logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FIVE

ELLA MARIE
Halos lamukin na ako dito sa parking lot ng Hopeford dahil sa paghihintay ko kay Alcantara. Ngayon ang sinasabi niyang magkita kami at dito sa parking lot ng Hopeford ang sinabi niyang pagkikitaan namin. Halos isang oras na akong naghihintay dito pero wala pa rin siya.
Paano ay maaga ang naging awasan namin kanina kumpara sa nakasanayang awasan dahil may biglaang meeting raw ang mga guro sa College Department. Kaya ganoon na lang ang tagal ng paghihintay ko para kay Alcantara.
Kung hindi lang talaga importante itong itinawag sa akin ni Alcantara ay hindi ako maghihintay sa madilim na parte ng parking lot ng lugar na 'to. Papalubog na ang araw at ilang poste ng ilaw pa lang ang nabubuksan at hindi pa doon kabilang itong kinatatayuan ko.
Nasaan na ba ang babaeng 'yon? Hindi ko naman siya magawang kontakin dahil nasa loob lang naman siya ng Hopeford at marahil na may klase pa. Sa pagkakakilala ko sa babaeng 'yon, oras na hawakan ko ang telepono ko at tawagan o miski ang i-text lamang siya ay nasisiguro 'kong gagamit 'yon ng telepono sa loob ng klase, ang masama pa roon ay baka bigla na lang itong umalis kapag nalaman na kanina pa ako nandito at hinihintay siya. Hindi mabuting ihemplo ang babaeng 'yon at hindi dapat tularan.
Sayang lang talaga at motor ang dala ko ngayon kaya swerteng-swerte ang mga lamok sa pagdapo sa iba't ibang parte ng katawan ko.
Kinapkap ko ang bulsa ng aking vest at nang wala na akong makapang sigarilyo doon ay lalo akong nainis. Hindi ko alam kung ilang minuto pa ang itatagal ng pisi ko sa paghihintay kay Alcantara.
"Bigyan mo na lang kami, hindi ka pa namin sasaktan."
"B-binigay ko na y-yung bag ko s-sa inyo. A-ano pang g-ginagawa niyo? P-pakawalan niyo na a-ako."
"Ano kami tanga? Hindi lang ito ang kaya mong ibigay sa amin. Amin na ang susi ng kotse mo."
"P-paano ako uuwi? Kinuha n-niyo na ang m-mga gamit ko, b-bakit pati yung k-kotse ko?"
"'Wag ka na ngang magtanong! Ibibigay mo ba o sasaktan ka pa namin?!"
Pinilig ko ang ulo ko at sinilip kung saan nagmumula ang mga boses na naririnig ko. Sa madilim na bahagi ng parking lot malapit sa lugar kung nasaan ako ay may anim na kababaihan. May kalakihan ang katawan ng mga ito at nagsusumigaw ng kayabangan ang kanilang mga tindig. Pinalilibutan nila ang isang dalaga, at malinaw sa pandinig ko ang ginagawa nilang pananakot rito. Kung sa batas ay maaring kasuhan ang mga ito ng harassment o mas matindi pa kaysa doon.
Akma akong lalapit sa kanila nang may kumalabit sa akin. Si Alcantara na pala. Kararating lang niya.
"Ano, g?" Tanong niya agad.
Inilingan ko siya tsaka tinuro ang lugar kung saan ko nakita ang mga babae.
"Kilala mo ba ang mga 'yon?" Sinundan niya ng tingin ang tinuturo ko.
"Oh, si Hopeford 'yong babaeng maganda, kapatid 'yan ni Bryan Hopeford. Anak sila ng may-ari ng school." Cool na cool pa siyang nakatayo sa harapan ko habang nakatingin sa kawawang babae.
"Sila ang may-ari ng Hopeford?" Pagtatanong ko pa.
"Oo. Bryan Clyde Hopeford at Yuri Steff Hopeford—mga anak ng may-ari nitong Hopeford Academy."
"Ow." Napapatangong ani ko.
Kaya pala ganoon na lang ang yabang at lakas ng loob ng lalaking 'yon ay dahil anak pala ito ng may-ari ng eskwelahan. Pero kung sa bagay, may maipagmamayabang nga naman ang Bryan Clyde na iyon.
"Pero teka, hindi mo ba tutulungan yung babae?" Tanong ko.
"At bakit ko naman gagawin 'yon, Ruiz?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Kilala mo ang babaeng 'yon, Alcantara. Huwag mong ipagdamot ang pag tulong mo."
"Kanina ka pa nakatayo riyan, sana ikaw na lang 'tong tumulong. Tss, wonder woman." Inungusan pa niya ako.
"Hopeford ano pang ginagawa mo diyan?"
Napailing na lang ako nang bigla niyang agawin ang pansin ng dalaga, kasama na roon ang mga babaeng nakapalibot rito.
Sa dami ng sinabi at reklamo ni Alcantara, e tutulong rin naman pala siya, tsk.
"J-Joan R-Royce?" Ani Yuri Steff. Bumakas ang gulat sa magandang mukha nito ngunit kalaunan ay nangungusap na ang mga mata nito, humihingi ng tulong.
"Nakasalubong ko mga bodyguards mo do'n sa labas, hinahanap ka. Pumunta ka na ro'n." Si Alcantara. Hindi ko alam kung totoo ngang nakasalubong niya ang mga sinabing bodyguards ng dalaga pero malaki ang duda ko doon. Marahil ay sinabi lamang niya iyon upang maging panakot sa mga babaeng nakapalibot sa kaawa-awang dalaga.
"G-ganoon ba? S-sige, aalis n-na ako." Dali-daling nahigit ni Yuri Steff ang bag niya na hawak ng isang babaeng nasa harapan niya. At mabilis siyang sumakay sa kaniyang sasakyan tsaka ito dali-daling pinaharurot palabas ng parking lot.
"Happy now, Ruiz?"
Sa pagkakataong ito ay siya naman ang inungusan ko.
"Hoy kayong dalawa!"
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alcantara.
"Umalis na tayo, Ruiz!" Aniya na ngingisi-ngisi pa habang pasakay sa sariling motorsiklo.
Sabay naming nilisan ang lugar.
"Ang yabang mo kanina, takbuhin ka naman pala."
"Wala na akong barya, Ruiz. Pang yosi ko na lang 'to."
"Kahit kailan ay kuripot ka."
"Sana ikaw na lang ang naglagay sa mga iyon, mukha namang mapera ka na ngayon?" Sabay tawa niya.
"Pang yosi nga wala ako, pang limos pa kaya sa mga 'yon?"
"Oh, edi 'wag kang magsalita nang tapos dahil pareho lang tayong kuripot."
Matapos no'n ay hindi ko na siya inimikan pa. Sinundan ko na lang ang daan na tinatahak niya dahil wala naman akong ideya sa lugar na pupuntahan namin.
Sa tagal ng biyahe unti-unting naging pamilyar sa akin ang lugar. Ang tahimik na kalsada at bawat likong ginagawa ni Alcantara, mukhang alam ko na kung saan kami tutungo.
Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa maunahan ko si Alcantara. Humarang ako sa daan niya tsaka ko itinigil ang motor ko.
"Ano ang ibig sabihin nito, Alcantara?"
"Papa Edward wants to see you." Mabilis niyang sagot.
"Hindi mo dapat ako pinapangunahan, Alcantara."
"Sinusunod ko lang ang utos ni Papa Edward, Ruiz."
"But you should know how to decline a command from him for me."
"I know, I know. Pero kahit ngayon lang, Ruiz. Kahit ngayon lang, kausapin mo si Papa Edward."
Muli kong binuksan ang makina ng motor ko at pinainit iyon.
"You better sticked your nose out of it."
"I don't think I can do that request of yours, Ruiz. You know me."
"It's an order, Alcantara."
Matalim ko siyang tinitigan bago humarurot paalis.
Edward is the last person I want to see.
Hindi ko kayang makalimot sa dalawang taon na nagdaan. Ang mga nangyari ay parang kahapon lang. Ang sakit at hirap ay hindi mawala, kinakain ako nito.
I've lost my self two damn years ago, and still losing now.

Book Comment (47)

  • avatar
    Chriseya Punzalan Agustin

    so good🥹

    10d

      0
  • avatar
    Giovannie Demetillo Bonilla

    111

    25d

      0
  • avatar
    Jeyca ۦۦ

    wowwwwwww 😭😭😭

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters