logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo para painomin ng may asin si Sir Valister?! Wala ka bang utak para hindi malaman ang asin sa asukal?!" sigaw ng pamilyar na tinig sa kanya.
Nag-angat ng paningin si Katya at sinamaan ng tingin si Hanna. Hindi siya makapaniwala na nagawa nitong itulak siya at sampalin.
"What is your problem?!" inis na sigaw niya rin dito.
Dinuro siya nito na lalong nagpa-inis sa kanya. Wala pang sinuman ang nanduro sa kanya as if she's just a pest they want to disappear so much! 
"My problem? Ikaw! Ikaw ang problema ko!"
"Wala akong ginagawa sayo para ganituhin mo ako Hanna," mariin niyang sinabi at padaskol na tumayo. Hindi niya maiwasang mapangiwi ng makita ang nagdudugong binti ng natumba siya sa bubog ng itulak siya nito.
Dahil sa sigawan nila ni Hanna ay nagsilabasan ang ibang mga katulong. Agad siyang dinaluhan ni Manang Rosa.
"Susmaryosep kang bata ka! Anong nangyari diyan sa binti mo at nagdudugo?" nag-aalalang sita ni Manang sa kanya.
Sumimangot lang siya at sinamaan ng tingin si Hanna na masama rin ang tingin sa kanya. Nang maalala ang sinabi nito ay hindi niya maiwasang mag-alala dahil sa pag-inom ni Señorito ng kapeng maalat. Sa pagkakatanda niya ay asukal ang kanyang nilagay at hindi asin. 
Agad niyang nilisan ang lugar para puntahan si Señorito na hindi na pala kailangan dahil nakita niya ito na papasok na sa kusina.
"What's happening here?" ma-awtoridad ang boses na tanong nito sa kanila.
Hindi agad siya nakahuma lalo na at bigla na lamang umiyak si Hanna at nagtatakbo papunta sa kwarto nito. Napamaang siya dahil sa best actress nitong ginawa. Kahit siya ay hindi inaasahan iyon.
Kagat ang labi na lumapit si Katya kay Señorito at yumuko dito. "Señorito, sorry po hindi ko sinasadyang malagyan ng asin ang kapeng hinanda ko," malungkot niyang paumanhin. Mukhang magagalit pa ata sa kanya ang kanyang Señorito.
"Is that the reason of the commotion here?" 
Tumango siya habang kagat pa rin ang labi. "Opo. Hindi ko po talaga sinasadya."
"Aba'y kung ganoon pala ay hindi naman tamang magkasakitan kayo dahil diyan. Pwede naman kayong mag-usap ah?" sita ni Manang Rosa na nagpanguso sa kanya. 
Gusto sanang itama ni Katya si Manang Rosa na hindi sila nagkasakitan dahil siya lang ang sinaktan at hindi siya nanakit ngunit itinikom na lang niya ang bibig para hindi na lumaki ang gulo.
"Kasalanan ko po Manang Rosa. Nagalit siya kasi akala siya sinadya kong lagyan ng asin ang kape ni Señorito," napapakamot sa batok na paliwanag niya at sinulyapan si Señorito na salubong na naman ang mga kilay.
Napaiwas siya ng tingin at napahawak na lang sa kanang pisngi dahil ramdam niya pa ang pamamanhid doon. Hula niya ay bakat ang kamay ni Hanna sa pisngi niya dahil sa kaputian niyang balat.
"Kahit na ganoon ay hindi pa rin tama ang manakit. Tingnan mo nga ang itsura mo?" Lalo siyang napanguso ng pasadahan siya ng tingin ng mga tao na naroon. Bukod kasi sa bakat ng sampal, sugat sa binti ay basa rin ang kanyang pang-itaas na damit na nagmula sa tubig sa baso na natapon sa kanya ng siya ay itulak ni Hanna.
Napabuntong hininga na lang si Katya at nagdesisyong magbihis na muna bago ulit humingi ng pasensya sa lahat. Kahit na puro eskandalo ang buhay niya ay hindi pa rin siya masanay sanay sa mga panibagong eakandalo.
"Pupunta muna po ako sa kwarto—" natigil siya sa pagsasalita ng bigla na lang siyang umangat sa ere.
Bago pa man niya mapagtanto kung ano ang nangyayari ay nakalabas na sila ng dining area at nakarating sa sala. Napatitig siya sa Señorito ng ilapag siya nito sa sofa na nasa leaving area. Agad itong lumuhod sa harap niya at hinawakan ang binti niya. Doon niya lang rin napansin ang hawak nitong first aid kit ng naglabas ito ng mga gamot.
"I didn't know that you're also a troublemaker," biglang wika nito sa kanilang katahimikan.
"I am not a troublemaker," masama ang loob na rason niya. Siya na nga ang nasaktan pero parang kasalanan pa niya.
"Hanna is a nice and behave girl."
"And I am not?" nanlalaki ang butas ng ilong na wika niya.
Nag-angat ito ng tingin sa kanya at nakita na naman niya ang seryoso nitong mga tingin.
"You're different," anito.
"How different?" nakasimangot ng tanong niya. Huli na ng mapansin na naipapakita na niya ang totoong siya dahil sa pagsimangot.
"You tell me then," hamon nito na nagpatigil kay Katya sa pagsasalita.
Naitikom niya ang bibig at hindi maiwasang kabahan. Umasta siyang si Katyarhina kanina na madalas nakasimangot hindi katulad ni Anna na palaging may ngiti sa labi.
Ngumiti siya dito matapos ng ilang segundo at iniba ang usapan. "Bagsak ako sa kape na ginawa ko kanina, right." That's not a question but a statement.
"Yeah. You must learn to differentiate the sugar from salt."
Nagbaba siya ng tingin dahil sa sinabi nito. "I'm sorry," sincere na aniya. Siya ang gumawa ng kape kaya kasalanan talaga niya. She want to impress him and not making him mad. Siguro nga siya talaga ang nagkamali.
"Its done." 
Napabuntong hininga siya matapos tingnan ang binti na may gauze. Ramdam niya ang hapdi habang ginagamot ito pero hindi na siya nagkomento pa.
"Thank you Señorito and again, I'm really sorry. Hindi na ito mauulit," mahinang sabi niya sapat lang para marinig nito.
Tumayo si Señorito at nakahawak sa bewang na hinarap siya. "Just make sure it won't happen again. I don't want to see another wound from your body," matapos nitong sabihin iyon ay tinalikuran na siya nito at pumunta sa kung saan.
Sinundan niya lang ng tingin ang Señorito. Kahit na may bahid ng inis at kaseryosohan ang boses nito ay hindi niya ipagkakailala na naantig siya sa pag-aalalang nabakas niya sa mga mata nito. 
Napasandal siya sa sofa at naipikit ang mga mata. Hindi siya magtatagal sa lugar na ito kaya kung ano man ang umuusbong sa kanyang pakiramdam ay kailangan niya itong pigilan. Isa pa ay nakatitiyak siya na ikagagalit nito kapag nalaman nito ang totoo na nagpapanggap siya. Ayaw niyang dumating sa punto na mahihirapan siyang aminin dito ang totoo at bigla na lang niyang isipin ang magpakalayo-layo. Ayaw niyang maulit muli ang ginawa niyang pagtakbo sa nauna niyang problema dahil ang pagtakbo sa pangalawang pagkakataon ay isa ng kaduwagan. Nangako siya sa sarili na babalik sa dating buhay at aayusin ang kanyang problema. Hindi siya habambuhay magpapanggap na katulong at ibang tao dahil iba pa rin sa pakiramdam kung may sarili kang pagkakakilanlan na hindi mo kinuha o hiniram sa iba. She want to show the real Katyarhina Limaco Dominique so that everyone can either accept or not accept her true identity and she won't be care anymore.
NAGING maayos ang buong maghapon at nakahinga na si Katya ng maluwag dahil gaya ni Maria ay naging parang hangin na lang din siya kay Hanna. Mas gusto niya ito kaysa naman sa nag-aaway sila. Sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagtatalo nila sa maliliit na bagay.
Wala sa Mansyon si Señorito at lumabas kasama ang ilang tauhan upang tingnan ang kanilang mga ani. Bukod sa isang business tycoon pala ay isa ring haciendero si Señorito at ito na ngayon ang namamahala sa hacienda, mga farm at mga hayop ng hacienda. 
Hindi niya maiwasang mamangha ng malamang may mga alagang kabayo si Señorito at hindi pa man niya ito nakikitang sumakay sa isa sa mga kabayo ay nai-imagine niya ng sobrang gwapo nito roon lalo pa kung suot na nito ang akmang kasuotan sa pangangabayo.
Nang sumapit ang gabi ay nasa hapagkainan silang lahat at pinagsisilbihan ang Señorito. Sa kanya na nakatoka ang paglalagay ng kahit anumang inumim nito. Wala siyang imik ng lumapit sa tabi nito at lagyan ng tubig ang baso nito. Lumayo rin siya matapos ang ginawa.
Nanatili silang nakatayo sa gilid at inaantabayanan kung ano ang iba pa nitong kailangan sa pagkain. Si Manang Rosa ay bumalik sa kusina para tingnan ang mga natirang pagkain.
Si Katya ay nanatiling nakatingin sa mga pagkain. Ang totoo ay hindi pa sila kumakain dahil kailangang ang Señorito muna ang maunang kumain bago sila kumain. Masyadong pormal ang mga patakaran sa mansyon at hindi na siya magtataka dahil nagmula naman talaga sa mayamang angkan ang kanyang Señorito.
Ang Mga Montevilla ang kilala sa lugar na ito bilang mayayamang angkan mula pa noong sinaunang panahon. Sa lakas ng kanilang kapangyarihan ay umabot na rin ito sa Maynila. Sobrang successful ang mga taong kinabibilangan ng angkan kaya ganoon na lang talaga kung pilahan ng mga babae ang mga binatang Montevilla.
Noong siya ay mayaman pa ay naririnig na niya sa mga dating kaibigan na kung mag-aasawa ang mga ito ay isang Montevilla ang kanilang nais. Hindi siya kailanman umasam ng isang Montevilla kahit na ito ang isa sa pinakamayan dahil mas nanaisin pa rin niyang magpakasal sa taong mahal niya gaya ng pangako niya sa kanyang namayapang Ina. Dahil gustong iparanas sa kanya ng Ina ang pakiramdam ng mahalin ng lalaking mahal niya.
Isang tikhim ang nagbalik sa kanyang tumatakbong isip sa realidad. Napansin niya ang tingin ng Señorito at doon niya napansin na wala ng laman ang baso nito kaya agad niya itong nilapitan at sinalinan ng tubig. Doon niya rin napansin na hindi pa nito ginagalaw ang sariling pagkain kaya naman nagtataka niya itong nilingon.

Book Comment (22)

  • avatar
    Jay MarkDinawanao

    Very very nice

    13/07

      0
  • avatar
    Jasmine Garcia Demillo

    💞💞

    30/05

      0
  • avatar
    Angelo Sumalinog Divinagracia

    ajaxbxbwjxbw

    10/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters