logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5: Let's Go Out

LARISSA
The sky was ablaze with the fire of the setting sun. I could still hear the distant screaming of my twin brother as he continued to watch a horror movie I wouldn't dare watch.
Isinara ko ang pinto sa likod ko at isinalampak ang sarili sa kama. It had been an exhausting day.
"Tang—SI SADAKO NASA LIKOD! ALIS DIYAN! AHHH!" rinig kong pag-alingawngaw ng sigaw ni Luther sa mga karakter ng pelikula. Napailing lamang ako habang palihim siyang tinatawanan.
Para kasing abnormal. Heh.
Mula sa bedside table, kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ang oras. 6:10 P.M. Kauuwi lang namin galing sa evening classes namin sa university at itong si Luther, nanood kaagad ng horror movie pagpasok ng apartment. He was tasked to cook our dinner tonight, but it seems like he doesn't plan on starting any sooner.
I unlocked my phone and the first thing that greeted me was my calendar. May countdown ito mula sa araw na ito hanggang sa susunod na taon.
That's right. Binibilang ko na ang mga araw ko at alam kong nauubusan na ako ng oras. Hindi ko nga alam kung matutupad pa ang hiling ko kina Mommy. I feel like my step dad is about to convince my mother to make me drop out of law school.
And, Arren Rafaello seems hesitant as well. Nakakairita nga't hindi ko pa nahingi ang cellphone number niya kanina. Earlier, he said 'he'll keep in touch'. Just how the hell will he be able to contact me if he doesn't have my number?
As if on cue, my cellphone suddenly rang. Nabitawan ko ito at nahulog pa ang cellphone ko sa mukha ko. "Aray! Tch, sino ba 'to—huh?"
My forehead creased upon seeing an unknown caller I.D. on my phone screen. Sino naman kaya ang isang ito?
Hindi ko nakasanayang sumagot ng mga tawag mula sa mga unregistered phone numbers, ngunit sinagot ko ang isang ito dahil na rin sa kuryosidad. Baka kasi importante, 'di ba?
"Hello? Sino po sila?" tanong ko agad nang sagutin ko ang tawag.
"Hey, it's me, Rafael. Are you free tomorrow after class? Let's… go out and talk," sagot naman ng isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Hindi pa rin nagbabago ang tono ng boses niya, parang dati lang.
Bahagyang umawang ang bibig ko at hindi ako agad nakasagot. It feels like he's asking me out on a date, but at the same time, it's not something like that. Ano ba dapat isagot ko rito sa tanong niya?
Paano niya nakuha ang number ko? Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman ibinigay sa kaniya iyon kanina noong nag-usap kami. Did he use some kind of black magic or something?
Ewan, pakiramdam ko parang nababaliw na yata ako sa mga nangyayari.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya. Umupo ako ng maayos at isinandal ko ang likod ko sa headboard ng kama ko.
"About your request—no, I meant, your order earlier at the gymnasium," he started. Ah, right, I didn't ask him for help. I ordered him to help me. "I'd like to help you with that. I hope I'm not too late."
Nanlaki ang mga mata ko at inilayo ko ang cellphone ko mula sa aking tainga para titigan ito. Tama ba itong naririnig ko? Bakit parang ang bilis naman niyang mapagdesisyunan ito? Hinahamon pa nga lang niya ako kanina. Ano kayang nangyari rito kay Rafael?
Muli kong itinapat ang cellphone sa aking tainga. "You just needed a couple of hours to decide on that?"
Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya. "I know it sounds ridiculous. Trust me, it's kind of humiliating me right now in front of a friend. But, Luther came to me two weeks ago, then you also approached me for this, so I knew that this might be something important for you."
"Importante nga ito sa akin. Sobra," saad ko saka tumawa ng marahan. "Salamat, Rafael."
Hindi ito kaagad na nakasagot at tanging ang tahimik niyang paghinga ang naririnig ko. It feels so awkward!
"Sure, no problem," he answered after a few moments. "I'll ask someone to come to pick you up. See you tomorrow."
"I'll see you tom—" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at binabaan na lamang ako ng tawag.
Kunot noo kong tiningnan ang caller I.D. ni Rafael. Grabe na siya, ha! Sinaraduhan na nga ako ng pinto noon, pinatayan pa ako ng tawag ngayon. Hmph!
Akmang bibitawan ko na ang cellphone ko para ayain si Luther na kumain na lamang sa labas, pero nag-vibrate ito kaya napatingin muli ako sa screen nito. It's a text from Rafael.
[Hey, I forgot to ask. This is your number, right?]
Napataas ng kaunti ang isang kilay ko habang binabasa ko ng paulit-ulit ang mensaheng ipinadala ni Rafael. Agad akong nagkapa ng sagot sa aking keyboard.
[Yeah.]
Wala pang ilang segundo ay nag-reply na kaagad ito. 'Edi, sana all mabilis mag-reply.
[Okay, thanks. I'll save your number in my contacts. I hope you don't mind.]
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako sa reply niya. Muli akong naupo sa gilid ng kama ko habang nakatitig pa rin sa screen ng cellphone ko at napatakip ng bibig para pigilan ang mapangahas kong ngiti.
Why do I feel so happy about a guy—and of all people, it's 'him'—saving my contact information on his phone? Just, why?
"Ang saya mo naman," ani isang pigura na nakasandal sa door frame ng kuwarto ko. Halos takasan ako ng bait nang may biglang magsalita. Humalakhak pa ito ng malakas kaya nalaman ko na agad kung sinong bwisit ang biglang nagsalita. "Nagulat ka, ano?"
"Alam mo, bwisit ka!" sabi ko at binatuhan ng unan ang kakambal kong hanggang ngayon ay nakangiti ng nakakaasar.
Sinambot nito ang ibinato kong unan. "Alam mo, marupok ka!" pag-uulit nito saka ibinato pabalik sa akin ang unan na tumama sa mukha ko. Sinamaan ko si Luther ng tingin, pero tinawanan niya lamang ako.
"Kahit kailan talaga, napakatsismoso mo. Gumagaya ka na kay Aylaine, ha. Gaano katagal kang nakatayo riyan?" tanong ko saka pinulot ang unang tumama sa mukha ko.
Ipinagkrus niya ang mga kamay niya at mas lumawak ang ngiti niya. "Ever since the moment your cellphone dropped on your face."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong kanina pa pala siyang nakatayo roon sa door frame at pinapanood akong makipag-usap sa kaibigan niya. Nakakahiyang nakita niya ang pagsimangot ko at ang biglaang pagngiti ko!
"Okay, look, kung ano man 'yong narinig mo at nakita kanina, kalimutan mo na iyon. Wala, as in WALA, kang narinig o nakita, okay?" madiin kong saad na ikinataas ng kilay ng kakambal ko. Ah, no, please don't ask!
"May hindi ba dapat akong marinig?" he asked. "Maybe something like his invitation to, I don't know, a date perhaps?"
Napatayo ako sa sinabi niya. "We both know what he meant, Luther!"
Itinaas niya ang kaniyang mga kamay na animo'y sumusuko sa pulis. "Alright, I know, chill. No need to get flustered, my dear twin sister."
"I am not flustered!" I exclaimed, puffing out my cheeks. Tinawanan lamang ako ni Luther at lumapit sa akin para itulak ako palabas ng kuwarto ko. I looked at him with my forehead creased. "Saan tayo pupunta?"
"Kalma, kakain lang tayo sa labas. Wala akong puwedeng lutuin diyan. Unless you want to fast forward the time and attend your date with him right now?" pang-aasar niya sa akin dahilan para masiko ko siya sa tagiliran. Huminto ito sa paglalakad para umiwas sa pagsiko ko.
"Luther naman, e!" I complained which he just laughed at.
____
Kinabukasan, mas lalong hindi ako nakapag-focus sa mga klase namin dahil—excited ako? Yeah, that's the right word. Kung ilang beses na akong napapasinghap ay hindi ko na mabilang. Sinisilip ko ang relo ko sa bawat segundong lumilipas.
Why am I so excited to begin with? It's because of last night.
"Nakikinig ka kahapon ng maayos sa klase na aakalain mo talagang isa kang huwarang estudyante, tapos ngayon, uwing-uwi ka na? Bawat minuto na lang, tinatanong mo kung anong oras na. 'Yong totoo, Larissa Yvette Liac. Anong mayroon? May tsismis ba akong hindi nasagap kaninang umaga?” tanong kaagad ni Aylaine nang makalabas na si Professor Lucas mula sa classroom namin.
Tumingin muna ako saglit sa relo ni Luther saka sumagot, “Wala naman. Kasalanan na bang gustuhin kong umuwi na?”
“Anong wala? Nako, halata kayang may itinatago ka sa amin! Spill it!” pagpupumilit ni Aylaine saka humarap naman sa kakambal kong nananahimik sa tabi ko. “Ikaw, may alam ka ba kung bakit nagkakaganito ang kakambal mo?”
He just shrugged. “Maybe yes, maybe not.”
“Wow, that’s so helpful,” umiirap na komento ni Aylaine.
“I told you, wala nga—” naputol na lamang ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang alarm sa cellphone ko, hudyat na tapos na ang mga klase ko para sa araw na iyon.
And finally, it was time for me to meet him.
Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at kusa na lamang akong napangiti nang maalala ko iyon. Nag-ayos na rin ng gamit si Luther na ipinagtaka naman ng dalawa naming kasama. Sa pagkakaalam ko kasi ay pupunta pa raw siya sa mansiyon ng step father namin dahil tinawag siya bigla ni ate Vanessa, ang step sister namin. Hindi ko nga lang alam kung bakit siya pinatawag doon.
Nang matapos ko na ang pag-aayos ay agad akong umalis ng classroom. Sa sobrang pagkasabik ay halos mahulog pa ako sa hagdan nang bumungad sa akin ang isang pamilyar na mukha. Isang mukhang hindi ko inaasahang makikita ko rito.
Ang ngiti ko kanina ay napalitan ng pagkabigla. Nakahawak ito sa metal railings ng hagdan at nakasandal pa sa pader na animo’y may hinihintay talaga. May suot-suot itong itim na salamin, puting face mask, at puting polo na pinaresan ng itim na pantalon. Hindi katulad ng karaniwan niyang itsura sa mga litrato, bagsak ang buhok nito habang bahagyang natatakluban ang kaniyang kaliwang mata ng kaniyang bangs. Compared to the last time I saw him personally, he grew up a few inches taller than me.
Standing there was my younger brother, the third sibling, Luke Yoseff Liac.
“Good afternoon, Ate Larissa,” his deep voice started. “It’s been a while.”
“Oh my gosh, you grew up so fast,” I reacted. Napatakip ako ng bibig nang umangat ang cheekbones niya, senyales na ngumingiti ito. Siyempre, hindi ko kita iyon, naka-face mask siya, e. “Hindi ka ba busy ngayon sa shoot mo?”
Before Luke could even answer my question, someone gasped exaggeratedly behind me. Kaunti na lang siguro ay mahihigop na niya ang buong mundo sa ginawa niyang pagsingap. Sabay kaming nagawi ang tingin sa pinanggalingan niyon at namataan ang tatlo kong kasama kani-kanina lang. Pare-parehas nanlaki ang mga mata nina Emeraude at itong si Aylaine, nakatakip ang kaniyang mga palad sa bibig niya habang si Luther naman ay napahigpit ang kapit sa strap ng bag niya. It felt so awkward just staring at them, so Luke decided to break the ice.
“Hello po,” he waved at them. “Susunduin ko lang sana—”
Hindi na pinatapos ni Aylaine magsalita ang nakababata kong kapatid at bigla niya na lamang ito niyakap. Mabuti na lamang at hindi na nakatayo si Luke sa hagdan, kundi parehas pa silang mababalian ng buto kapag nagkataon. Hindi sanay ang kapatid ko sa ganito kaya nagulat pa siya bago niya naisipang yakapin pabalik si Aylaine.
“Luke, I missed you! Kumusta ka na? How about your modeling career?” sunod-sunod na tanong ni Aylaine sa kapatid kong naiilang na sa kaniya dahil hanggang ngayon ay magkayakap pa rin sila.
I heard Luther sigh. “Bitawan mo muna si Luke, Aylaine. Alam mo namang mabilis iyang mailang sa mga babae.”
Aylaine gasped once again and finally let go of my younger brother. “Hala, oo nga pala! I’m sorry.”
“Okay lang iyon, Ate Aylaine. Sanay naman na ako sa ‘yo,” natatawang saad ni Luke habang marahang hinahaplos ang kaniyang batok. Akmang yayakapin na muli siya ni Aylaine, napigilan ko naman kaagad ito.
“Tama na, Aylaine. Ikaw ba ‘yong kapatid, ha? Kung makayakap ka naman,” pigil ko sa kaibigan kong inirapan lang ako saka lumayo kay Luke. I get that she misses my brother after so many years, but this place is a law school. A public place.
And my brother’s a model, a famous one at that. Baka may makakilala sa kaniya at magawan pa siya ng tsismis. Him being here even risks the fact that multiple amounts of media are trailing behind him. There’s also that issue from last week.
“What are you doing here? Didn’t you say that you have a shooting at the MFC?” Luther interjects the conversation.
MFC stands for Masquerade Fashion Company, a company established by the Aphelion brothers for young models with potential and famous fashion designers. Na-scout si Luke roon isang taon na rin ang nakalipas para palaguin ang career niya bilang isang modelo. I don’t know how this is helpful right now, but I had the urge to explain what it is. Heh.
“Na-cancel ‘yong shooting ngayong araw. The chief director was pitching a fit after I was almost killed a week ago,” pabulong na sagot ni Luke saka bumuntong hininga. Nagkatinginan kami ni Luther habang nakataas ang kilay ko.
“That’s suspicious and weird. Why the hell would the chief director get mad over that matter concerning the employee he almost threw out of the company? He hated you, didn’t he?” Luther asked. We have the same thoughts in mind!
“Oh my. A donkey must have kicked his head, then,” I jested that made my brothers laugh. Hindi naman makakibo ang dalawang babaeng kasama namin dahil hindi ito maka-relate sa pinag-uusapan namin.
At dahil doon, naisipang ibahin ni Aylaine ang usapan. “So, why are you here, then?”
“Ah, about that! Nandito ako para sunduin sana si Ate Larissa,” sagot niya saka tiningnan ang relo niya. Nanlaki ang mga mata niya kaya napatingin din ako sa relo ni Luther. “And I do believe we’re late.”
“Late saan? Saan raw kayo pupunta?” usisa pa ni Aylaine. Siniko na siya ni Emeraude para senyasang manahimik, ngunit hindi pa rin ito nagpatalo at gusto talagang malaman kung bakit ako uwing-uwi na.
Luke laughed nervously. “It’s because Sir Rafael is meeting her this afternoon.”
“Should you really be saying that to them?” tanong ko saka napasinghap nang makita ang naging reaksyon ng dalawang babaeng kasama namin.
Parehas nanlaki ang mga mata at umawang pa ang bibig ni Aylaine. Nagawi ang tingin nilang lahat sa akin tila humihingi ng sagot.
At hindi nga ako nagkakamali. Kaagad na lumapit sa akin si Aylaine at niyugyog ang aking mga balikat.
“Si Rafael!? Ikaw ha! Sasabihin mong wala lang iyon, tapos ano ‘to, ha?” ani Aylaine na patuloy pa rin sa pagyugyog sa akin. Hinila na ako paalis ni Luther at Luke kaya naman hinabol pa kami Aylaine para makahingi ng sagot. Grabe, daig pa niya ang mga reporters, e. “Bumalik ka rito, Larissa! Tell me everything!”
Dali-dali akong pinapasok ni Luke sa kotseng magdadala sa amin sa kung saan man ang tagpuan namin ni Rafael. Though, I am curious as to why it was Luke who he sent to come pick me up, I just saved it for a conversation with the apathetic tutor of mine.
Naging awkward ang biyahe namin dahil na rin sa nangyari kanina. I know my brother, and it kind of feels like he’s hiding something from me. Kanina pa siya tingin ng tingin sa akin, e. He’d sometimes start a conversation, but it’ll end as soon as it started. Laking pasalamat ko na lamang at huminto na rin sa harap ng isang café ang kotseng sinasakyan namin.
“Ate, nandito na tayo. Pumasok ka na lang daw sa loob ng café at may staff na magdadala sa ‘yo sa table ni Sir Rafael,” huling sambit ni Luke bago isara ng driver ang pintuan ng kotse at humarurot paalis.
Nilingon ko ang nasabing café. Moonless Café. Ang cute naman.
Nagsimula na akong maglakad papunta sa loob dahil paniguradong kanina pa naghihintay si Rafael. We were indeed late because we got caught up in a conversation, plus the traffic we encountered on our way here. Pagpasok na pagpasok ko pa lamang ay may lumapit na kaagad sa aking staff at sinamahan ako sa isang table sa second floor na malapit sa malalaking glass panes. Kitang-kita roon ang magandang view ng buildings Taurus Street at isang park na hindi kalayuan sa café na ito.
At sa hindi rin kalayuang lamesa, isang matipunong pigura ang nakaupo habang umiinom ng kape ang naghihintay para sa akin. Mukhang inip na inip na ito base pa lamang sa kaniyang pagtitig sa akin. Para bang magwawala na ito ano mang segundo kapag inasar mo.
Puwede bang magpalamon na lang sa lupa?

Book Comment (7)

  • avatar
    Trisha Urbe

    Ganda

    31/08/2024

      0
  • avatar
    [G12 STEM 3P]CAPATAN HARVEY F.

    gkdtjstjsjrarjsrjztistidtisi stustusrjstsydjtztjxchxgkxykxykxyixyi

    27/01/2024

      0
  • avatar
    Chiope Rabong Gimar

    wow very nice

    14/12/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters