logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Pagkabitaw niya pa lang ng kamay ko, masamang tingin na ang binibigay niya sa akin. Napaka-possesive naman nito.
"Bakit ba lumalapit ka pa rin sa kanya?"
"Bakit ba pinapaiwas mo ako sa kanya?" balik kong tanong.
I don't know their history kaya hindi naman siguro masamang magtanong noh? Or baka alam ng babaeng ito pero ako hindi ko alam.
"Kinalimutan mo na ba?" Kusang kumunot ang aking noo na agad ko ring inalis. Sabi ko nga ba't alam ng babaeng ito.
Ano ba yan, baka dito pa niya ako mahuli.
Nanatili akong tahimik, hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin. Kailangan ko ulit mag-obserba dahil baka may masabi akong iba, mahirap na.
Hinawakan niya ang magkabilaan kong balikat. At dahil mas matangkad siya sa akin, nakatingala ako upang hanapin sa kanyang mata ang sagot.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan nito. "Siya ang rason sa aksidente mo kaya bakit lumalapit ka pa rin sa kanya na parang wala lang?"
Aksidente. Ang alam ko, nangyari ito ilang linggo ang nakakalipas bago siya mawala o naglayas na alam nila. Hindi naman daw ganun kalala ang aksidente dahil galos lang ang nakuha niya. Pero hindi ko alam na may kasalanan pala ang manok na 'yon patungkol dito.
"Dahil..." inalis ko ang kamay niya sa aking balikat. "Wala namang may gusto sa nangyari."
Come on Callum, give me more information about this. Humakbang ako palayo sa kanya para pagmasdan siya ng buo.
"Walang may gusto? Galit siya sa akin kaya ikaw ang pinuntirya niya! Kaya please... lumayo ka na sa kanya." Inabot niya ang aking kamay saka ito hinawakan ng mahigpit.
He hate him? For what reason? 'Yun lang ba?
"But--" he cut me off. Gamit ng isa nitong daliri, pinatahimik niya ako.
Ano ba yan! Baka mamaya hindi pa 'to naghugas ng kamay.
"Listen to me Sharon... he's a dangerous man," sabi niya na animo'y isang sindikato ang manok na 'yun.
Pwede rin, pero hindi niya bagay mas bagay niyang nasa loob ng kulungan. Kulungan ng manok.
Mahinang tabig ang aking ginawa upang alisin ang kanyang daliri. "So should I distance myself from you too?" tanong ko na nagpakunot ng kanyang noo.
"Your dad--"
"Bakit? May ginawa ba siya sa'yo?" agad niyang tanong.
Hindi ba uso sa kanya ang patapusin muna ako sa pananalita? Kailan ba siya naging madaldal?
I prefer the Callum who is quiet and doesn't give a d*mn about others.
Huminga muna ako ng malalim saka tumango. Pasimple ko ring kinagat ang aking labi bago yumuko. Pwede na akong maging actress, mag-apply kaya ako pang dagdag income.
"Anong ginawa niya?" Sa tono ng boses nito, mas nangingibabaw ang galit at inis.
Magagamit ko siyang panangga sa sarili niyang tatay kung patuloy siyang aakto ng ganito.
Inalis ko ang butones ng long sleeve ko sa kamay saka nilislis upang ipakita ang sugat na ako lang din ang may gawa. Wala namang kaso sa akin ang magkasugat basta ba ako ang may gawa o galing sa sarili kong katangahan, pero kapag iba na doble ang binabalik ko.
Agad niyang hinawakan ang aking kamay kung saan ng pagmasdan ko siya'y handa na siyang makipaglaban.
I didn't expect to feel happiness because of his actions. Don't get me wrong, I hate his dad and I hate him too. That's why watching him like this, as clueless as he is, is entertaining for me.
"Kailan ito? Anong ginawa niya? D*mmit! Sagutin mo ako Sharon!"
Paano ako sasagot kung hindi ka nananahimik?
Binawi ko ang aking kamay saka muling binalik sa ayos ang long sleeve. Niyakap ko rin ang hawak kong file case saka mas lumayo pa sa kanya.
"I really wanted to be with you, by your side. Ayoko sanang sabihin sa'yo ito but this is too much for me. Baka sa sobrang laki ng galit ng tatay mo, mapatay niya ako." Kita ko ang pagkuyom ng kamao niya.
Inis niya ring sinuklay ang buhok nito na mas nagpadagdag ng tuwa sa akin.
Pakiramdam ko tuloy nagiging demonyo na ako sa naiisip ko.
"Kaya mas makakabuti kung lalayo--"
"No!" malakas niyang sigaw na muntik ng magpatalon sa akin.
Putek naman siya, galit na galit?
"Ihahatid kita mamaya pauwi at 'wag mo susubukang lumayo sa akin, mag-uusap pa tayo." Mabibigat na hakbang ang kanyang ginawa habang siya'y palayo. Hindi ko naman maiwasang mapangisi saglit habang pinapanood ko siyang lumayo.
This mission is a bit entertaining.
Paglingon ko sa aking kaliwa, nakita ko ang anino ng isang tao na nagtatago sa isang puno. Hindi ko masabi kung babae ba ito o lalaki pero mukhang may ideya na ako kung sino ito. Inayos ko muna ang aking damit at suot na glasses bago nagsimulang maglakad papasok sa gusali ng paaralan.
Katulad ng pakiramdam ko, sumusunod ito sa akin kaya naman lumiko ako sa isang daan kung saan wala masyadong tao. Sumandal pa ako sa pader upang hintayin siya, gusto kong malaman kung anong kailangan ng taong ito.
Maingat ang paglalakad na ginagawa niya para siguro hindi ko marinig. Kaya naman ng huminto ang yabag, umalis ako sa pagkakasandal sa pader saka hinarap ang taong ito. Malakas ko ring hinampas ang file case sa gilid niya na halos magpatalon sa kanya sa gulat.
"I got you," ngisi kong sabi. Sapilitan ko siyang hinila papunta sa pinagsandalan ko saka siya hinarangan gamit ng isa kong kamay ang kanyang gilid.
"Bakit mo ako sinusundan?" pagtatanong ko. Napalunok siya at halatang hindi ako matignan sa mata. Mas nilapit ko pa ang aking mukha sa kanya na mas nagpadagdag ng takot dito.
Wala pa nga akong ginagawa natatakot na siya?
"Sasagot ka ba o--" naputol ang aking sinasabi ng lumuhod siya sa aking harapan. Lumayo naman ako saka siya pinagmasdan ng maayos.
Mahigpit ang hawak niya sa suot niyang pantalon na nanginginig nginig pa. Puno rin ng takot ang kanyang mukha na para bang may nagawa siyang kasalanan sa akin.
"S-sorry! H-hindi ko sadya! Pa-tawarin mo ako!" Kumunot kaunti ang aking noo. At ano namang kasalanan nito sa babaeng ito?
Inipit ko ang hawak kong file case sa aking kili-kili bago umupo sa kanyang harapan upang magkausap kami ng harapan. Naghahanap ako ng maaaring maisagot sa kanya, aba malay ko ba kung bakit siya humihingi ng tawad diba?
"Paano kung ayoko?" May ilang butil ng pawis akong nakikita sa kanyang noo na bumababa sa mukha nito.
Gaano ba kalaki ang kasalanan niya para maging ganito siya? 'Wag niya sabihing siya ang pumatay kay Sharon.
Hinawakan niya ang isa kong kamay. Malamig. Malamig ang kamay niyang nakahawak sa aking kamay.
"Napag-utusan lang ako kaya ko 'yun nagawa! Pe-ro hindi ko talaga gusto. Sorry... sorry..." nagsimula na itong umiyak kaya naman mabilis kong binawi ang kamay ko.
Yuck... baka malagyan ng luha niya ang inaalagan kong kamay. Oo maarte ako, sobrang arte.
"Hindi gusto? Niloloko mo ba ako?" Pasimple kong pinunasan ang kamay ko gamit ng dala kong panyo.
Napahinto siya sa pag-iyak. "Hindi... pero ikaw, oo."
Sumilay sa kanyang labi ang isang ngisi na parang mga baliw lang ang nakakagawa. Pinunasan niya pa ang peke niyang luha saka tumawa ng malakas.
"Oh, Irene, bakit ka pa bumalik dito?" sabi niya habang tumatawa. Sumeryoso ang aking mukha sa kanyang sinabi.
Who the f*ck is this guy?!
Tumayo ako. "At sino ka naman?"
Hindi niya agad sinagot ang aking tanong bagkus tumayo ito na ngayo'y nakahalukipkip na. Ayaw din nitong tumigil sa kakatawa na nakakarindi nga naman talaga sa pandinig. Alisin ko kaya yang ngala-ngala niya.
"Hindi mo ako kilala pero ako kilala kita," sabi niya na nilapitan ako. "The famous bully is back with a fake face of a loser at this school."
Nanahimik ako. Is he a psychopath or what? He scares me a little bit. Punyetang tawa 'yan.
"Gasgas na yang linyahan mo. Wala na bang iba?" sagot ko, pilit na inaalis ang kaunting takot ko sa g*gong ito.
Para siyang clown kahit na wala pa man itong suot na make-up sa mukha. Bagay niya, kikita siya ng marami sa pananakot niyang ganito.
"Kapag ba sinabi kong nandito ka ano kaya ang sasabihin nila Callum?" Mas lumapit pa siya sa akin ngunit hindi ako gumalaw o pumikit man lang.
F*ck him.
Hinaplos niya ang madumi niyang kamay sa aking buhok na mabilis kong tinabig. "Ano kaya ang mararamdaman niya kapag nalaman niyang patay na ang nasa likod ng mukhang ginagamit-- acckk!"
"Sige, gawin mo... gawin mo ng magkamatayan tayo rito." Madiin ko siyang sinakal pero nagawa niya pa rin akong ngitian.
"Y-ou ca-n ki-ll?" hirap niyang sabi.
"Anong alam mo tungkol kay Sharon?" seryoso kong tanong. Kung sakaling may alam siya sa pagkamatay nito o kasangkot siya sa pagpatay, hindi na siya pwedeng makawala pa sa akin.
Namumula na ang buo niyang mukha sa aking pagkakasakal. Kusa namang nahulog sa sahig ang file case na hinayaan kong magmuni muni muna sa sahig.
"Anong alam mo?" may diin kong tanong bago paluwangin ang pagkakasakal sa kanya. Sumagap siya ng hangin dahil doon at mahinang napaubo.
"K-aya nga na-ndito ka para hanapin ang sagot diba? B-akit hindi mo alamin? After all, you're a Saavedra, tanungin mo na lang kaya ang magulang mo." Nagpantig ang aking tenga sa sinabi niya at hindi napigilang sampalin siya ng malakas.
"Sagutin mo ang tanong ko! Hindi yung nilalayo mo ang usapan." Ramdam ko sa aking sarili ang matinding inis para sa baliw na ito.
Hindi ako doktor para sabihing may sapak siya sa utak pero dahil sa inaakto niya, baliw siya. Baliw siya na dapat layuan.
Lumakas ang kanyang tawa saka umayos ng tayo. "Ang sabihin mo, hindi ka pa rin nagbabago mas naging g*go ka pa at ito ang patunay."
Tinuro niya ang kanyang pisngi na namumula na sa lakas ng aking pagsampal sa makapal niyang mukha.
Punyeta! Hindi na lang sagutin ang tanong ko, dami pang sinasatsat.
"About the nerd? Namatay siya sa sarili niyang katangahan." nakangisi niyang sabi. Magsasalita pa lang sana ako ng may nilabas siya sa kanyang bulsa na isang spray kaya mabilis kong hinarangan ang aking mukha.
"See you Irene! Magkita na lang kayo ng nerd na 'yun sa impyerno! Hahaha!"
Huling rinig ko bago siya mawala. Inamoy ko pa ang kamay ko kung saan tumama ang spray at ganun na lang ang ilang mura ko sa aking isipan ng maamoy na isa lang pala itong pabango.
"Nyeta nagpauto ako sa baliw," inis kong sabi.
Nilabas ko ang aking telepono para ipaalam kay Sunshine ang tungkol dito. Sa paghihintay kong sagutin niya, naagaw ng aking atensiyon ang isang i.d.
"Kailangan ko ng impormasiyon tungkol kay Kamron Aguilar. Mukhang may alam siya sa pagkamatay ni Sharon, nakilala niya ako bilang Irene."

Book Comment (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters