logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 06

"Oo naman, after all mag kaibigan na tayo."
"Oo naman, after all mag kaibigan na tayo."
"Oo naman, after all mag kaibigan na tayo."
"Oo naman, after all mag kaibigan na tayo."
Paulit ulit nag r-replay sa utak ko 'ung sinagot ko kagabi kay Nickholas, napabuntong hininga nalang ako.
"Hija kanina mo pa hawak 'ung talong! Pinisil pisil mo na, bibilhin mo ba?"
Napatingin ako agad sa tindera, oo nga pala nasa palengke ako para bumili ng mga sangkap sa lulutuin ko.
"Pasensya po.. Sige manang pabili po ako ng tatlong piraso." Sabi ko kay manang tindera.
"Ito na hija, sa susunod wag puro tunganga ah baka kung ano na mapisil mo." Napatango nalang ako sa paalala ni manang, siguro naman ibig sabihin niya sa sinabi niya ehh pagkain ano ho.
Nag lalakad na ako pauwi ng bahay ng makasalubong ko si Lola Grace isa sa kapit bahay ko.
"Nako saan kaba galing Celine?" Tanong niya sa akin nginitian ko si Lola Grace.
"Galing ho ako ng palengke, namili ho ako ng mga sangkap." Sagot ko sa kaniya at pinakita ang dala-dala kong plastic bag.
"Ganun ba kanina pa kasing may nakaparada na magarbong sasakyan sa tapat ng bahay mo."
Magarbong sasakyan?
"Ho?" Tumango naman si Lola Grace.
"Oo at bumaba sa magarbong sasakyan ang napaka kisig na binata. Nobyo mo ba siya hija?" Nagulat naman ako sa tanong ni Lola Grace, tinaas ko ang isang kamay ko at iniling ito.
"Nako ho Lola, wala pa po akong nobyo baka isa lang po siya sa mga kaibigan ko." Pag papaliwanag ko narinig ko namang natawa si Lola Grace sa sinabi ko. Bigla niya ako hinampas nang mahina sa balikat.
"Nako hija kung minsan sa pag kakaibigan nag uumpisa ang isang pag iibigan. At sa palagay ko ikaw at ang makisig na binata na 'yon ay bagay para sa isa't isa." Natahimik naman ako sa sinabi ni Lola grace.
"Osya una na ako ah. Bibili pa pala ako ng tinapay."Paalam ni Lola grace bago siya lumakad paalis kinindatan niya muna ako. Agad ko binilisan ang pag lalakad ko para makarating agad ako sa bahay. Pag kadating ko nasilayan ko ang isang bmw na sasakyan. Tinignan ko ang lalakeng nakatalikod na nakasuot ng gray sweatpants at white hoodie, agad naman ako napatingin sa paanan niya he's wearing a white crocs bayaband clog sandals. Nagulat naman ako kasi bigla siya humarap sa 'kin.
"Celine." Agad naman ako lumapit kung saan siya nakatayo.
"Nickholas anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya .
"I texted and called you, pero hindi ka nasagot." Napahawak agad ako sa bulsa ko.
"Nako naiwan ko ata sa loob 'ung phone ko." Sabi ko sa kaniya.
"Bakit ka nga na padpad dito?" Napakamot naman siya agad sa ulo niya.
"Hindi kapa kasi nag sasabi kung kelan tayo mag sisimula sa study session. Weekend naman I don't have things to do o dapat puntahan kaya naisip ko na ilaan na lang 'ung oras sa pag aaral kasama ka." Paliwanag niya, paano ba naman ako mag lalakas ng loob bigyan siya ng message o tawag after ng sinabi ko kagabi.
"Ganun ba, buti naalala mo pa 'ung daan dito." Sabi ko sa kaniya.
"Yes a bit.. Pero nag tanong rin ako kay Xian. To make sure na hindi ako kakatok sa maling pinto." Sabi niya, tumango nalang ako at pumunta sa tapat ng pintuan para buksan ito. Pag kapasok ko inaya ko siya sa loob ng bahay.
"Pa nakauwi na po ako." Sigaw ko at agad dumiretso sa kusina para ilapag sa lamesa ang mga dala ko bago ako bumalik sa sala kinuha ko muna ang phone ko sa ibabaw ng refrigerator.
"Naka 5 messages and 3 missed calls siya?" Ano ba akala niya sa akin nawawala? Nakita ko namang nag message rin sa akin si Xian.
From: Xianna G.
Nickholas is on the way. Thank me later <3
Napakamot nalang ako sa ulo ko, kelan pa gumaya kay Tasha 'to na maging cupid. Pag balik ko sa sala nakita kong nakatayo lang si Nickholas sa gilid nang pinto.
"Anong tinatayo mo dyan? Feel free umupo." Sabi ko sa kaniya at tinuro ang sofa.
"Inaantay ko kasi na bumaba ang papa mo, baka sabihin feel at home ako. Natatakot ako ih."
Natawa naman ako agad sa narinig ko pero agad ko naman napigilan 'to.
"Nako matatakot ka talaga pag bumaba si Papa sa hagdan." Sabi ko sa kaniya, napansin ko na agad nag bago ang expression ng mukha niya.
"Dahil multo makikita mo." Bigla naman siya napatingin sa akin.
"Pero sumigaw ka pag pasok."
"Nakasanayan ko na kasi nang nabubuhay pa si papa." Napayuko naman siya sa narinig niya.
"Wag ka nga malungkot dyan umupo kana." Sabi ko sa kaniya agad naman siya sumunod sa sinabi ko.
"I'm sorry to hear that Celine." Pag papasenysa niya.
"It's okay Nickholas ." parang nag iba ang ambience dito sa bahay kaya may naisip ako para mapagaan.
"Tulungan mo ako mag luto. Natural nandirito kana samahan mo na ako mag lunch, tapos pwede na tayo mag start sa pag aaral after." Bigla naman gumihit sa labi niya ang magandang ngiti at tumango sa inalok ko.
Nasa kusina kami ngayon at nag hihiwa.
"Marunong ka ba? Ingat ah baka masagutan ka." Paalala ko sa kaniya.
"Don't worry kaya ko 'to mahilig din ako mag luto. Mag isa lang ako sa condo ko, kaya sanay ako kumilos nang sarili ko." Sabi niya, napaisip din naman kasi ako na anak mayaman siya at baka mamaya mas gusto niya na pinag sisilbihan siya.
"Kaya ba... You're doing some part time jobs, because of what happened to your dad?" Napatingin naman ako sa sinabi niya, nginitian ko siya at tumango.
"Papa passed away during my third year in college, before that happen na settle niya na ang future ko. He made sure na wala na akong aalahanin sa pag-aaral ko, pinamana niya rin sa 'kin ang bahay na 'to." Nakita ko namang nakikinig lang si Nickholas sa sinasabi ko. Siguro nga gusto niya talaga ako makilala. "Papa was Architect kaya nagawa niyang ma provide ang lahat ng pangangailangan ko. He's the main reason kung bakit gusto ko maging Architect."
"If he managed to provide all your needs, bakit kailangan mo pa mag trabaho?" I looked at him.
"Papa thought me that, if you want something work and earn for it. That's why hindi ko ginagalaw ang pera na inipon niya para sa akin. Gusto 'ko na ako ang makapag provide ng pang araw-araw na pangangailangan ko." Paliwanag ko sa kaniya.
"You're really something aren't you." Sabi ni Nickholas napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Tama na chika luto muna." Agad naman siya sumunod sa akin.
After a few minutes nakaluto na kami at nasa lamesa na kami at kumakain.
"Ngayon lang ulit ako naka kain ng sinigang." Napatingin naman ako sa kaniya.
"Natutunan mo na lutuiin, pwede ka na mag luto niyan kung kelan mo gusto." Sabi ko sa kaniya.
After namin kumain tinulungan niya din ako mag linis sa kusina. Nasa sala kami ngayon at nag aaral, ready siya para sa study session dala niya mga gamit niya ih. Habang nag aaral ako naramdaman ko na nakatingin siya sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala... Napa isip lang ako kung kailangan mo ba talaga ako." Napakunot naman noo ko sa sinabi niya, umayos ako ng upo at humarap sa kaniya.
"Bakit ka naman ganyan mag salita." Sabi ko sa kaniya. Tinuro naman niya 'ung mga drawing ko.
"Cause you perfectly done this drawing." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Well... Thank you sa compliment. Pero there's always a room for improvement diba. Hindi naman sa lahat ng pag kakataon perfect 'ung gawa ko - - -" Bigla akong natahimik kasi nakatitig siya sa akin.
"Nickholas." Tawag ko sa kaniya bigla naman siya napabalik sa ulirat niya.
"Can't help to zone out, you're glowing kasi." Nagulat ako sa sinabi niya. Nagtama ang tingin namin at sabay kaming napatawa.
"Oo nga pala I forgot to ask earlier, where's your mom?"
Natahimik ako sa tinanong niya. Hindi ko kasing ugali na kwento sa iba ang tungkol sa mama ko. Aside kina Xian.
"Wala na siya." Sagot ko sa tanong niya.
"Did she died too?" Napatingin naman ako sa kaniya at umiling.
"Nope... What I mean is my mom abandoned us when I was 10 years old."
"Celine."
Nginitian ko si Nickholas sign that saying it's fine.
"When I was young we still have the wealth, but when Papa's career went off the track also the downfall of our family. Iniwan kami ni mama para sa ibang lalake at pera. Si Papa ang tumayong ama at ina sa akin simula nang kaming dalawa nalang, walang space kay papa ang pagod at sakit cause he really full out everything para sa akin. While mama I don't know maybe living her best life. " Despite of sharing my story about mom I still managed to smile. "Iniwan man ako ni mama, may dumating naman na mga taong masaya na maging parte ng buhay ko." Biglang tumayo si Nickholas sa upuan niya at agad akong niyakap. "Nickholas."
Naramdaman ko na lalong humigpit ang pag yakap niya sa akin. He's hugging me the whole time.
I feel safe in his arms, this time I'm proud of my self kasi handa na akong mag kwento sa iba na hindi umiiyak tungkol dito.
"Ramdam ko na mahirap para sayo mag sabi about dito kaya, thank you Celine for sharing this piece of yourself with me."
Napangiti nalang ako sa sinabi niya and we stayed in that position.
^^.
●●●●●●

Book Comment (87)

  • avatar
    Obralheii

    A Nice and a must read story! you should try this! kudos kay author! 💜

    16/06/2022

      3
  • avatar
    Renalyn G. Gicale

    An amazing story indeed! must read!😍

    10/06/2022

      3
  • avatar
    AndersonLolah

    I like this story. Celine's squad is way out of the roof.. hope I have squad like hers, pwede ba akin nalang si Holden? haha 5 Star 🌟🌟🌟🌟🌟 Highly recommended 💖

    02/03/2022

      5
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters