logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

"Bakit hindi ninyo ako sabayang kumain para naman mas ganahan ako kaysa sa pinapanood ninyo ang aking bawat galaw," biglang sambit ni Señorito na nakatingin sa mga nakahilerang kasambahay.
Agad na umiling si Cassy at sinulyapan ang mga katabi. "Hindi po maaari, Señorito. Iyon ay utos ng iyong mama kay Manang Rosa."
Lihim na lang siyang napailing dahil sa nangyayari. Hindi pa man niya nakikita ang mama ni Señorito ay nahihinuha na niyang isa itong istriktang babae.
Pumasok si Manang Rosa sa hapagkainan kaya ito ang kinausap ng Señorito.
"Manang, sabayan niyo na po akong lahat sa pagkain. Ako na ang magsasabi kay mama."
Nilingon sila ni Manang Rosa bago nginitian si Señorito. "Aba'y kung iyan ang iyong nais, Señorito, ito ang masusunod." Sinenyasan niya kaming magsi-upo na sa hapag.
Isang kamay ang humila sa kanya paatras at biglang may dumaan sa kanyang harap sabay hila at upo sa kanang upuan ng Señorito. Ito ay Hanna. Sa kaliwang bahagi ng Señorito naman umupo si Maria hanggang sa naiwan na siyang nakatayo kasama si Manang at lahat ay kanya kanya ng nagsi-upo.
Hindi niya maiwasang mangiti ng sarkastiko dahil sa nangyari. Mukhang ang gusto pa ata ng lahat ay pagsilbihan pa nila ni Manang Rosa ang mga ito. Napailing na lang siya ng senyasan siya ni Manang Rosa na sumunod dito.
Tumalikod na siya at akmang maglalakad ng may humawak sa braso niya. 
"And where do you think you're going?" 
Nilingon niya ang Señorito na siyang pumigil sa kanya. "Tutulungan ko po si Manang na kumuha ng ibang mga plato," aniya ay sinulyapan ang ibang katulong.
Napatayo naman si Cassy pagkarinig ng sinabi niya. "Tutulong na rin ako Señorito." 
Binitawan ng Señorito ang kanyang braso at saka siya pumuntang kusina para kumuha ng mga plato. Nakasunod sa kanya si Cassy.
"Grabe, nakita mo ba kung paano ka hinila ni Hanna para lang makaupo siya sa kanang bahagi ng Señorito? Anong akala niya sa sarili niya, asawa? Hah!" mahinang lintanya ni Cassy. Napailing na lang siya.
"Hayaan mo siya. Kung doon siya magiging masaya, edi pagbigyan," mahinang bulong niya at nilapitan si Manang para kunin ang mga platong dala nito. 
Si Cassy ay tinulungan si Manang sa mga pagkain at siya naman ay nakadalawang balik dahil sa mga baso at mga utensil.
"Ija, ikaw ang maupo sa kabilang kabisera. Ikaw ang natatanging nararapat doon," biglang wika ni Manang Rosa ng papunta na sila sa hapagkainan.
Nilingon niya ang matanda dahil sa sinabi nito. "Pero Manang ikaw dapat ang mauupo doon bilang mayordoma. Nasa ibaba mo lang kaming mga katulong," aniya.
Kahit na wala naman talagang dapat umupo doon dahil hindi naman sila nararapat ay nawala ang sinusunod na pormalidad dahil sa mga katulong na ang kasama sa pagkain ng Señorito. Pero mukhang iba ang nasa isip ni Manang Rosa dahil pilit pa rin nitong sinusunod ang pormalidad na nakasanayan.
"Pero ikaw ang totoong bisita ng mansyon. Hindi man alam ng iba ngunit alam ko. Hindi ko iyon maaaring balewalain," anito.
Wala ng siyang nagawa ng ito pa mismo ang naghila sa kanya ng upuan. Hindi niya tuloy maiwasang mahiya at mailang sa tingin ng ibang katulong. Lalo na iyong ibang hindi nakakaalam ng totoong siya.
Ngiting-ngiti naman si Cassy sa kanya na binigyan niya lang ng ngiwi. Sa kanan niya umupo si Manang Rosa. Napapatitig siya sa Señorito na siyang kaharap na niya. May ngiti ito sa labi bago sinabing umpisahan na nila ang pagkain.
Namayani ang katahimikan sa buong hapag at tanging tunog lang ng mga kubyertos at plato ang naririnig. Hanggang sa basagin ng Señorito ang katahimikan.
"Masarap ang mga pagkaing niluto. Damihan niyo ang pagkain at huwag kayong mahihiya sa akin," pagkatapos sabihin iyon ay nagkanya-kanya ng usapan ang mga tao na nasa hapag. 
Nawala ang awkward atmosphere sa paligid. May naririnig pa siyang nagtatawanan.
Hindi naman pinansin ni Katya ang paligid dahil nagugutom na rin siya. Kaya nama'y inumpisahan na rin niyang kumain. Pero bago iyon ay kinuha niya ang mantel na nasa gilid ng mesa at inilagay ito sa kanyang kandungan. Kinuha niya rin ang mga kubyertos at pinunasan ng dalang tissue. Pati ang kanyang baso ay pinunasan niya. Ang pagkain naman ay inilagay niya sa sariling plato na may tamang dami kada putahe. Hindi siya kumuha ng kanin dahil hindi naman niya nakasanayang kumain nito. Isa pa ay gabi naman at hindi siya agad matutunawan.
Pagkatapos ay kinuha niya ang kutsilyo para hiwain ang mga karne bago niya ito simulang kainin. Tumusok siya ng pirasong karne gamit ang tinisor at isinubo. Napatango-tango siya ng malasahan ang sarap nito. Masarap magluto si Manang Rosa kaya naman parati na lang siyang maraming nakakain tuwing tanghali.
Nagpatuloy siya sa pagkain o pagtikim tikim para sa iba hanggang sa mapansin niya ang pananahimik ng hapag. Nag-angat siya ng tingin at nagulat pa siya ng makitang lahat ng nasa hapag ay nakatingin sa kanya. Tila nagugulat at namamangha. She doesn't know why.
Nginuya niya ang karne at matapos lunukin ay uminom siya ng tubig. Pinunasan niya ang bibig gamit ang tissue at ng wala na siyang pagkain sa bibig ay saka siya nagasalita.
"Why? Bakit ganyan kayong makatingin sa akin?" nagtataka niyang tanong sa mga ito.
Nang sulyapan niya ang Señorito ay titig na titig din ito sa kanya na tila pa malalim ang iniisip. Ang dalawang babaeng nasa tabi nito ay awang ang bibig na nakatingin sa kanya na parang may ginawa siyang kakaiba bukod sa pagkain—
Natigilan siya at napatingin sa kanyang ayos. Tuwid na tuwid ang likod niya at kung siya ay titingin sa salamin ay makikita niya ang totoong Katyarhina na sosyalera, may class at lumaki na may golden spoon sa bibig. Mukhang nawala na naman siya sa kanyang sarili dahil ng makaupo siya sa magarang lamesa ng mayayaman ay tila nabalik siya sa dati kung saan nagagawa niya ang kanyang totoong gawi ng walang halong pagkukunwari. 
Ang hirap lang talagang pekein ng mga bagay na nakasanayan na niya. Gaya ng pagkain na parang prinsesa sa harap ng mesa.
Nilingon niya si Manang Rosa na umiiling iling lang sa kanya. May kaba siyang nakita sa mata nito na nagsasabing maaari siyang mabuko sa ikinikilos niya kaya naman ay tinapos na niya agad ang pagkain. Mas hindi na niya kinakaya ang katahimikan hindi gaya kanina na bago palang sila mag-umpisang kumain.
Tumayo siya at pinagmasdan ang lahat. Hindi siya makatingin sa Señorito. "Excuse me, I'm done eating..." Nakagat niya ang labi dahil sa English niyang pagkakasabi. "Kailangan kong tumawag sa mama at papa ko." Ngumiti siya sa lahat bago tumalikod at pumunta sa kanyang kwarto. 
Laking pasasalamat niya ng walang sumunod at nagtanong sa kanya. Nang makapasok siya sa kwarto ay napasandal na lang siya sa pintuan at napapikit. Hindi man niya alamin pero alam niyang bistado ng siya. Sa tingin palang ng Señorito, ewan nalang niya kung hindi pa nito malaman ang totoo.
Napahilamos siya sa mukha bago niya kinuha ang cellphone at tinawagan si Anna. 
"Hello," ani Anna sa kabilang linya.
"Anna, I'm sorry! Mukhang alam na ni Señorito na nagpapanggap ako."
"Ano?" 
Nakagat niya ang labi. "If I think of it. Madalas siyang magsabi ng mga bagay na parang may nalalaman siya at pinapaamin niya ako. Mukhang kino-confirm niya lang sa mga kilos ko ang hinala niya."
"Hala Rhina paano iyan? Anong gagawin natin?" Rinig niya ang taranta sa kabilang linya ni Anna.
"Huwag kang mag-panic! Makakasama sa baby mo iyan. Ako na ang bahala. Sasabihan na lang kita kung ano ang mangyayari. Ang tanging solusyon lang talaga dito ay ang pagsasabi ng totoo Anna. I'm really sorry for making everything worse," nagu-guilty niyang sabi.
Narinig niya ang hagulgol nito sa kabilang linya kaya hindi niya maiwasang pamasaan ng mata. Binigo niya ang kanyang kaibigan. Wala pa nga siyang isang linggo ay nabuko na agad siya. Kasalanan talaga niya ang nangyari.
"Patawad din Rhina kung dinamay kita sa problema ko. Alam ko namang may problema ka ring kinahaharap tapos dumagdag pa ako."
"Ano ka ba. Ayos lang iyon. Ano pa at naging kaibigan kita kung hindi kita magagawang matulungan," napabuntong hininga siya. "Huwag kang mag-alala. Gagawa ako ng paraan para maging maayos ang lahat," nangangakong wika niya 
"Hindi na Rhina. Bumalik ka na rito sa atin. Ako na ang bahalang umayos ng gusot ko. Natulungan mo na ako at tama ka, hindi magandang solusyonan ng problema ang isang problema. Ako na ang bahala sa lahat Rhina. I'll fix my own mess."
Hindi na siya nakapagsalita sa sinabi nito. Pakiramdam niya ay bumigat ang kanyang damdamin ng marinig ditong pinababalik na siya nito sa kanila. May isang bahagi sa kanyang puso ang ayaw umalis ng mansyon pero ano namang magagawa niya kung wala na siyang dahilan pa para manatili sa mansyon? Hindi naman sapat ang dahilang gusto niya si Señorito para mag-stay siya sa mansyon.
Napabuntong hininga na lamang si Katya at ipinikit ang mga mata. Nakatulog siya sa sobrang dami ng iniisip.

Book Comment (22)

  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • avatar
    Angelo Sumalinog Divinagracia

    ajaxbxbwjxbw

    10/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters