logo
logo-text

Download this book within the app

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd

Mission: Pretend to be Sharon the Nerd

Joyang


PROLOGUE

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa gate. Wala pa masyadong tao sa paligid dahil maaga akong pumunta. Isa na rin sa dahilan ay siguro gusto kong makita kung ano na bang pinagbago ng eskwelahan na ito.
"Bakit nga ba ako ulit pumunta rito?" bulong ko habang inaayos ang glasses na perwisyo sa buhay.
Hindi malabo ang paningin ko, sadyang kasama ito sa usapan lalo na't nagpapanggap akong ibang tao.
F L A S H B A C K
"Are you sure you can do it?" tanong niya na ikinatitig ko sa kanya. Binaba ko ang papel sa mesa saka tumango bilang pagsang-ayon.
"May choice pa ba ako?" walang gana kong sagot.
Ngumiti siya ng alanganin bago ako lapitan. "Just two months, after this pwede ka ng magbakasyon."
"Oo na... siguraduhin niya lang talagang mataas ang makukuha kong pera rito. Lalo na't ayoko sa paaralang 'yan."
"Syempre naman, basta mahanap lang namin siya pwede ka ng tumigil."
"Kung bakit naman kasi naglayas 'yan," kaunting irita kong saad.
"Hiya naman siya sayo paran--- sabi ko nga tatahimik na ako," alanganin niyang sabi nang tignan ko siya ng masama.
Inirapan ko na lang siya at tumayo. Kinuha ko rin ang papel na nilapag ko upang pag-aralan ang ugali ng babaeng ito, mahirap na baka hindi ako umabot doon ng dalawang buwan.
"Ikaw? Kailan ka babalik?" tanong niya na ikinatigil ko sa paglalakad. "Matagal ka na nilang hinahanap alam mo ba 'yun?" dagdag pa nitong sabi.
Hindi ako nag-aksaya ng oras para lingunin siya.
"Buhay mo ang intindihin mo, 'wag ang buhay ng ibang tao," seryoso kong sagot bago tuluyang umalis doon.
Wala akong balak bumalik doon.
Wala.
E N D O F F L A S H B A C K
"Aish! Bahala na," inis kong sabi bago tuluyang pumasok sa malaking gate.
Habang papasok ako at sa tuwing may madadaanan akong ilang studyante. Iba ang tinging binibigay nila sa'kin at halata sa mga mukha nilang hindi nila gustong nakikita ako.
Masyado pa rin silang mayabang, walang pinagbago.
"Saan na ulit ang clas--" natigil ako sa pagsasalita nang may humarang na lang bigla sa aking nilalakaran. Pag-angat ko ng tingin, hindi na ako nagulat nang maramdaman kong basa na ang buo kong mukha na umabot sa suot kong blusa.
"At talagang bumalik ka pa rito... loser," maarteng sabi ng kung sino.
Pinunasan ko ang salamin ng suot kong glasses gamit ng aking palad para makita ng maayos kung sino ang papansin sa'king harapan.
Pinakatitigan ko sila, dalawa silang babae. Yung isa may hawak na balde habang ang isa'y nakapameywang na nakatingin sa akin. Maganda naman sila at maayos tignan, 'yun nga lang kinulang sila ng magandang ugali.
Hindi ko na lang sila pinansin at mas piniling lampasan, pero hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong may tumama na matigas sa bagpack na suot ko. Napahinto ako roon at hindi na sana lilingon nang may maramdaman akong pabulusok sa'kin.
Mabilis akong umusog pagilid, kung saan pinanood kong mahulog sa sahig ang bolang sa'kin dapat tatama. Tinignan ko rin ang matigas na tumama sa bag ko, at doon nakita ang baldeng hawak lang ng babae kanina. Kung siguro hindi ko suot ang bagpack, paniguradong likod ko ang matatamaan.
"Huwag mo kaming tatalikuran loser," maangas na sabi ng lalaking nagbato ng bola.
Baka kasi may pangalan ang babaeng ito.
At ano? Loser? Wala na ba silang maisip na bagong tawag? Bunch of airhead people.
Wala akong balak patulan sila dahil 'yun ang identity ng babaeng ito. Pero kung ganito lang din ang kakahinatnan ko sa eskwelahang ito, hindi ko maipapangakong hindi ako gaganti pabalik sa kanila dahil hindi ako marunong magtimpi ng matagal.
Napapikit ako ng mariin nang maramdaman kong may humila ng bag ko paibaba, dahilan upang mapaupo ako sa lupa. Buti na lang at mahaba kahit papaano ang uniform nila rito at hindi ka agad masisilipan.
"Ano bang problema niyo?" walang gana kong tanong.
Ang kaninang dalawang babae lang na humarang sa daan ko, nadagdagan pa ng limang lalaking pumapalibot sa akin.
Huwag nila sabihing gagawa sila ng ritwal kaya ganyan sila?
"Problema namin? Ikaw syempre," sagot ng isang lalaking may katabaan kaunti. Chubby siya at hindi ganun kataba, may itsura rin pero pangit ang ugali.
"Pwes... problema niyo na yun." Patayo na ako nang mukhang nainis ang lalaking sinagot ko. Bigla na lang kasi ako nitong kinuwelyuhan na nakakasakal nga naman talaga.
Bading.
"Ulitin mo ang sinabi mo!" gigil nitong sabi na hinigpitan pa ang pagkakahawak sa aking blusa.
"Problema niyo na 'yun," pag-uulit ko bago marahas na tanggalin ang kamay niya. Mukhang nagulat siya sa nakikita niya kaya kinuha ko 'yong tiyempo para lumayo roon.
Pero dahil matitigas ang mga mukha nila, hinarangan ako ng natitira pa nilang mga kasama.
"Tabi," tipid kong sabi sa kanila. Katulad ng lalaki kanina, nagulat sila sa inasal ko na talaga nga namang nakakairita na.
Sorry Sunshine... pero hindi ko kayang umaktong mahina sa harap ng iba.
I hate being the weak one here.
"Ang y-yabang mo na ha... por-ket nawala k-ka lang ng i-ilang linggo," alanganing sabi ng isa sa kanila. Tinulak pa ako nito sa balikat kaya masamang tingin ang ipinukol ko rito.
Mayabang ako dahil may maipagmamayabang ako. T*nga.
"Tirahin ninyo 'yan habang wala pa masyadong tao," rinig kong sabi ng lalaking nasa aking likuran.
Napairap na lang ako sa una niyang sinabi.
Private school ba talaga ito? Dahil kung oo, bakit ganyan ang mga lumalabas sa mga bibig nila? Like come on... nasaan ang manners?
Mayabang ako, oo pero hindi ganyan karumi ang aking bibig.
"Kung ako sa inyo hindi ko na itutuloy 'yan," biglang singit na sabi ng isang babae.
Naglalakad ito palapit sa'min habang nakatingin sa hawak niyang telepono, pero ang awra niya ay talaga nga namang may awtoridad.
"Huwag kang mangialam dito, Lhor," maarte pa ring sabi nung babae kanina na humarang sa'kin.
Dahil sa sinabi nung babae, tinigil nito ang kinakalikot niya sa phone para tignan ang nagsalita.
Lhor Prieto, malaki ang pinagbago niya. Tss.
"Oh really? Am I interrupting you? Because as far as I remember, winarningan na kayo ni Callum patungkol dito."
"Ano namang pakialam namin sa kanya?!" inis na sabi nung lalaking kumuwelyo sa'kin.
Napangisi siya sa sinabi ng lalaki at inalis ang tingin nito sa kanya. Nalipat ang tingin nito sa likuran namin kaya ang ilan sakanila'y nilingon ang kanyang tinitignan.
Alam ko na kung sino ang tinitignan niya kaya hindi na ako nag-abalang lumingon pa. Ang gusto ko lang ay ang makaalis dito, dahil nanlalagkit na ang mukha ko kasi hindi lang simpleng tubig ang binuhos nila sa'kin.
"C-callum..." may takot na tawag ng iba.
Hindi mapanindigan ang yabang.
"Umalis na kayo bago ko ipatawag ang mga magulang niyo rito," malalim ngunit may angas na sabi nito sa kanila.
"P-pero hindi pa nakakabayad ang babaeng ito sa na--"
"Isa," pagbibilang nito na ikinamura ng iba.
Masamang tingin ang iniwan sa'kin nung lalaki bago patakbong umalis sa harapan ko, kasunod ang mga kasama niyang yabang lang ang meron. Pati na rin ang dalawang babaeng puro inarte lang ata ang laman ng utak.
Kahit papaano pala'y may pinagbago ang paraalang ito, dahil hindi ko lubos maisip na nagbago ang ugali ng dalawang ito.
Hmm... ano kayang rason?
"Are you okay?" tanong ni Lhor sa'kin.
May nilabas siya sa blazer niyang panyo na kanyang gagamitin sana para punasan ang mukha ko, pero lumayo ako agad.
Mahirap na baka makilala nila ako.
"Ayos lang." Pag-iiba ko ng boses.
Sa tagal kong nakasama ang mga 'yan paniguradong makikilala nila agad ang boses ko, kaya kailangan kong mag-ingat ng matindi.
"Don't worry we'll make sure na magigi--" hindi na niya natapos ang kanyang sinasabi sa pagtalikod na ginawa ko.
Nakita ko pang nakatitig sa'kin si Callum na hindi ko na tinignan pabalik. Kailangan kong ayusin ang itsura ko dahil paniguradong naaalis na ang mga prosthetics na sinuot ko matakpan lang ang aking totoong mukha.
Si Sunshine ang nag-suggest nito dahil baka mamukhaan agad ako ng ibang nakakakilala sa'kin noon sa eskwelahang ito. Kaya nag-isip sila nang maaaring gawin para maging kamukha ko ang babaeng ito.
Ako lang kasi ang option nila dahil halos magkapareha kami ng hubog ng katawan at may pagkakapareho kami ng facial features kaya wala silang choice, lalong lalo na ako.
"Sandali," sabi ni Callum na nagpahinto sa'kin sa paglayo.
Rinig ko ang yapak ng paa nitong papalapit sa'kin. Nanatili lang naman akong nakatayo, hinihintay ang kanyang paglapit.
"Sa susunod na lapitan ka nila, tawagan mo kami agad sa number na ito." May nilagay siyang papel sa kamay ko kung saan nakasulat doon ang numerong sinasabi niya.
Tumango na lang ako bilang sagot at tuluyan ng umalis doon, ngunit bago ako tuluyang makalayo narinig ko pa ang sinabi ni Lhor.
"Sigurado ka bang ayos lang siya? Parang may nagbago sa kanya."
Mukhang wala akong choice kundi pahabain ang pasensya ko para hindi ako mahuli.
"Kainis talaga."

Book Comment (34)

  • avatar
    GajeRichard

    nice story

    04/08

      0
  • avatar
    MacodSaimen

    hintay better luck next time sa book 2

    03/08

      0
  • avatar
    Irochi Dump

    call of duty

    13/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters