logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER FOUR

ELLA MARI
Pagod akong humiga sa kama ko.
Kaya ayokong mag-aral e, wala man lang interesanteng bagay na nakapukaw sa akin.
Wala akong nakuha kundi sakit ng ulo. Unang araw pa lang pero mukhang ubos na ang pasensyang matagal kong inipon, paano akong tatagal sa ganoong eskwelahan sa mga susunod pang araw?
Bigla kong naalala ang kapatid ko.
Mas lalong sumakit ang ulo ko pero medyo gumaan na ang pakiramdam ko at unti unti nang nawawala ang pagod na nararamdaman ko.
Sandali akong napangiti.
Mula nang umalis ako sa bahay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mapigilang hindi mag-alala sa kaniya, sa kanila.
Kamusta na kaya sila?
Hindi ko magawang bumalik sa bahay dahil sarili kong disisyon ang umalis doon. Hindi ko kayang bumalik doon nang ganoong kadali.
Saglit kong ipinahinga ang utak ko at itinigil na ang masyadong pag-iisip.
Wala na akong pakiramdam sa paligid ko hanggang sa gupuin na ako ng antok.
Kinabukasan na-late ako ng gising. At hindi ko alam kung paanong pipilitin ang sarili kong pumasok sa eskwelahan. Handa na ang lahat ng gamit ko pero nanatili pa rin akong nakaupo sa kama ko habang naninigarilyo.
Pagdating ng tanghali ay nagpasya na akong maligo at pumasok. Naisip kong sayang naman ang nakuha kong scholarship kung hindi ko gagamitin. At isa pa ay wala akong pangbayad sa malaking halaga ng tuition fee ng Hopeford kung hahayaan kong mawala sa akin ang scholarship ko.
Afternoon class na lang ang mapapasukan ko ngayong araw dahil sa katamaran ko kaninang umaga.
"Good afternoon.."
Natigil ako sa paglalakad sa kahabaan ng corridor nang may humarang sa daraanan ko. Tiningala ko ito. Kinilala kung sino, pamilyar ang mukha ngunit hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang ganoong itsura.
"Ms. Ella Marie Ruiz." Kasunod pang anito.
Nanliit ang mga mata ko at pinasadahan ng tingin ang kabuoan nito.
"Sino ka?"
"What?" Mula sa magandang ngiti nito ay napalitan agad iyon ng pagkairita. Hindi ko alam kung bakit.
"Sino ka?" Pag-uulit ko rito.
"How many times do you need to ask me who the hell I am?" Sagot nito na galit na galit. Para namang may malaking kasalanan akong nagawa sa taong ito.
Hindi ko na lang ito sinagot.
"Alam mo ba kung anong hirap ang naranasan ko para lang malaman kung ano ang pangalan mo dahil ayaw mong sabihin sa akin! Tapos kapag nakikita mo ako, 'yan na lang lagi ang naririnig ko sa 'yo!"
"Anong gusto mo, ang magpanggap akong kilala ka kahit hindi naman talaga?" Nakakunot ang noo na tanong ko sa kaniya.
Napasabunot ito sa sariling buhok matapos marinig ang sagot ko. "Hindi mo ba talaga ako naaalala?" Tanong nito na sinagot ko naman ng iling.
"A-ako 'yong tumatawag sa 'yo kahapon. The same spot where we are now." Paliwanag niya na pinagkunutan ko lang ng noo.
"Miss na naglalakad!
Ikaw na naka-uniform!
Yung naka-itim na sapatos!
Babaeng may pulang bag!
Yung kulot ang mahabang buhok!
Miss na sexy, maputi at maganda!"
Kasunod niyon ay bigla na lang itong nagsisisigaw sa harapan ko. Dalawang beses akong napaatras.
"D-do you remember me now?" Tanong nito pagkatapos.
Sandali akong humikab bago ko siya sinagot. "Hindi pula ang kulay ng bag ko, maroon ang tawag dito. At hindi kulot ang buhok ko."
"Yes!"
"What?"
"You remembered me!"
"Hindi kita kilala."
Para itong naging lantang gulay nang marinig ang sagot ko.
"Pero iyon rin ang isinagot mo sa akin kahapon." Naguguluhan ako sa pinapakitang reaksyon ng taong ito. Gayon pa man ay pinagpatuloy ko ang panunuod rito. "Nakiusap pa naman ako kay Daddy para masilip ko ang student's information to know your name."
"Ginawa mo iyon para malaman kung ano ang pangalan ko?" Napapantastikuhang tanong ko rito.
Parang bata naman itong sinagot ako ng tango.
"Kung ganoon ay maaari na akong mauna. Alam mo na ang pangalan ko, kaya wala na akong dapat pang sabihin sa 'yo."
Tinapik ko pa ito sa balikat bago ito lampasan.
Hindi naman maiwasang may kumawalang ngiti sa aking labi. Kakaiba ang taong 'yon. Nakatutuwa siya sa paningin ko.
*Phone Beeps
Kinuha ko sa bulsa ng aking palda ang telepono ko. Isang mensahe ang dumating mula sa kaibigan ko.
Ang alam ko ay dito rin siya sa Hopeford nag-aaral. Hindi lang ako sigurado dahil hindi pa rin kami nagkikita mula nang pumasok ako rito at wala rin kaming maayos na pag-uusap tungkol sa aking pagbabalik aral.
At isa pa ay malawak na espasyo ang tatawirin namin para lang magkita dito sa Hopeford dahil magkaiba naman ang lugar ng Senior High School at College. May boundaries ang bawat lebel dito mula elementarya hanggang kolehiyo.
Royce Alcantara: Ruiz?
Tinanong ko ito kung bakit.
Royce Alcantara: Tomorrow evening. I'll just call you where.
I composed a message reply, nagtatanong kung anong meron sa sinasabi niyang mensahe.
My phone beeped again.
Royce Alcantara: Just go. I'll just discuss to you the details.
I again, composed a message reply. Inutusan ko siyang tawagan na lang ako at baka makalimutan ko ang tungkol sa sinasabk niya.
After a seconds, one message recieved.
Royce Alcantara: Tatawid na lang ako ng boundaries mamaya para makausap ka. Sabay tayo mag-lunch.
Matapos basahin ang huli niyang mensahe ay hindi ko na siya sinagot pa.
"OMG! Nandiyan na ang Gorgeous Four!"
At sunod sunod na ang pagwawala ng mga estudyante. Mapa-babae man o mga lalaki ay naghihiyawan. Mga pangalan na hindi ko maintindihan pero paulit-ulit lang.
Apat na lalaki ang pumasok kasabay ng mas paglakas pa ng sigawan ng mga estudyante. Muntik pa akong mapabulalas ng tawa nang tuluyang makita ang mga mukha nito.
Maraming sumisigaw sa pangalan nila, ang iba ay pilit pa silang nilalapitan. Bryan Ken, Franz Ervin, Bryle Clyde at Hanz Lowell ang isinisigaw ng lahat. Apat na pangalan ngunit hindi ko mawari kung sino ang sino.
Nagkibit na lang ako ng balikat at hindi na pinansin pa ang mga ito. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagyuko sa mesa ko at nang makatulog pa ako bago dumating ang susunod na guro.
Naimulat ko ang isa kong mata nang maramdaman ko ang pagkulbit sa akin ng kung sino.
"Hi, Ella Marie!" Pagbati niya, may kasama pang pagkaway.
"Sin-"
Bago ko pa matanong kung sino ito ay nagawa na nitong pigilan ako.
"Bryan Clyde. I am Bryan Clyde." Nakangiting aniya tsaka ito may isinuot sa sariling ulo. "Isusuot ko na 'to lagi kapag kakausapin kita para hindi mo na ko laging tanungin kung sino ako, hindi mo na makakalimutan kung ano ang pangalan ko."
Tama siya. Isang malaking BRYAN CLYDE ang nakasulat sa idinikit nitong karton sa suot nitong headband.
"Bryan Clyde." Basa ko rito.
Nakaupo siya sa tabi ko. Inilipat ko ang aking tingin sa mga lalaking kasama niya at bahagya pa akong nagulat nang makitang nakaupo na ang mga ito. Ang mga upuang bakante sa katabi ko ay inuukupa na nila.
Ang lalaking may itim na buhok, may suot na bilog na salamin at may hawak na makapal na libro, ang umupo sa kaliwang bahagi ng aking upuan. Katabi naman nito ang lalaking blonde ang buhok at hindi maalis-alis ang pagkakangiti sa akin. Ang binatang may itim na buhok na halos natatakpan na ang mga mata, maganda ang mga ngiti at mukhang mabait ay nakaupo naman sa kanan ni Bryan Clyde.
"I remembered you. Ikaw yung babae kahapon hindi ba?" Nilingon ko ang nagsalita. Iyon iyong lalaking katabi ni Bryan Clyde.
Tanging tingin lang ang nakuha nitong sagot sa akin.
Bigla naman itong napakamot sa sariling batok bago nahihiyang ngumiti sa akin. "By the way, I'm Bryle Ken Fuentes. You can call me Bryle. I'm Bryan's friend." Pagpapakilala nito bago inabot sa akin ang kanang kamay.
Saglit kong tiningnan ang kamay nito bago ko iyon inabot upang makipag-kamay.
"Ella Marie." Pakilala ko.
"H-hoy ano 'yan?" Sabay kaming napatingin ni Bryle kay Bryan Clyde. Nakatuon agad sa akin ang kaniyang masamang tingin. "Bakit ang bilis mong makipagkilala kay Bryle ha?!"
Naitagilid ko ang ulo ko upang matitigan siya nang mabuti. "Gaano ba dapat katagal?" Tanong ko.
"Ang ibig kong sabihin, bakit ang bilis mong ibigay ang pangalan mo sa kaibigan ko? Bakit sa akin ay hindi ka nagpakilala, bakit ako e nagpakahirap pa para lang malaman kung ano ang pangalan mo?" Halos labas na ang litid niya sa leeg dahil sa pagsigaw. "Hindi mo ba alam na may girlfriend na 'yan ha? Kapatid ko ang girlfriend niyan kaya kahit gusto mo si Bryle, e off limits na 'yan!"
Palihim akong ngumisi matapos marinig ang nakakarinding sigaw na iyon ni Bryan Clyde. Nakatutuwa ang reaksyong ibinibigay niya.
"Oy dre, wala daw si Mrs. Velasco. Ang aga ng lunch natin, tara na gutom na ako!" Rinig kong sabi ng lalaking may blonde na buhok. Sinilip pa nito ang mga kaibigan...kasama na ako.
"Will you shut that mouth of yours, Franz Lowell?" Mukhang asar na sagot ng katabi nitong may bilog na salamin. Hawak pa rin ang libro na binabasa na nito ngayon.
"Pinsan naman? 'Wag mo naman akong pahiyain sa magandang babae." Ani tinawag na Franz Lowell. Binigyan na naman ako nito ng isang malaking ngisi. "I'm Franz by the way, and you are?" Inilahad nito ang kamay sa harapan ko.
Nagkibit-balikat ako bago iabot ang aking kamay dito. "Ella Marie." Muling pagpapakilala ko.
"Pati ba naman si Franz?!" Si Bryan Clyde.
Akmang pagtutuunan ko siya ng pansin nang maramdaman ko ang panginginig ng telepono sa aking bulsa.
Royce Alcantara: Nasa cafeteria ako ng Tertiary. Malapit sa counter. Hindi na kita mapupuntahan diyan sa room mo, marami nang tao rito. Dito na lang tayo magkita, bilisan mo.
Pinadalhan ko siya ng mensahe na nagsasabing papunta na ako roon.
Hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin pagkapasok ko sa cafeteria.
Isang paa ang sumulpot sa daraanan ko at dahil hindi ko iyon inaasahan ay natalapid ako at bumagsak sa sahig.
Doon ay umugong ang malakas at walang humpay na tawanan at bulungan.
Dahan dahan akong bumangon sa pagkakalagpak sa sahig saka sinuri ang mga tao sa paligid.
"Sinong tumisod sa akin?" Malumanay kong tanong.
Mula sa dagat ng mga tao ay may isang humakbang palapit para harapin ako.
Tiningnan ko siya.
Puting long sleeves, pulang vest at palda. Senior High School student ang isang ito pero bakit narito sa College Department?
"Ako, bakit?" Tinaasan pa ako nito ng kilay. "May problema ka ba do'n?" Sabay ngisi nito ng nakakaloko.
Bumuntong hininga ako bago tuluyang tingnan ang aking sarili.
Nagusot ng bahagya ang kaninang plantsado kong unipormeng pang-itaas, ang palda ko ay nadumihan dahil sa pagkakaupo ko sa sahig at ang kaninang nangingintab na sapatos ko ay may bakas na ngayon ng gasgas at alikabok.
"Nakaperwisyo ka, 'yon ang problema ko doon."
"But I don't care, honey."
"Stop acting like a child, Miss."
"I'm not acting like a child, you bitch!" Sa isang iglap ay napalitan ng galit ang nakangising itsura nito.
"Yes you are, Miss." Ako naman ang ngumisi rito. "Isa pa ay hindi kasama sa plano ko ang pakikipag-argumento sa isang neneng na tulad mo, kaya sige na palalampasin na kita ngayon." Dalawang beses na tapik sa balikat ang ibinigay ko rito bago ito tuluyang talikuran.
"You son of a bitch!"
Mabilis ko itong nilingon para lang sanggain ang kamay nitong pasugod sa akin. Tinapik ko ang kamay nito para ilayo iyon sa akin.
"Do you know me, bitch? I am Jesica Meynel!" Nanggigigil na pakilala nito.
Nagkibit-balikat lang ako at hindi na siya sinagot pa.
Ano namang maitutulong ko sa pagkatao mo ngayong nagpakilala ka sa akin? Hindi ko rin naman matatandaan kung sino ka dahil wala akong pakialam.
"What the hell is happening here?"
Nagsitahimikan ang lahat dahil sa tinig na iyon. Maging ang dalagitang nagpakilala sa akin ay nagtikom ng bibig.
Sinundan ko ang tingin ng lahat at dumapo iyon sa isang estudyanteng babae na nakaupo sa isang sulok malapit sa counter. Nakapatong ang mga paa nito sa mesang kaharap habang kumakain ng hawak nitong sandwich. Walang pakialam kahit na ang suot nito ay isang maikling palda. At mas kapansin-pansin ito dahil kapareho nito ang unipormeng suot ng babaeng nagpakilalang Jenica Meyel. Isang rin itong Senior High School student.
"Joan! Your here! Please dump this bitch for me!" Sigaw ng babaeng kaharap ko. Ang hitsura nito ay tipong nagsusumbong.
Hindi ako nagsalita. Nanatili lang ang tingin ko sa babaeng tinawag nitong Joan.
"I don't like you Meynel. Would you just die?" She said then smirked.
Hindi ko mapigilang mapangisi sa inasal nito.
"W-what? I thought you're here to help me with this bitch? We're friends after all, Joan."
"I never treated you as my friend. You are too low for that."
"What the fuck?"
"Sa susunod na bumangga ka ng isang tao, siguraduhin mong iwasan ang mga kaibigan ko. Hindi mo gugustuhin kapag ako ang bumangga sa 'yo, Jesica Meynel."
Napailing na lang ako habang nakangisi rito. Hindi pa rin nagbabago ang isang 'to.
She's Joan Royce Alcantara-ang kaibigan ko. Matalik na kaibigan.

Book Comment (47)

  • avatar
    Chriseya Punzalan Agustin

    so good🥹

    10d

      0
  • avatar
    Giovannie Demetillo Bonilla

    111

    25d

      0
  • avatar
    Jeyca ۦۦ

    wowwwwwww 😭😭😭

    26d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters