logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER TWO

BRYAN CLYDE
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo dre? Kanina ka pa tulala diyan ah."
Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang babaeng iyon. Siya na yata ang pinaka weird na babaeng nakilala ko.
She's so weird, yet so very interesting. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa ginawa at pinagsasabi nito. Ginawa lang naman niya akong baliw sa paningin niya at pinamukha pa sa akin na nag-aadik ako!
"Hoy Bryan!"
"Ano ba Franz!? Napakaingay ng bibig mo!"
"Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita. Nababaliw ka na ba?"
"Isa. Bibigwasan kita!"
"Ang KJ mo ngayon, Bryan. Nakailang katol ka ba ngayon?"
"Dalawa, Franz. Bubugbugin na kita!"
Siya si Franz Lowell Scottler. Ang pinaka ayaw ko sa lahat ng lahi ng mga Scottler. Mayabang, babaero, manloloko, mangungutya, balahura, walang magawa sa walang kwenta niyang buhay, isang gago, gunggong at siraulong tao.
Napakataas ng tingin niya sa sarili niya. Hiyang-hiya na pati ang Great Wall ng China. Ganoon kataas ang lebel ng kaungasan niya.
Ang alam ko ay isinusuka ko ang pagkatao ng siraulong si Franz. Masyadong feeling close kaya naging kaibigan ko, pero hindi ko na matandaan kung bakit talaga ako pumayag na maging kaibigan ang isa't kalahating walangyang Franz na 'yan.
"Hoy, ano ba kayong dalawa? Sigawan kayo nang sigawan diyan, e magkatapat lang naman kayo."
"Bryle! Inaaway ako ni Bryan, ipagtanggol mo ako!" Nagtago si Franz sa likod ng best friend niyang si Bryle.
"Bakit ba parang ang init ng ulo mo ngayon dre?" Ang ever mahinahon na si Bryle. Nakatingin siya sa akin at nakangiting nagtatanong.
Napabuntong-hininga na lang ako. Nakakahawa talaga ang pagiging mahinahon ng isang 'to.
"I just met a girl—no, I just saw this girl."
"Sinong babae 'yan?!" Agad na nanlaki ang mga mata ni Franz nang mabanggit ko ang salitang babae. Napailing na lang ako.
Hindi ko malilimutan kung paano ko siya napansin kanina. Maraming nagtatakbuhan sa hallway para salubungin kami at kitang-kita ko kung paanong bangga-banggain siya ng mga 'yon. Sa nipis ng katawan niya ay halos tumilapon siya dahil sa nangyari.
Nakita ko pang naglakad siya palayo sa mga taong nagkakagulo habang masama ang tingin niya kay Franz habang may kahalikan itong babae.
Sa landi ba naman ni Franz ay hindi na sa amin bago ang ganoong ugali niya. Ang makipaghalikan sa kung sino mang babae kahit na nasa public place pa sila.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganoon na lang kasama ang tingin niya kay Franz. May nagawa kayang atraso sa kaniya ang kaibigan ko o nasaktan siya sa tanawing may kahalikang iba si Franz? Dati kaya silang may relasyon ni Franz at nung nagsawa na ito sa kaniya ay pinagpalit na siya sa iba? Na hindi naman bago sa ugali ng kaibigan ko.
Pinagmasdan ko lang siya noong una pero may kung anong parte sa akin na nagsasabing sundan siya. At iyon nga ang ginawa ko. Tinawag ko siya ng ilang beses pero hindi siya lumingon. Nagpatuloy siya sa paglalakad na para bang hindi niya ako naririnig.
Nakuha ko ang atensyon niya pero kung anu-ano na ang pinagsasabi niya, at pagkatapos pa nun ay basta na lang akong tinalikuran nito.
Hindi na ako nakatiis kaya basta ko na lang siyang hinigit sa braso upang mapaharap siya sa akin.
Natulala ako. Kanina habang pinagmamasdan ko siya sa malayuan ay nagandahan na ako sa kaniya pero hindi ko naman inasahan na mas maganda pala siya sa malapitan. Inosente at maamo ang kaniyang mukha na para bang isang anghel pero ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ang kaniyang mga mata. Para itong naglalagablab sa init dahil sa sama ng tingin sa akin.
Ngayon lang ako nakakita ng dalawang magkasalungat na bagay sa iisang tao lang. I can see a demon within her angelic face.
Wala sa sariling napaatras ako at basta na lang natulala sa kaniya.
Mukhang bababa na ang tingin ko sa sarili ko. Magkakatotoo na yata ang pagiging baliw ko. Nakakabaliw ang babaeng 'yon!
"Nasaan dre?" Palingon-lingong tanong ni Franz. Sira talaga.
"Wala. Tanga nento. Nakita ko nga 'di ba? Past tense 'yon." Kinutusan ko siya.
"Bryle bespren! Kinutusan ako ng kaibigan mo! Ipagtanggol mo 'ko!" Parang baliw na nagtago na naman si Franz sa likuran ni Bryle.
Tatawa-tawa namang hinarap ako ni Bryle.
"Huwag masyadong mainit ang ulo mo dre. Maaga kang tatanda niyan, sige ka." Aniya tsaka muling tumawa.
Siya ang best friend ni Franz. Bryle Ken Fuentes. Kung si Franz ay mahilig magpaiba-iba ng babae, maloko at siraulo, iba itong si Bryle. Maliban sa pagiging mahinahon nito ay talagang mabait rin ito, pwede na nga itong gawaran ng pagiging Santo Award. Isa pa ay pang stick to one, faithful at loyalty awardee pa ito, dahil jowa lang naman niya ang kapatid ko. At sa may tatlong taon nilang relasyon ay never pang nagloko ang isang 'to.
Kaya napapaisip talaga ako kung ano ang masamang nakain ni Bryle at ginawang best friend ang ungas na si Franz.
"Ilayo mo sa 'kin 'yang ungas na 'yan dre. Mabubugbog ko na 'yan." Sabi ko kay Bryle.
"Huwag naman dre. Baka masira ang mukha ko. Ito ang puhunan ko." Ani Franz.
"You're talking about this certain girl who called you crazy and addict." Singit naman ni Hanz.
He's talking like his so sure about his words. And he's not questioning me. He stated it.
I can't believe this man. Masyado siyang matalino kumpara sa pinsan niyang si Franz.
Yes. You red it right.
Sad to say but he really is Franz's cousin.
Hanz Ervin Fillren. The smartest and most evil of all Fillrens. Tahimik siyang tao at walang pakialam sa paligid niya. Pero when the time comes na nagsalita ang isang 'yan, he always stating facts. Mahirap kalabanin 'yan sa salita na kahit gumamit ka pa ng bible verse o pudpodin mo man ang utak mo kaiisip ng isasagot diyan, hindi ka pa rin mananalo.
Swak na swak sa kaniya yung kasabihang 'mabuting kaibigan pero masamang kaaway'. Siya yung tipo ng matigas na tinapay na kahit isawsaw mo sa pinakamainit na kape ay hindi lalambot. Nakakakilabot ang isang Hanz.
Kaya hindi ko lubos maisip (at alam kong kayo rin) na nanggaling si Hanz at Franz sa iisang angkan. Na kung tutuusin ay napakalabo at imposible kung titingnan silang dalawa.
"Naknang, sino 'yan dre? Chicks na chicks ba? Malaki ba pwet?"
Nag poker faced ako tsaka sinipa sa binti ang walang hiyang si Franz.
"Kahit kailan ay ang bastos mo Franz. Mas mabuti pang 'wag ka na lang magsalita kung puro kabastusan lang ang lalabas diyan sa madumi mong bibig."
"Maka-dumi naman dre. Medyo masakit 'yon ha."
"Hahaha! Sino ba kasi 'yon dre? Tinawag ka 'kamong baliw at adik, e sino namang matapang na babae ang sasabihan ng ganiyan ang anak ng may-ari ng eskwelahang pinapasukan nito?" Ani Bryle.
"It looks like she don't even know that." Sagot ko.
"Baka bagong estudyante?" Ani Franz.
"Malamang ganun na nga yata dre." Napapaisip na sagot ni Bryle.
"Siguro nga. Pero isa lang ang sigurado ako, iyon ay gusto ko ulit makita ang babaeng 'yon. She's weird though but I really want to know her more."
"Ang landi mo dre." Parang naaasiwang sabi pa ni Franz.
"Wow! Coming from someone who kissed and fucked different bitches in public places."
"It's kind of a.. you know.. thrill."
"Whatever fucker."
"Pero teka dre, hahanapin mo 'kamo yung babae? Ganoon ba kainteresante ang babaeng 'yon para pag-aksayahan mo ng panahon?" Ani Franz.
"Dipende na lang kung na-love at first sight ka doon sa babae." Dugtong ni Bryle.
"Ano bang sinasabi niyo diyan? Kayo yata 'tong nasisiraan ng ulo e. Ako si Bryan Clyde Hopeford! Hindi ako basta nagkakagusto sa isang babaeng nakita at nakausap ko lang sa daan. Hindi ganoon kababa ang standard ko pagdating sa babae! Ano siya gold?" Malakas na sigaw ang isinagot ko sa kanila.
"Ba't nagagalit ka? Nagtatanong lang naman kami ah!" Biglang sigaw rin ni Franz. Kukutusan ko na sana siya nang nagsalita naman si Hanz. Doon ako natigil.
"But your face contradicting all your words."
I felt a rush of guilt. And I don't know why.
"S-sinabi ko na. I found her interesting, and it doesn't mean na gusto ko siya. Walang gan'on. Wala!"
"As you say Bryan." Ani Hanz na nagkibit-balikat pa.
Gusto ko pa sanang magpaliwanag sa kaniya dahil alam kong hindi siya naniniwala sa mga unang sinabi ko, pero nanahimik na lang ako. Kapag nagsalita pa ako, mas madami pa siyang sasabihin kaysa sa akin. Mas maraming laman ang utak nang isang 'yan. Baka mauwi lang kami sa pagle-lecture niya ng mga bagay na nakukuha niya sa mga libro niya. Tsk!
Ang babaeng 'yon. Hindi niya talaga ako kilala. Base sa mga ikinilos at pinagsasabi niya sa harapan ko, wala siyang ideya kung sino ako sa eskwelahang pinapasukan niya. Hindi niya gagawin sa 'kin ang mga ginawa niya kung alam niyang ako si Bryan Clyde Hopeford.
Hindi ko sinasabi na dahil anak ako ng may-ari ng Hopeford University ay kilala ako dahil kinatatakutan ako—hindi. Isa lang rin akong normal na estudyante kapag nasa loob ng paaralan. Pero kilala ako sa buong unibersidad, at hindi naman sa pagmamayabang pero ipagmamayabang ko na rin. Mas kilala ako sa pagiging gwapo, habulin ng mga babae na kahit 'yong mga kabaro ko ay bumigay na at naging bahagi na ng pederasyon. Araw-araw akong nakatatanggap ng mga regalo at love letters sa locker ko, madalas pa ay sa ibabaw na ng kotse ko nilalagay dahil hindi na magkasya sa locker ko, ang iba naman ay sinasadya pang dalhin sa mismong address ng bahay namin.
At sa gwapo kong 'to ay hindi man lang tinablan ang babaeng iyon. Masyado siyang maangas kumpara sa ibang mga babae, oo may pagka-weird siya pero ang bawat pagsuyod niya ng tingin sa akin, nakikita kong may iba sa mga mata niya. Masyado siyang masama kung makatingin kahit na malumanay lang naman siyang magsalita.
Basta hindi ako titigil hangga't hindi ko ulit siya nakikita. Hindi rin ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang pangalan niya.
Triggered ako dahil siya lang ang nakagawa sa akin nito. Siya lang. Triggered ako!

Book Comment (47)

  • avatar
    Chriseya Punzalan Agustin

    so good🥹

    10d

      0
  • avatar
    Giovannie Demetillo Bonilla

    111

    25d

      0
  • avatar
    Jeyca ۦۦ

    wowwwwwww 😭😭😭

    27d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters