logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

WHEN HER LIFE GONE WRONG

WHEN HER LIFE GONE WRONG

Megami


CHAPTER ONE

ELLA MARIE
Kunot ang noo akong pumasok sa napakalaking gate ng eskwelahang may nakaukit na malaking Hopeford Academy sa isang karatula na nasa itaas ng tarangkahan nito. Ito ang pinakamalaking pagbabago na gagawin ko sa buong buhay ko.
Ang pagbabalik sa aking pag-aaral ay isang malaking ekis sa akin. Kung sarili ko ang aking iisipin ay hindi ko pipiliing tumuntong ulit sa paaralan at makipagsabayan sa mga estudyanteng walang ibang alam kundi ang magpatasan. Pero dahil isinaalang-alang ko ang aking pamilya ay ito ang nabuo kong desisyon.
Napangisi na lang ako sa naisip ko.
How could I consider myself still having a family despite of everything has changed?
Mabagal akong naglalakad. Matagal akong namuhay ng walang gana sa lahat ng bagay at hindi ako sanay sa pagbabagong ginagawa ko ngayong bagong buhay, at ang pagbabalik sa pag-aaral ang naisip kong maging aking simula.
Dumiretso ako sa lugar kung saan naroon ang registrar.
"Good afternoon, how may I help you?" Isang ginang ang nakita ko roon.
"Can I have my schedule?"
Sandali muna ako nitong tiningnan bago tinanong ang aking pangalan na agad ko rin namang sinagot. May kinuha itong mga papel tsaka muling nag-angat ng paningin sa akin.
"What course are you in, Miss?"
"BSED major in Social Studies."
"Fourth year student?" Tanong nito na sinagot ko lang ng tango.
Sandaling naging abala ang ginang sa paghahanap bago ulit ako nito tinunghayan. "Here's your schedule. You may go now to your assigned room." Nginitian pa ako nito pagkatapos.
"Thank you." Mahinang bigkas ko.
Nagtanong ako sa ilang mga nakasalubong ko sa daan kung saan ko matatagpuan ang room ko. Hindi rin naman nagtagal ay nakatayo na ako sa mismong pinto ng kwartong hinahanap ko. Sarado iyon kung kaya't kinailangan ko pang kumatok.
"Yes?" Bungad sa akin ng isang magandang guro. Pinakita ko lang sa kaniya ang schedule ko at matapos noon ay ngumiti na siya sa akin.
"What is your name, Miss?" Kapanabay na tanong nito.
"I'm Ella Marie Ruiz."
"Please come in, Miss Ruiz. And you can now have your seat."
Humarap ako sa buong klase at kinalat ang paningin sa kabuoan ng classroom. Maraming hindi nakatingin sa akin pero mas marami ang mga masasamang tingin na natatanggap ko mula sa mga babaeng kung makatingin ay aakalaing may malaking atraso ako sa bawat isa sa kanila. Mukhang dito na magsisimula ang malas ko.
Inikot kong muli ang paningin ko at sa ikalawa sa dulong mga silya ang marami pang bakanteng mauupuan. Naglakad ako palapit ro'n at doon nagpasyang umupo.
Sa hindi ko malamang dahilan ay nagsimulang magbulong-bulungan ang mga tao sa paligid ko. Ang mga salitang lumalabas sa kanilang bibig ay hindi nagugustuhan ng aking pandinig. Masiyadong masakit sa tainga ang pinaghalu-halong tinis, laki at baba ng kanilang mga tinig.
Hindi ko na pinansin ang mga taong hindi alam ang salitang bulong. Pipiliin ko na lang na magkaroon pa sila ng mas mahabang buhay para matuto at mas marami pang malaman sa mundo.
Lumipas ang oras at natapos ang lahat ng subject namin para sa araw na 'to. Naging maayos ang unang araw ko dahil walang umupo sa mga kahilera kong upuan. Walang kaso kung walang dumikit sa akin ni isa sa kanila dahil mas gugustuhin ko pang lumayo sila sa 'kin kaysa makisama ako sa mga taong katulad nila. They're out of my league after all.
Nauna na akong lumabas ng classroom at mag-isang naglakad sa hallway na puno ng mga estudyante. Isa ito sa ayaw ko sa eskwelahan—ang makipagsiksikan na parang sardinas makalabas lang sa lata.
Tahimik at payapa akong naglalakad, walang pakialam sa lahat. Hindi ko sana papansinin ang grupo ng kababaihan na tumatakbo palapit sa direksyon ko habang walang humpay sa paghiyaw, hindi ko marinig ng maayos kung ano ang sinisigaw nila dahil sabay-sabay sila at talaga namang nagpapalakasan pa. Pero nang may nagsimulang bumunggo sa akin na sinundan naman ng ibang nakikisama rin sa pagtakbo ay agad na nag-init ang ulo ko.
Mga peste!
"Nandiyan na ang Gorgeous Four!"
"Owemgi! Ang gwapo talaga ng ating Bryan Clyde!"
"Susko naman. Tingnan niyo naman ang fafa Franz Lowell. Super hot!"
"Hanz Ervin of my life. Ghaaad! Ang yummy niya!"
"Bryle Ken is the most handsome to the four of them. His abs is ugh!"
Who and what the fuck is Gorgeous Four?!
Nakarinig ako ng tawa sa dagat ng sigawan. Napako ang mga mata ko sa lalaking may blonde na buhok. "Easy babes. Mahina ang kalaban." Then he winked.
Gorgeous Four is it. Sigurado akong isa ang blonde na ito sa apat na hinayupak na tinatawag na Gorgeous Four na siyang dahilan kung bakit biglang nasilihan ang pwet ng mahaharot na mga estudyanteng ito.
Kaya kong hindi na lang sila pansinin. Isawalang bahala ang panunulak, pananapak at pang-iipit sa akin ng mga walangya. Pero ang litid ko ay sumisigaw ng hustisya para sa bagong bili kong bag, planstadong uniporme at mamahalin kong sapatos.
Sa isip ay binubuo ko na ang planong paghila sa buhok ng lahat ng babaeng nagkakagulo at kalbuhin sila isa-isa, at pagkatapos noon ay isunod naman ang apat na lalaking sinasamba ng lahat.
Ngunit bigla na lang naglaho sa utak ko ang planong binuo ko. Umikot ang sikmura ko, para akong masusuka sa kaganapang nakikita ko. Nanginig ang buong kalamnan ko at nagtaasan ang mga balahibo sa katawan ko.
Ang lalaking may blonde na buhok ay basta na lang humigit ng babae sa harap niya at walang pakundangan itong hinalikan. At ang hitad, lumaban, nakipag-espadahan rin dito.
Hindi sa pandidiri pero nakakadiri talaga. Nasa modernong panahon na tayo at hindi ako nagmamalinis pero hindi tama ang ganoong uri ng pag-akto ng isang estudyante na nasa loob ng isang prestihiyosong paaralan.
Ayokong manghusga pero alam kong sa ganiyan nagsisimula ang pakikiapid. Mga lalaking gustong sumabit at mga babaeng mahilig mangabit.
Umalis na ako.
Hindi ko talaga matatagalan ang ginagawa nila sa publiko.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ko sa kahabaan ng koridor ay may isang taong parang sira na nagsisisigaw sa likuran ko.
Saglit ko itong nilingon.
"Miss na naglalakad!
Ikaw na naka-uniform!
Yung naka-itim na sapatos!
Babaeng may pulang bag!"
Kulang na lang tukuyin niya ang babaeng may paa, kamay, katawan, mata, ilong at lahat ng parte ng katawan na meron ang isang tao.
Nakasinghot yata ang isang 'yon. Sira na ang ulo.
Napailing na lamang ako at saka nagtuloy sa paglalakad.
"Yung kulot ang mahabang buhok!
Miss na sexy, maputi at maganda!"
Sa lakas ng boses nito ay hindi ko napigilang mapalingon ulit dito.
"Ikaw!" Muling sigaw nito.
Sa pagtataka ko ay lumingon ako sa paligid. Ako at siya lang ang tao sa kahabaan ng koridor. Ako ba ang tinatawag ng hunghang na ito?
Tinuro ko ang sarili. "Ako?" Tanong ko rito.
Malaking ngiti ang ibinigay nito sa akin bago ko narinig ang sagot nito. "Oo ikaw nga!"
"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo ako pinapansin." Sabi pa nito.
Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko.
"Miss na naglalakad! Ikaw na naka-uniform! Yung naka-itim na sapatos! Babaeng may pulang bag! Yung kulot ang mahabang buhok! Miss na sexy, maputi at maganda!"
Umulit sa isip ko ang mga salitang narinig ko kanina na dumagdag sa pagkakunot ng noo ko.
"Hindi pula ang kulay ng bag ko. Maroon ang tawag dito." Mababa ang tonong sagot ko rito. "At hindi kulot ang buhok ko. Hindi lang ako nakapagsuklay kaya ganito ang ayos nito."
Saglit itong napamaang.
"Hence I don't think I'll suit your description."
Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.
Nagugutom na ako. Saan ba ang cafeteria dito?
Natigil ako paglalakad dahil sa isang kamay na biglang humawak sa braso ko.
Nilingon ko ang may-ari nito.
"K-kahit na. Pareho lang naman ang kulay, magkaiba lang ang pangalan. At saka mukha ka talagang kulot, hindi ko naman alam na kapag hindi nakapagsuklay ang isang babae ay magiging ganiyan ang hitsura ng buhok niya!" Sabi nito. Ito pa rin iyong lalaking maingay.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ko. Nagtaas akong muli ng tingin at masama siyang tiningnan.
"Sino ka ba?"
"S-sino ako?!" Pahayag nito na para pang hindi makapaniwala.
"Sa susunod na magbisyo ka, huwag ka nang mangdamay ng ibang tao. Hindi kita kilala kaya 'wag mong itanong sa akin kung sino ka." Ako na mismo ang nagtanggal ng pagkakahawak nito sa akin. "Huwag kang pakalat-kalat kung saan-saan, baka madampot ka na lang bigla dahil bawal ang adik dito."
Natulala ito. Muli ay inilingan ko ito tsaka tumalikod at nagtuloy sa paglalakad.
Gutom na gutom na ako. Nasaan na ba ang lintek na cafeteria!

Book Comment (47)

  • avatar
    Chriseya Punzalan Agustin

    so good🥹

    10d

      0
  • avatar
    Giovannie Demetillo Bonilla

    111

    25d

      0
  • avatar
    Jeyca ۦۦ

    wowwwwwww 😭😭😭

    27d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters