LARISSA “I finally found you!” mangiyak-ngiyak kong saad nang maaninag ang matipunong pigura ng isang lalaki sa loob ng volleyball gymnasium. Beat. It felt like it was the first heartbeat my heart has ever made. My eyes started to redden as tears fall like grace on my porcelain skin. Naging malabo ang paningin ko dahil sa luha ko at sa liwanag na bumungad sa akin, ngunit pakiramdam kong kumikinang ang lalaking nasa harap ko ngayon. Is he perhaps an angel? He was playing volleyball, all alone, and he was in a serving stance. Ang bolang pinalipad niya para sana mag-serve ay tumama sa kaniyang ulo nang lingunin niya ang pinto—ako sa gulat. “Ouch,” he said in a rather calm tone. Napahawak ito sa kaniyang ulo nang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa akin. Kumpara noong mga nakaraang linggo kung saan sinaraduhan niya ako ng pinto, bagsak ang buhok nito ngayon at basang-basa ng pawis ang kaniyang katawan. Mukhang stressed ito kanina, ngunit noong lingunin niya ako’y tila nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. His forehead was creased, highlighting his—should I say dull?—golden brown eyes and was asking what am I doing here. Nilapitan ko ito at tiningnan ang bahagi ng ulo niya na natamaan ng bola. Agad kong pinunasan ang luha ko gamit ang panyo ni Max para hindi makita ni Rafael na naiyak ako nang sa wakas ay nakilala ko na siya. Baka kung ano pa ang isipin niya. “Okay ka lang?” He just nodded and hummed as a response. Pinulot niya ang bola at nag-dribble muna saglit bago ito patamaan para paliparin sa kabilang panig ng volleyball net na naka-set up sa harap namin. Hindi umabot sa kabila ang bola dahilan para palihim akong matawa. Agad niya akong nilingon na para bang narinig niyang nagpipigil ako ng tawa. “Who are you?” he asked while still looking at me. Ah, I almost forgot how annoyingly monotone his voice is. I forced a small smile. Kumuha muli siya ng isa pang bola mula sa katabing basket at akmang hahampasin na ang bola nang magsalita ako. “Larissa. I’m Larissa Yvette Liac,” I introduced myself. Nakita ko ang biglang pagtigil ng kaniyang mga kamay. I swallowed the lump in my throat. I could feel my heart beating so fast. “I need your help.” “Oh? You’re Luther’s twin sister, right? Yeah, I know you,” sagot niya saka ibinalik ang bola sa basket. Naglakad siya papunta sa isa sa mga bleachers kung saan nakapatong ang bag niya. “What can I help you with?” Is it a normal thing for C.E.O.s to speak English every time they communicate? Nakaka-nosebleed na, a! “Turuan mo ako,” tugon ko, pero tinitigan niya lang ako. Halos tatlong minuto kaming nagtitigan doon at ramdam ko na ang pangangawit ng paa ko. Hindi ba siya nakakaintindi ng Tagalog? Kailangan ko ba siyang kausapin ng Ingles? Bakit ba kasi napaka-Inglesero naman ng isang ito? “I need you to tutor me,” I repeated. Bahagyang lumaki ang mga mata niya na tila hindi niya inaasahan ang kaniyang narinig, ngunit agad ding bumalik sa pagiging blanko ang kaniyang ekspresyon. Talk about speed. “I know, I heard it the first time. Bakit mo naman naisipang tutulungan kita?” Umupo ito sa bleachers habang nagpupunas ng kaniyang pawis. Halos malaglag ang panga ko nang marinig ko siyang magsalita sa Tagalog. Marunong naman pala siya! Bakit pa niya akong pinahihirapang magsalita rito sa wikang Ingles? This guy… he’s hella complicated! “I’m not asking, I’m ordering you to do it,” I firmly told him, but he just stared at me. Emotionlessly. Kung hindi ko lamang nakikita ng harap-harapan ang kaniyang mga mata, masasabi kong parang mangangain siya ng tao kung makatitig. He’s intimidating the wits out of me! Pero hindi ako magpapatalo, ano! This is a matter of life and death, in my condition at least. Hindi siya sumagot at napasinghap lamang. Lumingon siya para kunin ang water bottle niya at bago siya uminom doon ay tinapik niya ang espasyo sa tabi niya, kaliwang dako. Is he telling me to sit? He is, right? Dala na rin ng kagustuhang manigurado, itinuro ko pa ang sarili ko para ikumpirmang ako ang kausap niya habang lumingon-lingon sa paligid. Kami lamang ang tao sa loob ng Gymnasium 3B at kapansin-pansin ang laki ng nasabing gymnasium. Muli kong tiningnan si Rafael at tango lamang ang naging sagot niya sa akin. “Paano kung ayaw ko? May magagawa ka ba?” tanong niya saka uminom sa kaniyang bote. I knew he was going to say that. He declined my brother a few weeks ago saying that I should be the one to ask him for his help. Gosh, if he knew about my condition, would he still be able to refuse me like this? No, I shouldn’t tell him. Ayaw kong tutulungan niya ako dahil naaawa siya sa akin. I want him to help me out of his own will. “Hindi ko alam. Bakit, may gusto ka bang ipagawa sa akin? Just tell me. Gagawin ko,” sagot ko naman na nagpahinto sa kaniya tila nanigas ng ilang segundo. He unbelievably looked at me as if he was shocked to hear me say that. Anong bang nakakagulat doon? Siya ‘yong nanghahamon, tapos siya ‘tong magugulat? Something is definitely wrong with this guy’s thinking. He faked a cough. “Wala naman. Say, do you know how to play volleyball?” Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napahinto. I haven’t heard that question in ages. Matagal na akong tumigil sa paglalaro ng volleyball dahil sa nangyari noon. Tumigil ako at wala na akong planong bumalik sa paglalaro niyon sapagkat bubuksan nito ang sugat ng kahapon na pakiramdam ko’y sariwa pa. But, something’s wrong with me today. Nilingon ko si Rafael at nagtagpo ang mga mata namin. Bumilis muli ang tibok ng puso ko na tila nakikipag-karera sa isang batalyon ng mabibilis na kabayo. Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tainga. “Oo, marunong ako. Dati.” “Alam ko.” “Ano?” tanong ko nang bumulong siya sa hangin. “Wala. Ang sabi ko, maganda ka.” Then, he smirked. Ito ang pinakaunang beses na nakita ko siyang ngumiti, tipid nga lang. “Ha?” I looked at him baffled. “H-Huh?” Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang sinabi niya. Agad na namula ang mga tainga at pisngi ng binata, at umiwas ng tingin mula sa akin. Oh my gosh, did I hear that right? I did, right? Hindi naman ako niloloko ng tainga ko, ‘di ba? “You… called me beautiful,” I stated. “No, I did not. Don’t flatter yourself,” he argued. Wow, what a blatant lie. “I-I’m not saying you’re not beautiful. I mean, you are indeed pretty, but I did not say that out loud! Wait, I just did—argh! What the hell am I saying?” Tinitigan ko siya habang nagpupumilit siyang tumapos ng isang disenteng pangungusap nang hindi ito sinasalungat pagkaraan ng isang segundo. Nauutal pa ito habang nagpapaliwanag sa akin kung paano niya itanggi ang ginawa niya kanina. Sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan, natawa ako sa kaniya na nagpatigil ng ginagawa niyang pagpapaliwanag. Dumako ang mga mata niya sa akin at nakaramdam ako ng init sa mismong mga mata na minsang sumisigaw ng kawalan ng sigla. “You’re awkward,” I said in between my laughs, “and it’s cute.” “And now, you think I’m cute?” he quietly chuckled, a smile now painted on his lips. Muling bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa ngiti niya. He’s a guy, but how can he be so beautiful—I mean, handsome. Tama pa ba iyon? Na isipin kong maganda’t guwapo ang isang tao? Tumango ako. “I don’t think, I just know.” He once again faked a cough and averted his gaze somewhere else. Who knew that the apathetic guy can be this awkward when he gets embarrassed? “Nasaan na nga pala ulit tayo?” “Nasa gymnasium,” sagot ko dahilan para bumalik ang kawalan ng sigla ng mga mata niya. “I meant, where in our discussion—” “I know what you meant,” I cut him off. Napakamot ako sa kaliwang bahagi ng leeg ko at muli siyang tinapunan ng tingin. “Tutulungan mo ba ako o hindi?” “Woah, don’t be too impatient. Alright, Larissa, give me time to think about it,” he answered. Tumayo na siya at nagsimulang iligpit ang kaniyang mga gamit. Pinanood ko lamang siyang maglakad palayo hanggang sa mapagtanto kong paalis na siya. Teka, iyon na ‘yon? He’ll think about it? “That’s not a ‘no’, right?” I abruptly stood up which caught his attention. Nasa pinto na siya at hawak-hawak ang door handle. “I-I’m going to see you again, right? Tutulungan mo ako, ‘di ba?” Nagsimula na namang magbatis ang aking mga mata. Hindi puwedeng hanggang dito na lang iyon. Hindi ako puwedeng sumuko ngayon. Sa wakas, nahanap ko na siya at sa buong tanan ng buhay ko, pakiramdam ko’y nagkaroon na ako ng pag-asa. Naglaho na lahat ng pangarap ko noong sinabi ni Dr. Connor na may sakit ako, pero alam kong may pag-asa pa ako sa kahuli-hulihang hiling ko. At siya iyon. Si Rafael iyon. He’s my last chance at my dream, at everything. I saw how his fists clenched onto the strap of his bag. “I’ll keep in touch. Au revoir, Larissa.” And just like that, he left and closed the door on me again. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagsimula nang pumatak ang mga luha ko. Ang bigat sa dibdib kong matagal ko nang pinapasan ay tila nawala. Nakahinga ako ng maluwag habang patuloy ang paghagulgol ko. My body slid down until I was already hugging my knees. I never felt this relieved. Alam kong hindi pa siya pumapayag, pero hindi rin naman siya humihindi. May pag-asa pa. I'll… I'll do everything just to get him to say yes! ____ THIRD PERSON'S POV The sky burned a strong, orange glow as the sun set in the distance, dappling the roofs with uneven rectangles of light. A certain young man enjoys the soft evening breeze as his feet dangle freely from his bedroom window. Rafael always loved this scene. He has always loved sunsets. He never gets tired of it. Well, that is when he hopes not to fall from the roof near his bedroom. Sa mga oras na ito, nasa kompanya pa rin ang kapatid niya at abala sa mga proyekto nila. Nasa ibang bansa naman ang kaniyang mga magulang dahil may namatay daw silang kaibigan at kailangan nilang dumalo sa burol. He's alone at their mansion and he enjoyed it. 'Yong tipo na tahimik ang nasa paligid niya at walang gulo. Bilang panganay, nakita na niya ang lahat ng samang itinatago ng mga magulang niya mula sa mundo. He saw their true nature, hence the mess he had to deal with in his entire life. Now that he was alone, he couldn't help but feel a little bit relieved. All was peaceful around the Aphelion Mansion. Inside, however, the female friend of the young master was pitching a fit. "Rafael? Rafael! Nasaan ka? Pumunta ka nga rito!" sigaw ng isang boses na umalingawngaw sa bawat sulok ng mansiyon ng nasabing binata. Naudlot ang kaniyang pagkuyakoy at napasinghap si Rafael. Ibinalik niya sa loob ang kaniyang mga paa at mahinahong bumaba patungo sa salas kung saan nagwawala ang kaibigan niya. Pinalilibutan ang kaniyang kaibigan ng ilang mga maids at guards, ngunit hindi nila ito makaladkad paalis ng mansiyon dahil alam nilang isa ito sa mga kaibigan ni Rafael at paniguradong malilintikan sila rito kapag pinaalis nila ang dalaga. Nang makita ng babae si Rafael na bumababa sa hagdan, nakapamewang na ito at mukhang iritado na. "Could you pick up your pace? You walk like a bride in a bridal photoshoot," she insulted as she was greeted by a familiar nonchalant face of a certain bachelor. Nagpatuloy lamang si Rafael sa paglalakad na tila hindi narinig ang sinabi ng dalaga. "Why are you here, Drixielle? You're causing way too much ruckus at someone else's home," tugon niya sa pang-iinsulto ng babaeng kaibigan. Nilapitan siya ni Drixielle at sa hindi inaasahang pagkakataon, sinampal siya nito. Nagulantang ang mga staff na nakakita sa ginawa ni Drixielle kay Rafael. Ang iba ay namutla nang makita nila ang ekspresyon sa mukha ng kanilang amo at ang iba ay nais na lamang magpalamon sa lupa dahil sa takot sa kung ano man ang puwedeng gawin ng binata sa kaibigan. Nakakatakot magalit si Rafael at bawat isa sa kanila ay naranasan nang maparusahan ng binata. Alam nila ang kaya nitong gawin at iyon ang kinatatakutan nila. Nang mapagtanto ni Drixielle ang ginawa niya ay pinagsisihan niya kaagad iyon. Hindi naman niya planong sampalin si Rafael, ngunit hindi niya mapigilan ang sarili niya na hindi gawin iyon lalo na't naaalala niya ang ginawa ng kaibigan. Napaatras siya ng isang hakbang at binawi ang kamay niyang dumampi sa pisngi ni Rafael. "N-Nandito ako para sabihin sa 'yo na dapat pagbigyan mo na ang hiling ni Larissa. Kausapin mo na siya, parang-awa mo na." "And, why would I want to do that?" Umupo sa cream-colored sofa si Rafael at nanghingi ng cooling pack dahil namamaga ng kaunti ang pisngi niya. Napalakas masyado ang sampal ni Drixielle. His dull eyes turned deadly serious as if staring at someone could kill a person. "Don't you know the reason yourself? Araw-araw na lang siyang pumupunta sa classroom at madadatnang wala ka roon. Kung nandoon ka man, kailangan pa naming magsinungaling sa kaniya! Hindi na kaya ng konsensiya ko iyon, Rafael," paliwanag ni Drixielle at ikinuyom ang kaniyang kamao. Huminga ng malalim ang dalaga para pakalmahin ang sarili. "And…" His eyebrows arched at her sudden pause. "And?" "You like her don't you? Siya 'yong babaeng nakilala mo apat na taon na ang nakalipas," patuloy ni Drixielle na ikinagulat ni Rafael. Ang mga matang aakalain mong papatay ng tao ay biglang nanlambot sa sobrang hiya. Paanong hindi mahihiya si Rafael kung gayong narinig ng mga kasambahay na may natitipuhan pala siyang dalaga? Namula ang kaniyang tainga na agad ding napansin ni Drixielle. "I'm busy," he simply answered in an attempt to brush off the light flush in his face. Umiwas ito ng tingin dahil nakatitig sa kaniya ang lahat ng nandoon sa salas. Drixielle smirks to his gestures. "Busy, pero nakausap mo kanina? Nako, ha. Akala mo siguro hindi ko malalaman iyong pagpunta ni Larissa kanina sa gymnasium ng Taurus Street!" Mabilis na tinapunan ni Rafael ng tingin ang kaibigan, ang mga mata'y kapwa nagtatanong kung paano niya nalaman iyon. Marahang natawa si Drixielle at ipinagkrus ang kaniyang mga kamay. "Luther told me that Larissa returned from the gymnasium to her classes with red eyes. I just wonder who the hell told her you were there at the gymnasium," his female friend answered with a proud smile. Muling bumalik sa pagiging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Rafael. Ibinaba niya mula sa pisngi niya ang cooling pack at tinitigan si Drixielle na animo'y tumatagos sa kaniyang kaluluwa ang kaniyang mga mata. "Then, what was the slap for?" he coldly asked, which brought chills down the spine of every person inside the living room including Drixielle. "Uhm, it was for what you did for the past two weeks! You refused to see her, for goodness' sake. Do you even have any idea how much she's suffering right now?" Umupo na sa kaharap na sofa si Drixielle. Ipinagkrus nito ang kaniyang mga hita at nangalumbaba sa hawakan sa gilid ng sofa. His forehead creased. "What do you mean?" "Oh, so you don't know, then? Is that why you're still not accepting her request?" Drixielle asked once again. Lalong nairita ang binata. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" sumagot ito habang pinanatili ang kaniyang tono ng boses. "Gosh, relax, Rafael. I was just making sure," the young lady shrugged. "She's sick." Nanigas ang binata sa kaniyang kinauupuan. Madaming tanong ang kaagad na namuo sa kaniyang isipan maging ang pag-uusap nila kanina ni Larissa ay naalala niya saglit. Kaya ba hinihingi ng dalagang turuan niya ito kahit na matalino naman si Larissa ay dahil may sakit ito? Kaya ba parang desperada niya itong tinanong kung magkikita pa ba sila? "She's… sick? Anong sakit niya?" agad na tanong ng binata. Sa pagkakataong ito, si Drixielle naman ang nanigas bago ito ngumiti ng nakakaasar. "Are you asking because you're curious or because she's the lady of your dreams—" "Godd*amn it, Drixielle! Just answer the question!" For the first time in so long, he was frustrated. He showed emotions he never thought he would show. Gaya noong dinala niya sa ospital si Larissa ay hindi niya rin maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. Napapikit siya dahil sa panlulumo. Para siyang hihimatayin sa sobrang sikip ng dibdib niya. "Both. I am asking because of both reasons." Napawi ang ngiti ni Drixielle sa labi at napalitan ito ng seryosong ekspresyon ng mukha. Lumunok muna ito bago sagutin ang tanong ng kaharap. "Hindi ko pa alam kung anong sakit niya. Hindi niya nabanggit sa akin kanina, ngunit ang tanging alam ko lamang ay hindi raw iyon nagagamot at may isang taon, o dalawa, na lamang siya para mabuhay." Suddenly, Rafael felt a loud bang in his chest. To think that he even tried to hide from her. All because he was afraid to face her because of what he felt for her. Indeed, he was selfish. 'I'm the worst kind of person there is,' he said to himself, tears threatening to escape his eyes. Tinakpan niya ang mukha niya at napahilamos para hindi makita ng kahit na sino man ang mga mata niyang nagbabatis. Ayaw niyang ipakita sa iba ang mga emosyon niya, ngunit hindi niya rin mapigilan ang kaniyang nararamdaman dahil sa nalaman. Tanging si Larissa lamang ang kaisa-isang tao na pinangarap ni Rafael para sa kaniyang sarili, pero nagawa pa rin niyang saktan ito. Hindi niya lubos na kilala si Larissa, ngunit alam niyang mabuti itong tao. He knew she doesn't deserve any of this and he was too cruel with her. "Rafael, it's best if you help her. Huwag mong ipagkait sa kaniya ang 'huling hiling' niya para sa sarili niya. She told me earlier, she was dying and that was the reason why she never gave up on you," Drixielle whispered to his ears as if she doesn't want the others to hear. Kinagat ni Rafael ang kaniyang labi para pakalmahin ang sarili. "I can help her myself, but Hanz might kill me. Mas maganda kung ikaw ang tutulong sa kaniya dahil hindi ka rin naman puwedeng galawin ni Hanz. My hands are tied here—" "Drixielle," he suddenly called that made the young lady halt. "Y-Yes?" "Give me her contact information. I need to speak to her," he said. "Quick!" Ang kaninang nag-aalalang ekspresyon ni Drixielle ay naglaho nang sumigaw si Rafael. For some reason, she had the urge to smile. She knows Rafael acts tough in front of everyone, but only Larissa was able to make him vulnerable. "With pleasure, Mr. Aphelion," ngiti niya sa kaibigan at iniabot ang cellphone niya kung saan nakalagay ang contact information ni Larissa. Agad iyong kinuha ni Rafael. Mabilis niyang kinapa ang mga numero ng cellphone number ng dalaga at agad na pinindot ang "call" button ng walang pag-aalinlangan. Nakailang ring pa muna ito bago marinig ng binata ang pamilyar na boses ng binibining kaniyang natitipuhan. "Hello? Sino po sila?" Tumalikod ang binata mula sa mga kasama niya sa salas para itago ang ngiting gumuguhit sa kaniyang mga labi. Naglakad si Rafael papalapit ng bintana at sumilip mula roon para pagmasdan ang bilog na buwan. "Hey, it's me, Rafael. Are you free tomorrow after class?" panimula niya. Lumunok muna ang binata bago magpatuloy. "Let's go out and talk."
Ganda
31/08/2024
0gkdtjstjsjrarjsrjztistidtisi stustusrjstsydjtztjxchxgkxykxykxyixyi
27/01/2024
0wow very nice
14/12/2023
0View All