logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 14

Alfalla.
At ano na naman ang pinagsasabi ng lalaking 'to? The hell?! I'm his?! Eh walang sinuman ang nakakapagsabi niyan sa akin even the real Titan Goddess ay hindi ako inako, siya pa kaya na napakakapal ng mukha at kagalit ko pa? Well, hindi dapat ganito ang ekspresiyon at ang galit ko dahil wala naman 'yon sa akin, pero baka kung ano na naman ang isipin ng mga lalaking 'to sa amin. They don't have open minds, they are desperate to have things na hinding-hindi mapapasa-kanila kaya paano ko masasabing wala lang sa kanila ang sinabi ni Venedict?
"Wala ka na talagang masabing matino Venedict, lahat panggagago." Inis sa bulong ko sa kaniya, agad niya naman akong hinarap at sabay nginisihan.
"Huwag ka na ngang maingay, suwerte mo dahil isang katulad ko ang umako sa'yo. Baka nga walang lalaking nagkakagusto sa'yo at sa ugali mo eh." Agad naman akong napanganga sa sinabi niya, at ano? Walang nagkakagusto sa akin? Baka isampal ko sa kaniya ang mga nagguwa-guwapuhang mga Titan Gods na nahuhumaling sa ganda ko!
"Hindi namin alam na kasintahan mo pala ang babaeng 'yan, bakit kaya hindi mo sabihin sa amin ang kakayahan niya?" Sabay kaming napatingin kay Sallino dahil sa pagsalita nito. Lagi siyang nakangisi o di kaya ay nakangiti. Light palagi ang pakiramdam ng isang 'to, 'yong ensakto lang ang ugali hindi katulad ng mga kasamahan niya na ang se-seryoso ng mga mukha na para bang ang bigat-bigat ng dinadala sa buhay.
"Bakit ba ako palagi ang trip niyo? Sigurado ba kayong utos pa ng prinsesa ang ginagawa niyo? O baka gusto niyo ako?" Irita kong turan, agad naman akong napatingin sa labi ni Venedict dahil bigla 'yong napangisi.
"Oo Sallino, kasintahan ko ang babaeng ito sa harapan niyo kaya huwag kayong magkakamali na gawan siya ng masama, baka hindi niyo alam ang gagawin ko sa inyo." Kung hindi ko lang kilala ang lalaking 'to baka seryoso na siya sa sinabi niya, may awtoridad ang pagkakabigkas niya sa bawat salita na siyang parang nagbibigay ng mabigat na utos.
"Hindi kami natatakot Venedict, gabay namin ang Diyosa kaya wala kang magagawa kung ano ang iuutos niya." Seryosong sabat ni Zharo, napatango-tango nalang si Venedict na para bang may napagtanto.
Diyosa, hindi man lang totoo na Diyosa.
"Sabihin mo kay Alisis, hindi din ako natatakot sa gabay na binibigay niya sa inyo. Masiyado kayong mahina para sa akin, gusto kong tumawag pa kayo ng kasamahan nang para malaman natin kung sino ang babagsak." Ngising turan ni Venedict, hindi nga talaga siya nawawalan ng hangin sa buong katawan. Siguro hindi na magbabago ang ugali niyang 'yan, baka sa pagtanda ay ganiyan parin siya. Napailing nalang ako dahil sa kahanginan niya, hayst.
Bigla nalang may lumitaw na tatlong balisong na gawa sa mga yelo ang umatake kay Sallino pero agad naman 'yon nahinto sa harapan nito at natunaw.
"Oh I forgot, sabi ko sa'yo Pauros ay may kakayahan siya na magpalabas din ng yelo katulad ng sa'yo eh." Narinig ko ang boses ni Leera mula sa likuran ko pero hindi ko nilingon dahil sayang sa enerhiya.
"I know, I just tried to attack him with mine." Sagot naman ni Pauros.
"Stop, don't talk too much." Malamig na boses ni Jaffna ang sunod kong narinig. Agad nang tumabi sa gilid ko si Leera at sa tabi naman nito ay si Pauros at Jaffna na seryoso lang na nakatingin sa mga lalaki.
"This is not the right time for us to beat all of you, but expect that all of you will bleed blood." Seryosong sabi ni Danoa, agad naman akong napalakpak dahil sa walang kakuwenta-kuwentang pananakot niya sa amin.
"This is not the right time? O baka takot lang kayo? I mean hindi sa ino-offend ko kayo pero mahina pa kayo para kumalaban sa akin. Again I mean, all of you are not enough to be an Apostle." Ngising turan ko na ikinakuyom ng palad nina Danoa at Zharo pero si Sallino ay namamangha lang na nakatingin sa mga mata ko.
"You are really different, pero lalapit ka din sa amin para malaman ang katotohanan na gusto mong malaman." Agad naman natuod ang mga paa ko sa sinabi niya, may pinupunto ba siya sa sinasabi niya? May ibig bang sabihin ba 'yon?
"Kung may katotohanan man akong gustong malaman, gagawin ko 'yon na ako lang mag-isa at hindi humihingi ng tulong. Kaya huwag kang magpakampante Sallino na lalapit ako sa inyo." Seryoso kong turan, hindi parin mawala-wala ang ngisi sa mga labi niya na siyang pagsisimula ng pag-init ng ulo ko. Gustong-gusto ko talaga silang patulan pero natutuwa pa ako dahil sa pagsunod-sunuran nila sa akin na parang mga buntot ko.
"Let's go." Turan ni Sallino at bigla nalang tumalon sa mga puno, gano'n din ang ginawa pa ng dalawa niyang mga kasama.
"Leader ka diba? Bakit nawawala ka bigla sa mga mata namin?" Agad naman akong nagtaka dahil sa biglaang galit ni Venedict.
"Ano ba ang pinuputok ng budhi mo diyan? Feeling leader ako diba? Kaya anong pakialam mo kung saan ako pupunta? Wala ka talagang utak, sinabi mo pa talaga na kasintahan mo ako. Sino bang baliw ang magsasabi no'n?!" Sigaw kong sabi sa kaniya, 'yon na ata ang pinakamahabang nasabi ko sa buhay. Nawawala na tuloy ang pagiging cold-hearted ko dahil sa mga katulad nilang nasa paligid ko. Ewan ko nalang kung anong mangyayari sa akin kapag tuluyan na akong bumigay sa mga katulad nila.
Sa labingdalawang-taon, ni wala akong nakasama sa buhay na ordinaryong Specialists. Lahat mga Diyos at Diyosa ang mga kasama ko, they taught me how to be brave enough to conquer my fears, to be strong to surpass the challenges and to be independent, for me not to base my thoughts from the others. Kaya ayaw na ayaw kong may nangingialam sa mga plano ko, ayokong binabago o hindi sinusunod ang ideya ko dahil umiinit talaga ang ulo ko. Hindi ako sanay na may ka-kompetensiya pero ginagawa ko ang lahat para ako ang magwagi at makuha ko ang gusto kong makuha.
"Kung hindi ko sasabihin na kasintahan kita, baka kung ano nalang ang gawin nilang tatlo sa'yo!" Sigaw niya pabalik sa akin.
"Anong tingin mo sa akin? Mahina katulad mo? Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpanalo laban sa mga Tito't Tita mo kahapon. Dahil sa kapangyarihan ko ay nanalo tayo, kaya huwag mo akong pinapangunahan sa lahat! Venedict, tatlo lang 'yon! Kayang-kaya ko silang tatlo na walang tulong mo!" Hiningal akong sinabi 'yon, hindi siya nagpapigil at nagpatalo, mas nilapitan pa niya ako.
"O? Paano mo naman nalaman na tatlo lang sila? Hindi mo ba napansin ang mga presensiya ng mga prinsesa at prinsipe?" Agad naman akong nagulat dahil sa sinabi niya, nakita niya ang ekspresiyon ko kaya agad naman siyang napangisi.
"Nang dahil diyan sa kung anu-anong iniisip mo, hindi mo na namalayan na malapit ka ng mahulog sa patibong nila. Tinatanong mo pa sa kanila na bakit ikaw trip nila? Siyempre gaganahan sila sa laro kapag wala na ang may pinakamataas na puntos, malakas ka diba? Sabi mo malakas ka? Kaya ikaw ang trip nila kasi gusto ka nilang matalo sa laro! Boba!" Agad akong natigilan dahil sa sigaw niya, parang may bell na tumunog sa tenga ko dahil sa sinabi niya sa akin.
A-Ako boba? Sinabihan niya akong boba sa harap ng iba naming kasamahan? Sinabi niya 'yon?
Agad nang-init ang ulo ko, hindi ko alam pero kaagad lumiwanag ang mga mata ko at nakita ko 'yon sa mga mata niya. Mga mata niyang gulat na gulat ngayon dahil sa kapangyarihan na pinaparamdam ko sa kaniya. Agad kong tinapat ang mga palad ko sa magkabilang gilid, napansin ko pang napaalis ang mga kasamahan namin at lumipat mg puwesto.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng gano'ng katinding insulto. Ako boba? Pinalaki ng mga makapangyarihan Titan Gods and Titan Goddesses na matalino? Malakas? Walang kinakatakutan? Sinabihan niya lang na boba?
Agad lumiwanag ang buo kong katawan na siyang pagpikit ng mga mata nila. Kasabay no'n ang paglabas ng malakas na puwersa mula sa katawan ko, napatakip pa sila sa mga mukha nila gamit ang kani-kanilang mga braso para protektahan ang kani-kanilang mata mula sa liwanag.
Pagkawala ng liwanag ay siyang pagdilat ng kani-kanilang mga mata ng sabay. Huminahon naman ako dahil ayokong gumawa ng malaking gulo, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at burahin ang Isla Cluestia sa isang pitik lang.
**********
Jaffna.
Her presence, her aura, her power and her personality are very strong. She is very unique, siya na ata ang babaeng kauna-unahang nakilala ko na mas malakas pa kaysa sa isang totoong Diyos.
Pagkadilat ng mga mata ko ay nakita ko lahat ng mga puno, na naging abo. Walang natira kahit isa sa isla, kaya kitang-kita ko ang mga halimaw na nilalabanan ng mga ibang kalahok. Napatigil pa ang iba sa kanila dahil sa pagtataka at pagkagulat sa ginawa ni Alfalla. Kitang-kita parin ang nagliliwanag na mga mata ni Alfalla habang galit na nakatingin kay Venedict na ngayo'y nakatayo lang sa harapan niya na parang wala lang nangyari.
Bilib din ako kay Venedict minsan, kahit na mahangin siya ay palaban din. Ewan ko nga kung ano ang nararamdaman niya kay Alfalla, nararamdaman ko kasing may gusto siya sa roommate ko. Dinadaan niya lang sa pang-aasar para mapansin siya, tsk. Mga galawan niya ay daling mabasa, kung ako pa sa kaniya ay umamin na siya. Wala namang mawawala eh, ewan ko nalang kung makakaya ni Venedict na ma-reject.
Kung maka-react kasi siya kanina no'ng nawala si Alfalla ay parang mababaliw na, ayaw ata niya mawala sa mga mata niya ang imahe ni Alfalla. Baliw na baliw ata siya sa mukha ni Alfalla, well she is gorgeous and powerful kaya sino hindi mababaliw sa isang katulad niya diba?
Napansin ko ang mga halimaw na patakbong papunta kay Alfalla. Naaakit pala ang mga halimaw na ito sa mga malalakas na kapangyarihan, nagulat lang kasi ako dahil lahat ng mga halimaw na nilalabanan ng ibang kalahok ay patakbong umatake kay Alfalla.
Napansin naman 'yon ni Alfalla kaya agad niyang Tinignan isa-isa ang mga halimaw. Kaagad lumiwanag ang mga kamay nito at ginalaw sa ere. Pinangwawaksi niya ang kaniyang kamay na para bang may nilalarong mga manika, saktong pagwinawaksi niya ang kaniyang kamay ay tumatalsik ang mga halimaw at napapahiyaw at biglang naglalaho.
Mangha akong nakatingin ngayon kay Alfalla, para siyang sumasayaw sa lupa habang kinokontrol ang bawat galaw ng kaniyang mga daliri at kamay. Para bang isinasabay niya ito sa magandang musika at inaalala ang bawat hakbang ng kaniyang mga paa.
She is really different, sino nga ba talaga siya? Kahit ako, gusto ko siyang tanungin pero nararamdaman ko naman na minsan ay ayaw niyang makipag-usap. Hindi ko kasi alam kung paano mag-approach sa isang tulad niya na kasing-ugali ko rin minsan.
"Nakakatakot siyang magalit Ate." Agad naman akong napalingon kay Leera, tinanguan ko naman siya dahil tama ang sinabi niya. Nakakatakot si Alfalla galitin, she is no ordinary Specialist. Kakaiba ang kakayahan niya bilang babae, kakaiba ang daloy ng kaniyang dugo at utak, personalidad at kapangyarihan.
"Tama naman kasi si Venedict, hindi dapat siya nawawala dahil siya ang may kakayahang gumawa ng plano ng maayos." Tama si Pauros, matalino si Alfalla at magaling sa kalkulasiyon. Pero nagulat ako dahil hindi niya napansin ang presensiya nina Alisis, kahit ako ay naramdaman ko ang mga presensiya nila.
"Pero sobra naman ata si Venedict? Overreacting na 'yong sinabi niya kanina, kayang-kaya naman talaga ni Alfalla ang mga kalaban kahit siya lang mag-isa. Grabe naman kasi reaksiyon niya." Leera said.
"Lesson learn, huwag natin siya galitin dahil baka masama tayo sa mga puno na 'yan na maging abo." Sabi ulit ni Leera.
Balang-araw, hindi man ako ang unang makakakilala sa'yo Alfalla, at least malalaman ko parin kung sino at ano ang mga kaya mong gawin maliban sa sunugin at gawing abo ang mga puno at pagka-cast ng spell.

Book Comment (65)

  • avatar
    Meizaa

    Wow na wow talaga author ito talaga ang the best ever na nabasa ko dito sa novelah hayst ang ganda ng pag kakagawa mo 🥰👍

    10d

      0
  • avatar
    Jenny Villareal

    it so good to read I love it

    11d

      0
  • avatar
    Bai Yna Guiandal Alim

    napaka ganda

    13d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters