logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 31

Third Person.
"Masiyado na silang nagpaparamdam, mabuti nalang nalaman natin kaagad kung paano natin sila mapupuksa. Nabalitaan ko kay Alisis na inatake din sila sa Natharia Academia na siyang dapat nating mas bigyan ng atensiyon." Sabi ni Genesis habang nakatayo sa harapan ng mga kasamahan. Seryoso itong nakatingin sa bawat mata ng mga kasamahan nito.
"So far wala naman sa Westheria." Sabat ni Specter, napatango naman si Satanina.
"May umatake sa amin sa Eastheria, si Sarionaya ang puntirya nila kaya agad kaming gumawa ng aksiyon. Mabuti nalang kaagad naming natalo ang kupunan nila." Enzyme butt in, tarantang-taranta naman si Sarionaya na nakatingin sa mga kasamahan nito.
"A-Anong gagawin natin? They are after me and to my daughter!" Natatarantang sabi ni Sarionaya, agad naman siyang hinaplos ni Enzyme sa likuran at hinalikan sa noo nito.
"Calm down, we can surpass this chaos." Bulong nito sa asawa.
"Hindi lang naman kayo ang puntirya ng mga kalansay na 'yon, gano'n din ang anak ko." Turan naman ni Genesis.
"Kailangan na nating kumilos, nasa parte lang sila ng Avalon dahil sirado na ang lahat na mga pintuan. What we need is to make a plan how we can defeat the Executioners." Tumango ang lahat sa tinuran ni Olcor.
"Tama si Olcor, masiyado ng delikado ang panahon ngayon dahil mas malakas pa sila sa inaakala natin. Ngayong wala na ang mga responsibilidad natin, kailangan nating magpalakas at ingatan din ang mga bata na may kakayahang talunin ang mga Executioners na 'yan." Igneous said.
"Hindi lang ang inyong mga anak ang puntirya, sina Alfalla at Avzora din. They are the one who wiped out those big bones monsters." Athena butt in, napatango naman sina Cylechter at Senny dahil tama ang sinabi nito.
"Mukhang magkakasundo sila." Bulong ni Menesis.
"Meron akong alam kung paano mapupuksa ang Executioners pero dapat kailangan niyo munang magpalakas pa. May sikretong sandata ang mga Mahaharlika at alam kong malaking tulong iyon para sa inyo." Agad naman nagtaka ang lahat dahil sa biglaang pagsabat ni Thorna, nanghihina na ito at kaunting galaw niya lang ay napapapikit siya dahil sa kawalan ng lakas sa katawan.
"Ano 'yon Lola Thorna? Paano niyo nalaman ang bagay na 'yan? Paano niyo nakuha ang mga impormasiyon na 'yan?" Sunod-sunod na tanong ni Genesis na ikinangiti lang ng pilit ni Thorna.
"Dahil nakasabay ko sila namuhay dito noon, nakakasalamuha ko pa ang dating sila noon." Agad naman napasinghap ang mga kababaihan habang ang mga lalaki naman ay seryoso kang na nakikinig kay Thorna.
"Sila ay naging Executioners dahil sa sitwasiyon na sila ay nasaktan, o di kaya ay iniwan na malapit sa kanila na isang Diyos. Bawat Executioner ay may kani-kanilang kalapit na Diyos at Diyosa at ito din ang dahilan kung bakit sila nagkakaganito ngayon. They wanted revenge, masakit ang loob nila dahil sa mga Diyos at Diyosa na minahal nila pero may ginawang kung anong nagpasakit sa kanila kaya sila naging miyembro ng kadiliman at dahilan para kainin ng kadiliman ang mga puso nila. Only light can drive out the darkness within them." Nakikinig lang ang lahat at walang ni sino man ang gustong magsalita.
"Siyempre may nakakataas sila, siya ang nagbibigay ng kapangyarihan. Ang kauna-unahang nasaktan dahil sa Diyos at Diyosa na 'yan. Siya ang dahilan kung bakit dumami ang kanilang mga lahi sa mundong 'to."
"Kilala niyo po ba siya?" Tanong kaagad ni Menesis.
"Hmm, hindi ako palangiti noon at wala akong pakialam sa mga nasa paligid ko. Alam ko lang na nakakasalamuha ko sila pero hindi ko sila kinilala. I'm busy with studies and how to strengthen my power that time kaya wala akong oras para bigyan pa ng oras ang mga mamamayan na walang kinalaman sa gusto kong makuha sa buhay." Agad namang tumango ang lahat, akala nila makakakuha sila ng impormasiyon galing dito pero agad naman silang nabigo. Pero na alam nilang liwanag ang makakatalo sa katulad nila.
Napatingin si Thorna kay Cylechter na ngayo'y seryosong nakatingin sa kawalan na parang ang lalim-lalim nito kung mag-isip.
"Menesis at Genesis, naaalala niyo pa ba na kaya kong malaman ang sikreto ng isang nilalang?" Agad naman nagtaka ang kambal pero tumango naman sila dahil sa tanong nito.
"Ako, naaalala ko pa Tita Demetria. Nalaman niyo ang katauhan ko no'n pero hindi niyo naman sinabi sa kanila ang mga nalaman mo." Agad na sagot ni Devonna, nakangiting napatango ito sa sinabi niya.
"Well, hindi na nawala ang kakayahan ko na 'yon. Nalalaman ko ang sikreto ng bawat nilalang pero hindi ko dapat sabihin dahil mababago ang takbo ng tadhana na puwede kong ikamatay." Agad namang may naalala si Genesis sa sinabi ni Thorna.
"Hindi ko makakalimutan ang mga linyahan na 'yan Lola Thorna, gano'n din ang sinabi sa akin ng dalawang kaibigan ko noon na pumanaw na. Matagal na panahon na 'yon, kung nakikilala niyo po sina Azma at Azumarill ay bak—"
"Kilala ko sila Iha, kilalang-kilala." Agad namang nagulat si Genesis dahil sa sinabi ng kaniyang Lola, napatakip naman ito sa bibig. Ang iba naman ay hindi maintindihan kung sino ang mga pangalan na binanggit nito.
"Kilala niyo po sila? Paano? Sa Satharia Academia sila no'n. Nakilala ko si Azma no'ng may misyon kami nila ni Igneous, nakilala ko naman si Azumarill no'ng hindi ko pa naaalala ang lahat. Magkapatid sila na kayang malaman ang sikreto ng bawat nilalang, nalaman nga nila sa akin pero hindi nila sinabi dahil ikamamatay nila iyon pero huli ng malaman kong wala na sila bago ko pa sila makilala." Mabilis na pagkukuwento ni Genesis.
"Kilala ko sila Iha, kapatid ko ang mga binanggit mong pangalan. They are the Twin Goddesses of Secrets, namatay sila hindi dahil sa pagpaslang sa kanila. Namatay sila dahil sa malaking sikreto nilang nalaman na hindi na kinaya ng kani-kanilang utak." Agad napaluha si Genesis na napatakip pa sa bibig.
"I-Ibig-sabihin, ako ang dahilan kung bakit sila na—"
"Huwag na nating pag-usapan ang nakaraan mo Genesis. The point here is bakit binabalik ni Lola Thorna ang dating nalalaman niya ang sikreto ng isang nilalang." Napatingin naman ang lahat kay Menesis dahil sa sinabi nito, tumayo ito sa pagkakaupo niys at agad tinignan sa mga mata ang kaniyang Lola.
"Kapag ganiyan na magsalita si Lola Thorna, alam kong may mali at alam kong may nalaman kang sikreto isa sa mga kasamahan natin dito. Well hindi mo 'yon masasabi sa amin dahil delikado, at kung gaano kalaki ang sikreto ay siya ding kapalit ng 'yong lakas. Kaya Lola, stop knowing the truth behind this shits! Hindi mo ba nakikita? Nanghihina ka na dahil sa kawalan mo ng lakas, dahil sa palagi mong inaalam ang sikreto ng lahat!" Agad namang nagulat ang lahat sa sinigaw ni Menesis maliban kay Thorna.
"Huwag kang magsalita ng ganiyan, Menesis!" Sigaw ni Satanina pero hindi siya pinakinggan ni Menesis at mas lalo pang hinarap ang Lola niya.
"Lola, isipin mong hindi pa namin kakayanin na mawala ka. Huwag ka munang mawawala, huwag ka munang manghina dahil hindi ko—hindi namin kakayanin!" Agad napaluha si Genesis dahil sa sinabi ni Menesis. Hindi parin ito nagbabago na kahit nagpapakita ito ng tapang ay alam niyang mahina siya sa loob niya.
Agad namang naguluhan si Menesis at ang iba pa dahil sa biglaan nitong pagngiti. Tumingin si Thorna kay Menesis at agad itinaas ang kamay na para bang pinipilit nitong abutin ang pisngi ni Menesis. Umiwas naman ng tingin si Menesis pero kaagad naman nitong sinamaan ng tingin si Thorna.
"Mga Iha, hindi na ako magtatagal. Alam kong kukunin na ako sa mga araw na'to at gusto kong malaman niyo na hindi ko gustong iwan kayo sa gitna ng gulo na ito. Pero huwag kayong mag-alala, babantayan ko parin kayo galing sa itaas."
********
Avzora.
"Moon, sa tingin mo? Magiging malapit na kaya kami ni Alfalla? Napapansin kong hindi na siya nakukulitan sa akin eh." Tanong ko kay Moon na ngayo'y nakahiga sa damuhan.
Agad naman akong napatingin sa malaking buwan na sobrang liwanag. Ito na mismo ang nagbibigay ng liwanag sa madilim at malawak na field na'to.
"Sa tingin mo? Magiging malapit tayo sa isa't isa?" Gulat akong napatingin sa likuran at bumungad sa akin ang nagtatanong na ekspresiyon ni Alfalla. Hindi ako makapaniwala na nandito sa tabi ko, hindi ko alam na nandito siya!
"A-Ah hihihi—"
Tumabi siya sa akin sa pagkakaupo, tinignan niya ako sa mga mata gamit ang ekspresiyon niyang seryoso na ulit ngayon.
"Galit na galit ako sa'yo, ayokong maging kaibigan ka, ayokong malapit ka sa akin at ayokong nakikita ang maamo mong mukha. Inagaw mo sa akin lahat, lahat-lahat kahit iisang bagay lang ang gusto ko. Pero anong ginawa mo? Kinuha mo parin, nanggagaya ka pa, magkatulad pa tayo ng presensiya na mas lalo kong ikinagalit sa'yo. Tanong ko, may tiyansa pa bang magkalapit tayo dahil sa nararamdaman kong galit sa'yo?" Agad naman akong napayuko dahil sa sinabi niya, hindi ko alam na ganiyan pala siya kagalit sa akin. Hindi ko alam na may nagawa akong kasalanan sa kaniya, hindi ko alam na ang laki-laki na palang problema ang binigay ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong inagaw ko sa kaniya.
Hinarap ko siya at tinignan sa mga matang nakatingin parin sa akin.
"Ako ba ang dahilan kung bakit nakikita kitang malungkot? At totoo bang umiyak ka no'ng matapos ang laro? At ako ba ang dahilan sa pag-iyak mo dahil sa pagdating ko no'n?" Mga tanong ko sa kaniya, agad naman siyang napalunok at napaiwas ng tingin pero ngumiti lang siya na alam ko namang peke.
"Paano kung sabihin kong oo? Na ikaw lahat ang may gawa no'n sa akin? At bakit ka pa nagpapanggap bilang anak ni Tita Senny? Paano ka niya naging anak?" Agad naman akong nagulat sa tanong niya.
"A-Anong ibig mong sabihin Alfalla? Na impostora ako at nagpapanggap bilang anak niya? Matagal na akong ulila, matagal na akong nangangailangan ng aruga ng isang Ina at matagal na akong naghahanap ng kasagutan kung bakit ako ibinandona sa gitna ng gubat. Pero lahat naman na 'yon ay nasagot at walang kasalanan si Ina, wala siyang kasalanan dahil kinontrol lang siya ni Brooch." Tumango siya sinabi ko, ni hindi man lang niya ako sinabayan sa emosyon ko. Nanghina ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya, na sinungaling ang tingin niya sa akin at impostora.
Masakit na nga sa parte na ako ang dahilan kung bakit siya malungkot. Masakit na 'yon sa akin at hindi ko maintindihan kung bakit ganito nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan na kakakilala palang namin pero iba na ang nararamdaman ko sa kaniya na kahit gaano pa siya kagalit at gaano pa niya ako hinihindian, gusto ko parin siyang makasama.
"Pero alam mo? Kahit ayoko sa'yo, kahit ayokong makita pagmumukha mo at kahit inagaw mo na lahat ng kasiyahan para sa akin? Bakit ganito parin nararamdaman ko kapag nasa malapit ka? Na dapat taliwas sa gusto ko ang mangyari? Na dapat nasa tabi kita, na dapat nakikita kita? Gumiginhawa ang damdamin ko, hindi ko alam kung paano ito nangyari pero gusto kong lagi kitang nakikitang ligtas. No'ng ginawa mo 'yong Magic Circle? Nag-alala ako dahil alam kong maraming lakas ang maipapalabas ng katawan mo, no'ng makita kitang napaluhod dahil sa panghihina? Gusto kitang aluin at gamutin pero hinihila ako ng pride ko." Napaluha ako dahil sa sinabi niya, hindi ko na mapigilang hindi mapahikbi dahil sa sinasabi niya ngayon sa akin. Kaagad ko siyang niyakap na ikinatumba naming dalawa sa damuhan, umiyak ako sa balikat niya at unti-unti kong nararamdaman ang kaniyang mga kamay na humahaplos sa likuran ko.
"Patawad sa mga nagawa ko, patawad dahil ako ang may kasalanan kung bakit ka malungkot, patawad dahil umiiyak ka dahil sa akin at patawad dahil inagaw ko ang lahat ng kasiyahan mo sa'yo." Iyak kong sabi sa kaniya.
"Pero alam kong ako din ang may pagkukulang sa sarili ko, ako din ang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang buhay ko. Ako ang may kasalanan kung bakit ako umiiyak at malungkot." Agad akong umayos dahil sa sinabi niya, kumalas ako sa pagkakayakap at tinignan siya sa mga mata. Napabuntong-hininga naman ito tiyaka tumayo.
"Matutulog na ako, ikaw rin at isama mo 'yang alaga mong naipit dahil sa pagkayakap mo." Napatingin naman ako kay Moon na nakasimangot na pala sa akin kaya agad akong natawa. Pinunasan ko ang natitirang luha sa pisngi ko at napalingon ulit kay Alfalla na nakatalikod na sa akin habang naglalakad papalayo.
"Friends? Magkaibigan na tayo, Alfalla?!" Sigaw ko sa kaniya, hindi siya lumingon pero itinaas niya ang kamay niya at winagayway.
"Hindi ka magsisisi, poprotektahan kita sa mga kalaban."
—————

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    9d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    9d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    11d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters