logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 25

Alfalla.
"Anong ginawa ko? Bakit hindi k-ko sinabing ako ang tunay na anak at isa lang impostora ang babaeng 'yon? Puwedeng ginamit ang mukha ni Senny para lang magaya ang itsura." Bulong ko, nakatanaw sa kalangitan habang nagniningning na mga bituin. Ang buwan na akala mo'y nakangiti pero siya din palang mas lalong nagbibigay sa akin ng lungkot dahil sa hindi masaya na liwanag na dulot nito. Ang paghinga ko na nakakasabay ang ihip ng hangin at ang buhok ko na sumasayaw sa ere habang ang mga luha ay nagbabadya mula sa mga mata ko.
I can't stop them. I can stop everyone to kill me, I can stop everyone to do things but only tears that I can't manage to control to stop them from falling.
No'ng isang araw pa natapos ang palaro ng Gampenun. Hiling na siyang gustong-gusto kong makuha ay wala din palang silbi, hindi ko nakuha ang gusto ko, hindi ko napigilan sarili ko na mapunta ulit sa ibang kamay si Senny. Na ako na naman ang kawawa, na ako naman ang maghihirap at ako na namang mag-isa sa buhay.
"Naiisip ko kung bakit ganito nalang kasama ang tadhana sa akin, kung bakit ganito nalang ang dinanas ng buhay ko." Agad kong pinunasan ang mga luha gamit ang mga palad ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa makakakita sa akin dito sa itaas ng puno habang umiiyak. Nagpapakita ako ng senyales na mahina din ang ako, na hindi sa lahat ng oras ay kaya kong maging malakas. Na pati ang luha ay hindi ko kayang kalabanin.
And that girl, magkapareha kami ng nakaraan, magkaparehang lugar ang nagbigay sa amin ng kalungkutan at magkaparehong lakas ng ulan ang siyang dahilan sa pag-iyak namin.
"Hilig mo din palang umakyat sa puno kapag malungkot?" Agad nanlaki ang mga mata ko at dali-daling pinunasan ang mga luha ko sa pisngi at seryosong tinignan ang babaeng nasa ilalim ko.
Avzora, anong ginagawa niya dito?
"Sinong nagsabing malungkot ako? At sino ka ba?" Tanong ko at nagkunwaring hindi ko siya maalala, naiinis lang ako kapag naaalala ko ang mga bagay na hindi ko man lang nakuha.
"Alam kong hindi mo ako makakalimutan, magkatulad tayo ng presensiya. Ikaw pa nga ang nagturo sa akin na ako ang anak ni Ina, paano mo nalaman na ako ang tunay niyang anak. At tiyaka, hindi mo ako maloloko na hindi ka malungkot." Hindi ko siya pinansin at agad akong tumalon mula sa isang sanga na inupuan ko.
Napansin niya pala na magkatulad kami ng presensiya? Hmm, kakaiba nga ang babaeng 'to, kailangan kong malaman kung sino siya at saan siya nanggaling.
"At paano mo napasok ang utak ko? Alam kong walang sinumang nakagagawa no'n sa akin." Hinarap ko siya at ngisihan, totoo kaya ang ipinapakita niya sa aking ugali? Na inosente siya kung tignan, na mabait at hindi basag-ulo katulad ko?
"Paano ka natagpuan ni Tito Cylechter?" Tanong ko sa kaniya na ikinamangha niya.
"Kilala mo si Ama?"
"Sagutin mo ang tanong ko at alam nating pareho na hindi ka niya tunay na anak." Inis kong sabi, agad naman siyang ngumiti ng pilit at tinignan ako sa mga mata.
"Bakit ko pa sasabihin na alam kong alam mo rin kung paano ako natagpuan ni Ama sa gitna ng madilim na gubat? 'Yon ang nakita kong impormasiyon sa utak mo na kinuha ng kapangyarihan mo galing sa isipan ko." Agad naman akong namangha dahil alam niya ang bagay na 'yon, kaya pala napapikit siya dahil sa nakita niya sa akin.
"Hindi ka ba galit na inabandona ka ni Se—Tita Senny?" Tanong ko sa kaniya, agad naman siyang napatingin sa kalangitan at agad ko naman 'yong sinundan.
Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit parang kakaiba ang ikinikilos ko? Hindi ako 'to! Bakit ganito ang tibok ng puso ko kapag nasa malapit siya sa akin? Sino ba talaga siya?!
"Hindi ko naman kayang magalit sa kaniya dahil tulad nga ng nangyari sa isang araw, kinuha ang alaala niya at ang mga alaala ng Mahaharlika pati ang iba pa nitong kasamahan." Hindi ako makapaniwala na masasabi niya 'yan sa harapan ko, bakit ang galing niyang magpanggap? Bakit ang galing-galing niyang magpanggap bilang ako? Na bilang ako ang tunay na anak? Na hindi siya, at hinding-hindi magiging siya!
"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong niya naman sa akin pabalik.
"Gusto kong mapag-isa pero dumating ka kaya nawalan na ako ng gana." Agad akong umalis sa harapan niya at hindi na pinakinggan ang sinabi niya.
********
Avzora.
Ang init naman ata ng ulo no'n? Gusto ko lang naman sabihin na baka puwede ba kaming maging kaibigan? Na puwede ba kaming sabay pumasok bukas? Hmmm, may kakaiba sa kaniya kapag nakatingin siya sa akin. Alam ko ang tingin ng mga katulad niyang may galit, pero kakaiba siya. Pinipigilan niya sarili niya at kinokontrol niya ang galit na namumuo sa puso niya.
Magkatulad kami ng presensiya, hindi ko alam kung paano ito nangyari. Basta no'ng lumapit ako sa kaniya, 'yong puso ko ay parang nagiging maayos, 'yong kapag lumapit ako sa kaniya ay alam kong ligtas ako sa kapahamakan. Hindi ko alam pero napapangiti ako kapag nakikita ko siyang nagagalit o naiinis, na gusto kong ako ang maging dahilan para ngumiti siya ng malapad at ng matamis.
"Hindi ko pa siya kilala, hindi pa kami malapit sa isa't-isa pero gustong-gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makita at pangitiin sa likod ng malungkot niyang eskspresiyon." Bulong ko sa sarili at napabuntong-hininga.
Alam kong may importante siyang sasabihin sa araw na 'yon pero pinili niyang ibahin ang sinabi niya. Malakas siya, matapang at alam kong magkakasundo din kami sa pagdating ng panahon. Hindi ko siya mamadaliin, alam kong lalambot din ang galit niya.
"Hmm, gabi na pero nasa labas ka pa ata babae?" Agad ko namang nilingon ang boses lalaki at nagkaharap kaming dalawa. Nginitian ko naman ang lalaki, napansin kong parang natigilan siya dahil sa pagharap ko.
"Pasensiya na, kausap ko lang kanina si Alfalla kung nakikila mo siya. Ahm—kakaiba ang presensiya mo at hindi katulad ng mga ordinaryong Specialist dito." Turan ko, tumingin siya sa mga mata ko at kitang-kita ang kakaibang tingin niya sa akin. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng tingin ang iginagawad niya sa akin.
Sumasabay sa pagsayaw sa ere ang kaniyang mga buhok na kulay puti lahat, ang mata niyang itim na itim ang ang katawan niyang matikas. Kung titignan, isa siyang anghel pero alam kong may itinatago siyang kakayahan na kabaligtaran ng kaniyang itsura.
"Isa akong Wizard na galing sa Sentinyel, since natalo kami sa laro ay napili kong dito nalang mag-aral dahil may misyon din ako. 'Yong mga kakampi ko naman sa laro ay umuwi na lahat." Tumango nalang ako, isa pala siyang Wizard.
"Hmm, kaya pala kakaiba ang kapangyarihan na bumabalot sa'yo dahil isa kang Wizard. Wala akong impormasiyon tungkol sa kanila pero sana mabuti ang mga impormasiyon na 'yon patungkol sa inyong lahi." Ngiti kong turan, napangisi naman siya sinabi ko.
"Masama akong Wizard, kaya mag-iingat ka sa akin kapag nagka-engkuwentro ulit tayo. At hindi ko gusto ang presensiya mo dahil magkatulad kayo ng Alfalla na 'yon na kinaiinisan ko." Agad naman akong nagtaka at kumunot ang noo ko. Mabuti nalang sinabi niyang masama siya para alam ko kung kailan ako maghahanda kapag magkakatagpo ulit kami ng oras. Akala ko pa naman mabait siya, halimaw pala ang kabaligtaran ng mukhang anghel.
"Wala akong pakialam kung masama ka o hindi, basta ang akin ay huwag mong sasaktan si Alfalla." Agad naman siyang nagulat pero naging seryoso ang ekspresiyon niya. Lumapit siya sa akin at ngayo'y magkaharap na kami, napalunok pa ako dahil sa ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"Wala kang magagawa kung anong gusto kong gawin sa Alfalla na 'yon, alam kong malakas siya pero gagawa't gagawa ako ng paraan para mabagsak siya. Pinahiya niya ako sa laro kaya malaking kapalit ang matatanggap niyang kaparusahan." Bulong niya sa akin at agad akong nilampasan. Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kabang namuo sa dibdib ko na hindi ko alam kung bakit.
Kung bakit gano'n nalang ang takot kong masaktan si Alfalla, na kung bakit ganito nalang ang reaksiyon ko sa sinabi ng lalaking 'yon.
"Wizard, hindi mo din gugustuhin ang gagawin ko kapag sinaktan mo si Alfalla."
*******
Third Person.
"Hindi ako makapaniwala na nasa sa akin na ang anak ko Kuya Cylechter, salamat sa pag-aalaga mo sa kaniya." Masayang pagpapasalamat ni Senny kay Cylechter na nakangiti lang sa kaniya.
"Marami na kaming pinagdaanan, at sana ingatan mo siya kung paano ko siya iningatan at kung paano ko siya itinuring na tunay na anak." Tumango naman kaagad si Senny.
"Makakaasa ka."
"Sino ba ang Ama ni Azrora, Senny? Si Enexx ba?" Tanong ni Athena, agad naman natigilan ang lahat at nasaksihan nila ang hinay-hinay na pagtango ni Senny.
"Hindi nagkakaanak ang mga demo—"
"Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay nagkatalik kaming dalawa. He casted a spell para magkaanak kaming dalawa. Sa pitong Devil Lord of Mortal Sins, siya lang ang kayang gumawa no'n." Pagputol ni Senny kay Athena.
"Ni hindi man lang namin namalayan na buntis ka, sa pag-aanak mo lang sa kaniya kami nagkaalam. At ano namang itong si Brooch, nahihibang na ang kaniyang utak na pati bata ay nakaya niyang ihiwalay sa kaniyang tunay na Ina para kang sa kaniyang pansariling kaligayahan."
"Huminahon ka muna Menesis, baka may malaki pang dahilan si Broo—"
"Bill, wala na siyang dahilan at alam nating lahat kung bakit niya 'yon nagawa. Hindi natin mapipigilan ang gusto ni Brooch kung hindi niya nasasabi sa atin. Sa matagal na namin siyang nakasama, ganito lang pala ang gagawin niya sa amin—sa atin?! Nakakahiya!" Sigaw ni Venny, agad naman itong inalo ni Wyeth at pinatahan gamit ang paghaplos nito sa kaniyang likuran.
"Huwag na natin siyang pahirapan dahil sa galit natin, Venny. Naiintindihan ko siya, oo may mali siya pero sana tulungan natin siyang itama ang mali at hindi bigyan ng kung anong asal na ikakalungkot niya." Napabuntong-hininga naman si Venny dahil sa kabaitan ni Senny. Hindi na niya ito masasabihan dahil ganiyan na ang ugali nito mula noong una silang magkita. Masiyado siyang mabait para mabuhay sa mundo na puno ng kasamaan.
"Manag-mana sayo si Avzora, ganiyan na ganiyan din ang ugali niya kapag nawawala ako sa sarili ko minsan. Siya lang ang nakakapagpawala ng sakit na nararamdaman ko kapag naiisip ko si Wenessa." Sabat naman ni Cylechter habang nakangiti.
"Okay ka na ba talaga na wala si Wenessa?" Tanong ni Genesis, tumango naman si Cylechter sa tanong nito.
"Tanggap kong wala na siya, tanggap kong hindi na siya babalik pa pero ramdam na ramdam kong nasa tabi ko lang siya palagi." Napangiti naman sina Avanza, Devonna at Satanina mula sa malayo dahil sa sinabi nito.
"Hayst, nagising na rin ang huwisyo niya." Sabi ni Avanza na napatingin sa dalawa.
"Huwag mo na natin siyang gulatin o madaliin sa mga bagay-bagay dahil baka hindi pa niya matanggap. Ang kailangan natin ay ang dumating ang tamang oras para sabihin natin ang katotohanan." Napatango naman ang dalawa sa sinabi ni Satanina.
"Anong katotohanan Ina?" Gulat silang napatingin kay Specter na nagtatakang nakatingin sa kanilang tatlo.
"Huwag mo kaming gugulatin ng gano'n, Specter!" Hampas sa kaniya ng kaniyang Ina at alam ng dalawa pa nitong kasama na inililihis lang nito ang usapan.
"Saan ka ba galing at lagi ka nalang huli sa mga pagpupulong natin dito?" Agad namang sabat ni Avanza.
Napakamot ito sa kaniyang batok at sinulyapan ang kaniyang Ina.
"Galing ako sa opisina mo, tinignan ko kung may mga bago bang estudyante pero napagtanto ko na wala naman. May iba kasing mga Eastheria ay lumilipat sa atin, gano'n din ang mga estudyante natin dahil lumilipat sila sa ibang Academia. 'Yon ang problema na inaayos ko ngayon."
"Hayaan mo na anak, ginusto nila 'yon. Huwag nalang nating gawing big deal dahil at least, miyembro parin sila ng Avalon." Lumingon naman si Satanina kay Avanza at kay Devonna at napapikit pa ito dahil sa sinagot niya sa kaniyang anak.
"Tama ka Ina, maghahanda na din kasi ang lahat dahil isasarado na ang bawat pintuan ng bawat mundo."

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    9d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    10d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters