logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Two: Not Her.

"Nakakasama ng loob! Akala ko pa naman mahal niya ako, tapos gano'n..." pagt-tantrums ni Yuna habang umiinom ng kaniyang mango-chocolate shake. Ang weird ng combination, I didn't expect na may magkakagusto sa flavor.
"Bobo mo kasi, ilang beses ko nang sinabi sa 'yo na h'wag ka nang umasa lalo na't may girlfriend na iyon," bored lang na sagot ni Devi at pinaglalaruan ang kaniyang carbonara.
"Sabi niya wala na sila..."
"At naniwala ka naman, tanga ka."
Hindi ako sumali sa usapan at nag-focus na lang chocolate parfait na kinakain ko. My mind is full of things right now, including Hiro.
I can still remember those days na magkasama kami, simula pagkabata. We were neighbors, and are the closest in our friend groups. Halos hindi na kami magkahiwalay sa sobrang clingy namin sa isa't isa.
When we were kids, we were so close. Magkapit-bahay kasi kami, nakatulong pa na magkaibigan din ang mga magulang namin. Halos hindi nga kami nagkakahiwalay dati. Kung nasaan siya, naroon din ako and vice versa. That's how clingy we are.
Pero nagbago lahat no'ng umamin akong gusto ko siya. He became distant. Tuwing nakikita niya ako, he would look away and pretended like he didn't see me. Hindi na rin siya bumibisita sa amin. The last thing I knew, lumipad na pala siya patungong Australia after he graduated. I was ten that time.
Tang ina. Bakit ko ba siya iniisip?
I shrugged all of my thoughts and continued eating. Nags-scroll na lang din ako sa social media para mawala ang boredom ko. Yuna and Devi were still fighting, buti na lang at kaming tatlo lang ang nandito sa loob.
Nang natapos kami ay lumabas na kami sa cafe. Nagpaalam na si Yuna dahil may aasikasuhin pa raw siya. Si Devi naman ay may trabaho sa McDo bilang cashier. Isasabay niya na sana ako but I insisted since pupunta pa ako ng National Bookstore para bumili ng supplies.
We bid our goodbyes at pumunta sa kaniya-kaniyang direksiyon. Nagpasalamat ako at naabutan ko lang bukas ang store. Maaga kasi talaga silang nagsasara.
Pumasok na ako sa loob at agad na hinanap ang mga kakailanganin ko. I took two binders, five packs of binder sleeves, two boxes of staples and two pads of paper. Kumuha na rin ako ng dalawang felt tip pen, isang fine at isang broad bago pumunta sa cashier para magbayad.
Palubog na ang araw nang nakalabas ako. I was planning to buy some clothes too pero natagalan ako sa loob kaya nakapag-decide akong bukas na lang bumili, weekends naman bukas.
Tahimik akong naglalakad sa sidewalk. Malayo-layo ang condo ko mula rito pero ayaw ko namang mag-commute. I mean, I have money to commute naman pero gusto kong magtingin-tingin sa mga madadaanan kong tindahan. Baka may makakuha ng atensiyon ko.
Thirty minutes na akong naglalakad at nakarating na ako sa tulay, kapag dumaan ako ro'n ay kailangan ko pang maglakad ng another thirty minutes pa bago ako makarating sa condo.
Tahimik lang akong naglakad sa sidewalk, walang masyadong sasakyan na dumadaan dito. Nang nasa kalagitnaan na ako ng tulay ay napatigil ako.
Hiro was resting his hands on the railings. Nakayuko siya at pinagmamasdan ang ilog sa ilalim. He was still wearing his uniform, parang papauwi pa rin siya.
Naramdaman niya yata ang titig ko kung kaya't lumingon siya sa direksiyon ko. His face immediately became emotionless when he recognized my face.
Napamulsa siya bago naglakad paalis, akmang lalampasan pa ako.
"Hiro," I called him pero hindi siya sumagot. I turned around.
"Bakit ka ba bumalik?" tanong ko pero para lang akong hangin na hindi niya pinansin. I scoffed.
Bastusan, gano'n?
"Hiro, ano ba?" Naiinis na ako. "Mister Montecarlos."
Do'n siya napatigil sa paglalakad, ilang minuto siyang nakatayo lang bago ako nilingon.
I coldly stared at him. "I'm asking you. Why did you came back?"
"That's none of your business," sagot niya lang at iniwan na ako. But I have no plans on letting him go that easily without any explanations.
"Ganito na naman ba? Katulad na naman ba ng dati? Babalewalain mo na naman ulit ako?" He continued walking.
"Hiro ano ba!" sigaw ko, making him stop on his tracks. "T-That day, why did you left? Ni hindi ka man lang n-nagpaalam sa akin. Nawala ka lang na parang b-bula."
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Do you despise me t-that much? May nagawa ba akong mali? Bakit ba tayo nagkakaganito? Akala ko ba magkaibigan tayo, Hiro? Ba't naging ganito?"
Hindi siya sumagot. Ilang minuto pa akong umiiyak at sumisinghot. Nakayuko ako at tumahimik, I was waiting for him to answer. But instead, he disappointed me by walking away, again.
Sa galit, malalaking mga hakbang ang ginawa ko palapit sa kaniya. I held his shoulders and aggressively pulled him to look at me. Pero masyado siyang malakas at hinawi lang ang kamay ko.
"Ano ba Hiro!?" sigaw ko, akmang hahawakan ulit siya sa braso. "Sagutin mo naman ako!"
Nagulat ako nang hinawi niya na naman ako ng malakas. Nabitawan ko ang mga dala ko at napaatras dahil sa kawalan ng balanse.
I felt the banister on my waist and before I knew it, I was already falling.
The loud splash was heard and the cold water touched my skin. I tried to swim upwards pero hindi ko magawa dahil sa pagod. The cold also made me shiver.
Ilang ulit kong sinipa-sipa ang paa ko hanggang sa mangalay and mga. Unti-unti na rin akong nawawalan ng malay. My arms and legs felt numb. Hindi na ako makahinga.
Darkness welcomed me as my eyes slowly closed. I felt my body stopped, so as my breath.
Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid. I was welcomed with a large crystalline chandelier na nakasabit sa kisame, meron ding painting ng isang malaking palasyo rito.
I squinted my eyes. Is this a dream?
Umupo ako at sinuyod ng tingin ang buong kwarto. Napakalaki nito, parang kasya ang dalawang family house dito. Ang dingding ay kulay krema na may nakaukit na mga bulaklak, it's linings were of gold.
Nakaupo ako sa isang malaking kama na kasya sa pito katao. All four corners have white pillars, dito nakakunekta ang isang parang roof ng kama. Meron ding nakasabit na puting kurtina sa magkabilang gilid.
The sheets were dark brown at may golden outlines ng mga bulaklak, pati ang outlines ng kumot ay gold din. It was also the same for the pillows.
Inalis ko ang kumot at napansin ang kasuotan ko. Ang pagkakaalala ko, I was wearing a uniform. Pero ngayon, nakaputing nightgown ako.
I touched the ends of the nightgown and realized it's surely expensive lalo na at maganda ang fabric nito.
Sa kanang bahagi ng kwarto, may malaking double door na isang metro lang ang layo mula sa kisame. Kulay puti ito at may gold linings din.
Akmang tatayo ako nang nakaramdam ng hilo. Napasapo ako sa noo at muling umupo lalo na no'ng naramdaman kong walang lakas ang mga paa ko.
I groaned as I wait for the pain to subside. Hindi ko na namalayang bumukas pala ang pinto.
"Oh my, Princess!"
Namalayan ko na lang ang sarili ko na muling nakaayos ng higa sa kama at isang kamay na nakadapo sa noo ko.
"Your Highness, you must not stand up. Your fever has still not subsided," sabi ng isang babae na nakasuot ng kakaibang damit. She looked at the other side of the bed. Napalingon din ako ro'n at nakitang may isa pa palang babae at alalang nakatingin sa 'kin.
"Lily, summon the Imperial Wizard this instant," utos niya sa kasama. Tumango ang babae na nagngangalang Lily bago lumabas sa kwarto.
Akmang tatayo na sana ulit ako nang pinigilan ako ng naiwang babae.
"Take a rest, Princess. The royal wizard will be here to treat you," sabi niya.
Huh?
Wizard? Princess? What?
Ang daming tanong na namumuo sa isip ko ngayon. Tulad ng anong nangyari, bakit ako nandito, at kung bakit ay tinatawag nila akong prinsesa.
"The Prince is in the royal office, talking to His Majesty about what happened," she said after a moment of silence, "don't worry, his majesty won't hurt him, he loves you both so much."
King ina, ano bang pinagsasabi nito?
Nananaginip ba ako?
"Uhh..." naiilang kong tanong, "Sino ka? Anong pangalan mo?"
She tilted her head, confusion was evident on her face.
"Pardon me, Your Highness, but what language are you speaking?" tanong niya. "I believe it must be one of the languages that you are currently studying. Forgive me, Princess, but I do not know how to speak nor understand the said language."
Ha?
Hindi yata sila nakakaintindi ng Filipino.
"Erm, what's your name?" tanong ko ulit sa ingles. She frowned.
"I've been serving you since you were a child, Princess. How do you not know who I am." Bago pa mana ako makaisip ng isasagot ay ikinaway niya ang kaniyang kamay. "Nevermind, maybe it is because of what happened yesterday."
Tumayo siya. Hinawakan niya ang magkabilang gilid ng kaniyang gown bago yumuko. "I am Faith, your lady-in-waiting." Mas lalo pa siyang yumuko. "I am honored to serve you, Your Highness."
Eh?
"The one who went out to call the Wizard is Lily, she is also your lady-in-waiting. Like me, she is also very honored to serve you, Your Highness."
"T-teka, dahan-dahan lang." Napapikit ako sa sobrang kalituhan. It's too much information to digest. "What happened yesterday?"
"Her Highness' mana got out of control." Mana? "Thankfully, the Prince, came to the rescue."
"Uh, what's a mana?" nahihiya kong tanong. Gosh, pakiramdam ko ay nagmumukha akong tanga rito.
"A mana is something you possess to generate and cast spells or magic. Sometimes, if not trained enough, it may go out of control just like what happened to Your Highness."
Umupo ako, ngayon ay hindi niya ako pinigilan na ikasasalamatan ko.
"Tell me more," sabi ko at yumuko siya.
"It some other cases, some have too much mana in their body that can cause a mana explosion that is dangerous if you're near the explosion. That's what happened to Your Highness yesterday."
'Di ba siya titigil sa kakatawag sa 'kin ng 'Your Highness'?
"Although, only the Wizard can cast almost all of the spells and magic since their duty is to heal and protect the imperial palace. The mages, which you are a part of, only can cast magic with one of the four elements."
"Elements?" I asked, intrigued.
Tumango siya. "Yes, the four major elements. Air, water, earth and fire," sagot niya. "His Majesty and the Prince is a fire mage."
"Wow... uhm, and I am?"
Ilang beses siyang napapikit. "I didn't know you would forget so much because of the mana explosion, Princess."
Napangiwi lang ako. Kung alam mo lang...
"Anyway, you inherited your mother's ability. Like her, you are also a water mage."
"Really?"
"Yes." She smiled. "But sadly, Lady Riana died right after you were born." Natahimik ako.
Bumukas ang pinto at bumungad si Lily, sa likuran niya ay nay nakasunod na lalaking may kulay itim mahabang buhok. Ang mga mata niya ay kulay berde. Nakasuot siya ng itim na parang roba na abot hangang paa.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Pumunta siya sa tabi ko at dinapo ang kaniyang kamay sa noo ko.
"The fever has lowered down earlier, but it must've came back when you tried to get up," he said in a monotone voice before raising his hand right above my chest.
Halos sumigaw ako nang biglang umilaw ang kamay niya. Sunod ay may lumitaw na parang bilog, sa loob nito ay may isa pang mas maliit na bilog. There was a rectangular shape in the middle, umiikot ito. There's also unreadable words on the outer circle that's also moving.
Maya-maya pa ay umilaw din ang dibdib ko. Naramdaman ko ang paggaan ng loob ko. Nakahinga ako ng maluwang. It felt like a large stone just got removed from my body.
Nang umayos na ang kalagayan ko ay umayos siya ng tayo.
"Thank you so much, Rosh," pagpapasalamat ni Faith.
Rosh just nodded at her before looking at me. He stared at my face kaya nailang ako. Lumingon ako sa gilid, ramdam ko pa rin ang titig niya.
"Lily, Faith, can you please excuse us for a minute?" sabi niya bigla. "I would like to have a talk to Her Highness privately."
Tumango ang dalawa bago ako tiningnan at yumuko. Tinanguan ko sila bago sila umalis ng kwarto at iniwan kaming dalawa.
"You're not her."
"Huh?" Napalingon ako sa kaniya. He had his back faced at me.
"You're not Her Highness," pasimple niyang sabi. "I can't feel any presence of the Imperial Princess."
I flinched when he suddenly summoned a sword and pointed it at me. Seryoso ang mga mata niya.
"Who are you, outsider?"
"A-alright, Alright! Chill." Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "I'm not the Princess, I know. I don't even know why I got here in the first place."
Pinagsingkitan niya ako ng mata, hindi naniniwala.
I rolled my eyes, "Oh, come on! Tingin mo ba magsisinungaling pa 'ko ngayong nasa bingit na ako ng kamatayan?"
He scanned my face before letting the sword disappear from my sight. Sumandal siya sa bedside table na nasa likuran niya at ipinagkrus ang braso sa dibdib.
"So you're not from here, then?"
"Hindi."
He nodded.
"Teka, nakakaintindi ka?" gulat kong tanong.
He raised his brow. "I'm a wizard, remember?"
Tumahimik na lang ako. "Sabi ko nga."
Tumayo ako at inayos ang gusot sa damit ko. Mabuti na lang at hindi na ako nahihilo katulad ng kanina, maybe because of what mister Wizard did.
"Um... thank you. About what you did earlier, erm... mister..?"
"Rosh." Oo nga pala, that's what Faith called him earlier.
Lumapit ako sa sa isang malaking salamin na katabi lang ng vanity table. Halos mahimatay pa ako nang makita ko ang itsura ko.
Long hair hair as dark as the night, Its wavy strands covered my face. Dark freckles, long lashes, and fiery red eyes.
"W-What..." Hinawakan ko ang mukha ko. Pati ang buhok ko ay sinubunutan ko pa para makasigurong hindi ako nananaginip. Sinasampal-sampal ko pa ang sarili ko dahil baka nababaliw lang ako.
But the moment I felt the sting on my scalp and cheek, I realized that it's a dream nor I'm becoming crazy.
It's real. It's all real.
Then it hit me. The book... I looked exactly like the girl described in that book. I just need some confirmation.
Nilingon ko si Rosh na tahimik lang na nakamasid sa 'kin.
"What's my name?" I asked him.
"You're R―"
"Full name, Rosh. Including my title or whatsoever," mariin kong sabi pagkatapos kong putuling ang sinasabi niya.
He sighed.
"Roxanne Alexandra Casquiejo. Daughter of the Emperor, His Majesty, Arkansas Casquiejo. The Princess of Casquiea."

Book Comment (6)

  • avatar
    Melleyah Reyes

    Ganda so much

    25/06

      0
  • avatar
    MarIz Tamboboy Endita

    Nahhhhh super like it❤️❤️

    06/05

      0
  • avatar
    JhouielSharina

    Good story

    20/12

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters