logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Irene Saavedra/Sharon Contreras POV.
Matapos kong mag-ayos at magpalit ng damit, doon pa lang ako lumabas ng cubicle para maghugas ng kamay. Hassle sa posisyon ko ang ganito dahil hindi kaya ganun kadaling ikabit sa mukha ang mga prosthetics.
Nakakairita pa, kaya hihingi ako sa kanila ng bago yung kahit mabasa hindi agad matatanggal, waterproof kumbaga. Tiyaka yung madikit na solution lang ang pwedeng makaalis, ayokong papalit palit.
Hindi ko naman kasi inaasahang ito agad ang bubungad sa'kin. Buti na lang at unti lang ang prosthetics na kailangan kong ilagay sa mukha dahil kung buo, paniguradong sakit 'yun sa ulo.
"Mala-teleserye ang buhay niya sa eskwelahang ito," umiiling kong bulong habang naghuhugas ng kamay.
Nang matapos ako sa paghuhugas, inayos ko pa ang suot ko saka dumiretso sa basurahan para itapon ang damit kong malagkit. Wala akong balak itago ang mga gamit kong sinisira ng iba.
I would rather throw them away than keep them. After all, all of this is useless.
BZZZT... BZZZT...
Sunshine Calling...
Tinignan ko lang ang number ni Sunshine na nasa screen ng phone ko. Paniguradong umabot na sa kanila ang ginawa ko kanina at panigurado ring bente quatro oras akong binabantayan ng mga ito.
Siguro para makita nila kung may gagawin akong labag sa kontrata. Pero katulad ng damit na tinapon ko sa basurahan, hindi ako mahilig sumunod sa mga nakalagay sa papel na 'yon. May sarili akong batas at 'yun ang susundin ko.
"Magsawa kayo." Pinatay ko ang phone saka nilagay sa loob ng bulsa ng aking palda.
Nakakatamad mag-aral pero heto ako't nasa eskwelahan na pinakaayaw ko. Ipasok niyo na ako sa lahat ng eskwelahan, 'wag lang dito. Huwag lang sa eskwelahang ito na halos sumira ng aking buong buhay.
Napabuntong hininga na lang ako sa isiping 'yon bago tinungo ang daan papunta sa silid ng babaeng ito. Katulad kanina, may mga papansing mata ang nakatitig sa'kin. Iniiwasan pa ako ng mga ito na para ba akong nakakadiring bacteria para layuan nila.
Common. Wala na ba talagang bago sa buhay ng babaeng ito? Unti na lang makukumbinsi na ako nito na malateleserye ang kanyang buhay.
Pero sa kabilang banda... mas ayos na rin ang ganito para naman walang umaaligid sa buhay ko. Malayo ang loob ko sa mga tao, introvert ako kumbaga.
Mabilis akong maalibadbaran sa mga taong kumakausap sa'kin na dinaig pang close kami sa isa't isa. Hindi sa ayaw ko sa kanila, sadyang hindi ako ganun kadaldal para kausapin ang mga taong papasok sa buhay ko.
Nakakapagod at ubos ng energy ang patuloy na pagdada.
"Sharon!" sigaw ng kung sino.
Napatigil ako sa pagpasok ng marinig ang pangalan ng babaeng ito. Automatic na napalingon ako sa lalaking patakbo palapit sa'king direksyon.
May dala siyang isang libro at nakangiting nakatingin, magulo ang buhok nito ngunit bumabagay naman sa kanya. Bagay niyang maging rockstar.
"Pinapatawag ka sa dean's office."
Ewan ko kung anong meron para ngumiti siya sa'kin ng ganito. Dalawa lang ang choice diyan, either baliw siya o sadyang pinanganak na siyang ganyan. Simula ng iluwal siya ng magulang niya, nakangiti na siya.
"Bakit?" nakahalukipkip kong tanong. Pasimple kong tinignan ang suot niyang i.d para tignan ang kanyang pangalan.
Langston Deverra. New kid.
"Ayok--" huminto ako sa pananalita nang maalalang nagpapanggap lang pala ako. Inalis ko ang bag na aking suot saka inabot sa lalaking nawala kaunti ang ngiti.
"Kilala mo ako diba? Pakilagay na lang 'yan sa upuan ko."
"Pero..." tinignan ko siya ng blanko, inayos ko pa ang suot kong glasses bago siya tuluyang talikuran.
Kapagod magpanggap, nakakabagot.
"Siguruhin lang niyang may sense ang pagtawag niya sa'kin," inis kong bulong habang naglalakad papunta sa opisina ng napakagaling na dean sa buong mundo.
Sa sobrang galing, nasusuka akong makita ang kanyang pagmumukha. How I wish I could just be blind so I couldn't see him, ever again.
Kumatok muna ako sa pinto bago buksan. Bagot akong pumasok para batiin siya ng magandang araw saka umupo sa upuang kaharap niya.
"Bakit niyo po ako pinatawag?" Pilitin ko mang maging napakabait na bata, ayaw makisama ng boses kong halatang ayaw siyang kausapin.
"Stay away from him," seryoso niyang sabi na nagpaawang ng aking bibig.
Alam niya ba kung gaano kalayo ang puny*tang opisina niya? Tapos 'yan ang maririnig ko?
Like come on... pakihanda nga ang kabaong ng matandang ito.
"Who?" I innocently asked.
Aba malay ko ba kung sinong HIM ang pinupunto niya. Baka kasi nakakalimutan niyang maraming lalaki sa mundo, hindi lang siya o yung HIM na sinasabi niya.
Umangat ang isa nitong kilay na para bang hindi inaasahan ang sasabihin ko ngunit kahit ganun, umayos siya ng upo saka muling nagsalita.
"You know what I'm talking about Ms. Contreras, stay away from my son."
Ah... kay Callum.
Hmmm... ano namang dahilan? Don't tell me may something ang dalawang ito? Interesting.
"Wala na po ba kayong iba pang sasabihin?" Pag-iiba ko ng usapan.
Kahit nahihiwagaan ako sa kung anong meron sa kanilang dalawa, mas makakabuti sigurong hindi na muna ako mangialam.
Mukhang hindi niya nagustuhan ang aking sagot sa malalim nitong pagkakatitig sa akin, pinag-aaralan ang bawat sulok ng aking mukha. Pasimple akong tumingin sa suot kong relo bago ibalik ang tingin sa kanya.
"Kasi kung wala na po, pwede na po ba akong umalis? Mahuhuli po ako nito sa klase."
Nang hindi siya sumagot, yumuko lang ako saglit para magpaalam bago maisipang maglakad palabas ng kanyang opisina. Ngunit hindi pa man ako nakakadalawang hakbang nang magsalita ito.
"My son is already engaged to someone much better than you, kaya layuan mo na siya habang may natitira pa akong kaunting pasensiya."
Lihim na lang akong napangisi saka tuluyang naglakad paalis doon.
Is that so? So in your eyes I'm much better than this girl?
"Mukhang pera."
▪▪▪
Bagot kong tinignan ang bag kong nasa tuktok ng puno. Pagbalik ko sa classroom, wala akong naabutan doong bag kaya nung hinanap ko, dito ako napadpad dahil sa mga tsismosang aanga-anga para pag-usapang nasa puno ang bag ko.
Nakakainis kasi wala akong magamit na papel at ballpen kanina. Pero ang mas nakakainis, ay ang pagbibigay ko ng bag sa lalaking 'yun.
"Sinong t*nga sa'tin ngayon?" Mura ko sa'king sarili.
Gusto kong akyatin ang puno pero maraming mata sa paligid, kaya wala akong magawa kundi ang makipagtitigan sa bag kong wala namang malay. Baka kasi hindi marunong umakyat ang babaeng ito sa puno kaya wala pa rin akong ginagawang kilos.
Baka mamaya pagkamalan pa akong unggoy.
"Nagugutom na ako." Luminga ako sa paligid pero napanguso na lang dahil mukhang hinihintay nila ang susunod kong gawin.
Naglakad na lamang ako papunta sa silong nito para magpahangin. May upuan kasi sa ilalim kaya magpapalipas na lang siguro ako ng oras. Tapos kapag wala ng nakatingin, mabilisang akyatan na lang ang gagawin ko.
Habang pinapanood ko ang mga taong nanonood sa akin na para akong isang telebisyon. Nahagip ng aking mata ang isang studyanteng kakaiba ang tingin sa lahat. Masasabi kong kakaiba dahil sa gulat at pagkalito nito sa buo niyang mukha.
Iba rin ang pakiramdam ko rito dahil ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanyang direksyon, agad-agad itong umalis na para bang may ginawang kasalanan.
"Sumama ka sa akin." Naalis ang aking pag-iisip sa taong 'yon ng lumitaw na lang bigla si Callum sa aking harapan.
Hindi pa rin ito nagbabago sa pagkakabulsa ng isa niyang kamay. Akala ko kasama niya si Lhor pero ni anino nito'y hindi ko nakita.
Tahimik lang akong nakatitig sa seryoso niyang mata pero pinagsawalang bahala ko ang sinabi nito.
"Sharon."
"Ano?" mabilis kong sagot na nagpakunot kaunti ng noo nito. Nawala naman agad pero hindi ako maloloko ng mapanuri niyang mga mata.
Damn Irene! Umayos ka nga sa pagpapanggap, be professional.
"Nandito ang bag ko, kaya hindi ako sasama sayo."
Tinuro ko ang bag na nasa taas ng puno na nagpaangat ng kanyang tingin.
"Kapag ba kinuha ko 'yan sasama ka sa akin?"
"Depende kung gaano mo kabilis na makukuha ang bag," simple kong sagot.
Wala akong ideya sa kung anong namamagitan sa kanila pero susubukan ko na lang makisama. At higit sa lahat, mas maigi kung tipid na mga salita ang sagot ko pagdating sa mga taong kakausap sa akin.
Best option 'yun para hindi ako agad mabuking.
"20 seconds... kapag nakuha ko 'yan bago matapos sasama ka sa akin." Nilabas nito ang kanyang telepono kung saan may kinalikot lang siya saglit bago iabot sa akin. Kinuha ko na lang dahil mukhang purisgido siya.
Callum, you've changed a lot.
"Kapag nagsimula na akong umakyat sa puno saka mo pindutin yan." Tanging pagtango ang aking sagot.
Sinundan ko siya ng tingin na inalis pa ang kanyang suot na sapatos saka humandang umakyat sa puno.
Pag-akyat niya, walang gana kong pinindot ang timer, nilapag ko rin ang telepono niya sa upuan saka pumikit. Kahit na lumampas pa siya o maunahan niya ang timer, hindi ako sasama sa kanya, hindi.
Kung tutuusin dapat hindi ako napapalapit sa kanya at kay Lhor, pero dahil mukhang may koneksiyon sila mukhang malabo ang paglayo ko. Iniisip ko na tuloy kung ano ang gagawin ng dean-father nitong si Callum.
"18 seconds." Hingal kong rinig.
Ramdam ko ang hindi pagpunta ng hangin sa mukha ko kaya paniguradong nasa harapan ko ang bag. Pikit mata ko itong kinuha saka tumayo.
"Salamat."
"Sandali." Pigil niya sa aking kamay ng paalis na ako.
"Ano?"
"Sasama ka sa akin." Hihilain niya na sana ako ng patigasin ko ang aking kamay para hindi niya ako agad mahila.
"Hindi ako pumayag na sumama sa'yo." Gamit ng isa kong kamay, sinuot ko ang aking bag bago alisin ang kamay niyang nakahawak sa akin.
"Ikaw lang ang nagsabi," dagdag ko pang sabi.
Sa aking paglampas, siya namang hila niya sa akin sa kung saan. Hindi pala hila ang tawag sa ginagawa niya ngayon, kaladkad.
Hmm... kaladkad, sapilitan, eh.
At dahil sa nagugutom ako, nagpakaladkad na lang ako sa kanya.
Yung mga nanonood sa akin kanina? Malay ko kung saan napunta, may kapangyarihan pa rin pala itong lalaking ito rito. Akala ko wala na.
Pano kaya kapag lumantad ako? Makakapalag kaya ang mga papansin? Bigla tuloy akong nakaramdam ng excitement kahit papaanong nandito ako.
Huminto lang kami ng ipasok niya ako sa hindi okupadong silid. Siniguro niyang walang ibang tao bago isara ang pinto at lumapit sa akin.
"Iniiwasan mo ba ako dahil kay dad?" seryoso nitong tanong. Nanahimik lamang ako't pinanood siyang mas lumapit sa akin.
So, alam niyang pinapalayo ng tatay niya ang babaeng ito?
"Sharon, 'yun ba ang dahilan?" Lumambot ang kanyang ekspresyon na minsan ko lang nakikita. Halata sa pares ng mata nito ang ibang emosiyon na mukhang alam ko ang ibig sabihin.
He is in love with this girl.
Hahawakan niya sana ang aking kamay ng ilagay ko ito sa aking likuran bago pasimpleng naglakad paikot sa silid.
"Oo, ang tatay mo ang dahilan. Kaya mas maigi kung hindi mo na ako lalapitan."
In the first place, wala naman akong balak na hayaan silang lapit-lapitan ako. I know them very well and they know me too. But the only difference I have for them is that I know how I can manipulate every event to hide my true identity and that's what I'm going to do.
As I face his direction, he doesn't move. He just looked at me like he was observing something.
"Ang biglaan mong pagbabago? Kasama ba 'yun sa dahilan para layuan kita?"
Tumango ako bilang sagot. Syempre magandang dahilan ito para masabing ako si Sharon at hindi si Irene.
"Let's just part ways and accept our fate."
"No." Mabibigat na hakbang ang ginawa niya para makalapit sa akin bago ako nito hilain para bigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Hindi ako papayag. I cannot accept that Sharon, what you did to me and to my feelings is different from what I expect. F*ck dad! But I wanted to be with you."
Corny.
"You are not the one who will suffer, end your feelings like I did after all, you're engaged," mahina kong sagot. Kumalas ako sa yakap niya.
Patuloy itong umiiling kaya dumistansiya ako. Wala akong alam sa kung anong mangyayari sa kanila sa oras na bumalik ang babaeng ito. Pero wala rin akong pakialam dahil gusto kong lumayo sila sa akin.
All I know? Is that they have feelings for each other. Ang galing ko talagang manghula at makiramdam.
"We are still young and a senior high school students, you don't know what you are saying."
Mabilis akong lumisan sa silid na 'yon kung saan naiwan siyang nakat*nga.
I just did what I think is best for this situation. Sila ang magdusa sa resulta.

Book Comment (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters