logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 23

Third Person.
Masayang sinasabuyan ng tubig ng isang lalaki ang babaeng siyang nagpapasaya sa kaniya mula nang mapunta siya sa tagong isla ng Eastheria. Ang isla kung saan sagana sa masasarap na prutas, isda, mga karne at lupa. Nabuhay siya mag-isa at noon habang naglalakbay para makahanap ng makakain ay nahanap niya ang munting bata na umiiyak dahil sa nagraragasang ulan.
"Ang laki mo na anak, akala ko hindi ka na lalaki dahil diyan sa mukha mong batang-bata." Agad naman natawa ang babae dahil sa sinabi ng kaniyang Ama, ang babae ay mulat na no'ng siya ay simulang nakarga sa mga braso ng lalaking minahal niya ng ilang taon dahil sa pagligtas nito at pag-alaga sa kaniya. Mulat na hindi siya tunay na anak, na nakita lang siya sa madilim na kagubatan sa gitna ng ulan.
"Ama, lagi mo nalang akong binobola. Ayaw mo na ba ako lumaki para kayo naman ang maprotektahan ko?" Napangiti naman ang lalaki sa sinabi ng kaniyang anak, agad naman niyang ginulo ang buhok nito na siyang ikinanguso ng babae.
"Ayoko lang na maaga kang mawawala sa akin dahil sa pag-aasawa mo." Agad namang natawa ang babae dahil sa sinabi ng kaniyang Ama.
"Hindi pa ako mag-aasawa Ama kung hindi ko pa nakikita ang mga tunay kong magulang. Tutulungan mo ako diba? Kahit anong mangyari, ikaw parin ang magiging Ama ko kahit makilala ko man ang totoong mga magulang ko." Ngiting sabi ng babae, agad namang tumango ang lalaki at umangat ang kaniyang mukha sa kalangitan dahil sa mga alaalang pumasok sa kaniyang isipan.
Alam niya na darating ang panahon na gustong-gusto nitong malaman at mahanap ang tunay na mga magulang. Alam niya sa umpisa palang na wala siyang karapatan na ipagdamot ang kaniyang anak sa tunay nitong pamilya. Masaya na ito dahil sa mga tao na dumaan, may nakasama siya sa buhay na nagbibigay sa kaniya ng tuwa at saya.
Napatingin ulit ang lalaki sa mukha ng kaniyang anak at ngumiti, sa isip-isipan ng lalaki ay may ideya na siya sa tunay na ina ng kaniyang anak dahil sa habang lumalaki ito, namamana niya ang mukha ng kaniyang kasamahan noon.
"Tito Cylechter." Agad siyang napalingon sa tumawag sa kaniyang pangalan at napabuntong-hininga dahil sa babaeng ilang beses ng kinukumbinsi siyang bumalik sa kaniyang mga kasamahan.
"Ilang beses ko bang sasabihin na darating ang oras na ako mismo ang lalapit sa kanila? Sabihin mo sa Ina mong si Athena, na huwag na siyang mag-abala pang puntahan ako dito." Agad namang napairap ang anak ni Athena na si Zaporah, kitang-kita ni Cylechter ang pagkakahawig nito sa Ina kaya no'ng una palang silang nagkatagpo ay nakilala na niya kaagad kung sino ang Ina nito.
"At ilang beses ko din po bang itatanong kung kailan ang oras na 'yon Tito? Kung may napahamak na? At hindi ako pinapapunta dito ni Ina para pilitin ka, ako mismo ang pumunta dito para makumbinsi ka na tulungan sila Ina na gumawa ng plano dahil nanganganib na naman ang buong Avalon." Napalingon si Zaporah sa babaeng katabi ni Cylechter, ilang beses niya na itong nakita at parang namamalikmata siya palagi kapag nakikita niya ang maamong mukha nito.
"Kumbinsihin mo ang Ama mo, baka matulungan mo siyang bumalik sa kanila. Nasa Satharia silang lahat nagtitipon-tipon, at Tito Cylechter, pinapasabi ni Lola Avanza na kailangan mong isipin ang tama at pakawalan ang mga maling sakit mong nararamdaman." Bago pa makapagsalita ang anak ni Cylechter ay kaagad nag-anyong Dragon si Zaporah at lumipad na ng mataas.
"Hindi ko parin maiwasang hindi mamangha dahil sa kaya niyang mag-anyong Dragon." Namamanghang sabi ng babae, ang mga mata nito na parang kumikislap dahil sa nakita niyang nilalang na lumilipad papalayo sa kaniya.
Tumingin ang babae sa Ama niyang nakatalikod na sa kaniya at nakatanaw sa asul na asul na tubig ng dagat. Ang dagat na siyang nagpapasaya sa kaniyang Ama dahil sa kaya nitong kontrolin ang ano mang klaseng likido. Sabi pa ng kaniyang Ama noon ay isa siyang Diyos noon ng karagatan pero binawi ang kaniyang kapangyarihan at ng mga kasamahan niya dahil sa isang kahilingan na gawing isa ang mundo ng iba't-ibang lahi. Na malaya lang silang makakapasok at makakalabas ng mundo ng Avalon at sa iba pang mundo.
"Wenessa, kung nasaan ka man ngayon ay sana gabayan mo ako at ng anak ko sa mga pagsubok na daraan. Hanggang ngayon, hindi ko parin iniiwan ang isla kung saan ang iyong abo ay nananatili. Hindi ko iniwan ang isla na ito dahil alam kong ang iyong kaluluwa ay nandidito at binabantayan parin ako at ng anak ko." Lungkot na sabi ni Cylechter, umangat ang kaniyang kamay at may kung anong kinontrol sa dagat. Agad namang bumuo ito ng bolang tubig hanggang sa naging mukha ito ng kaniyang minamahal, naging mukha ito ni Wenessa habang nakangiti sa kaniya.
"Ang ganda pala ng iyong kasintahan noon Ama, isa din ba siyang Diyosa katulad mo? Tuwing ginagawa mo ang kaniyang itsura gawa sa tubig ay namamangha ako dahil sa alam na alam mo ang bawat istraktura ng kaniyang mukha." Tanong sa kaniya ng kaniyang anak, agad naman siyang ngumiti dahil sa mga alaala.
"Maganda si Wenessa, siya ang nagpapasaya sa akin na kahit napakaraming pagsubok ang dumaan ay nakayanan namin iyon lutasin at walang nakatibag sa pagmamahalan namin. Pero dahil sa pagmamahal, isinakripisyo niya ang kaniyang buhay para lang mailigtas kami ng iba pa naming kasamahan." Agad namang nalungkot ang babae at niyakap ang kaniyang Ama, agad namang nakaramdam ng pagmamahal si Cylechter dahil sa pamilyar na pakiramdam sa isang yakap.
"Kung magmamahal ka anak, huwag mong sagarin. Dahil masakit kapag nawala ang minamahal mo na hindi mo inaasahan." Napabuntong hininga si Cylechter dahil sa sinabi nito, napatingin siya sa mga mata ng kaniyang anak at ngumiti.
"Anak, maghanda ka na dahil pupunta na tayo ng Isla Satharia. Tutulungan ko sila sa plano at tutulungan din kitang makita ang tunay mong mga magulang."
**********
Alfalla.
"Ang pangatlo at huling kategorya ay siyang magbibigay karangalan sa natitirang kalahok. Ang may pinakamalaking puntos ay si Alfalla na galing sa Natharia Academia, ang mga natitirang kalahok sa kani-kanilang mga eskwelahan ay tatalunin ang may pinakamataas na puntos, mag-uunahan sa puntos na nasa kamay ni Alfalla kahit kakampi pa nito."
"Tsk, gumagawa talaga sila ng paraan para mapabagsak ako at para hindi ko makuha ang kahilingan ko?" Sambit ko habang hinihingal, hindi ko naman aakalain na agad na iaanunsiyo ni Tito Yvino ang pangatlong kategorya at huli na pala ito dahil wala ng kasunod na misyon.
Napalingon ako sa mga natitira na ngayo'y seryoso ng nakatingin sa akin. Nagdadalawang-isip sila kung paano ako matatalo, lalong-lalo na ang mga natitirang Wizards na masama ang tingin sa akin.
"Anong hinihintay niyo? Lusob." Ngisi kong aya at agad naman nagngitngit ang mga ngipin nila at sabay akong nilusob. Sabay-sabay nagsilabasan ang iba't iba nilang elemental powers.
"Fire Gaze!" Agad naman akong napaiwas dahil sa malaking buga ng apoy na nanggaling sa bunganga ng isang lalaki, agad kong nilapitan ang lalaki na hindi nito namalayan ang bilis ko. Sinipa ko siya sa tiyan na ikinaluhod nito sa harapan ko, sinipa ko naman siya ulit pero sa mukha ko na pinuntirya.
"Water Slicer!" Tumalon ako ng mataas, sinundan ako ng mga slicer na mukhang mga boomerangs dahil sa porma nito. Iniwasan ko ang mga 'yon at kaagad tinapat sa babaeng may gawa no'n ang magkadikit na mga palad ko.
"Teritory!" I casted a spell at bigla nalang lumabas ang ubeng may halong itim na bola at agad bumulusok papunta sa puwesto ng babae. Hindi niya ito maiwasan dahil sa bilis ng pagkakaatake sa kaniya, dahil sa matinding puwersa na ginamit ko.
"Magbabayad ka! Ice Bazooka!" Biglang naging anong sandata ang kaniyang kamay na hindi ko malaman kung ano, bigla nalang may lumabas na malaking bolang yelo do'n at agad bumulusok papunta sa akin. Bago ito tumama sa akin ay bigla akong pumitik sa ere na siyang ikinawala nito. Agad akong napangisi dahil sa gulat na eskspresiyon ng lalaki, lumitaw ang espada sa palad ko na gawa sa yelo at kaagad ko siyang inatake.
"Hindi mo ako mapapabayad, dahil alam kong wala akong pagbabayaran." Bago pa siya makaiwas ay tumarak na ang espada sa kaniyang katawan, kasabay no'n ang paglamon sa kaniya ng hologram.
Napalingon ako sa isang lalaki na napapaatras na ngayon, nagtaka naman ako at tinaasan siya ng kilay. Napansin ko ang pagtanggal niya sa Hologram Wristwatch at do'n siya nilamon ng hologram.
Napalingon ako kay Pauros na nakangiti lang sa akin, napansin kong tinatanggal niya din ang Hologram Wristwatch at gano'n din si Leera na naka-thumbs up pa sa akin. Nilamon din sila ng Hologram, napansin kong si Venedict naman ay hindi na nakakagalaw, lalapitan ko na sana pero bigla nalang itong naglaho. Napalingon naman ako sa mga mahaharlika na seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Still want to fight?" Ngisi kong tanong pero nakita kong pinapalutang na ni Venom ang mga Hologram Wristwatch nila at kasabay no'n ay ang paglaho nila.
"Hindi ko aakalain na ikaw ang mananalo, hindi mo deserve ang pagkapanalo mo." Agad kong nilingon si Esterno, Tito Chester and Tita Serafina's son.
"Wala akong pakialam sa sasabihin mo, basta alam kong ako ang mananal—" Bigla akong napasigaw dahil sa kulay asul na apoy na tumama sa binti ko. Akmang susugurin ko na siya nang bigla nalang itong naglaho at naiwan ang Hologram Wristwatch.
"Argh!" Inis kong tapak sa lupa.
"Well, hindi ka nga bihira. Kakaiba ka sa lahat, I wonder kung paano ka nabuhay ng may ganiyang klaseng kapangyarihan, sino ka ba talaga Alfalla?" Unti-unti na din siyang naglalaho dahil sa unti-unting pagkakalas ng kaniyang Hologram Wristwatch.
"Great! Alfalla from Natharia won the first ever game of the Gampenun! Now, hindi namin papatagalin ang hinihintay ng lahat na makuha, take your wish Alfalla before you get the other royal prizes."
Napangisi naman ako dahil sa sinabi ni Tita Sonata. Ito na ang hinihintay ko.
"Bago ako humiling, gusto kong nasa harapan ko lahat ng mga nakakataas na Mahaharlika at ang mga kasamahan nito noon." Napansin ko ang bahagyang pagtahimik pero agad naman akong namangha dahil sa sabay silang lumitaw sa harapan ko iilang distansiya ang layo. Seryosong nakatingin ang halos sa akin, si Tita Menesis na inis lang na nakatingin sa hangin habang si Tita Genesis naman ay nakangiti na ngayon. Napatingin ako kay Senny na nakatingin lang sa mga mata ko.
"Congrats, hindi ko alam na seseryosohin mong manalo." Agad kong tinignan sa mga mata si Brooch na pumaharap.
"What is your wish?" Tanong ni Tita Genesis na siyang nagpangisi sa akin.
Tinuro ko si Brooch na ikinataka ng lahat, agad napataas ang kilay ko dahil sa biglaang pagtabon ni Senny at ni Tito Venny kay Brooch mula sa akin.
"Tungkol sa kaniya ang hiling ko, but don't worry dahil hindi kamatayan niya ang kapalit." Nabunutan ng tinik si Senny at gano'n din si Tito Venny sa sinabi ko pero hindi nawawala ang ngisi ko sa labi.
"Isang katanungan lang naman, wala ng iba. 'Yon ang kahilingan ko, isang tanong at magandang sagot galing kay Brooch." Hinarap ko si Brooch, unti-unting lumalayo sina Tito Venny at Senny, tumango naman si Tita Genesis kay Brooch na parang gustong sabihin na pagbigyan ang kahilingan ko.
Hinarap ko ang lahat.
"Alam niyo bang may anak si Senny na inabandona sa isang madilim na kagubatan?" Agad namang nagulat ang lahat dahil sa sinabi ko, nagtaka naman si Senny. Nginisihan ko lang siya, pinipigilan ko namang hindi maluha dahil unti-unti na namang nagbabago ang tibok ng puso ko. Pinipigilan ko ang galit na namumuo ngayon hindi lang sa puso, pati na din sa utak ko.
"H-Hindi maaari ang sinasabi mo Al—"
"At kinontrol ni Brooch ang isipan ni Senny para makalimutan nito na may inabandona siyang bata. Kinuha ang mga memorya para hindi na maalala at mabalikan ang bata. Kinuha niya ang mga memorya niyo para hindi maalala na may anak siya." Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Brooch habang nakatingin sa akin, nanghihina siya at nararamdaman ko 'yon. Alam na alam kong tumitibok na ang puso niya at nakakaramdam na siya ng takot dahil sa mga sinasabi ko.
Ramdam na ramdam ko ang galit sa puso ko ngayon na parang gusto kong tapusing ang lahat.
Magsasalita pa sana ako nang bigla nalang lumitaw sa aming harapan ang isang pamilyar na lalaki at may kasama pa itong babae na ikinasinghap ko at ng lahat.
"C-Cylechter?!" Sigaw ng halos, nalilito sila kung sino ang titignan o lilingunin.
"Akala ko nasa Satharia kayo, nandito pala kayo sa pinagawa niyong palasiyo para sa isang palaro." Agad namang napatingin ang lahat sa babaeng kasama nito, gulat nilang pinag-aralan ang mukha nito at agad tinignan si Senny na ngayo'y gulat na nakatingin sa babaeng kamukhang-kamukha niya no'ng siya pa ay dalaga. Kahit ako, alam ko sa sarili ko na kamukhang-kamukha niya si Senny no'ng kasing-edad ko palang siya. Hindi ako makapaniwala!
S-Sino siya? Bakit kamukha niya si Senny? Bakit magkahawig sila? Ano na naman ba 'to?
Ano na namang nangyayari?!
"Kilalanin mong mabuti ang mga kasamahan ko anak, sila ang mga tumulong sa akin noon no'ng naghihirap ako." Agad namang napatango ang kaniyang anak at tumingin sa mga kasamahan nito. Kaniyang iniyuko ang ulo niya sa mga Mahaharlika at iba pa nitong kasamahan na gulat na gulat parin sa pangyayari ngayon. Hindi nagsi-sink in sa kanila ang biglaang paglitaw ni Cylechter at sa babaeng kasama nito na tinawag niyang anak na kahit ako ay hindi parin makapaniwala. Tumitibok ang puso ko ng mabilis na hindi ko malaman ang dahilan.
"Magandang araw po, pasensiya po sa distorbo pero nandito po kami para tumulong sa planong inyong isasagawa." Sabi ng babae, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at nakaramdam ako ng ibang pakiramdam sa kaloob-looban ko kapag kaharap ko siya. May kakaiba sa kaniya, m-magkatulad kami ng presensiya.
"A-Anong pangalan mo Iha?" Nauutal na tanong ni Tita Genesis.
Ngumiti ang babae at sumagot.
"Ako po si Avzora."

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    9d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    10d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters