Prologue Hindi ko inakala na makakaya ko kung anong nangyari sa buhay ko.Akala ko noong una ay nanaginip ako pero hindi pala.Akala noong una ay hindi ko kakayanin pero kakayanin ko pala.Akala ko noong una ay hanggang puro salita na lang ako at walang gawa. Pero hanggang akala ko lang 'yun.Dahil ang makita ang sarili ko bilang isang tao na hindi ko inaakala sa kasalukuyan.Isang tao na mahina sa nakaraan n'ya pero ngayon ay nagbago na.Isang tao na hindi nila inaakala.Isang tao na dahil sa sikap at tiyaga ay natupad n'ya ang mga bagay na gusto n'yang tuparin. Sa mundo kung saan ako nabuhay ay ang mundong puro paghihirap at sakit ang dinadanas ng iba dahil sa mga taong malaki ang expectation sa isang tao.Dahil sa mga taong tanging magagaling lang ang mga nasa mga mata nila.Marami na rin ang sumuko sa gitna ng kanilang laban dahil hindi na nila kaya.Hindi nila kaya kung paano sila tratuhin...tratuhin na parang hindi sila karapat-dapat na nasa mundong ibabaw. "Lagi ka na lang mabagal,Callie."reklamo sa akin ni Geoffrey. "Hayaan mo na,Geoffrey.Dapat laging huli ang bida."sabat naman ni Gab sabay akbay kay Geoffrey. "Bida?So,kontrabida tayo?"nakataas ang kilay ni Hershey habang nagtatanong kay Gab na awtomatikong sumimangot. "Si Rizelle lang ang kontrabida."natatawang sabi ni Cecilia sabay nag-peace sign kay Rizelle na sobrang sama ng tingin kay Cecilia. "Halika ka na nga kayo lalo ka na,Callie.Hinihintay ka na ng makakasama mo habang buhay."aya ni Hershey habang nakangiti. "Oo na...susunod na lang ako.Mauna na kayo."sagot ko sa kanya at nag-okay sign s'ya. "Basta 'wag kang malelate...kailangan nandoon ka.You're the star of the day...hahaha." Hindi ko akalain na makakatagpo ako ng mga taong makakaintindi at parehas rin ang nararanasan sa mundong ito.Hindi ko akalain na sila ang magiging dahilan kung bakit nakaya ko ang lahat.Hindi ko akalain na ang pagkakaibigan namin ay magbubunga ng isang bunga na mapait man tingnan pero matamis ang lasa ng bunga nito. Ang daan na tinahak namin patungo sa pangarap namin ay hindi naging madali.Pero napakaganda ng naging paglalakbay namin bilang mga kabataan na naging magkakaibigan.Hindi man kami isang perpektong tao pero kapag magkakasama kami ay wala kaming pakialam dahil kahit kailan ay hindi namin hinusgahan ang isa't isa. Welcome!Sa mga pahina ng paglalakbay ko kasama ang mga kaibigan ko.Sa mga pahina ng naging buhay ko mula sa nakaraan ko.Ako si Callie De Dios,ang babaeng nangarap na maging isang sikat na photographer "Magiging katulad rin ako ni Ate Carlie."sabi ko kay Jojo at tumawa naman ito ng mahina. "Anong nakakatawa?"takang tanong ko sa kanya dahil hindi naman nakakatawa ang sinabi ko. "Sa tingin mo ba ay magiging katulad ka ni Carlie?Eh hindi mo nga alam kung paano humawak ng camera eh.Tapos blurred pa ang mga kuha mong litrato."sagot n'ya habang tumatawa. Napasimangot naman ako at inirapan ko s'ya.Lagi na lang s'yang gan'yan.Lagi na lang n'ya pinagtatawanan kapag sinasabi ko na gusto kong maging katulad ni Ate Carlie na ang galing kumuha ng mga litrato. "Ang sinasabi ko ay 'wag mong gayahin si Carlie.Maging ikaw ka kung sino ka.'Wag mo s'yang gayahin dahil kailanma'y hindi ka sasaya sa gusto mong gawin."paglilinaw n'ya pero kumunot naman ang noo ko. Bakit naman hindi ako sasaya kung dahil doon ay magiging proud sina Mama sa akin?Bakit naman hindi ako sasaya kung magiging katulad ko si Ate Carlie na kahit sa murang edad ay talented na?Magiging masaya ako kasi magiging katulad ko si Ate Carlie at sobrang idolo ko si Ate Carlie. "Saan ka na naman galing,Callie?!"mala-dragon na tanong ni Mama sa akin noon makarating ako sa bahay. "Nakipaglaro lang po kay Jojo."sagot ko kay Mama at napasimangot ako noon makita ang masama n'yang tingin. "Napakadungis mo na naman.Ay!S'ya,umakyat ka na sa kwarto mo at maligo.Bilisan mo lang maligo dahil kakain na tayo.Mag-pajama kang bata ka."utos ni Mama habang umaakyat ako sa kanya. Sumaludo naman ako at pabiro naman akong inambaan ng pagbato ng takip ng kaldero ni Mama kaya tawa ako ng tawa noon makaakyat ako.Napadaan ako sa kwarto ni Ate Carlie at nakitang nakasiwang ang kaunti ang pinto ng kwarto n'ya.Nakita ko na hawak n'ya ang isang kulay na itim na camera.Hindi ko nga alam ang tawag doon. "Callie,alam kong nand'yan ka.Pumasok ka na."sabi n'ya at napasimangot ako habang binubuksan ang pinto. Lagi na lang n'yang nararamdaman ang presenya ko.Samantala ako kahit kaunti ay hindi ko maramdaman na nand'yan s'ya sa paligid ko. "Ate Carlie,ano 'yan?"inosenteng tanong ko sa kanya. "Eto...DLSR camera.Ginagamit ito ng mga photographer."sagot n'ya habang nakangiti. "Hindi ba 'yan nangangagat?"tanong ko sa kanya dahilan para matawa s'ya. "Hindi naman kasi hayop o insekto 'yan.Camera 'yan at gamit.Hindi 'yan gumagalaw mag-isa."sagot n'ya habang natatawa ng bahagya. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil marami pa akong bagay na hindi alam.Kahit nga tungkol sa photography ay wala akong alam ang tanging alam ko lang ay kukuha ka lang ng litrato.At isa pa,gusto ko habang bata pa ako ay ma-enjoy ko ang buhay ko bilang bata.Makipaglaro sa mga kaedad ko para hindi ako mainip sa bahay. "Saan ka ba galing?Ang dungis mo na naman.Paniguradong napagalitan ka na kay Mama,'no?"puna n'ya noon makita n'ya ang itsura ko. "Nakipaglaro ako kay Jojo.Wala daw s'yang kalaro kaya ako ang isinama n'ya sa sapa."sagot ko kay Ate Carlie. "Pumunta ka sa sapa kasama si Jojo?"tanong n'ya at tumango naman ako. "Sa susunod ay 'wag kang pupunta doon at baka kung anong masamang mangyari sa'yo.Baka bigla kang malunod sa sapa.Hindi ka pa naman masyadong marunong lumangoy."sabi ni Ate Carlie at tumango ako. Nagpaalam na ako at agad akong pumasok sa kwarto ko at naligo na.Baka ay mapagalitan pa ako ni Mama kapag nakita n'yang hindi pa ako naligo. Naalimpungatan ako noon marinig ko ang tunog ng pinto ng kwarto ni Ate Carlie.Katabi ko lang ang kwarto ni Ate Carlie kaya maririnig ko ito.Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at noon makalabas ako sa kwarto ay nakita ko si Ate Carlie na dahan-dahan na bumaba sa hagdan. "Saan naman kaya pupunta si Ate Carlie ng ganitong oras?"takang tanong ko sa sarili ko. Agad naman ako bumaba sa hagdan noon marinig ko ang pagbukas n'ya ng gate.Nagmamadali akong lumabas sa bahay at sinarado ng dahan-dahan ang gate.Kailangan kong malaman kung saan pupunta si Ate Carlie.Dis-oras na ng gabi kung kaya't baka kung mapano pa si Ate Carlie. Nanlaki ang mga mata ko noon makita ko na nilapitan n'ya si Jojo na na mukhang inaabangan si Ate Carlie sa tapat ng isang saradong tindahan.Hindi ko ba alam kung babalik ba ako sa bahay o hindi.Tatawagin ko na sana si Ate Carlie pero huli na dahil nakasakay na sila sa isang pang-mayaman at magarbong kotse.Saan kaya sila pupunta?At bakit kailangan pasikreto pa? Isang linggo na simula noon mangyari 'yon.Hindi ko nga alam kung sasabihin ko ba kay Mama't Papa.Hindi ko rin maitanong kay Ate Carlie at baka magalit s'ya sa akin.Bumabagabag pa rin sa akin kung anong mayroon kina Ate Carlie at Jojo.Alam ko na magkasing-edad lang sila pero ang hindi ko maintindihan kung bakit kailangan patago sila magkita at sa dis-oras pa ng gabi.Kada dis-oras ng gabi ay nagkikita sila at nakikita ko sa bintana ng kwarto ko na umaalis si Ate Carlie. "Anong mayroon sa inyo ni Ate Carlie,Jojo?"seryosong tanong ko sa kanya at napatigil naman s'ya sa paglalakad. "Ano bang ibig mong sabihin?Magkaibigan lang kami ni Carlie."sagot n'ya habang natatawa. Napatigil s'ya sa pagtawa noon mapansin n'ya na seryoso ang reaksyon na nakapinta sa aking mukha.Ayaw kong awayin s'ya pero kailangan kong malalaman kung bakit kailangan nilang patago kung makita. "Nakita ko kayo ni Ate Carlie na nagkita ng dis-oras ng gabi at sumakay sa isang pang-mayaman at magarbong kotse.Saan kayo pumupunta ni Ate Carlie at bakit kailangan patago pa?"tanong ko sa kanya. "Callie..."mahinahon na tawag n'ya sa akin. "Alam mo naman siguro na gusto kong maging si Ate Carlie,'di ba?Alam mo naman siguro na gusto kita higit pa sa kaibigan,'di ba?" Namumuo ang luha sa gilid ng aking mga mata at unting-unti ng nanlalabo ang aking paningin.Pinunasan ko na ang mga luha na nasa aking mata para hindi na ito umagos palabas ng aking mga mata.Alam ko na bata pa lang kami pero gusto ko na talaga s'ya higit pa sa kaibigan. "Callie,puppy love lang ang nararamdaman mo sa akin.Iba 'yung kay Carlie...talagang matured na ang nararamdaman n'ya para sa akin.Hindi na isip bata si Carlie kahit na siyam na taon gulang na s'ya.Ganoon rin ako,Callie."sagot n'ya sa akin. Puppy love?Sabagay,tama naman s'ya eh.Bata pa ako.Bakit seseryosohin ni Jojo ang nararamdaman ko kung isang hamak na pitong taon gulang na babae lamang ako? "Pwede bang 'wag mong sabihin kina Tita ang tungkol sa pagkikita namin ni Carlie kada dis-oras ng gabi?"pakiusap n'ya at hindi ko naman s'ya tiningnan at patuloy na nagbabato ng maliit na bato sa sapa. "Hindi ko maipapangako na hindi ko sasabihin kina Mama.Lalo na kung mahuhuli si Ate Carlie."naging sagot ko sa kanya at kahit hindi ko s'ya tingnan ay paniguradong nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Oh,Jojo...kamusta ka na?"bungad na tanong ni Mama kay Jojo na kasama ni Ate Carlie. "Ayos lang po,Tita."sagot n'ya at sumulyap sa akin pero iniwasan ko ang tingin n'ya. Hindi na ako nakikipaglaro sa kanya dahil kailangan kong mag-aral ng mabuti para man lang na hindi ako masabihan ni Mama na bobo ako.Kailangan nasa top ako katulad ni Ate Carlie.Naiintindihan ko na dinidisiplina lang nila ako para maging maayos ang future ko.Para makapagawa ako ng malaking bahay para kina Mama't Papa. "Tita,hindi n'yo na po ba pinapayagan si Callie na lumabas ng bahay?"tanong ni Jojo kay Mama na kakagaling lang sa kusina na may dalang meryenda. "Hindi na kasi pwede,hijo.Kailangan n'yang magseryoso sa pag-aaral habang bata pa s'ya para hindi s'ya tamarin at mawalan ng gana sa pag-aaral.Alam mo naman na hindi s'ya kasing-talino ng Ate n'ya kaya kailangan talagang magsikap para maintindihan n'ya ang mga topic ng bawat subjects."paliwanag ni Mama bago ako inabutan ng isang baso ng mango juice at isang tinapay na may palaman na peanut butter. "S'ya nga pala,Callie...nagawa mo na ba ang mga assignments mo?"tanong ni Mama sa akin. "Opo,kanina ko pa po ginawa noon nakauwi na po ako sa bahay."sagot ko habang ang paningin ko ay nasa screen ng T.V. "Mabuti naman.Maiwan ko muna kayong dalawa d'yan."sabi ni Mama bago umalis at bumalik sa kusina. Naging tahimik ang paligid naman at tanging ang sound lang ng T.V ang maririnig mo.Hindi ko s'ya kakausapin dahil mas mabuti ng umiwas para walang gulo at panunumbat ang mangyari sa pagitan namin.Napakabata ko pa para mainlove at siguro nga ay puppy love lang ito.At hindi ko naman ito papalaahin lalo na alam kong may gusto s'ya kay Ate Carlie. Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng boses ni Mama na nagmumula sa sala.Tamad akong tumayo at kinukusot ko pa ang mga mata ko.Bababa na sana ako sa hagdan ng marinig ko ang pinag-uusapan ni Mama't Papa pati na rin ni Tita Joshie na Mama ni Jojo. "Wala rin si Jojo sa bahay.Nahuhuli ko s'yang lumalabas ng dis-oras ng gabi pero ang akala ko ay namamalik-mata lamang ako pero hindi pala."sabi ni Tita Joshie. "So...sinasabi mo na magkasama sila ni Carlie?Aba...baka may relasyon na 'yung dalawa na 'yon at hindi pa natin alam.Hindi pa sila pwedeng magkaroon ng relasyon lalo't bata pa lamang sila."aniya Mama. Mukhang nahuli na sila pero hindi ibig sabihin no'n ay sasabihin ko ang totoo kina Mama.Ayaw kong masira ang kaligayahan ni Ate Carlie kahit pa may gusto ako kay Jojo. Noon maramdaman ko na paakyat si Mama sa hagdan ay agad akong bumalik sa kwarto ko at nagkunwari na tulog.Paniguradong tatanungin nila ako kung may alam ako tungkol kina Ate Carlie at Jojo.Pero hindi ako magsusumbong,ayaw kong magalit sa akin si Ate Carlie. "Callie..gising!"sabi ni Mama habang niyuyugyog ang katawan ko. "Bakit po?"kunwaring tanong ko sa kanya. "Alam mo ba kung saan pumupunta ang Ate mo at si Jojo ng ganitong oras?"tanong agad ni Mama sa akin. "Po?Lumalabas po si Ate Carlie ng ganitong oras?Hindi ko po alam.Lagi na po kasi masarap ang tulog ko ng ganitong oras kaya hindi ko po alam kung saan sila pumupunta.Ni hindi ko nga alam na lumalabas sila ng ganitong oras."pagsisinungaling ko at ingat na ingat ako sa paggamit ng salita at baka mahuli na ako. "Oh...sige.Aalis lang kami ng Papa mo at ni Joshie para hanapin sila.'Wag ka munang matulog at hintayin mo kaming makabalik baka manakawan tayo."paalam ni Mama sa akin. Pinanood ko sila na umalis at agad akong pumunta sa kwarto ni Ate Carlie.Nagbabakasali kasi ako na iniwan ni Ate Carlie ang kanyang cellphone para mabalaan ko sila.Noon nakita ko ang cellphone ni Ate Carlie ay agad kong hinanap ang pangalan ni Jojo sa contact list.Mabuti na lang at iniwan ni Ate Carlie ang cellphone n'ya kapag umaalis s'ya ng ganitong oras. "Hello,Jojo.Umuwi na kayo dahil nahuli na kayo nila Mama.Umuwi na kayo agad habang hindi pa sila umuuwi."sabi ko agad noon sinagot ni Jojo ang tawag. ["C-callie...tulungan mo kami.Nandito kami sa isang mall sa isang siyudad.Hindi ko alam kung saan siyudad pero t-tulungan mo kami.T-tumawag ka ng p-pulis...please,Callie.Ayaw ko pang mamamatay."]pakiusap ni Ate Carlie sa kabilang linya. Binaba ko ang tawag at nanginginig ang kamay ko.Nabitawan ko ang cellphone ni Ate Carlie at agad akong napaupo sa sahig at tinakpan ko ang dalawang tainga ko.Nanginginig ang buong katawan ko at hindi ko magawang kumilos.Hindi rin ako makahinga ng maayos at hinahabol ko ang hininga ko.Bago ko pa man mapulot ang cellphone ni Ate Carlie ay nawalan na ako ng malay.Patawad,Ate Carlie...hindi kita matutulungan ngayon.Patawad. Pinunasan ko ang mga luha ko sa na umagos sa aking mga mata.Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa palubog na araw.Simula noon araw na 'yon ay nagbago lahat.Ang pagtrato sa akin ng mga magulang ko ay nagbago.At doon nagsimula magbago ang nakasanayan ko dati na hindi ko inakala na kakayanin ko.
nice a story great a new story for new supporters
23/12/2024
0eh eh eh am DM DM seen
01/11/2024
0so unique
31/07/2024
0View All