logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 24

Alfalla.
H-Hindi parin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang kahawig na kahawig ni Senny, bigla akong kinutuban at parang may kung anong bumubulong sa akin na may kung anong misteryosong bumabalot sa buo niyang pagkatao. Hindi lang ang kaniyang itsura, kaniya ding presensiya ay kakaiba at hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng mga ito.
Pumitik sa ere si Tita Menesis at bigla nalang bumalik lahat sa ayos ang mga nasira sa buong Cluestia Kingdom. Ang mga quarters na naging mga silid na ngayon, ang mga nabasag na gamit ay bumalik sa ayos nito at ang bawat corners ay bumalik na sa dati. This is part of her power na kahit nawala na sa kaniya ang responsibilidad bilang Diyosa, nakakaya niya paring gamitin ang kapangyarihan niya noon.
She is know as the Goddess of Destruction and Creation, she is very well known as a fighter na walang kinakatakutan.
"H-Hindi ako makapaniwala, n-nagawa 'yon ni Brooch sa atin?" Agad namang napatingin ang lahat sa sinabi ni Venny, hindi siya makapaniwala na nagawa ng kaniyang mahal ang pagkuha ng mga alaala mula sa kanila.
"T-Tito—"
"Brooch, huwag ka ng magpanggap. Kinuha mo ang mga alaala nila, at ano ang kahilingan ko ngayon? Bakit mo 'yon ginawa?" They are now curious of what I've said, litong-lito na ang lahat sa nangyayari.
"Anong nangyayari dito?" Takang tanong ni Cylechter at nadako ang mga mata niya sa akin. Pinag-aralan niya akong mabuti na parang inaalala kung sino ako. Tinignan ko siya ng masama kaya agad niya namang iniwas ang kaniyang tingin.
"Ngayon ay pinapatupad na namin ang hiling ng aming manlalaro na siyang nanalo sa aming unang palaro. Ngayon Brooch, sabihin mo ang totoo dahil nalilito kami at bakit mo ginawa 'yon? Ni hindi namin maalala na nagkaroon ng anak si Senny, nabaliw kami kung bakit may kamukha si Enexx at nababaliw kami kung paano nangyari ang lahat nang 'to!" Sigaw na ngayon ni Tito Venny, napayuko si Brooch at napansin ko ang mga luhang pumapatak sa lupa galing sa mga mata niya. Napangisi naman ako sa ipinapakita niya ngayon.
"Ngayon iiyak-iyak ka? Hindi mo alam ang dinanas ng anak ni Senny sa gitna ng madilim na kagubatan habang rumaragasa ang malakas na ulan. Hindi mo alang kung ano ang pinagdaanan nito!" Sigaw ko sa kaniya, napaluhod siya at tinignan sa mga mata ang mga Mahaharlika. Nakita ko ang iba sa kanila ay parang nadi-disappoint dahil sa ginawa niya. Ni hindi sila makapaniwala na darating ang sitwasiyon na'to.
"I-I just want Mother for my own! Gusto kong akin lang si Mama Senny dahil alam kong nasa kaniya lahat ng pangangailangan ko noon na matagal ko ng hinihiling! Nasa kaniya ang laha—" Agad kaming nakarinig ng malakas na sampal at dinig na dinig sa buong Kingdom ang malakas na tunog na 'yon. Ang mukha ni Brooch na napabaling sa ibang direksiyon dahil sa malakas na sampal ni Tito Venny.
"Venedict." Tawag sa kaniya ni Tito Wyeth pero hindi na ito mapigilan dahil sa mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak.
"Hinayaan ka naming mapunta kay Senny dahil nakikita namin kung paano ka nagiging masaya kapag kasama mo siya! Na hindi mo man lang napapansin na nagseselos din ako dahil diba?! Tayo ang unang nagkakilala pero hindi ko naman alam na tunay na babae ang gusto mong maging Ina!" Lalapit na sana si Brooch pero lumayo ng kaunti si Tito Venny. Napapailing pa itong nakatingin kay Brooch na hindi na tumitigil ang luha, no! Hindi ko mararamdaman ang awa sa kaniya, dapat lang sa kaniya ang maparusahan dahil sa kasalanang ginawa niya.
"Sana, sinabi mo noon pa para maagang-maaga ka naming binigay sa kaniya! Hindi ka naman namin pinalaking hayok! Pero anong ginawa mo?! Dinamay mo pa kami, kinuha mo pa alaala namin at dinamay mo pa ang naging anak ni Senny! Ano nalang ang mararamdaman namin lahat sa'yo Brooch? Hindi na kita kilala! Nahihibang ka na sa mga gusto mo na alam mong walang permanente sa mundo at 'yang pagmamahal mo na 'yan kay Senny ay mawawala din lang! Bakit? Dahil alam kong nararamdaman ni Senny ay hindi para sa'yo bilang anak!"
"Venny tama na." Pigil sa kaniya ni Senny na ngayo'y lumuluha na, natigilan naman si Venny.
Lumapit si Senny kay Brooch na humihikbi at hinawakan ito sa mga balikat.
"Galit na galit ako anak, pero sana maintindihan mo naman na maling-mali ang ginawa mo. Hindi ko alam na may anak pala akong iniwan, na may anak pala akong hinahanap-hanap sa mga bisig ko. Gusto kong mamatay dahil sa mga isipang may bumabagabag sa akin gabi-gabi dahil sa mga iyak ng sanggol. Na palagi akong wala sa katinuan dahil sa mga pangitaing lagi kong nakikita, 'yon pala ay ang mga alaala ko pala 'yon na gustong-gusto ng bumalik ay pinipigilan mo." Turan ni Senny.
"Mother, gusto ko lang ilayo kayo sa kapahamakan! Gusto ko kayon—" Dahil sa inis ko, agad ko siyang sinipa sa mukha. Napasinghap naman ang lahat pero wala silang magawa dahil galit na galit ako ngayon. Natumba sa lupa si Brooch at napatingin sa mga mata ko.
"Napakawalang-hiya mo, mapaparusahan ka sa ginawa mo!" Agad akong lumutang sa ere at tinawag ang Diyos ng oras.
"Alfalla huwag!" Sigaw ng kung sino pero hindi ko 'yon pinansin.
"Tito Mever, the Titan God of Time." Banggit ko sa pangalan ni Tito Mever na ngayo'y galit na galit na nakatingin sa mga Mahaharlika.
"Pinaiyak niyo ang aking prinsesa, sino sa kanila ang paparusahan, Alfalla?" Natuod ang lahat dahil sa galit na boses ni Tito Mever, hindi makapagsalita ang lahat dahil sa ekspresiyon nitong handang pumatay.
Tinuro ko kaagad si Brooch na ikinalaki naman ng mga mata nito at ng lahat. Agad namang nagliwanag ang mga kamay ni Tito Mever at namuo iyon ng kakaibang liwanag na kulay itim na may halong kulay metal.
Agad 'yong bumulusok sa katawan ni Brooch, hindi ko pinakinggan ang mga sigaw ng Mahaharlika dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Ilayo si Senny sa kapahamakan? Sa sarili nitong anak?
Bigla nalang nawala ang liwanag at kasabay no'n ang buong katawan ni Tito Mever. Aksidenteng nadako ang tingin ko sa inosenteng mukha sa babae, kay Avzora.
"S-She can call Titan God?" Hindi siya sinagot ng kasamahan niya sapagkat tumingin lang sila kay Brooch.
"Brooch can't talk, 'yon na ba ang parusa sa kaniya? Hindi na siya makapagsalita like the old times." Tito Venny said with his low tone.
Tumapak na ang mga paa ko sa lupa na parang walang nangyari. Nakatingin lang ang lahat sa akin, napansin kong lumalapit sa akin si Senny na may seryoso ng eskpresiyon na nakaukit sa kaniyang mukha.
"Nakuha mo na ang hiling. Ngayon, baka gusto mong sabihin kung sinong anak ang tinutukoy mo? Alam kong may alam ka, alam kong alam mo kung saan itinago ang anak ko!" Agad akong napapikit dahil sa sigaw niya, tinignan ko sa mga mata ang iba nitong kasamahan na naghihintay sa sagot ko. Hindi ako kaagad makapagsalita, hindi ako makapagsalita basta alam kong ang tunay kong Ina ay nasa harapan ko. Nawawala ako sa wisyo kapag nandiyan siya, kapag malapit siya.
Napalingon ako kay Avzora, biglang pumasok sa utak ko ang nakaraan niya at gulat akong napatingin sa kaniya. Agad akong napapikit at napansin kong napahawak din siya sa ulo niya.
"Ayos ka lang anak?" Dinig kong tanong ni Tito Cylechter sa kaniya.
Hinarap ko si Senny at buong tapang ko siyang hinarap. Buong lakas ko siyang tinignan sa mga mata na kahit alam kong hindi ko kakayaning makipagtinginan ng matagal. Na alam kong talong-talo ako sa kaniya, na alam kong mahina ako kapag nasa harapan ko siya. Na mahina ako kapag siya ang pinag-uusapan.
"Ak—" Bigla akong natigilan, may namuong luha sa mga mata ko at agad na napailing. Tinignan ko si Avzora, ang babaeng kahawig niya na may pagkakapareha sa aking nakaraan.
Tinuro ko siya, lumingon sa kaniya si Tita Senny at napatakip ito sa bibig.
"S-Siya ang tunay mong anak."
*********
"S-Siya ang tunay mong anak." Pagkasabi no'n ni Alfalla ay bigla nalang itong naglaho sa kanilang harapan, naiwan ang iilang butil ng kaniyang luha galing sa mga mata nito.
"Ikaw ba talaga ang anak ko?" Tanong ni Senny kay Avzora na hindi parin makapaniwala na naipasok ng babaeng nagngangalang Alfalla ang kaniyang utak.
"Siguro ikaw na nga ang hinahanap ni Avzora, Senny. Matagal ko na siyang inaalagaan, simula no'ng makita ko siya sa gitna ng kagubatan ay umuulan no'n ng malakas ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dinala ko kaagad siya sa kung saan ako nanatili, inalagaan, pinakain at iningatan. Napapansin ko habang lumalaki siya, mukha mo ang nakikita ko. Ngayon, nagkatagpo na kayong dalawa." Hindi na mapigilan ni Senny ang hindi mapaiyak at agad siyang tumakbo, agad niyakap ang kaniyang anak. Hindi mapigilan ni Avzora na hindi mapangiti dahil sa sarap sa pakiramdam habang ito ay nakayakap sa kaniya.
Napayuko si Brooch at napangiti nalang ng malungkot, alam na alam nito na darating ang panahon na mawawala sa kaniya ang tinuring niyang Ina. Hindi lang niya inakalang ngayon ito mangyayari, pero bakit alam ni Alfalla ang lahat? Matagal na siyang kinakabahan dahil sa mga salita nito pero hindi niya 'yon pinansin pa. 'Yon pala, alam niya ang nakaraan nito pero may isa pang sikreto na hindi nila nalaman galing kay Brooch. Na alam niyang hindi din alam ni Alfalla.
Sasabihin na sana niya ito pero hindi na siya makapagsalita, wala na siyang boses. Tinignan siya sa mga mata si Venny na ngayo'y hindi makapaniwala dahil sa nagawa nito sa lahat.
Pumikit si Brooch at agad dinamdam ang kaniyang katawan sa panibagong puwersa na nagdadala sa kaniya sa panibagong pakiramdam. Bigla nalang nagsilitawan ang mga alaala mula sa kaniyang utak at napatingin naman ang lahat sa mga bula, bula ng alaala. Nasa loob nito ang mga nangyari noon na kinuha niya mula sa mga isipan nito na hindi nila namamalayan. Agad nag-unahan ang mga bula na bumalik sa kani-kanilang pinanggalingan pero isang bula ang hindi niya pinalabas. Ang bulang alaala na hindi nila malalaman, ang sikreto sa alaalang hindi nila mahahanap.
Ang sumpa na ngayo'y bumabalot sa buong katawan ni Brooch ay sumpang hindi agad mawawasak. Na tanging ang gumawa lang nito o ang pinakataas-taasang Diyosa lang ang makakatanggal sa sumpa na ito.
Napapikit naman ang lahat dahil sa mga alaalang pumasok sa kani-kanilang utak. Agad namang naluha si Senny dahil sa alaalang gusto niya ng mahanap at maalala. Mas niyakap niya ng mahigpit si Avzora.
"Babawi ako anak, babawi ako." Naiiyak na sabi nito habang tumatango lang si Avzora na ngayo'y humihikbi na rin dahil sa wakas, natagpuan niya na ang tunay niyang Ina.
Tumayo si Brooch at bigla nalang tumakbo ng mabilis gamit ang Vampire Natural Ability nito. Tinignan lang siya ni Venny at ni Wyeth na nag-aalala.
"Bigyan lang natin siya ng oras, Venedict. Malalagpasan din niya 'to." Tumango nalang ito at agad niyakap si Wyeth.
Nakangiti naman ang lahat sa nasaksihan, sina Satanina at Avanza pati si Devonna ay nakangiti narin.
"She is beautiful like her mother, pero kaparehong-kapareho niya ang presensiya ng babaeng si Alfalla." Turan ni Avanza, tumango ang dalawa dahil 'yon din ang napansin nila.
"We should thank Alfalla for this, nang dahil sa kaniya ay natagpuan ni Senny ang kaniyang tunay na anak." Devonna butt in.
Hindi maiwasang hindi mangamba ni Menesis at Genesis dahil sa nangyayari, alam nilang may mali pero hindi sila nakakaramdam ng masama.
"May ipinapahiwatig ang mga luha ni Alfalla kanina, hindi nakatakas sa akin ang mga nagbabadyang luha niya hanggang sa bumagsak ito sa lupa bago maglaho." Tumango naman si Menesis sa sinabi ng kambal.
"Kahit naiinis ako sa babaeng 'yon, hindi ko maipaliwanag kung bakit nakakaramdam ako ng awa sa kaniya. Same feeling nang malaman natin kung sino ang tunay nating mga magulang." Tumango naman si Genesis sa sinabi nito.
"We should still respect her power, still she is the Holy Goddess of Time. Pero may mali talaga kapag nakatingin ako sa anak ni Senny, na habang tumititig ako sa mga mata niya ay si Alfalla din ang nakikita ko. They have the same presence." Turan pabalik ni Genesis, na ikinatango ni Menesis at tumingin sa lugar kung saan nakatayo kanina si Alfalla.
"Sigurado ako eh, siguradong-sigurado ako na siya ang nawawalang anak ni Senny dahil kamukha siya ni Enexx pero bakit gano'n? Hindi mapakali ang utak ko sa nangyayari, dahil kamukhang-kamukha naman ni Senny ang babaeng ngayon lang namin nasilayan?"

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    9d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    10d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters