'yang pangarap mo."pagpapalakas ng loob ni Geoffrey.
Mahangin na tao si Geoffrey pero parang kapatid ko na s'yang ituring dahil kapag malungkot ako ay pinapalakas n'ya ang loob ko para hindi ako sumuko.
Ang pagkakaiba namin ni Ate Carlie ay mayroon s'yang maraming kaibigan na naniniwala sa kanya at unting-unti ng may nakakaalam at nakakakita ng kagalingan n'ya sa photography.Samantala ako,nasa failure stage pa rin ako at hindi ko pa talaga kayang maging katulad ni Ate Carlie.Alam ko naman na kahit dalawa lamang ang kaibigan ko ay alam kong naniniwala sila sa akin.
Ang pagkakaiba ay laging nagdudulot ng inggit at selos.Ang bawat galaw mo ay hindi nila nakikita pero ang bawat alam nila tungkol sa'yo kahit walang katotohanan ay tanging narinig lamang nila.Sa mundong ito,kung ano ang narinig nila 'yun ang paniniwalaan nila dahil sa pagkakaiba ng bawat isa.

Book Comment (21)

  • avatar
    Ellen Dela Cruz

    nice a story great a new story for new supporters

    23/12/2024

      0
  • avatar
    Jm Balmoria

    eh eh eh am DM DM seen

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Mae Osorio

    so unique

    31/07/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters