logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 Dos

"I can see the past," panimula ko. "Specifically your past life."
Tiningnan ko sila pero walang nagbago sa kanilang ekspresyon. Suot pa rin nila ang walang emosyong maskara. Hindi ko mabasa kung naniniwala ba sila sa akin o hindi. Muli kong pinagmasdan ang galaw nila, ang dalagag may hawak na manika ay nakasuot ng puting kaswal na damit na may disenyong bulaklak.
Ang babae namang kasama niya na ay nakasuot ng itim na t-shirt na may disenyong bungo na neon green pares ang itim na ripped jeans at ang lalaki naman nilang kasama na para sa akin ay hindi talaga nababagay sa lugar na 'to ay nakasuot ng navy blue na tuxedo. Sinong nagsusuot ng tuxedo with bow sa isang perya?
"Jake sweety, go sit there and be the guinea pig of Winter," utos ng babaeng naka t-shirt.
"I told you to stop calling me that!" Inis na sagot niya saka lumingon sa akin.
"Do you want me to call you sugar pie then?" Mapang-asar na ngisi ng babae.
Kahit pa puno ng piercing ang kaniyang tainga, ilong at labi. She also has a long big wave of a rich combination of blue roots and aquamarine ends hair that makes her even more stunning with her porcelain skin tone. How can she pull off that look without looking like a trying-hard potato?
"Can you two stop bickering, please? You're acting like a child! Just go ahead and sit there, Jake." Mataray na sambit ng dalaga.
Hindi rin nagpapatalo sa kagandahan ang dalagang ito. Tantya kong nasa edarang labing apat na taong gulang 'to pero makikitaan mo na na maraming lalaki ang kahuhumalingan siya. Sa simple niyang kasuotan ay lalong lumalabas ang kaniyang ganda.
Dark brown short hair, big blue eyes, and plumped lips made her very adorable. The freckles across her cheeks even add up cuteness to her small cute face. Para akong napapalibutan ng mga artista dahil sa kanilang tatlo. Lumapit sa akin ang kasama nilang lalaki at umupo sa bakanteng upuan sa aking harap. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi talaga ako masanay sanay kahit dalawang taon ko na 'tong ginagawa.
Ito ang pinaka ayaw ko at mahirap sa trabaho kong 'to, sa simpleng pagdampi ng balat ko sa isang tao ay may pangitain akong nakikita at wala akong kakayahang piliin kung anong klaseng pangitain ang aking masasaksihan. The fear of seeing someone dying and the pain of seeing someone in misery is immeasurable. Natatakot akong makita 'yun lahat kasi wala naman akong magagawa. Hindi ko mababago ang nangyari na pero kailangan kong gawin dahil ito lang ang saysay ko sa mundong 'to.
Pero sa kanila ay wala lang, para sa kanila ay walang katotohanang hula lamang ang ginagawa ko. Gustuhin ko man ipeke ang aking pangitain ay bantay sarado ako ni Tito Isme. As they've said, you will never understand unless you are in their shoes.
"Well, I'm not interested in my past life so I'm out," sambit ng babaeng may kulay asul ang mata habang itinaas ang kaniyang dalawang kamay.
Napairap na lamang ang dalagang may dalang manika sa winika niya at nakapamaywang na hinarap siya.
"We might find some answers if she sees the past, Misty. This is not the time for you to be⁠—"
"Past life, Winter. I doubt you can find an answer. And she's gone, it's too late," walang emosyong pagputol niya sa dalaga.
Ramdam ko ang tensyon na namamagitan sa dalawa. Matagal na nagsukatan ng tingin ang dalawa bago tumalikod ang tinatawag niyang Winter sabay pitik ng kaniyang nakapusod na buhok at humarap sa akin. Bakas pa rin ang inis sa mga mata nito. Isang marahas na buntong hininga naman ang pinakawalan noong Misty bago muling nagsalita.
"Anyways, I'm going to roam around the fair, this place looks more exciting compared to when we went to Disneyland. Just call me when you're done," saka mabilis na lumabas sa tent ko.
Napabuntong hininga na lamang ako at tinitigan ang dalaga at ang kasama nitong lalaki sa aking harapan. Isang minutong kaming tahimik tatlo, nakikiramdam ako sa susunod na hakbang. Tapos na ata sila sa pagtatalo, panahon na para gawin ko ang aking trabaho.
"Ang nakalipas na buhay ng isang tao ay salamin ng buhay na maaari nilang haharapin sa kasalukuyan ngunit nais ko lang sabihin sa inyo na hindi ko maigagarantiya na mababago niyo 'to at wala rin akong magagawa upang tulongan kayong baguhin 'to," pagpapaliwanag ko.
Wala ni isang nagsalita sa kanila at tinitigan lamang nila ako tila hinahamon akong patunayan ang aking kakayahan. Kahit ilang beses ko 'to ginagawa ay natatakot pa rin talaga ako, tinitigan ko ang dahan dahang paglapit ng kamay ng lalaking kasama nila at naramdaman ang lalong paglakas ng tambol ng puso ko. Napapikit ako ng isang eksena ang sumakop sa isipan ko.
Inilibot ko ang paningin ko, madilim ang paligid at tanging mga ilaw lamang sa isang malaking bahay na bato ang nakita ko.
Napapalibutan ng magagandang pulang rosas ang mansyon. Naglakad ako papalapit sa mansyon at may nakita akong nagkakasiyahan sa loob ng bahay habang nasa hindi kalayuan sa labas ng mansyon ay ang kustomer kong lalaki. Lumapit ako rito at nakita ang pamgungulila sa kanyang mga mata.
"Sa ibang panahon, sa ibang oras, sa ibang pagkakataon sana ay magkita tayong muli. At sa pagkakataong iyon, ay sana pwede na, sana ay ako naman, sana ay mapansin mo na ako," sambit niya habang tinatanaw ang isang babae nakangiti habang kausap ang isang matandang lalaki.
Napabitaw ako sa kanyang kamay at napabuntong hininga. Nagpasalamat ako at hindi nakakatakot na pangitain ang nasaksihan ko. Nagsimula akong mabilis na nagsketch para maipakita ang babae sa aking pangitain; heart shaped face, deep brown eyes, porcelain skin, thin heart shaped lips and thick well-trimmed set of brows.
Sa ganitong paraan ko na lamang nagagawa ang aking pagguguhit. Nang matapos ay tinitigan ko ang aking likha. Hindi ko maipagkakailang napaka ganda nga ng babae sa aking pangitain, may pagkakahawig siya sa dalawang babaeng kustomer ko. Kamag-anak ba nila 'to? Kung ganoon ay mukhang ginagawa na ng tadhana ang kaniyang trabaho. Matapos kong gumuhit ay agad kong inilapag sa lamesa ang litrato na aking ginuhit at ipinakita 'to sa aking kustomer.
"Ang babaeng iyan ang rason kung bakit ka naririto. Umaasa kang sa panahon na ito ay mapansin ka niya," ani ko.
Napaawang ang mga bibig nila na tinitigan ang aking iginuhit. Narinig ko ang mahinang pagbulong nila ng pangalang Elena.
"That's... Elena." Matagal na tinitigan ng lalaki ang iginuhit ko bago nagsalita muli. "Did you stalk us?" pagbibintang ng lalaki.
Nagulat ako sa agresibong pag-bagsak ng kaniyang kamay sa aking lamesa.
"Marami akong mga customer, sa tingin mo ba ay may oras akong alamin ang buhay niyo o ang mga taong nakakasalamuha niyo?" Pangangatwiran ko.
Napabuntong hininga na lamang ako ulit, sanay na ako na madalas ganito ang reaksyon nila. Minsan ay pagtatawanana ako o sasabihang halimaw o weirdo. Naiintindihan ko naman ang iba ay nagpapahula para lamang sa katuwaan pero sa t'wing nagtutugma ang aking pangitain ay nagagalit o minsa'y natatakot sila. Sinamaan niya ako ng tingin bago biglang nagsalita ang dalagang kasama n'ya.
"Jake, can you... leave us two alone, please?"
Marahas na bumuntong huminga yung 'Jake' bago padabog na lumabas ng tent ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Mga ingay lamang mula sa labas ng perya tulad ng masayang sigawan at musika ng rides ang naririnig, saglit niya akong tinitigan tila binabasa ang isipin ko. I felt awkward at her stares that I decided to do the talking.
"P'wede kong tingnan ang nakaraang buhay mo kung gusto mo, ibigay mo lamang sa akin ang iyong kamay."
Iniabot ko ang aking palad ngunit umiling lamang siya. Lalong nagkunot ang noo ko, anong gusto niyang mangyari? Anong gusto niyang gawin ko?
"My older sister," isang malalim na buntong hininga ang inilabas niya bago muling nagsalita. "She has been through a lot of unbelievable things, and right now, she might be physically here but she's long gone."
Bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang ipahiwatig ay ramdam ko ang pighati na nararamdaman niya. Anong ibig niyang sabihin? Napakunot muli ang noo ko sa inasal niya. Ipinikit niya ang mga mata niya at hindi ko maiwasang mamangha sa makakapal niyang pilik mata at matangos na ilong niya.
"She said that she lived a good life. Until now, I still can't understand her words but what I know is," muli siyang tumingin sa akin. "She didn't lose against fate, she fought until the end and she never asked or complained why did it all happen to her."
Ano bang gusto mong gawin ko? Wala naman akong magagawa kahit gustuhin ko.
"Hindi kita maintindihan ngunit tulad ng sinabi ko sa'yo, nakikita ko lang ang nakaraang buhay niyo, nakakakita lang ako."
Hindi siya umimik ngunit 'di nawala ang kanyang tingin sa akin. Mga matang puno ng katanungan, mga matang nais baguhin ang tadhana. Agad akong napaiwas ng tingin, hindi ko mababago ang nakatadhana sa kanila.
"You're special aren't you? You're living proof of the impossible too. I have so much to ask her, I want to meet her again," sambit niya na may bakas ng desperasyon.
Nakita ko ang sabay na pagpatak ng luha sa kanyang dalawang mata. Seryoso at puno ng lungkot ang nakasalamin sa mga mata niya.
"If you're able to see the past. Can you do me a favor, please?" Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay. "If I need to pay, I will. Just name the price. Is there any way you can help me? Can you see in the past if there's a way to fix and find a solution? Can you bring back my sister? Can you bring back Elena?"
Bakas ang desperasyon sa boses niya. Anong ibig nyang sabihin na ibalik si Elena? Sino si Elena? Matagal kaming nagtitigan bago siya nagbuntong hininga. Mapakla akong ngumiti sa kan'ya.
Gustuhin ko man siya tulungan ay wala rin akong laban sa nakatadhana na. Ayoko ng muli maulit ang pagkakamali ko noon. Sinubukan kong baguhin ang kapalaran ni Mama ngunit sa huli ay napahamak lamang siya at si Yana. I feel so guilty seeing her desperation pero... I am not special, I am not capable of anything, I am not capable of changing anything.
"I guess that's a no," walang emosyon niyang sambit. "I'm sorry, I was too desperate. I didn't want to give up but its been 2 years⁠—" Tumayo siya at kinuha ang manika niya na nakaupo sa isang bakante kong upuan. Naglakad siya papalayo bago muling lumingon sa akin. "You know, there's no one else that can help you but yourself."
Napakunot muli ang aking noo. I have a very weird customer today. Bakit parang may malalim na ibig sabihin ang kaniyang mga payo?
"You have a very beautiful set of eyes but you also have the look in your eyes that is asking to be saved," sambit niya bago nagpatuloy. "I know you can see the past but don't live in it, there's more to life than being trapped in this dark place."
Nagugulohan ko siyang tiningnan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi 'to sa akin. Wala siyang alam tungkol sa akin at sa buhay ko. At sigurado din akong wala siyang pakialam. Pero ano 'tong nararamdaman ko?
Ano nga ba ang alam ng isang nagdadalaga tungkol sa aking buhay? Sinadya kong gawing nakakatakot at madilim ang tent ko dahil sa kalikasan ng aking trabaho pero bakit tila may ibang ibig iparating ang kanyang mga salita? Hinawakan niya gamit ang kanang kamay niya ang aking itim na kurtina habang hawak pa rin sa kaniyang kaliwang kamay ang kanyang manika. She gave me one last look.
"We can't live in the past forever... I guess. Thank you, to be honest," isang tipid na ngiti ang naukit sa labi niya. "I was hoping you could help me because you were my last hope before I finally decide to give up on her. Today's date was the day she left us, so today I'll move on too. I hope you can live in the present too." Sambit niya sabay mahigpit na niyakap ang manika niya. "Don't make your sister wait too long for you."

Book Comment (9)

  • avatar
    Crisbalderama

    kgigf

    25/06

      1
  • avatar
    VicenteCristine Joy

    I love it

    22/03

      1
  • avatar
    Cy Cy Mendez

    so buetyful kahshsbssjsjshwbwbwwkwiwiwiwowowisussbdbskekekshbssbskekejehhejwjwkwjwhvssiduxdnepwoxyd eieuehdndodudhdndkdishdjsosishsoeieheneekiejdkdkpeoeiekekdkdjd on ah I know nmn pero mga 1 sleep na ako eh not really a billion times a week nlng Pala casino in person or ndi po wla nmn na eh I know nmn po hubby is utang sana na na add kona lng to nmn HAHAHA btw tagasan ba tropa mo huh ganun bayun HEHEHE I can I fevor you too mwauh hubby is a billion times and then block them in my life I know nmn

    01/11

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters