logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER SIX

ELLA MARI
Kinabukasan ay muli kaming nagkita ni Alcantara. Muli siyang tumawid sa boundaries para sumabay sa akin mag lunch.
Kinalimutan ko ang pinag-usapan namin kahapon pero alam kong iyon ang ipinunta niya sa akin ngayon.
"I...talked to Papa Edward."
"Ayokong marinig, Alcantara." May pagbabanta sa aking tono.
"I just talked to him, Ruiz. Wala akong sinabi sa kaniya na alam kong ikasasama ng loob mo sa akin."
"Kung ganoon ay 'wag mo nang banggitin sa akin kung ano ang pinag-usapan ninyo. Hindi ako interesado."
"Ano man lang ba na malaman nila kung ano nang nangyayari sa buhay mo? Maliit na impormasyon, Ruiz."
"Ikaw na nagsabi. Buhay ko 'to, Alcantara." Nginisihan ko siya. Ngising puno ng inis. "Pwede naman siguro akong magdesisyon para sa sarili ko since buhay ko 'to?"
"Hindi ganiyan ang ibig kong sabihin."
"Pwes iyon ang dating sa akin. Tigilan mo na, Alcantara, dahil kahit saan mo iliko ang usapan ay ganoon at ganoon pa rin ang iisipin ko."
Natahimik siya. Hindi na rin ako umimik pa.
Ilang sandali ng katahimikan sa aming pagitan.
"Ruiz." Nakayukong muling panimula niya. "Hindi naman imposibleng malaman nila." Tsaka niya ako tiningnan ng diretso.
"Tama ka, dahil alam na nilang nagkikita tayo."
"Hindi iyon! Alam mong diyan lang sa Goldwyn ang eskwelahan ng kapatid mo. At hindi malabong malaman nila na nag-aaral ka ulit dahil isang maling liko lang ay magkikita kayo."
"Kahit na dito pa sa Hopeford nag-aaral ang kapatid ko. The fact na alam nilang nagkikita tayo, malalaman na nila kung nasaan ako."
Pilit kong iniiwasang pagtaasan siya ng boses dahil siya si Alcantara, ang matalik kong kaibigan.
"Pero hindi ko sinabing nasa iisang paaralan tayo, Ruiz."
Bumuntong-hininga ako. "Isang bagay lang, Alcantara. Sa oras na matagpuan nila ako, hindi ako mag-aatubiling umalis sa lugar na 'to."
Hindi ko maaatim na magkita kami ni Edward sa ganitong sitwasyon. Ayokong makita ulit ang paibaba niyang tingin sa akin.
"At ano para magtago ka na naman? Hindi mo ba talaga kayang tumayo sa mga problema mo?"
Napakahirap ng ginawa kong pag lunok nang marinig ang sinabing iyon ni Alcantara, parang may malaking nakabara sa lalamunan ko. Hindi ko maiwasang mainsulto sa uri ng salitang ginamit niya.
"Anong tingin mo sa akin ngayon, Alcantara? Sa tingin mo ba, naglalaro lang ako dito? Akala mo ba, isinusubsob ko ang sarili ko sa pag-aaral para lang magsayang ng oras? Hindi ko kayang tumayo sa mga problema ko gayong ginagawa ko ang lahat ng 'to para sa kanila. Gusto kong bumalik sa pamilyang 'yon kung saan kaya ko nang ipakilala ang sarili ko sa iba nang may sariling pangalan, kaya kong ipagmalaki ang sarili ko nang wala ang suporta ng pangalan ng aking ama!"
Tumayo ako at tiningnan siya ng masama. "This is your last warning, Alcantara. Sa susunod na maging sintunado ka, mawawalan ka ng kakayahang kumanta."
BRYAN CLYDE
"Bryan!"
Humarap ako kay Franz. "Bakit?"
"Lumapit ka rito. Bilisan mo."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Tama ba yung narinig ko? Inuutusan mo 'ko?"
"Bingi ka ba?" Balik na tanong niya.
"Inaasar mo ba ako, Franz?" Maangas na tanong ko. Umalis ako sa pagkakasandal sa hamba ng pinto at naglakad palapit sa kaniya.
Humalakhak ito, talagang nang-aasar. "Ano ka ba, Bryan. Binibiro lang kita hehehe. Halika dali aalalayan na kitang maglakad." Aniya tsaka mabilis na lumapit sa akin. Humawak ito sa braso ko at talaga ngang inalalayan ako.
"Bitawan mo nga ako, siraulo ka. Hindi ako lumpo kaya 'wag mong ihawak sa 'kin 'yang madumi mong kamay."
"Bakit ba lagi na lang mainit 'yang ulo mo pagdating sa akin? Alam ko namang mas gwapo ako sa 'yo pero kaibigan mo ako, Bryan."
Batok ang inabot niya sa akin.
"Bitawan mo ako. Papatayin na kita, Franz!"
"Sabi ko nga bibitawan na kita." Lumayo ito sa akin nang bahagya at saka bumulong. "Menopause na yata 'to kaya laging masungit."
Hindi ko na siya pinansin pa at umupo na lang sa tabi ni Bryle.
"Pareng Bryan, umamin ka nga sa amin."
Kinunotan ko ng noo si Bryle. Isa pa pala 'tong maingay, tsk.
"Ano bang sinasabi mo diyan, Bryle?"
"Anong meron sa inyo ni Ella?"
"Ha? Anong meron sa amin?" Balik na tanong ko. Naguguluhan.
"Alam mo bang kayo na ang laman ng usap-usapan dito sa Hopeford?" Biglang singit ni Franz.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ikaw yata 'tong nagpapakalat ng usap-usapan dahil kalalaki mong tao e napaka tsismoso mo." Inis kong sagot.
Sa pagtataka ko ay bigla akong kinorner ni Franz at Bryle. Si Hanz ay lumipat lang ng upuan sa tabi ni Bryle at nagbasa lang ulit ng hawak nitong libro pero sigurado akong nakikinig ito sa usapan.
Malapit nang mag-start ang afternoon class pero wala pa rin si Ella. Malamang ito ang pinili nilang oras para mang-intriga dahil wala pa ang dalaga. Hindi naman kasi sila pwedeng magtanong sa akin ng ganoon nang nandoon si Ella dahil nakakahiya 'yon. Ang mag-usap habang nandoon mismo ang taong pinag-uusapan.
"Wala kaming kahit na anong ugnayan ni Ella, period. Tapos ang usapan." Paglilinaw ko sa kanila.
"You're not in any relationship, but are you considering Ella as a woman?" Si Bryle na naman.
"Of course! Anong tingin mo sa kaniya—lalaki?!"
"Baliw! Ang ibig sabihin ni Bryle, kung may gusto ka kay Ella." Ani Franz.
"Hindi ganiyan ang nasa isip ko pero malapit na rin sa depinisyon mo, Franz." Natatawang turan ni Bryle.
"Bakit naman ako magkakagusto sa babaeng 'yon? She's freaking weird."
"But Ella is cute!"
"Ikaw yata 'tong may gusto sa babaeng 'yon e!" Sinamaan ko ng tingin si Bryle. "Sinasabi ko sa 'yo Bryle. Patay ka sa 'kin kapag sinaktan mo ang kapatid ko!"
Tinawanan lang ako nito. "As you can see, Bryan. Talaga namang kakaiba si Ella pero kahit sinong lalaki ay magkakainteres sa kaniya. Not that I do have interest with her like what you are thinking. Ang sinasabi ko lang, she's different from the rest, and that's what makes her interesting."
"I second emotion!" Si Franz. "Pero kung ayaw mo talaga kay Ella, edi mas mabuti. Akin na lang siya!"
Binigwasan ko siya. "Hindi isang bagay ang babaeng 'yon na basta mo na lang aangkinin kapag gusto mo!"
Hinawakan niya ang ulong nasaktan tsaka nakangusong tumingin sa akin. "E bakit ka ba nagagalit? Ibig sabihin may gusto ka talaga kay Ella. Hindi mo naman kasi ako pinipigilan whenever I find bitches and wanna make them mine."
"Dahil hindi naman ganoong uri ng babae si Ella!" Galit na sigaw ko rito.
"At paano ka naman nakasisiguro? Pare-pareho lang ang mga babae, well there are some exception and Ella is not one of them."
"Isa pa Franz, sasapakin na talaga kita."
Mataas ang standard ko pagdating sa mga babae. Pero hindi ko sinasabing mababa ang tingin ko kay Ella. Alam kong hindi siya tulad ng sinasabi ni Franz. Wala akong ideya sa kung anong uri ng tao si Ella, tanging pangalan lang niya ang alam ko pagkatapos no'n ay wala na. Masyado siyang misteryoso para sa akin, hindi ko siya mabasa. Hindi ko mahulaan ang sasabihin o gagawin niya. Kakaiba nga siya tulad ng sabi ni Bryle. Kakaiba na umabot ako sa punto na gusto pa siyang mas kilalanin.
Masama kong tiningnan si Franz na para bang kaya ko siyang patumbahin gamit 'yon.
"You don't know her and so I am but I assure you she's not kind of woman who can play your game and she's not like your bitches and will never be."

Book Comment (47)

  • avatar
    Chriseya Punzalan Agustin

    so good🥹

    10d

      0
  • avatar
    Giovannie Demetillo Bonilla

    111

    25d

      0
  • avatar
    Jeyca ۦۦ

    wowwwwwww 😭😭😭

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters