logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 5

Nag-unat ako at saka dahan-dahang iminulat ang aking mata. Napangiti ako nang marealize kong weekend ngayon, my favorite day among the rest dahil walang pasok sa araw na ito.
Napatingin ako sa digital clock na nasa bedside table ko  at nakitang 8:17am na kaya bumangon na ako. Kumuha ako ng bathrobe at towel sa cabinet at saka dumiretso na sa common bathroom namin dito sa second floor.
Almost an hour ang tinagal ko sa banyo, sinulit ko talaga ang oras ko doon since wala kaming pasok ngayon. Nang matapos akong maligo ay nagsuot na ako ng bathrobe at nilagay ang towel sa ulo ko para patuyuin ang buhok ko. At nang makitang ayos na ang sarili ko ay in-unlock ko na ang pinto at saka ako nagsepilyo. Hindi ko alam, pero nakasanayan ko na rin kasing i-unlock ang door kahit hindi pa ako tapos sa routin ko, as long as tapos na akong maligo.
But as I was brushing my teeth, nanlaki ang mata nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaking nagmamadaling pumasok. I can't see his face dahil nakatungo ito at mukhang hindi rin niya napansin na nandito ako. Ibang klase talaga.
Agad akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib, kaya ginala ko ang aking paningin sa paligid para maghanap ng anumang bagay na maari kong gamiting pamalo sa kanya, ngunit sa kasamaang palad, wala akong nakitang kahit ano kaya buong lakas ko siyang inatake ng suntok na agad niyang ikinatumba. Marahil hindi niya ito napaghandaan kaya na-out of balance siya.
"Trespasser!" Sigaw ko.
"What the hell!" Mura niya habang hinahawakan ang gilid ng kanyang labi, pumutok yata ito dahil sa suntok ko.
"What the! Oh my god!" Napatakip ako sa bibig ko nang makilala kung sino siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at dinaluhan siya.
"Yeah! Good morning too." Sarkastikong aniya.
Mukhang hindi siya nagulat na makita ako dito. Siguro alam na niyang dito ako nakatira. Pero bakit nga ba siya nandito sa pamamahay namin? Anong ginagawa niya dito?
To answer my question, I heard some footsteps approaching us, seconds later dumungaw sa pintuan ang mukha nina mama, papa at isang hindi ko kilalang lalaki ngunit parang pamilyar ang mukha niya sa'kin.
"What's happening here?" Mama asked saka napatingin sa lalaking hanggang ngayon ay nakaupo parin sa sahig. "Oh my! Anong nangyari? Hijo, Are you okay?" Dinaluhan ni mama si Rayne.
Okay! Mukhang walang pakealam si mama na nandito ako. And for pete's sake, I am just wearing a bathrobe with a towel on my head.
"Yeah! Okay lang po ako, tita. Hindi naman po masakit ang suntok ng anak niyo." Pinilit niya pang ngumiti. Tsk! Pa-victim.
"What? Nasuntok ka, son?" A familiar man asked, tila pinipigilan nito ang pagtawa.
Ah! So, siya pala ang ama ng kumag na 'to. No wonder why he looks familiar, magkamukha nga sila. Parang older version niya lang ang kanyang ama.
"Unluckily, yes dad." Tamad niyang sagot na ikainatawa ng kanyang ama.
"Why did you punched him, darling?" Papa asked me.
"A-akala ko po kasi ay magnanakaw. Bigla na lang pumasok habang nagtu-toothbrush ako dito." Depensa ko sa sarili.
Totoo naman kasi, kahit sino naman siguro ang nasa posisyon ko ay 'yon din ang iisipin nila.
"Matuto ka kasing maglock ng pinto, Samoza. Malay ko ba namang may tao pala sa loob." singit naman ni Rayne.
"Eh ba't ba kasi dito ka pa nag-cr?" Tinaasan ko siya kilay. "Meron naman sa baba, La Questa!"
Isn't it unrespestful? Nagbabangayan kami sa harapan ng mga magulang namin, calling each other with our family name. Well, it's not my fault. Siya ang naguna kaya siya ang dapat sisihin.
"Enough!" Si Papa, "EJ, he's my visitor. So, you need to apologize to him."
I looked at papa in puzzled.
"What for papa?" kunot noong tanong ko. "Siya ang dapat mag-apologize sa akin dahil bigla siyang pumasok nang hindi kumatok. Hindi man lang niya naisip na may tao sa loob. Paano na lang kung saktong naliligo pala ako no'n?"
"Why didn't you locked the door in the first place, hija?" Tanong ni papa. "And besides, nasira ang bathroom sa baba kaya ako ang nagsabi sa kanya na pumunta dito."
Natahimik ako sa sinabi ni Papa. Mukhang wala talagang pag-asa na kakampihan nila ako ngayon.
"Now, pwede ka na bang mag-apologize sa kanya, EJ?" Tanong ulit ni papa.
Napabuntontong hininga ako. Seriously, Kailangan ko ba talagang magsorry sa nagawa ko? Bakit parang kasalanan ko pa ang lahat?
"Say sorry, Ej. Kahit sa pagsuntok mo man lang sa kanya?" Dagdag ni papa nang makitang wala akong balak magsalita.
"Okay, fine!" Tinaas ko ang kamay ko na animo'y sumusuko at saka humarap kay Rayne, "Sorry." Walang emosyong saad ko.
Hinarap ko ulit ang mga matatanda, "Pwede na po ba akong umalis? Kailangan ko pang magbihis, pa."
"Okay, baby. Magbihis ka na muna para makakain ka na." Si mama ang sumagot.
Padabog kong sinara ang kwarto ko, pagkapasok ko dito at saka pinakawalan ang inis na kanina ko pa pinipigilan.
Wala sa sariling pinagmasdan at kinausap ko ang aking sarili sa salamin. Nakapagbihis na ako pero wala pa akong balak bumaba, hindi pa ako handang harapin sila. Hindi ko alam na sila pala ang tinutukoy na bisita ni papa, 'yung hindi natuloy nung friday. Akala ko pa naman hindi ko na makikita ang pagmumukha ng lalaking iyon ngayong weekend.
Nagpasya akong mag-aral na lang muna para may katuturan naman ang pagkukulong ko sa kwarto ngayon. Sinimulan kong gawin ang mga assignments ko, pagkatapos no'n ay nagbasa pa ako saglit bago ko naisipang humiga ulit sa kama para makatulog. Pipikit na sana ako nang biglang kumalam ang sikmura ko. Okay, plan cancelled. Hindi matutuloy ang planong whole na pagkukulong sa kwarto dahil epal ang sikmura ko.
Inis akong bumangon at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Nakasuot ako ng gray loose shirt and white short. I combed my long black hair using my hand and tied it up in a ponytail.
Dahan-dahan akong humakbang pababa ng hagdan, takot makagawa ng ingay dahil ayokong makaagaw ng pansin. Baka nandito pa ang mga bisita ni papa.
"EJ? Buti naisipan mong bumaba na." Napatuwid ako ng tayo ng marinig ang boses ni tita.
"Uh-hi tita, good morning." Nakangiting bati ko sa kanya.
"Good morning too." She smiled back. "Kanina ka pa hinihintay ng mama't papa mo. Naro'n sila sa sala." She pointed at our sala.
"Ah opo, inom muna akong ng tubig ehe".
"Osige,"
Matapos naming mag-usap ni tita, dumiretso na ako sa kusina samantalang si tita naman umaakyat sa taas. I was about to open the refrigerator when someone spoke from my back.
"Buti bumababa ka na, everyone is waiting for you, ate." napalingon ako sa likod at nakitang nakatayo doon si AJ.
"Talaga? Saan?" maang-maangan kong tanong. Kahit alam ko naman talaga kung saan.
"Sa sala." Tipid niyang sagot.
"Okay then, I'll go there." Saad ko saka sinara ulit ang ref, nawalan ako ng ganang kumain.
Naabutan kong nagkukwentuhan sa sala ang mga matatanda. Habang si Rayne naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"Nandito ka na pala. Come here, baby." Mama said that made me smile.
Tumikhim si papa, "Hayaan mong ipakilala ko sa'yo ang aking pinakamagandang anak na si Ej." Aniya sa kaibigan.
"Pa naman, binola niyo pa ako. Eh ako lang naman ang anak niyong babae." Saad ko na ikinatawa nila.
"Ikaw talaga, totoo namang maganda ka." Alam ko 'yan, pa. Hindi mo na kailangang ulit-litin pa. "Oh siya, greet your Tito Roel. He's my college friend."
"Hello po. Nice meeting you po." Magalang kong bati kay tito.
"It's nice to finally meet you too, hija." Ngumiti sa'kin si tito Roel at saka nilingon si papa, "Totoo nga, you have a very beautiful daughter, Jayden."
Tumawa si papa, "Oh, thank you. But what'd you expect? I am the father. So, it's natural." biro niya, saka sila nagtawan
"Yeah right." Sagot ni Tito Jayden,
"Now, my turn to formally introduced my son." bumaling siya sakin saka ngimiti, "Hija, meet my son, Rayner."
Tumingin ito sa kanyang anak, "Be a gentleman, son," Utas  niya.
"Alright," Tumayo si Rayne at lumapit sa akin, nagulat ako nang bigla itong yumuko sa harapan ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Ano naman ang kaya trip ng isang ito?
"I just want to apologize for what happened earlier," aniya.
Geez! Why so corny, La questa? A simple sorry will do. Pero bakit kailangan pang humalik sa kamay? Bumalik ba tayo sa ancient time without my knowing?
I was about to say, it's okay and he's forgiven pero natigilan ako nang makita ang pagtakas ng pilyong ngiti sa kanyang labi kaya agad kong hinila ang aking kamag.
"Pinagtitripan mo na naman ako." Saad ko sa matigas na tono. Pero tinawanan niya lang ako.
"Mukhang magkakilala na ang mga bata." Rinig kong saad ni papa.
"Well, yes. We are classmates, tito." Sagot ni Rayne.
"Good to hear that. Sana maging magkaibigan din kayo," Nakangiting saad ni mama.
Kaibigan? Paano ko maging kaibigan ang isang pilyong katulad nito? Arg, nevermind.
Nagpatuloy ang kwentuhan nina papa at tito Roel. At dahil hindi naman ako nakakarelate sa usapan nila, nagpaalam na lang akong  lalabas muna para makapagpahangin. Si mama naman, pumunta sa kusina para makapaghanda ng tanghalian namin.
Pumunta ako sa backyard at umupo sa duyang nakasabit doon sa ilalim ng malaking puno, ito ang paborito kong tambayan 'pag nasa bahay ako. Napakasariwa kasi ng hangin dito at matatanaw ko rin ang pinagkunan namin ng hanapbuhay, ang niyugan ni papa.
Napapikit ako nang biglang umihip ang napakasaring hangin. Kakaibang vibes ang hatid nito. Nakakarealax. Parang ang sarap tuloy matulog.
"Hey, can I talk to you?" Naputol ang pagmumuni ko nang may marinig ang boses na 'yon, nilingon ko ito.
Yeah right! Muntik ko pang makalimutan na may kailangan pa pala kaming pag-usapan. Hindi namin napagplanuhan ang gagawin namin sa 'Student Night' .
"Oh yeah. Kailangan talaga natin mag-usap." Kaswal kong saad.
Umupo siya sa isang bench na kaharap ng duyang inuupuan ko. Nagsimula kaming mag-usap tungkol sa mga plan at gagawin namin para sa upcoming  student night, we even exchanged ideas. I was surprised that we were able to have a decent and peaceful conversations without arguments. For the first time, nakapag-usap kami nang hindi ako nabwiset sa kanya or should I say hindi niya ako binubwiset. And it was not that bad I guess.
"Ayos ka naman palang kausap minsan." He chuckled at my statement.
"Hindi lang minsan. Madalas." pagtatama niya na ikinailing ko, pero hindi na ako sumagot pa.
Sandaling katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay na nagmula sa mga nagsasayawang dahon dulot ng pag-ihip ng hangin at ang huni ng ilang nagliliparang ibon.
"Can I ask you a question?" he asked after a moment of silent.
"Hmm?" tipid kong sagot nang hindi siya tiningnan.
"Bakit parang ang init lagi ng dugo mo sa akin?"
"Because you're annoying?" I simply answered.
"Ouch!" He then chuckled.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Parang ang sarap naman pakinggan ng tawa niya.
"Now, my turn to ask." Saad ko. "Why are you so annoying most of the time?"
"Hindi naman ako annoying ngayon, ah?" Reklamo niya na parang bata.
"Yes. But most of the time, you are." Saad ko.
"As what I've told you, you're cute when you're annoyed." Aniya na nagpalaglag sa panga ko.
I hate being called cute, that's for sure. Pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon? Ano 'to? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung bigkasin niya ang katagang 'yon? Ito ang pangalawang pagkakataon na maramdaman ko ito, the first one was when he told me that same line.
Dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko, nag-iwas ako ng tingin sa kanya, piniling tumungo na lang at ituon ang mata sa aking mga paa.
"You're blushing." He teased.
"No, I'm not." depensa ko sa sarili.
He chuckled again but didn't say a thing. Hindi na rin ako muling nagsalita hanggang sa tawagin na kami ni mama sa loob para mananghalian.
Pagkatapos mananghalian, umakyat na ulit ako sa taas para tapusin ang hindi ko natapos kanina at saka ako natulog.
Pasado alas tres na ng hapon nang magising ako, akala ko nga umuwi na ang bisita namin. Pero nang bumaba ako, nakita kong nandoon pa rin sila. Naglalaro ng video game sina AJ at Rayne, mukhang nagkakatuwaan sila.
"Ate, wanna play with us?" si AJ nang makita ako.
"No thanks," agad kong tanggi.
"Si ate talaga oh, sa EXO lang interasado. Ang boring mo, ate. Alam mo yun?"
I rolled my eyes, "Whatever."
"XO? Mahilig ka pala doon? Nakakasira yun ng ngipin." Singit naman ni Rayne.
"Pft!" sabay kaming natawa ni AJ.
Pabalik-balik ang tingin ni Rayne sa amin ni Aj, marahil ay nagtataka siya kung bakit kami tumatawa.
"What's funny?" takang tanong niya.
"You." sagot ko na hinihingal parin dahil sa pagtawa.
"Wag ka kasing sumingit kung hindi mo alam ang pinag-uusapan." Dugtong ko.
"EXO kasi kuya, hindi XO. E-X-O. Group of kpop yun hindi candy. Okay?" paliwanag ni AJ na natatawa pa rin.
"Okay." Dahan-dahan siyang tumango, "Sorry naman, ngayon ko lang narinig eh." Tinuon niya muli ang attention sa paglalaro.
Matapos ang hapunan, umuwi rin sina Rayne. Ngayon lang yata ulit nagkita sina papa at tito Roel kaya napahaba ang kwentuhan nila.

Book Comment (11)

  • avatar
    ces moh

    hhhhhhhhh

    5h

      0
  • avatar
    Alyza Jenine

    this story is so beautiful

    05/07

      1
  • avatar
    Shahanna Javier

    thanks

    11/06

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters