logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3- “The heroine and the leading man”

Sashi’s Pov
Nandito na ako ngayon sa jeep at papunta na sa St. Luis Hospital, kung saan akong magduduty, its my first day sa kasuklam-suklam na hospital nato sana ay maganda yung mangyari sa first day of duty ko sa hospital nato ayaw kong mapaaga yung paghiganti kaya kalma lang muna ako, habang tumitingin ako sa labas , napapansin ko yung grupo nang mga babae sa harap ko na kanina pa ako pinagchichismisan ano bang problema nito sa akin.
“Oo nga kamukha nya yung bagong character sa My Strange Hero”
“Pero nakakainis yung babae doon no, feel ko sya yung reason kung bakit maghihiwalay si Zauren at si Rhea”- sabi nung babae,
My instinct was right it was all about on that story, why can't I find his name on the internet or at least his information, how could he be so careful about his personality, does he have anything to do with it?
“Naiinis ako doon sa part na hinatid sya ni Zauren sa bahay nya nakakainis “- sabi naman nung isa, napabaling yung atensyon ko sa kanila, magtatanong sana ako sa kanila kaso nandito na pala ako sa harap ng St. Luis Hospital kaya bumaba na ako
Pagpasok ko sa hospital nakita ko kaagad yung mga kaklase ko at si Ynnah
“Alam mo Sha, nakakainis yung chapter 7 na pinublish ni Mr.Mysteryoso”- maktol nya sa akin
“Ha? Baket anong nagyari?”- ako
“Ikukwento ko nalang sayo mamaya, nandyan na yung CI natin “- sya
Tumayo na kaming lahat dahil isa isa nya na kaming tinawag para sa attendance
“Ngayon ang laman nang mga papel nito ay room no. Nang mga pasyente na na assign sa inyo upang alagaan at bantayan nyo, kasama na din dyaan ang pangalan nang kanilang physician, in case na kung may mangyari sa patiente tawagan nyo lang ang assigned physician”- sabi nung Ci , Pagkatapos ay binigay sa amin isat isa yung papel , muntik ko nang mabitawan nanag mabasa ko ang name ng physician at yung secretary nya
Dr. Zauren Villafuerte
Sec. Rhea S. David
No! They can’t be real! Nanginginig ang kamay ko habang nasa kamay ko ang papel na ito, why is this happening to me?
“Aerah, okay ka lang tara puntahan na natin yung mga room nang patients natin at magpakilala na tayo” - Ynnah
“ Ah sige”- ako
“Anong no. Pala nang room mo?”- tanong nya sabay basa sa papel pero iniwas ko naman ito sa kanya at ako na mismo ang nagsabi
“Room 244, sayo ?”- tanong ko
“Magkatabi lang pala tayo ei, room 245 ako yes! Di tayo pinaghiwalay hahahah”- wika nya , nang makarating na kami sa room nang pasyente namin, nauna na syang pumasok dahil sinamahan sya nang secretary nung phhysician nya , ako naman nanginginig yung kamay kong hawakan ang doorknob
“Is that you Ms. Cortez?”- wika nang babae mula sa likuran ko, ito na ba yung secretary nya? Will I ever see the fiction character I created myself? Will I ever see myself to her?
I slowly turned to her, I step backward in fear and panic , she really is, Rhea the female lead in my story
“Ah.. hhahaha huwag kang matakot sa akin, hindi naman kita sasaktan , ako pala si Rhea S. David secretary ni Dr. Zauren Villafuerte , maya maya ay darating na rin yun si Doc , atsaka diba ikaw yung dinala kahapon ni Dok dito dahil muntik ka nyang masagasaan ?”
My eyes narrowed as I recalled what happened yesterday, so he's really the guy in that story, and this girl is the girlfriend of that Doctor , but why, why did they become real?
“Okay ka lang ba Ms. Cortez?”- tanong nya ulit
“Ah oo okay lang ako”- ako
"If that so, then let's go inside and I’ll introduce you to your patient"
Pumasok na kami at nakita ko ang dalawang pasyente na nakaratay sa kama
“Goodmorning po, ipakilala ko lang po sa inyo yung magiging nurse nyo sila po ay studyante palang at limitado palang po yung nalalaman nila, ang tanging magagawa nila po sa inyo ay bantayan kayo sila po yung magbibigay nang gamot, at kung may mga katanungan po sila ay sana naman po sagutin nyo sila nang maayos , sige magpakilala ka na”- sabi sakin ni Rhea
“Ahh ako po si Sashi Marie Montereal, student nurse from University of Lorenzo “- pagpakilala ko , di naman sila kumibo at mas lalo pa akong kinabahan sa magiging pasyente ko
“So, I hope po na makipag cooperate po kayo sa kanya”- sabi ni Rhea
After that we went out of the room first, as I was choking on the silence inside
“Siguro ay pagod pa yung mga pasyente ni doc, kagagaling lang kasi nung dalawa sa operasyon kaya kailangan muna nila talagang magpahinga “- Rhea
“Ahh sige po”- ako
“Ahh.. nagtext si Doc nandun na daw sya sa office nya, gusto mo bang makita si Doc?”- Rhea
“Ah wag na, dito nalang ako babantayan ko yung mga pasyente ko”- sabi ko , and she nodded and left me, I went back to the room and finally rested, it was stressful on my first day of duty
Zauren’s Pov
I didn't sleep much last night after that incident, so I contacted Dexter to trace my laptop. I can't lose it, I'm still working for my story to finish it.
“Oo pre itetrace ko mamaya , may ginagawa pa kasi ako, seryoso pre may nabuhay pa na ibang character? Sino naman yun?”- tanong ni Dexter
“Hindi ko nga alam kung sino yun, pero basta feeling ko magiging kakampi natin sya”-ako
“ Sure ka Pre, paano kung hindi sya makikipagsundo sayo at may sarili syang plano”- Dexter
“Eh kung hindi man simple edi buburahin ko sya nang maaga , at isa pa, may ideya ka ba kung sino man ang naghahack sa story ko ?”- tanong ko sa kanya
“Wala ei hindi ko rin ma hack yung story mo ei, masyadong wierd pre ha?”- dexter
“Oo nga ei, sige nandito na ako sa hospital magduduty na ako, balitaan mo ako ulit ha”- ako
“Sige pre, don’t worry “- Dexter
I parked my car and walked directly to my office because several patients were waiting for me to check them in. Was she furious at me since my secretary didn't even welcome me when I walked in? My call went unanswered last night. I put my love life aside initially, and I think first about my patient. As usual, I was handed a large number of prescriptions; these are my patients, whom I requested to return once they completed the diagnostic test I advised for them. But I only had one patient, and I believe his problem worsened when I initially brought him here.
“Misis , ano po nangyare sa asawa nyo po?”- tanong ko
“Eh doc, kasi kagabi nahihirapan na naman sa paghinga ang asawa ko, sinamahan pa nito ng lagnat tsaka, umuubo din sya nang dugo, pagkatapos ay pumunta kami sa Gp nya tapos eto yung sinabi”- pinakita sa akin nang matanda ang isinulat nung gp nang pasyente ko at sinabi dito na may Bronchiectasis si Lolo.
Bronchiectasis is a long-term disorder in which the airways of the lungs become abnormally expanded, resulting in the accumulation of excessive mucus, which is prone to infection of the lungs, and if not treated, it can grow more severe and even fatal. Kaya kinuha ko yung stethoscope ko at pinakinggan ko ulit yung lungs ni Lolo, hindi nga ako nagkamali nung una kong pakiramdaman ang kondisyon ni Lolo alam kong may mali , base on what I see in this my special ability I saw that his bronchus are abnormally widened , kaya nag coconsume ito nang maraming plema sa lungs nya and the reason why he suffering shortness of breathing , habang pinakikinggan ko yung paghinga I heard some distinctive crackling noise as he breathe in and out. I was startled when he suddenly vomits a large amount of blood.
“Jusq! Anong nangyare sa asawa ko!”- rinig ko ang pag iyak ni lola , inutusan ko naman si Rhea na ilayo nya muna si Lola, agad ko nilapitan si Lolo at inilapat ko ang aking kamay at pinakiramdaman ko kung anong nangyari kay Lolo bakit sumuka sya nang maraming dugo, then I saw that one of the section oh his blood vessels supplying in the lungs suddenly splits open
Bigla naman dumating ang mga nurses dala ang strechers at isinakay na sya doon at dali daling idinala sa operating room
“Doc, what happen?”-tanong nang isang doctor
“Hes experiencing a massive haemoptysis, kaya sya sumuka nang maraming dugo kasi yung isang section sa kanyang blood vessels na konektado sa kanyang lungs ay nagkasugat , kailangan magperform nang BAE (broncial artery embolisation) para tumigil yung bleeding nya maari iyon magcontinue kapag pinatagal kaya tumawag kayo nang specialist radiology doctor upang maagapan nila ito, sabihin nyo emergecy ito alam nila yun kaya hindi nila pwede yung patagalin”- wika ko
I’m a thoracic surgeon but that patient need to seek a specialist for lungs kaya binigay ko sa kabilang department ang pasyente na yun dapat ang pulmonologist ang titingin sa kanya at kung gagalawin ko naman yung patiente nila malilintikan ako nang Director winarningan nya na ako dahil sa ginawa ko pasyente nung kabilang department at hindi pwedeng mapatalsik ako sa hospital na ito, dahil nangako ako na sasamhan ko syang maghigante sa hospital na ito at ibulgar ang baho nang hospital na to kaya as far as I could I will protect my position here in hospital, malaki pa naman ang tiwala nang director sa akin, and if that happens na papalit ako sa position nya it means mas madali kung magagawa ang plano ko.
Before I returned to my office, I saw the woman I had brought yesterday, she was wearing a nurse's uniform, and a tray containing medicine, ahh kaya pala.. nagdudty sya dito, naalala ko naman yung sinabi nya kahapon kung gaano nya ka ayaw sa hospital na ito, pwede ko syang gamitin upang mapababa ang hospital na ito. When he noticed my presence she immediately turned his back on me and she hurried on his way, I immediately followed him and I noticed that he went into the room of my patient, when she going to close the door but it didn’t happen co’z I reached at her place
Sashi’s Pov
Chineck ko ang chart nang pasyente ko na nadiagnose na may kidney stones, oras na pala para pa inumin sya nang gamot kaya itinaas ko muna yung siderails nya para di mahulog , patay ako nito kapag nahulog ito sa kama nya, pagkatapos ay lumabas na ako upang humingi sa nurses station nang gamot dahil doon daw nakahanda yung gamot nang pasyente ko , nang makarating ako sa nurses station, ay bigla ko nakita yung doctor na na assign sa patients ko napuno nang dugo yung coat nya may nangyari ba? Kasunod nun tulak nang mga nurses ang strechers at sakay doon ang pasyente na binalot nang dugo yung hinigaan nya at patuloy na sumusuka nang dugo , ano kaya ang nangyari doon?
Siguro critical na ang buhay nung lalaki, then nakatingin ako ulit kay Dr. Villafuerte at ganun din sya sakin nakatitig kaya agad ko iniwas yung tingin ko sa kanya, nang maramdaman ko na sumusunod sya sa akin ay binilisan ko ang hakbang nang mga paa ko at nang makarating ako sa room kung saan ako na assign ay agad ko itong sinara
“Miss, ba’t isasara muna yung pinto?”- sya
“Bakit mo kasi ako sinusundan ?”- wika ko, saka ko lang narealize na pasyente nya pala ang nandito, hay nako ang bobo
“As far as I know pasyente ko ang narito?’- sya
I immediately placed the tray on the bedside of the patient and I bowed to her a little and apologized for what I had done earlier.
“I’m sorry I didn’t know na ikaw pala yung doctor nang mga pasyente dito”- ako
“It’s okay hindi mo naman kailangan maging formal sa harap ko, ayaw ko nang formality in short “- wika nya
“So anong ginagawa mo dito?okay lang naman yung pasyente mo?”- ako
“Di ko ba pwedeng icheck yung pasyente ko?”- napamaang ako dahil wala akong masagot sa kanya
“Wala namn akong sinabi na bawal”- ako
“So… I wanna talk to you about sa story na bagong pinublish “- wika nya kaya kinabahan naman ako sa sasabihin nya
“Why is that both of us always appeared in that story pangawalang chapter na iyon at tayo parin ang laman doon”- sya
But ba akong ang tinatanong nitong mokong nato, sa tingin nya ba alam ko rin ang sagot sa mga tanong nya.
“To be honest, I don’t have a idea about of what happening in that story, I have no clue kung bakit hinalintulad sa atin yung character nang story na yan, so don’t ask me ?”- ako
“Di kayaa…” he said, and he slowly came to me, and I retreated until I could see the table behind me, and he put his two hands on each side of my waist, what the hell was doing,alam ba nya na nasasakal ako tuwing malapit sya sa akin, tapos inilapit pa nya ang mukha nya sa akin
“Ano bang gginagawa mo?pwede bang lumayo ka ?”- tulak ko sa kanya, pero kahit anong tulak ko sa kanya nang malakas hindi man lang sya natinag at tinititigan nya lamang ako sa mata
“Hindi kaya isa sa mga kaibigan mo ang sumulat nang kwento at naging crush mo ako kaya sinabihan mo yung kaibigan mo na isali tayo sa story nya”- sya
“Ha!… laki din nang tiwala mo sa sarili mo no, assuming… umalis ka na nga”-ako
I pushed him but he didn't really want to leave, we both in shocked when the door swung opened so I pushed her so hard that he was able to move away from me
“Rhea? Bakit ka nandito?”- wika nya
I was extremely shock nang makita ko ang mga gawa kong fiction character, hindi ko lubos maisip na makakasalamuha ko ang tulad nila, coincidence parin ba ito?
“Ahh… may gustong kumausap sayo, and… I think magugulat ka kapag nakausap mo sya ?”- Rhea
“Ahh sige … pupunta na ako”- sabi nya tapos bumaling sya sa akin ulit “tawagan mo lang ako ulit kapag may nangyari ulit sa pasyente”- sabi nya at naging clueless naman ako sa sinabi nya
Nang lumabas na sila ay doon ko lang nagets yung pagsisinungaling doon sa secretary/ girlfriend nya, ang kapal talaga nang mukha para angkinin nya si Rhea, kung sa story ko ay kontrabida sya ano naman kaya ang role nya sa bagong story ni na yon?, I’m sure na mga fictional character na talaga yun sila, hindi na ako naniniwala na coincidence lang ang lahat nang to. Suddenly my cellphone rang, Ynnah called me because its our lunch time already, I finished my patient's medication and I waited for the nurse to replace me , When the nurse arrived to replace me, I left immediately, as I walked down the hallway looking for Ynnah who had just come out first , I bumped into a man, and immediately I bent down to apologize.
“Its okay next time maging careful ka sa kilos mo “- wika nya
I looked at him and I dropped my phone in my hand and looked at his face really well., No it can’t be. The guy who was supposed to be Rhea's partner in my story became real too and he is standing in front of me. Hindi na ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nung una si Zauren ngayon si Rhea sunod namn ay si Paolo bakit unti unti silang nabubuhay , may magic ba yung story ko?
“Uhm, miss are you okay, kanina pa nag riring yung cellphone mo”
I want answers to what's going on but I can't because I must be look so stupid, at ito pa ang dahilan kung bakit papalpak ako sa paghihiganti na pinlanuhan ko
“Miss?”- tawag nya sa akin, bumalik ako sa katinuan ko nang pitikin nya ang noo ko
“Aray”- ako nakita ko naman syang ngumisi
“Natulala ka kasi, yung cellphone mo kanina pa nag riring”- sabi nya
I immediately picked it up, gosh it was embarrassing, I’m glad there wasn't a lot of people here
“Sorry”- yumuko ako ullit taz paalis na sana ako nang ilahad nya ang kanyang kamay sa harap ko
“I am Paolo Hernandez, surgeon, sa kabilang department , nice meeting you miss”- sabi nya
“Ah, Sashi Marie Montereal, student Nurse “ pagpakilala ko
“Sige aalis na ako sagutin mo na yang tawag mo”- sabi nya at bahagya pa syang nakangiti
I let out a big sigh nang umalis na nga sya nang tuluyan at siagot ko nayung tawag si Ynnah pala
“Oh”- bungad ko sa kanya
“Oh ka dyan, nasan ka na ba? Kanina pa ako naghihintay dito ground malapit sa elevator”- wika nya halatang nababagot na ito
“Pababa na “- sabi ko at sumakay na sa elevator , nang makababa na sa ground ay nakita ko kaagad si Ynnah
“ Ba’t ang tagal mo?”- Ynnah
“Matagal dumating yung nurse na papalit sa akin”- pagsisinungaling ko
“Okay, so saan tayo kakain nang lunch natin ?”- Ynnah
“ Sa malapit na karenderya nalang siguro”- he agreed to what I said and when we got out of the hospital we saw a small restaurant, so we thought that we could eat there, there is also no small eatery here near our hospital so Ynnah and I were no choice but we had to eat at a small restaurant there
“Wait lang Sha ha, itatapon ko muna to”- turo nya sa kanina pang sinisipsip na jelly
Tiningnan ko lang sya magtapon nang basura hanggang sa tawagin nya ako
“Sha! Halika may ipapakita ako sayo?”- Ynnah
“Ano yun?”- ako
“Tingnan mo , laptop to diba tsaka parang bago pa ei ?”- Ynnah
“Oo nga, ang yaman siguro nang nagtapon nyan”- ako
“Iuuwi ba ntin to?”- Ynnah
“Huwag, baka sa mga sindikato yan at yari tayo pag binuksan natin yan “- ako
“ Oo nga no? Sige iwan na natin yan”- bibitawan na sana ni Ynnah yung laptop nang may huminto na kotse sa harapan namin at may lumabas na lalaki
Napaatras naman kami ni Ynnah nang palapit ito sa amin
“Ah Miss sa inyo ba yang laptop na yan?”- tanong nya sa amin
“Ahh hindi ei, nakita lang din namin dyan sa basurahan na yan”- Ynnah
“Ahh ,,, pwede ko bang matingnan yung laptop may pinahanap kasi sa akin na laptop yung amo ko ei, natapon daw nya?”- sabi nya , so i looked at the guy in his car and i felt like i knew it, so i meant to raise my voice so he could hear what I was about to say
“Sa susunod sabihan mo yang amo mo na wag syang magtapon nang mamahaling bagay kesa sa itapon nya ibigay nya nalang ito sa nangangailangan, tss”- ako
“Ahh sige po sabihan ko, at teka lang parang familiar ka po sa akin?”- sya
“Ha?”-pagpatay malisya ko
“Ahh wala”- sabi nya tapos tiningnan nya yung kasama ko saka ngumiti “ ahh ako pala si Dexter, and you are?”-tapos inabot nya yung kamay nya kay Ynnah
“Ahh Ynnah “- sagot nitong kaibigan ko “and this is Sashi , friend ko”- pagpakilala nya rin sa akin
“Nice meeting you girls”- wika nya, may sasabihin pa sana sya ngunit sinilbatuhan na sya nung kasama nya sa kotse
“Ahh sige I gotta go now, hinihintay na ako ni boss”- sya
“Okay bye”- wika ni Ynnah
“ Asus alam ko na yang ngiti na yan ei, type mo yun?”- tanong ko kay Ynnah
“Ha? Hindi ah nagpakilala lang type agad”- wika nya “kumain na nga tayo”- at naglakad na kami papunta sa resto na tinutukoy namin
As Ynnah and I waited for our order, I suddenly remembered that she has something going to tell me about new update to that story, I was going to ask her about it, but someone suddenly called her on his phone , it was too noisy here inside so she had to answer the call outside. , when I was left alone I opened the story , but my hand was still shaking to open it. Matapos mag loading nito ay dahan-dahan nagsilabas yung drawing ni Black , and gosh !tama nga si Zauren, kami parin yung laman sa story nya, yung nagyari kahapon na may humahabol sa akin tapos ay nung muntik nya akong masagaan at dinala nya ako sa hospital, nakita ko rin si Rhea sa story doon at base doon sa script nilang dalawa naguusap sila nagtatalo. Di kaya pinagseselosan ako ni Rhea, gosh! I couldn't believe it, after that, Zauren was about to kiss Rhea but the nurse suddenly came in and the nurse said that I was awake,then pumunta agad si Harold sa room ko then nakakahiya dahil nagpupumiglas ako tsaka sumisigaw, ganito ba talaga ang ginawa ko kagabi, lahat nang nagyari kagabi yun ang laman nang story.
Paano kaya nangyayari to? Paanong naging totoo yung mga fictional character na ginawa ko sa story, di lang si Harold at Rhea ang nabuhay pati din si Paolo, tsaka biglang bumalik sa isip ko yung lalaking naghahabol sa akin, nakakaloka lang dahil wala syang mukha, kung ang lahat nangyari kagabi ay nasa story ni black di kaya nandun din sya?
Agad ko binalik yung page sa story ni black yung scene na hinahabol ako, nang matingnan ko to ay hindi pinakita ang mukha nang lalaki dito nakatakip ito sa hoodie na suot nya
“Ikaw yung gumawa sa akin, hindi maganda yung naging role ko sa kwento mo at nang matapos ito ay nanahimik ako, pero bakit? Bakit binuhay mo ako ulit, upang magdusa na naman? Rhea bakit ginagawa mo sa akin to “
I covered my mouth in distress when I remembered what the guy said in the taxi, didn't Paolo do all this? Si Paolo at si Mr. Mysteryoso ay iisa? Pero hindi ei bakit si Zauren yung naging main character sa story nya tapos….
“Excuse me miss may kasama ka ba dito?”
“Ahh.. meron--”
For the second time ay nakita ko si Paolo , bakit parang napakaperfect naman nitong mga characters na ginawa ko
“Diba ikaw yung babae kanina sa second floor yung student nurse na bumangga sa akin?”-wika nya
“Ahh haha oo ako nga yun”- ako
“Pwede makishare sa inyo?”- sya “kasi wala na din akong mauupuan ei”-
“ Ah sige okay lang”- sabi ko, agad naman sya binigyan nang waiter na mauupuan nya , sakto lang din ang pagdating ni Ynnah tsaka nang order namin
“Sha, sorry, napahaba yung pag uusap namin ni mama-- ay Doc good afternoon po”- wika ni Ynnah, My eyes widened when I realized that they knew each other
“Do you know each other?”- tanong ko out of the blue
“Ah oo, sya yung tumulong sa akin kanina nung nahirapan akong kunan nang bp yung matanda kanina kasi nagwawala ei, thank you pala kanina Doc”- wika nya
“Ah okay lang yun, may mga ganung klase talagang pasyente , atsaka nagkakilala din kami nitong kaibigan mo kanina lang din nung matapos ko operahan yung matanda kanina, nagkabangga kami”- sya
“Ow talaga, so kamusta na yung inoperahan mo doc?”- Ynnah
Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa , grabe di ako makapaniwala talaga sa mga nangyayari, talaga bang possible na sya at si Black ay iisa ?
After we had eaten together, the three of us went back to the hospital, and as we entered, I was startled when our CI approached us with her eyes fluttered in anger.
“Ms. Montereal!”- pasindak na tawag nya sa pangalan ko
“Ba-bakit po Ma’am?”- kinakabahang sabi ko
“What have you done to your patient?!”
“Ma’am bakit po Ma’am?”
“ At ako pa talaga ang tinanong mo, yung gamot na binigay mo sa pasyente is out of date na, kaya ngayon dinala sya muli ni Dr. Villafuerte sa emergency room upang tingnan kung saan nagkakomplikasyon, sumusuka yung pasyente kaya naalarma kami lahat, at did you know, yung pamilya nang pasyente na yun ay pinaghahanap ka at pasasampahan ka nang kaso! You’re such a big disgrace sa university !”
“Mawalang galang na po Ma’am ha , siguro pakinggan naman natin ang side nitong studyante mo, hindi tama yung ikaw lang yung satsat ng satsat dyan wihtout knowing her side “- sabi ni Paolo
“Hindi na kailangan Dr. Hernandez, malinaw naman na nagkamali talaga sya, doon nalang sya magpaliwanag sa harap ng Director”- wika nung CI namin, When he told me that the Director had called me, my entire body shivered. ‘Sya parin ba ? is he still the Director who killed my Dad?, alam kaya nya na dito nagduduty ang anak nang Doctor na pinatay nila?’
“Uhm, Miss defend your side kung alam mo sa sarili mo na wala kang ginawa, malalampasan mo dn yan”- wika ni Paolo, why he is so good to me
“Oo nga Sha, alam kong hindi mo magagawa yung magkamali, sige na Sha mauna na ako sayo, pupuntahan ko pa yung pasyente ko, tawagan mo lang ako ulit ha”- wika ni Ynnah
“Sige “- tanging sabi ko
I walked the hallway to the Director's office alone, I knew where his office was because I had been there when Mommy and I begged them not to put my Dad in jail but they still insist to do that.
Flashback
Nasa kwarto ako nung marinig ko sina Mama at Papa na nagtatalo, dahil tungkol sa palpak nyang operasyon
“Hon, alam kong hindi ka nagkakamali sa mga naging operasyon mo, sabihin mo sa akin? Isa ka rin ba sa mga biniktima nila, pinagbantaan ka din ba ni Dr. Jang ha? Sabihin mo sa akin !”- Mom
“Hindi.. hindi ako pinagbantaan palpak talaga yung naging operasyon, may pupunta dito na mga pulis at huhulihin nila ako, alagaan mo nang mabuti si Aerah ha, wag mo syang pabayaan “- wika ni Papa
Nagsimula nang magsitulo ang luha ko nang marinig ko yun mismo kay papa, kinaumagahan nga nagising ako sa isang bulabog mula sa sala, lalabas sana ako ngunit pinigilan ako ni Jason tinawag sya ni Mama upang bantayan ako , upang hindi ko marinig at makita ang gulo sa labas tinakpan ni Jason ang mga mata ko at inutusan nyang takpan ko yung tenga ko
“ Sha, isipin mo nalang na wala kang nakita at narinig ha”- sabi nya saakin pero hindi naman ako tanga ei para di ko maintindihan yung nangyayari sa paligid ko alam ko kung anong nangyayari sa Papa ko
Pumasok si Mama sa kwarto at niyakap kaming dalawa ni Jason , kahit hindi man ako magtanong kay Mama alam ko kung nasaan si Papa
Nung isang araw , nakita ko na nagbihis si Mama tinanong ko sya kung saan sya pupunta hindi nya sinabi sa akin, ngunit nagpumilit ako na sumama, kaya walang nagawa si Mama sinama nya ako, nung una buong akala ko na dadalawin namin si Papa pero hindi ,pumunta kami sa hospital kung saan nagtatrabaho si Papa, pumunta kami ni Mama sa opisina ng Director at sakto nun nagmemeeting sila at lahat nang mga kilalang magagaling na doctor sa ibat ibang hospital ay nandoon
“Ma’am hindi po kayo pwede pumasok Ma’am , Ma’am!”- sabi nung nagbabatay sa labas ngunit sadyang matibay si Mama at hindi sya nagpatinag doon sa lalaki nayun at wala syang nagawa, nakapasok si Mama sa loob at ang lahat ay nagulat sa pagpasok namin
“Mrs. Villafuerte anong ginagawa mo dito”- sabi ni Director Jang
“Pakawalan nyo ang asawa ko!”- sigaw ni Mama
“Mrs. Villafuerte nagkasala ang asawa nyo kaya dapat lang sya makulong”- Director Jang
“Alam ko kung anong ginawa nyo sa asawa ko! Alam kung pinagbantaan nyo sya na kapag hindi nya nagawa yung gusto mo papatayin mo kami nang pamilya nya !!!!” sigaw ni Mama
Nakita kong nangingnig sa galit yung director
“Director Jang , totoo ba ang sinasabi nang babae na yan?”- wika nung isang doctor
“Bakit naman kayo maniniwala sa baliw na iyan, alam mo misis lumabas na kayo dito huwag kayo gumawa nang eskandalo dito , nakikiusap ako”- Director Jang
May lumabas na dalawang malalaking guardya at kinuha kami ni Mama, nagpupumiglas parin si Mama
“Nakikiusap din ako Director Jang na pakawalan nyo ang asawa ko, walang kasalan ang asawa ko, wala syang kasalanan”- sabi ni Mama hanggang sa umiiyak sya , umiiyak na din ako nung time na yunn at tinitigan ko na maigi ang mukha nang director nayun inalala ko ang bawat anggulo nang kanyang mukha.
Nang mailabas kami ni Mama sa hospital na iyon , nakaupo lang si Mama sa lupa at hindi gumagalaw
“Ma , tara na umuwi na tayo”- wika ko habang umiiyak
“Sha, ang papa mo wala syang kasalanan”- sabi nya habang umiiyak
“Alam ko Ma, alam ko walang kasalanan si Papa, kaya tumayo ka na dyan umuwi na tayo”- sabi ko
Tumayo naman si Mama pero, nagulat ako nang bigla syang nahimatay sa daan, humingi ako nang tulong sa hospital na iyon pero nagbibingihan silang lahat ,nagbibingihan sila… di nila tinulungan si Mama hinayaan nilang mamatay ang mama ko sa kamay ko….
Mga sumunod na araw matapos ilibing si Mama , nabalitaan ko rin na nagpakamatay yung Papa ko, wala na ako ginawa buong araw kundi umiyak nang umiyak , di ko akalain na sa murang edad ko naranasan ko na ang ganito, sa murang edad ko nasa isip ko na ang maghiganti …..
End of flashback
I know the day will come when I will meet Director Jang as well, but I cannot imagine that this could be early
To be continued…..

Book Comment (3)

  • avatar
    Montano jrJhun

    thanks

    18d

      0
  • avatar
    Ann Mahilum

    good

    18d

      0
  • avatar
    Rosenda Andoy

    ♥️♥️♥️

    12/02/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters