logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Paglingon ko sa labas ng gate, nakita ko ang mga humarang sa akin kanina nung pagpasok ko. Mukhang may hinihintay at paniguradong ako 'yun.
Bulok naman kasi ang style nila, akala mo mga siga sa kalsada. Maglalakad na sana ako at hindi sila papansinin ng mapatingin ako sa pamilyar na kotse.
Sa paglabas ng taong 'yun, hindi nga ako nagkamali. Kaya imbis na papunta ako sa gate para umuwi sa pansamantala kong bahay, naglakad ako papunta sa kanya.
"Anong meron at nandito ka?" tanong ko kay Sunshine na sinenyasan lang akong pumasok sa loob.
Napakibit balikat na lang ako bago tahimik na sumakay. Nang masiguro niyang maayos na, binuhay na niya ang makina ng sasakyan saka nagmaneho palabas ng paaralan.
Nakita ko pa ang mga baliw sa gilid na hindi ko na pinansin, papansin lang yang mga 'yan.
Pasulyap kong tinignan si Sunshine na seryoso ang mukha at kapag ganito ang awra niya, alam kong may malalim na dahilan. Pumikit na lamang ako para ipahinga ang aking mata, hahayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan niya man ako balak na dalhin.
Lumipas ang ilang minuto nang maramdaman kong huminto ang sasakyan, napainat pa ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran.
"Anong gagawin natin dito sa morgue?" takang tanong ko.
Katulad kanina, hindi na naman niya ako sinagot, tuloy-tuloy lang siyang lumabas ng kotse kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Wala gaanong tao sa paligid na paniguradong kagagawan nila.
Hindi sa sinasabi kong dapat matao ang morgue dahil halata namang unti lang talaga. Pero sa ugali nila, sisuguraduhin muna nilang wala talagang ibang tao kundi kami lang.
Bahala na kayong mag-isip.
May sumalubong sa aming isang lalaki na nagpaunang naglakad paloob sa isang silid. Hindi pa man kami nakakapasok nang makita ko ang magulang ng babaeng ito sa labas.
'Wag nila sabihing patay na siya?
Napaiyak ang ginang ng makita ako, marahil sa mukha ng kanyang anak kahit na hindi ako sigurado kung tama ang nasa aking isipan. Habang ang asawa niya'y inaalalayan siya ngunit halata sa mata niya ang pagkamugto.
Patuloy lang kaming naglakad paloob kung saan naabutan ko ang isang katawan na may takip ng puting tela, lumapit kami rito. Ang lalaking sumalubong sa amin kanina'y binaba ang puting tela upang makita namin ang mukha ng bangkay na nasa aming harapan.
At katulad ng aking inaasahan, bangkay nga ito ng babae. Base sa itsura niya, mukhang pinahirapan ito dahil sa ilang sugat sa kanyang mukha. Pati na rin sa leeg nito na may marka pa ng kamay. Hindi pa nagsisimula ang misyon ko pero mukhang tapos na, mabuti naman.
Hindi ako natutuwa sa naging kalagayan niya kung 'yan ang iniisip niyo. Ang sa'kin lang, pabor ang pagkakadiskubre nila sa babae dahil wala naman akong balak magtagal sa paaralan na 'yon.
Mas gugustuhin ko pang hindi makapagtapos dahil may source of income naman na ako. Sapat na 'yun sa'kin dahil mas malaki ang sahod na aking natatanggap kumpara sa magiging sahod ko bilang propesiyonal.
"Nagbago ang misyon na ibinigay sa'yo, gusto nilang hanapin mo ang pumatay sa kanya. May lead kaming nasa loob lang ito ng paaralan."
"May usapan tayo na kapag nahanap niyo na siya pwede na akong tumigil. I can't accept that."
I've done my part.
"M-magkano ba ang ka-ilangan mo para hanapin ang pumatay sa anak ko? Magbabayad ako kahit magkano," sulpot na sabi ng ginang kasama ang kanyang asawa.
"Hindi ko po kailangan ng pera ninyo," malamig kong sagot.
Napaatras ako ng biglaan na lang siyang lumuhod sa aking harapan. Pilit man siyang pinapatayo ng asawa nito, ayaw niya namang magpapigil at umiiyak na lumuhod pa rin.
Pakiramdam ko tuloy ang sama ko.
"Parang awa mo na... g-gusto kong ma-laman ang p-pumatay sa kanya. G-gusto kong pagbaya-rin niya ang ginawa niya sa aking a-anak."
'May pumatay sa kanya kaya sa tingin niyo titigil ako ng ganun lang?!'
'Irene! Bumalik ka rito!'
'Wala kayong karapatan para pigilan akong hanapin ang taong 'yun!'
'Irene!'
Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan. Ayoko ng ganito sa totoo lang, ayoko.
"Tumayo na po kayo diyan, hahanapin ko ang pumatay sa anak ninyo."
Umaliwalas ang kanyang mukha kasunod ng mahigpit niyang pagyakap sa akin. Hinayaan ko na lang siya dahil mahirap ang pinagdadaanan nito at nakakainis na alam ko ang pakiramdam niya ngayon.
"S-salamat... salamat."
▪▪▪
Pagpasok ko sa condo unit na tinutuluyan ng babaeng ito, masasabi kong simple ang taste niya dahil sa interior design. Oo malawak ang unit at maraming furnitures pero halos lahat ata ng nasa loob nito ay purong puti at gray. Iilan lang ang mga kulay na wala naman sa akin.
Nahinto ang aking paningin sa malaking salamin, pasimple kong sinenyasan si Sunshine na manahimik habang naglalakad ako palapit dito.
"Ate, ano sa tingin mo? Pupunta kaya rito sila dad ngayon?" pauna kong sabi.
"Hindi ko alam, kakabalik ko lang dito sa Pilipinas kaya wala akong alam sa kalagayan nila, Tita," sagot niya na parang naintindihan ang gusto kong ipaalam.
"Ganun ba?"
Ginamit ko ang buo kong lakas para alisin ang salaming nakadikit sa pader.
Ibinaba ko ito sa sahig saka pasimpleng kinuha ang maliit na camera para i-disable. Baka kapag binasag ko mahalata ng taong naglagay nito rito na alam kong may camera.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang paligid, ganun din ang ginawa ni Sunshine na bawat sulok ng unit ay hinanap namin kung may natitira pa bang camera.
Sa pagkapa ko sa ilalim ng study table ni Sharon, may nakuha akong maliit na audio voice recorder device na nakadikit dito. Pati ilang maliliit pang camera sa paligid ng kwarto niya. Sa sobrang liit ng mga ito, hindi talaga agad mapapansin.
Lahat ng ito ay dinisable namin pero siniguro naming hindi ito mapapansin ng kung sino mang nanonood sa amin ngayon. Siniguro rin naming wala kaming nakaligtaan bago lumapit sa mesa.
"Ang yaman naman ng nagkabit nito rito," sabi ko pagbaba namin ng mga nakuha naming maliliit na camera at voice recorder sa mesa. Sa dami, ang gandang ibenta.
"High class lahat ng ito," mahina kong sabi. Pinagmasdan ko ang iba, yung iba sa kanila ay bago habang ang iba ay halatang matagal na rito.
Alam ba ito ni Sharon?
"Ipupunta ko ito kayla Xy para maimbestigahan. Sa ngayon, kapag uuwi ka rito siguruhin mong hindi malalaman ng iba na sa condo ka nakatira."
"So, sinasabi mo sa aking tinatago niya ang pagiging mayaman niya? Iba rin ha, feeling niya nasa libro siya."
"Irene."
Huminto ako sa pagtingin ng mga nasa mesa upang tignan si Sunshine na seryoso akong tinitignan.
"Alam ko, patingin ng details." Sa paglahad ng aking kamay, siya namang pag-abot nito ng ilang bagong papeles. Isa-isa ko itong tinignan, mamaya ko na babasahin masyado silang marami.
"Ang huling lugar na nakita siya ay sa lake na malapit lang sa mall. At doon siya galing, kung saan makikitang parang may tinatakbuhan siya na makikita sa cctv. Pero dahil nasa crowded area siya, hindi namin maituro kung sino sa mga taong 'yun ang tinatakbuhan niya," mahaba niyang explanasyon.
Pinakatitigan ko ang ilang litrato na kuha ng cctv. Mukha ngang hindi mapapadali sa akin ang paghahanap sa taong 'to.
"Bukod dito, may suspetiya na ba kayong tao?"
"Meron," agad niyang sagot kaya binaba ko ang papel. Hindi ako nagsalita't hinintay ang susunod nitong sasabihin.
"Callum's dad."
Mapait na ngisi ang sumilay sa aking labi. This case is going to be quite interesting, eh?
"But we have no proof about it. Kaya lang nasabing isa siya sa mga pinagsususpetiyahan ay dahil isa siya sa huling kinausap nito bago siya naglayas."
"Hindi na ako magugulat kung siya nga, he has reason to kill her but the thing is..." sinandal ko ang dalawa kong kamay sa mesa. "...is that reason good enough to kill her like that?"
No one knows exactly what happened to this girl. I know how far Callum's dad can go because I've seen it. And that's the reason why I hate him so much but I can't identify him as the killer because of my own reasons. At the end of the day, I need some evidence to tell me that he really is the killer.
"The best thing we can do is to observe first. Kapag may nakuha kang clue bigyan mo kami agad ng report, mauuna na ako."
Tinanguan ko lang siya habang nilalagay nito sa dala niyang bag ang mga device.
"Mag-iingat ka baka hindi mo mamalayang may nakakabit na namang mga camera rito."
"Hindi ako ganun kat*nga para hindi mapansin, alis na." Pagtataboy ko rito.
Tinignan niya pa muna ako ng ilang minuto bago mapagdesisyunang lumisan. Sumandal na lang naman ako sa upuan.
"Sino kaya ang pumatay sa'yo Sharon?"
I can't wait to find out who killed her. Can't wait to see if Callum's dad really is the killer.
▪▪▪
Habang papasok ako ng paaralan, nakita ko yung lalaking pinagbigyan ko ng bag. Tahimik itong nagdo-drawing sa gilid kaya naman may naisip ako.
"Pay back time chicken."
Nilabas ko mula sa aking bag ang isang bottled water saka nagsimulang maglakad papunta sa kanyang direksyon. Pasimple ko itong binuksan para uminom at ng dadaan na ako sa kanyang harapan, pinadulas ko ito sa aking kamay na dumiretso sa mismong sketch book niya.
"Hala! G*go!"
"Omo! Sorry!" kunwaring gulat kong paumanhin.
Napatayo ito sa kanyang pagkakaupo at pilit sinasalba ang sketch book nitong basang basa na. Habang ang bottled water naman ay nahulog sa lupa na wala akong balak pulutin.
"Yung drawings ko!" Mangiyak ngiyak niyang angil. Hindi ko alam kung dapat ba akong matawa o hindi dahil makatotohanan ang pagluluha ng mata nito.
Iyakin.
"Sorry talaga... hindi kita nakita."
Paglingon niya sa akin, tuloy-tuloy na bumuhos ang luha nito paibaba sa kanyang mata na nagparamdam sa akin ng kaunting guilt.
Don't tell me he's crying just because of that sketchbook?
Weak.
"D-dapat nag-i-ingat k-ka," humihikbi niyang sagot bago binalik muli nito ang kanyang tingin sa sketchbook. Siguro nag-iisip kung paano niya sasalbahin.
"Sorry ulit ha? Hindi ko sadya." Hindi niya ako pinansin kaya naglakad na ako palayo sa kanya. Pero hindi pa ako ganung nakakalayo ng lingunin ko siya.
"Kainis na konsensiya ito," inis kong bulong.
If I was the old Irene before, I wouldn't care if anyone cried because I didn't care. And most of the time, it's their fault. Weak people like him attract the sympathy of others for them to protect them instead of protecting themselves.
"Bakit umiiyak ka pa rin?" Gamit ng kamay niya, pinunasan nito ang kanyang luha.
"Da-hil sayang a-ng dra-wings k-o," parang batang sagot nito.
"You can just draw again, masyado kang ma-drama."
"Madali lang sabihin para sa'yo." Padabog itong naglakad sa upuan para kunin ang kanyang bag bago ako iwan.
Pagkatapos ko bumalik iiwan niya lang ako?
Wow. Just wow.
"Tss... weak."
"Hoy!" sigaw ng kung sino.
Ramdam ko ang matigas na bagay na tumama sa kamay ko. Masakit kaya inis ko silang nilingon.
"Oh? Bat ganyan ang mukha mo?" natatawang sabi nung mga papansin at walang magawa sa buhay.
May ngisi ang mga ito sa labi habang papalapit sa akin. Yung isa feeling cool pang tinatapon paitaas ang baseball saka sasaluhin. Pinasadahan ko ng tingin ang bagay na tumama sa braso ko na ngayon ay nasa lupa na.
Baseball. Kaya naman pala masakit.
Psh, kung sa kanila ko kaya itapon 'yan? Tapos itama ko sa mukha nila? Kasi halata ko lang ha, ang hilig nila sa bola.
Eh, yung iba naman sa kanila may mga bola na, 'yun kaya ang sipain ko para ramdam nila ang sakit.
"Iiyak ka na ba?" nang-aasar na sabi ng isang lalaki na may bangs.
Bowl style kasi ang buhok nito kaya natatakpan unti ang kanyang mata. Bagay sana sa kanya pero ang pangit ng ugali kaya nevermind.
"Mukha ba akong naiiyak?" pabalang kong sagot.
Ginamit ko ang bag ko para pasimple itong hampasin sa mukha na nagpalayo sa kanya. Naalarma ang mga kasama nito na agad lumapit sa akin.
Yung dalawang babaeng arte lang naman ata ang meron ay malakas akong sinampal. Magkabilaan kaya nadagdagan lang ang inis na nararamdaman ko.
"Hoy loser! Hindi porket pinoprotektahan ka nila Callum pwede ka ng magyabang! Dahil kahit anong mangyari, ikaw pa rin ang laruan ng paaralang ito! Hindi mo pa rin abot ang level namin!"
Sasampalin pa sana ako ng isa sa kanila ng mabilis ko itong hawakan.
Mga papansin talaga.
"Laruan?" Humakbang ako palapit sa kanya na halatang kinagulat nito. Hawak ko pa rin ang kamay niya na mas hinigpitan ko pa.
"Kung kayo kaya ang paglaruan ko? Yung larong hindi mo makakalimutan, ano sa tingin mo? Gugustuhin mo? At anong sinabi mo? Pinoprotektahan ako nila Callum? Bakit? Naiinggit ka?" Minatahan ko siya't tinulak ang noo nito palayo sa akin. "Kung naiingit KA... KAYO... edi sabihin niyo sa kanilang protektahan nila kayo."
Natahimik sila saglit kaya kinuha kong tiyansa ito para itulak palayo ang babae. Kahit kating kati na akong sampalin siya, kailangan ko pa ring magpigil.
Magsasalita pa sana ako ulit ng maaninag ko sila Lhor na papasok ng gate, kaya naman may naisip ako.
Lumapit ako sa lalaking bowl ang buhok saka tinapakan ang paa nito. Agad na nag-react ang iba na mabilis akong hinila at malakas na sinampal na naman.
Nakakarami na sila ha. Nakakarami na.
"Gago ka rin noh?!" singahal nito na palihim ko lang na nginisihan pero hindi ko 'yun pinakita dahil nagco-concentrate akong umiyak.
"Suntu--argh!"
"At sinong nagsabing pwede niyo siyang sampalin ng ganun?" nagbabantang sabi ni Callum. Bumitaw ang humawak sa akin at napaatras sa bigla niyang pagsulpot.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lhor na nakalapit na pala sa kinatatayuan ko.
Mukha ba akong ayos?
Kita ko kung paano niya kinuwelyuhan ang sumampal sa akin bago niya ito malakas na suntukin sa mukha. Natakot ang iba sa ginawa nito na muling umatras.
"Mamayang lunch pumunta kayo sa open field. LAHAT kayo... naintindihan niyo?!" Walang umimik.
Still using the old system? Mali pala ang pagkakaintindi ko sa kanila. Mukha lang silang nagbago pero hindi pa rin pala ng buo.
But on the other side, thanks to the old system dahil mukhang makakabawi ako.
"Sumagot kayo!"
"O-po!"

Book Comment (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters