logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 21

Third Person.
Binato ni Venedict ng bolang itim na liwanag ang dalawang Westherian na siyang ikinasigaw ng mga ito dahil sa sakit. Unti-unting nalulusaw ang kani-kanilang mga battle suit na siyang ikinangisi lang ni Venedict sa kanila. Hanggang sa huling sigaw nalang ang narinig sa dalawa at tuluyan ng binalot ng hologram.
"Tignan natin Alfalla, hindi ako magpapatalo sa'yo na talunin ang mga kalaban. Minamaliit mo ang isang tulad ko." Bulong ni Venedict habang nakatanaw kay Alfalla na tinutulungan si Leera na maging maayos. Agad naman napalingon si Venedict dahil sa tatlo pang natitira na Meterian.
"Hindi ba kayo susuko? Para hindi na kayo masaktan pa sa labas ng laro." Agad namang ngumisi ang nasa gitna nila, ang lalaking kanina pa napapansin ni Venedict na nakangisi. Idinikit ng lalaki ang kaniyang hintuturo sa kaniyang sentido kaya naghanda naman si Venedict, hindi alam nito kung ano ang kayang gawin ng lalaking nasa harapan niya kasama ang dalawang babae na seryoso lang na nakatanaw sa kaniya.
Bigla nalang napahawak si Venedict sa balikat niya nang may dumaplis do'n, agad niya itong tinignan at napansing nagdurugo na ang kaniyang balikat.
'Shit.' Mura ni Venedict sa isipan niya, hindi bihira ang mga Meterian dahil kakaiba ang kanilang kilos, ibang-iba sa mga natanggal niya sa laro.
"Hindi mo kami kaagad matatalo, Specialist. Hindi mo makikita ang mga atake namin, hinding-hindi mo makikita kung paano ka tanggalin ng kapangyarihan namin sa larong 'to." Agad naman siyang nainis at akmang babato na siyang enerhiya nang bigla siyang mapasigaw dahil sa sakit sa kaliwang balikat. Nagdurugo na naman 'yon dahil sa atake ng lalaki.
Ang Meterian ay nakakagawa ng kahit anong kapangyarihan sa isipan nila at tanging sila lang ang nakakakita sa mga kapangyarihang lumalabas galing sa kanilang utak. Mga kalahi lang nila ang nakakakita sa mga atake.
"Kainis, hindi kayo— argh!" Napaluhod si Venedict dahil sa sakit na natamo niya sa dalawang tuhod. Inaamin niya, mahihirapan talaga siya sa paggalaw. Delikado ang kakayahan niya sa mga kakayahan ng kalaban. Kailangan niyang mag-isip ng paraan kung paano niya matatalo ang tatlong nasa harapan niya, dapat siya kaagad makagawa ng paraan kung paano mapapabagsak ang tatlong 'to.
Agad gumawa si Venedict ng Hologram Barrier na babalot sa paligid niya, agad siyang napaatras ng kaunti dahil sa parang bakal na tumama sa barrier.
"He is throwing knives?" Bulong nito sa sarili dahil sa talim ng tumama sa barrier. Agad siyang tumayo at kahit nahihirapan ay kinaya niya, sa isip-isipan niya ay hindi sa tatlong ito ang magpapatumba sa kaniya sa larong 'to. Hindi ang tatlong 'to ang makakatapos sa kaniya sa gitna ng laro.
Agad inangat ni Venedict ang dalawa niyang kamay at ine-level ito sa mga balikat niya, napapapikit siya dahil sa sakit ng dalawang palad pero pinilit niya at kakayanin niya. Ang mga palad ni Venedict ngayon ay nakaharap sa magkabilang gilid, may itim na liwanag ang lumabas do'n. Ang itim na liwanag naman ay dali-daling kumilos, agad silang umatake sa tatlong Meterian pero agad namang gumawa ang mga ito ng panagang sa itim na liwanag. Binalot ng buong itim na liwanag ang kanilang katawan pero hindi nawawala ang ngisi sa lalaking nasa gitna nila.
"Pinapahirapan mo lang sarili mo Specialist, mamatay ka sa larong 'to." Sabi ng lalaki, patuloy silang binabalot ng itim na liwanag pero agad naman nitong nagagawan ng paraan ng tatlo habang ang kanilang mga hintituro ay nakatutok sa kanilang mga sentido at gumagawa ng barrier para hindi sila maapektuhan ng kapangyarihan ni Venedict.
"Let's see." Ngayo'y sabi ni Venedict pero napaluhod ito dahil sa hapdi na ng kaniyang mga tuhod at ang mga balikat niya ay hindi na niya maigalaw ng maayos.
Naramdaman nalang niya ang dalawang presensiya sa magkabilang gilid niya at iyon ay ang mga presensiya ng mga babaeng kasama ng lalaki. Naramdaman ni Venedict ang dalawang malalakas na sipa galing sa kaniyang tagiliran na siyang ikinasigaw niya sa sakit. Sunod ay ang pagsipa ng dalawang babae sa magkabilang balikat niya na ikinapikit niya ng mariin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Hindi siya makatayo dahil sa mga tuhod niyang hindi na makagalaw ng maayos dahil sa daplis ng ibinato ng lalaki na patalim sa kaniyang tuhod.
Napatingin siya sa harapan at kitang-kita ni Venedict ang hindi mawala-walang ngisi ng lalaki habang nakatanaw sa kaniya. Napansin ni Venedict na nawala na ang ginawa niyang itim na liwanag na bumalot sa tatlong Meterian.
Napapikit si Venedict dahil sa dalawang babaeng hawak na ang kaniyang mga braso at balikat. Dahil sa kahinaan niya ay hindi na niya napansin na wala na ang Hologram Barrier na ginawa niya kani-kanina lang.
"Sabi ko sa'yo Specialist, hindi mo kami matatalo ng gano'n-gano'n nalang dahil kakaiba kaming mga Meterian. Minaliit niyo ang lahi namin dahil lang sa may malakas kayong kapangyarihan? Hindi niyo ala—"
"May gusto ka ba sa akin?" Agad namang nagulat ang lalaki na pati ang dalawang babae ay hindi mapigilan hindi mapahagikhik dahil sa sinabi ni Venedict.
"Anong kabaliwan ang sinasabi mo?" Natuwa si Venedict dahil sa ngayo'y inis na ang makikita sa ekspresiyon ng lalaki.
"Ang daldal mo, para kang babae kung makapagsalita. Eh wala ka namang silbi." Ngising turan ni Venedict, agad namang nanggalaiti ang lalaki at bigla niyang idinikit ang hintuturo niya sa kaniyang sentido at akmang lalabas na ang kapangyarihan mula sa utak niya ay bigla nalang natigilan ang lalaki.
"A-Anong nangyayari, b-bakit hindi ko maigalaw a-ang mga kamay ko?! Bakit wala akong maisip? Bakit hindi gumagana ang aking utak?!" Tarantang sigaw ng lalaki na siyang ikinagulat ng dalawang babae. Naramdaman naman ni Venedict na unti-unting gumagaan ang pagkakahawak ng dalawang babae sa mga braso nito at balikat na siyang ikinangisi nalang niya.
Gumana na ang kapangyarihan niya na kanina niya ginawa, ang mga itim na liwanag na 'yon ay nagtataglay ng paralyze at mental block kapag nadaplisan ka nito kahit kaunti.
"Hindi rin kami makagalaw!" Sabay na sabi ng dalawang babae.
"Sabi ko naman sa inyo, sumuko na kayo hanggang maaga pa pero pinahirapan niyo pa ako at ang sarili niyo. Tignan natin, dadalhin at dadalhin niyo 'yan sa labas ng laro." Ngising sabi ni Venedict at kaagad na namang lumabas ang itim na liwanag sa magkabilang palad nito at buong nilamon ang tatlong Meterian, sigaw sila ng sigaw dahil sa kinakain sila ng hapdi, kirot at sakit. Na parang may kumakain sa kanilang katawan, na parang may sumasaksak sa kanila ng patalim nang paulit-ulit at may sumasaboy sa kanila ng mga asido.
"Bye." Kasabay no'n ay ang paglamon sa kanila ng hologram, agad namang natumba si Venedict dahil hindi niya na nakaya ang pagod at sakit ng buo niyang katawan. Hinihingal siyang nakahiga sa lupa habang ang dugo ay dumadanak mula sa kaniyang katawan.
"Ang galing mo do'n Venedict, but you can't continue the game." Kahit hirap ay pinilit niyang tignan ang mukha ni Alisis na seryoso lang na nakatingin sa kaniya.
Napangiti nalang siya at tumango, alam niya na katapusan niya na dahil nasa harapan ang kaniyang kababata na mula noong bata pa sila ay malakas na ang kapangyarihan nito. Kayang-kaya na nitong magpatumba ng kung ano-anong mabibigat at malalaki na bagay, pati malakas na Specialist ay kaya niyang patumbahin no'ng bata pa sila.
Bigla nalang naramdaman ni Venedict ang kapangyarihang bumabalot ngayon sa mga palad ni Alisis, tinignan niya 'yon at nakitang nagliliwanag ito ng asul. Biglang lumamig ang hangin sa paligid nila, ang lamig na siyang naramdaman niya noon mula sa mga kalabang pinagkaisahan siya. Ang lamig ng hangin na siyang nagligtas sa kaniya noon ay siya palang magpapahirap sa kaniya ngayon.
Lumutang sa ere si Venedict habang nakatingin ang mga matang nagliliwanag ng asul ni Alisis. Those incredible eyes, those incredible blue eyes that can control the temperature of the air, those air that will exclude Venedict from the game.
Pumikit nalang si Venedict at hinihintay ang atake ni Alisis na siyang magtatapos sa kaniya. Pero agad niya itong naidilat dahil sa pagbabago ng temperatura ng hangin, nagiging mainit at malamig. Agad siyang napalingon sa kamay na humawak sa kaniyang bewang na unti-unti siyang hinihila pababa mula sa ere.
"You can't kill him, you can't exclude him from the game Alisis." Hindi na nilingon ni Venedict ang nagsalita habang hinihila siya gamit ang pagkakayakap. Sa isip-isipan niya, hindi niya aakalain na ililigtas siya ni Alfalla.
"Edi ikaw ang tatanggalin ko." Turan ni Alisis, agad namang nilapag ni Alfalla si Venedict at kaagad nag-cast ng spell para mai-teleport ang nanghihina nitong katawan sa quarter nila.
"Then give me your best shot, princess of Satharia." Ngising turan ni Alfalla, kaagad binalot ng malamig na hangin ang buong katawan ni Alfalla dahil sa pagkokontrol dito ni Alisis. Pinipilit itong yakapin ng mahigpit ang katawan niya pero dahil sa kakaibang lakas din ni Alfalla ay nahihirapan itong gawin ang gusto niya. Nagliwanag ang mga mata ni Alfalla, those bloody eyes, agad napaatras si Alisis.
Nagbago ang temperature ng hangin at kaagad itong naging mainit, pilit na nilalabanan ni Alisis ang temperatura para hindi makontrol ni Alfalla ang hangin. May lumitaw sa likuran ni Alfalla na hindi nito napapansin, isang malaking ugat at kaagad naman itong hinampas ang katawan ni Alfalla ng malakas. Kasabay no'n ay ang pagbagsak ni Alisis sa lupa dahil sa pagkakahampas din ng malaking ugat mula sa kaniyang likuran.
Sa kabilang dako naman ay nanunuod ang natitira na lamang sa Eastheria na si Esterno habang sa Satharia ay si Sallino, sa Natharia naman ay sina Leera, Pauros at Venedict habang wala ng natira sa Westheria at Meretia. Kumpleto pa ang mga Mahaharlika, pati narin ang mga Wizards na ngayo'y nakangiting nakatanaw sa laban nila.
Pinunasan ni Alfalla ang kaunting dugo na lumabas galing sa bibig niya dahil sa malakas na pagkakahampas ng malaking ugat, hindi niya aakalain na magkatulad sila ni Alisis ng atake. Gano'n din si Alisis, pinunasan ang kaunting dugo na nagmula din sa kaniyang bibig. Hindi din niya inakala na magkakapareho sila ng aksiyon.
Lumutang sa ere si Alfalla gano'n din si Alisis, habang ang natitira sa kani-kanilang grupo ay nanunuod na lamang sa laban ng dalawang malalakas at walang magawa.
"I'm the Goddess of all Goddesses, and I will punish you." Nagbago ang boses ni Alisis dahil sa galit na nito, boses lalaking demonyo. Ngumisi nalang si Alfalla at mas nagliwanag ang kaniyang mga pulang mata.
"You don't know me yet, hanggang nakakatayo ako, papahirapan ko kayong lahat." Agad naman nagulat ang mga kasamahan ni Alfalla dahil sa pagdadalawang-boses nito katulad no'ng sa isang araw. Kinabahan naman ang mga kasamahan ni Alisis dahil hindi na ordinaryo ang lumalabas na lakas galing sa katawan niya at kinakain na ito ng matinding galit.
Biglang tumahimik ang dalawa at tanging ihip ng hangin nalang ang naririnig ng lahat habang hinihintay ng mga nanunuod ang magiging sunod na mangyayari. Sa isang iglap ay bigla nalang nagsangaan ang mga kamao ng dalawa na siyang ikinadulot nito ng matinding pagsabog, napalayo sila sa isa't-isa at naglabas ng magkaparehang bolang apoy sa kani-kanilang palad.
Nagkabanggaan ang mga bolang apoy at agad umusok ng makapal.
May tumama sa tiyan ni Alfalla na parang isang kamao kaya agad itong tumilapon sa isang quarter. Gano'n din si Alisis dahil parang may naramdaman siyang may sumipa sa kaniyang likuran na ikinabagsak niya sa lupa.
Nang humupa ang usok ay agad nagtaka ang lahat sa imahe ng isang lalaki, ang presensiya nito ay pamilyar. Agad namang nagulat si Leera dahil sa kambal niyang nakangisi ngayon na nakatingin sa lahat.
"Bitches will die in front of me." Sabi ng lalaki, agad namang lumitaw at dumilat ang mga mata sa likuran ng mga palad ng lalaki katulad ng kay Leera pero kakaiba ang mata dahil parang galit na galit ito. Nagbago ang anyo ng lalaki, mas tumikas ang pangangatawan na ngayo'y nagiging ube ang kulay ng kaniyang balat, ang mga kuko nito sa mga kamay at paa ay humaba na kasing-haba ng espada at naging mas matalim. Napunit ang damit nito at kaunting saplot nalang ang natitira sa ilalim na ang kaniyang pribado na lang ang natatakpan. Nagbago ang kaniyang itsura na kanina ay mukhang anghel dahil sa taglay nitong kaguwapuhan, ngayo'y mukha ng isang tunay na demonyo ang nasa harapan nila. Mga itim na mga mata na nagliliwanag at paglitaw sa magkabilang sentido ng mahahaba at matutulis na sungay na ikinatakot ng halos lahat ng nanunuod mula sa labas ng laro. Ang pagaspas ng kaniyang demonyong pakpak ang huling narinig ng lahat bago ito magsalita.
"Satan Soul: Prince of Hell!"

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    9d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    10d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    12d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters